You are on page 1of 6

"Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng ka- salukuyan sa

nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating na may lakas at talino. "
-Estelita C. Apuntan

Ang rehiyon II ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa hilagang-silangang Luzon, sa pagitan ng


kabundukang Cordilleras at ng Sierra Madre. Binabagtas ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa
bansa, ang gitna ng rehiyon at dumadaloy patungong Kipot ng Luzon sa hilaga.
Ang Lambak ng Cagayan – ay matatagpuan sa pagitan ng bulubundukin ng Sierra Madre at
Cordillera Sentral sa Hilagang-Silangang Luzon.

Mga Lalawigan at Kabisera:


· Batanes – Basco
· Cagayan – Tuguegarao
· Isabela – Ilagan
· Nueva Vizcaya – bayombong
· Quirino – Cabarroguis
Mga halimbawa ng ilog na matatagpuan sa rehiyon:
Cagayan River – Pinagkukunang tubig para sa irigasyon. Pinakamahabang ilog sa Pilipinas
Chico River
Magat River
Pinacanauan River

Halos lahat ng mga lugar sa Cagayan Valley ay napalilibutan ng bulubundukin na katatagpuan ng mga
kagubatan.

Mga Katutubo sa Rehiyon II:


Ivatan sa Batanes
Gaddang at Ibanag sa Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya
Dumagat
Isneg
Ita
Igorot
Mga punung-kahoy na matatagpuan sa bulubundukin ng rehiyon
Benguet Tree
Narra Tree
Ipil-ipil
Teak
Mahogany

Ang Cagayan Valley –ay biniyayayaan ng lupang alluvial o lupaing nadeposituhan ng putik at buhangin
dulot ng umaagos na ilog, sapa at iba pa. Maganda pagtaniman ng tabako, palay, mais, gulay at prutas,
kape, cacao, sibuyas, halamang-ugat, tabla, rattan, at kawayan.

Likas na Yaman Mineral ng Rehiyon


Bakal
Pilak
Ginto
Limestone
manganese
Graba
bato

Pagsasaka pa rin ang karaniwang hanapbuhay sa Region II. Pangunahing produkto rito ang palay, mais,
at tabako. Masiglang industriya rin rito ang pagtrotroso, paglililok ng kahoy, at paggawa ng mga
produktong yari sa yantok, paghahabi, paggawa ng asin, alak at suka.

Mga Produkto ng Rehiyon


tabako
palay
mais
gulay at prutas
kape
cacao
sibuyas
halamang-ugat
table
rattan
kawayan

Mga Anyo ng Literatura sa Rehiyon II


Epiko
Salomon
Pasion
Verzo
Awit
Bugtong

EPIKO
Ang literatura ng Ibanag, tulad ng iba pang literatura sa ibang rehiyon ay nagpapakita ng mga
nararamdaman ng mga Cagayanos. Marahil ito ay tuwa, kalungkutan, pag-asa, takot, pagmamahal o di
kaya'y hinanakit, ito ay napagpasapasahan na nang isang henerasyon tungo sa isa. Ang isa sa pinaka
tanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at Malana o "Biuag anni Malana" sa lokal na
dayalekto. Ang epiko ay sinimulang isulat sa mga 'bark' ng mga puno at mga bamboo at kinakanta sa
mga importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon pagkatapos ng mga mahahabang giyera at iba
pa at dahil dito ay napagpasa pasahan na ito, henerasyon sa henerasyon.

SALOMON
Ito ay isang epikong inaawit kasabay ng “cinco-cinco” o instrumentong may limang kuwerdas
tuwing Pasko sa harap ng altar. Ito ay kasama sa salu-salo kung saan may alak, kape, tsokolate, at iba pa.
Ang nilalaman nito ay tungkol sa pagkakabuo, pagkapanganak, at buhay ni Jesu Kristo. Sa isang bahagi
nang epikong kanta ay makikita ang mga linyang ito:
Anni i ibini wagi?
(What are you sowing, brother?)

Said the farmer: Batu i paddag gunak ku ibini.


(I am sowing pebbles.)

Said Mary: Batu nga imulam, batu nga emmu gataban.


(Pebbles that you sow, pebbles that you reap.)

VERZO
Ang verzo ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay isang awit na may apat na linya at
tugma. Karaniwang ginagawa o nililikha ng versista ang verso sa mismong okasyon tulad ng kasal at
binyag. Ang verso ay karaniwan ding nagtuturo ng moralidad. Ilang mga halimbawa nito ay ang “ ossse-
osse” at “kilingkingan.”

Mga Halimbawa:

Arri ka mavurung ta
Kabaddi ku lalung, kuak
Ku mamayappak, kannak
Ku utun, gukak.

(Worry not my being a small cock,


For when i fly to attack)

.
AWIT
Ang mga awit ay mga kantang para sa pag-ibig at madalas ang mensaheng dinadala nito ay
pangako, pagtatapat, paninigurado, mga pagtuturo at pag-alalay na maibibigay.

Ang paglawig ng mga kantang galing sa mga Ibanag at ang kumakanta nito ay umabot sa
pinakamataas nitong antas noong panahon kung saan ang mga lalaki o "babbagitolay" ay nanghaharana
sa mga babae o "magingnganay" na natitipuhan nila.

Subalit, noong panahon ng malawak na opresyon o Martial Law ay kakaunti na lamang ang
tumatangkilik sa mga awit dahil sa dalawampung taon na pamumuno ng lumang rehimen kung saan ang
kalayaan nang mga mamamayan ay may limitasyon.

Halimbawa:

PAGAYAYA

Pagayaya ay a metallugaring
I pattaradde tam ngamin,
Pagayaya I palu paggia
Pangawanan ta zigariga,
Pare nakuan tu yao nga gayam,
Makeyawa tam mulamuagang
Kegafuanan na kapawan
Na ziga nganufulotan.
(REJOICING )

Happiness is the end


Of our being together
Happiness is the well-being
And elimination of suffering.
May it be that this occasion,
Bring us satisfaction
Which will make us forget
Our hatred and suffering.)

SALAWIKAIN
Ang mga salawikaing Ibanag o "unoni" sa lokal na dayalekto ay pwedeng isang prosa o maaari rin
itong tula. Ito ay paturo at kinapupulutan ng aral.

Mga Halimbawa:

Mamatugu ka ta gayan nga manututtu ta matam.


(You rear a crow that pecks your eyes.)

Awan tu umune ta uton ng ari umuluk ta davvun.


(Nobody goes up who does not come down)

BUGTONG

Ang "palavvun" o bugtong ay ginagamit nang mga Ibanag bilang isang anyong pang-kasiyahan o
kung sa ibang kaso, maaari rin itong isang anyo ng tagisan ng talino. Ito ay itinuturing na pang-relaks
kung pagod

You might also like