You are on page 1of 8

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

(CAR)

 Ang Cordillera ay nagsasariling rehiyon. Ito ay bulubundukin at binubuo ng mga lalawigang Abra, Apayao,
Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mt. Province. Sa bisa ng RA 6766 na naging batas noong Oktubre 23, 1988,
ang CAR ay nabuo at ngayo’y nagsasarili na. Ito ang sentro ng kulturang lfugao.

 Ang hilagang bahagi ng Luzon ang bumubuo sa Rehiyon na sumasakop sa mga lalawigang nasa mahabang
kabundukan ng Cordillera.

 Dito matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa Luzon, pangalawa sa Mt. Apo. May mapunong talampas
at matabang lupain.

 Ang kanlurang bahagi naman ay sumasakop sa Abra, lfugao, at Benguet. Ang klima dito ay tag-init mula
Nobyembre hanggang Abril at tagulan,mula Mayo hanggang Oktubre.

 Ang silangang bahagi ay sumasakop sa Kalinga at Apayao. Di tiyak ang panahon. Maaaring tag-init mula
Nobyembre hanggang Abril at basa ang iba pang mga buwan.

 Ang mga lalawigang bulubundukin ay karaniwang tagtuyot ngunit may malakas na pag-ulan mula buwan ng
Nobyembre hanggang Enero.

 Ang rehiyong ito ay nagkakaroon din ng malamig na klima. May antas na 23°C ang katamtamang
temperatura.

 Kakulangan sa taniman ang nagbunsod upang gawin ang Hagdan- hagdang Palayan sa Banawe (Banawe
Rice Terraces).

 Pagmimina ang pangunahing yaman ng rehiyong 'ito ginto, bakal, "limestone', tanso at pilak.

 Ang pagtotroso ay kabilang din sa kanilang kalakal, kagamitang kahoy (woodcraft) at pagtatanim ng tabako
ay pinagkakakitaan din nila.

KASAYSAYAN NG CORDILLERA

Noong 18 Hunyo 1966, naisabatas ang Republic Act No. 4695 na naghahati sa Mountain Province sa apat na
magkakahiwalay na mga lalawigan, ang Benguet, Mountain Province, Ifugao at Kalinga-Apayao.

Bago nabuo ang ang Rehiyon Pampangasiwaan ng Cordillera, ang apat na lalawigan, ang Benguet, Mountain
Province, Ifugao at Kalinga-Apayao ay bahagi ng Lambak ng Cagayan, samantalang ang Abra ay nakapangkat
sa Ilocos.

Noong 15 Hulyo 1987, iniutos ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Executive Order No. 220 na lilikha sa Rehiyong
Pampangasiwaan ng Cordillera, na kinabibilangan ng Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga-Apayao at
isinama ang lalawigan ng Abra bilang bahagi nito.

Noong 14 Pebrero 1995, ang lalawigan ng Kalinga-Apayao, isa sa limang lalawigan ng rehiyon ay hinati sa dalawang
magkahiwalay na lalawigan, ang Apayao at Kalinga.

LENGGWAHENG GINAGAMIT NG MGA TAGA CORDILLERA

1. Ilokano 5. Itneg

2. Kalinga 6. Isneg

3. Kankana-ey 7. Pangasinense

4. Ifugao
RELIHIYON SA REHIYON CAR

Relihiyon Populasyon

Roman Catholic 65.75%

Evangelicals 8.85%

Church of Christ 2.86%

Iba pang relihiyon 22.31%

MAHAHALAGANG TALA TUNGKOL SA MGA LALAWIGANG BUMUBUO SA REHIYON

ABRA

 Naging isang nagsasariling lalawigan ang Abra noong 1917 sa bisa ng isang Congressional Act.
 Ang Abra ay isa sa pinakamatatandang bayan na itinatag ng mga misyonerong Agustino.
 Naging kanugnog na lalawigan ng Ilocos Sur noong 1902 nang mahati ang rehiyon ng Ilocos.
 Sa lugar na ito naitala ang huling pakikibaka ni Gabriela Silang.
 Ang mga naninirahan sa pook na ito ay karamihang Ilokano bagamat may nagsasalita rin ng Itneg at
Tingguian.
 Ang Abra ay matatagpuan sa hilagang sentral ng Luzon. Ito ay nagtataglay ng lupaing may lawak na
humugit-kumulang sa 3,976 kilometrong parisukat at ang kabisera ay Bangued.
 Binubuo ito ng dalawampu't pitong (27) bayan at 303 barangay at may populasyong humigit-kumulang sa
213,154.
 Sa Abra matatagapuan ang Old Roman Catholic Churches, Gabriela silang Monument, Casa Real, Pinaing,
(Sacred Stones), Don Teodoro Brillantes Earmily Museum, Ilog ng Abra, Boleney Hot Spring, Casamta
National Park, Consoliman Springs, Maparo Hot Springs, Libtec Underground River, Kimkimay Lake, Limbo
Lake, Subud-Subud Cave at Damarudor Falls.

APAYAO

 Ang Apayao ay nagtataglay ng lupaing may sukat na humigit-kumulang na 4,083 kilometrong parisukat.
 Ang kabisera nito ay Cabugao. Binubuo ito ng pitong (7) bayan at isang daan at tatlumpu't isang (131)
barangay na pinaninirahan ng mga mamamayang nagsasalita ng wikang Isneg.
 Napaliligiran ito ng Mt. Province sa hilaga, ng Abra sa kanluran at ng Cagayan sa Silangan.
 Ito ay may populasyong humigit-kumulang sa 154,145. Pagmimina at pagsasaka ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga taga-Apayao.
 Karaniwang ani nila ay mais, palay at kape na iniluluwas nila sa mga kanugnog na lalawigan at bayan.
 Ang mga mamamayang Apayao ay gumagamit ng apat na wikain Tingguian, Ilokano, Ibanag at wikang
kasintunog ng sa Kalinga.
 Ang mga Isneg ay mga "animista" o yaong mga naniniwala sa mga ispiritu.
 Sila ay di naniniwala sa isang nilalang na makapangyarihan subalit sila'y nananalig na may mabuti at
masamang ispiritu.
 Sila ay may babaing pari (priestess) na siyang nagsasagawa ng mga ritwal tulad ng "sayam" at "pilday"
pagkatapos ng isang matagumpay na pamumugot ng ulo.
 Ipinagmamalaki nila ang Agamatan National Park at Wild Life Sanctuary at ang Apayao River.

BENGUET

 Trinidad ang kabisera ng Benguet. Binubuo ng labing-apat (14) na bayan at may humigit-kumulang sa
2,655.4 kilometrong parisukat ang Benguet.
 Ito ay napaliligiran ng mga lalawigang Pangasinan sa timog, Ifugao at Nueva Vizcaya sa silangan at sa
hilaga ay Mt. Province at sa kanluran ay La Union at Ilocos Sur.
 Ang Benguet ay pinaninirahan ng tatlong uri ng tribo Ibaloy, Kankan-ey at Kalnguya.
 Sa Silangan ang mga Kankan-ey na nagsasalita ng Kalkali, isang wikang ang mga lbaloy ay matatagpuan
sa Timog-Silangan at nagsasalita ng nabaloy na hawig sa wikang Pangasinense.
 Matatagpuan naman sa Hilagang- nakakatulad ng Bontok na pamilyar sa katabing lalawigan ng Ilocos.
 Ang mga tribong ito ay halos nagkakatulad ng kultura sa paniniwala at mga ritwal bilang patnubay nila sa
pang-araw-araw na pamumuhay.
 At gayundin tmga di nakikitang ispiritu na siyang namamarusa kung hindi nasisiyanan sa mga ito.
 Ang mga atraksyon ng lalawigang ito ay Batangan Airstrip, KaliwagaCave, Mt. Kabunian. Timbac Cave,
Opdao Cave, Mt. Sto. Tomas. Colorado Falls, Bridal Veil Falls, Tuel Hot Spring, at Bengoaga Cave at
marami pang iba.

RITWAL AT PISTA SA BENGUET

 KORDEY- Ritwal na ginagawa upang maging mayaman at mataba ang lupa. Ito ay ginagawa sa
panahon ng pagbubuntis ng palay sa pagtaas ng buwan
 TOHUNGAS- Ito ay isang seremonya ng paghihiganti sa mga di nakikitang kaaway (ghost
enemies)

IFUGAO

 Ang kabisera ng lalawigan ng Ifugao ay Lagawe. Ito ay matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng gitnang
Cordillera sa hilagang Luzon na may taas na mula 1,000 1,500 metro.
 Ang lupaing sinasakop nito ay may lawak na humigit-kumulang na 2,517 kilometrong parisukat at binubuo
ng sampung bayan na kinabibilangan ng Banawe, Hungduan, Kiangan, Lagawe, :Lamut, Mayaoyao
(Mayoyao), Potra, Aguinaldo, Hingyan, at Tinoc.
 May isang daan at limampu't apat na barangay ang ifugao.
 Ang mga bahay ng mga lfugao ay yari sa kahoy at korteng pyramid na sinusuportahan ng apat na haligi. lto
ay may hagdan na ugali na nilang itaas kung gabi.
 Paghahabi, paggawa ng mga basket, pag-ukit ng mg kahoy (woodcrafts), paggawa ng mga palayok at
paggawa ng alak ang kanilang pinagkakakitaan.
 Nagtatanim din sila ng palay. Ito ay pinatutunayan ng kanilang Hagdan-Hagdang Palayan (Rice Terraces).
Marunong din silang manghuli ng isda baboy-ramo
 Ang mga Ifugao ay kumikilala sa iisang Diyos na ayon sa kanila ay Diyos ng mga Diyos -si Kabunian.
 Sa ilalim ng kanyang kapangyarihan ay may iba't ibang Diyos na may kanya-kanyang kapangyarihan. Sila
ay may ritwal na kung tawagin ay "Cañao".
 Ito ay isinasagawa bilang parangal sa pagsilang ng isang sanggol. Nakapaloob din sa ritwal na ito ang'
pagtawag sa Diyos na gustong makausap.
 Pagsamo rin ito sa mga ispiritu na ipinagkaloob sa kanila ang kanilang mga kahilingan.
 May mga ritwal din sila para sa mga kasalan, pagpapagaling ng mg Sa pagdaraos ng Cafñao ay
inaanyayahan ang buong kanayunan, may sakit at sa pagtatanim.
 Naghahain sila ng mga pagkain at inuming "tapey at may sayawan. Ang mga Ifugao ay marunong ding
manghula sa pamamagitan ng mga bituin,buwan at bulalakaw o buntala.
 Nahuhulaan nila sa pamamagitan ng mga nabanggit kung may maganda o masamang ani.
 May maganda silang ugali sa pagtanggap ng mga panauhin. Pinatutuloy nila at pinakakain ang panauhin sa
kanilang bahay.
 Ang lalawigan ng Ifugao ay may maipagmamalaking iba't ibang tanawin tulad ng Million Dollar Hills, National
Museum (Kiangan), Philippine War Memorial Shrine (Kiangan), Taman Village, Bintakan Cave (Lagawe),
Nah-Toban Cave (Lagawe), Ambuwaya Lake (Kiangan), Ducligan Hot Spring, Tubukan Sulphur Hot (Tinoc),
Guihob Natural Swimmong Pool (Banawe), Toppiya Water Falls (Banawe), Buyukan Water Falls
(Hungduan), at Alun Hot Spring.
KALINGA

 Ang Kalinga ay isa pa sa mga lalawigan ng CAR. Ang kabisera nito ay Tabuk. Ang Kalinga ay napaliligiran
ng Abra at Ilocos Norte sa kanluran., Mt. Province sa Timog at Cagayan sa silangan.
 Ang pangalang Kalinga ng lalawigan ay pinaniniwalaáng nagbuhat sä Ibanag at Gaddang Kalinga na ang
ibig sabihin ay mamumugot ng ulo. (headhunters).
 Sa panahon noon, ang pamumugot ng ulo para sa kanila ay itnuturing na isang gawaing kagalang-galang.
 Sa pagpugot ng ulo ay ginagantimpalaan sila ng kalayaan sa pagpapalagay ng tato na labis na
hinahangaan ng mga kababaihan.
 Ang lalawigan ng Kalinga ay binubuo ng walong bayan at isang daan at limampung barangay.
 Ang mga Kalinga ay gumagamit ng mga wikang Guinaang, Lubuagen, Pinukpuk, Tabuk, Tinglayan,
Tanudan.
 Ang mga Kalinga ay may tinatawag na "gabbuk". Ito ay ang pagbibinyag sa anak na panganay na babae
man o lalaki.
 Ang "gabbuk" ayon sa kanila ay pormal na pagpapakilala sa unang anak sa mga ispiritung naninirahan sa
mga ilog, bundok at mga bato. Ang pagdiriwang na ito ay dinadaluhan ng buong tribo.
 Naghahanda ng mga kalkanin at nagkakatay ng baboy upang ayon sa matatanda sa tribu, ay magkaroon ng
masayang pamumuhay ang bata.
 Ang lalawigan ay mayaman sa ginto at mga mineral.
 Ang klima sa Kalinga ay magkakaiba.
 Sa Hilaga ay nakararanas ng maulang panahon.
 Sa Timog naman ay sagana sa mga hanging kanluran kayat ito ay higit na maulan.
 Tulad ng ibang katutubong naninirahan sa kabundukan, ang mga Kalinga ay may mga ritwal din tulad ng
isang nabanggit sa unahan.
 May mga magagandang tanawin din at atraksiyon ang lalawigan. Ang Ilan sa mga ito ay ang Balbalasang
National Park and Reservation, Uguid, Suterrenean River, Sleeping Beauty Mountain, Elephant
Hill/Aguinaldo Hill, Agamatan National Park and wild Life Sanctuary at Sumadel Rice Terraces.

MOUNTAIN PROVINCE

 Ang Mountain Province o Bulubunduking Lalawigan ay napaliligiran ng Kalinga-Apayao sa hilaga, sa timog


ay Ifugao, Ilocos Sur sa Kanluran at sa Silangan ay lalawigan ng Isabela.
 Ang Mt. Province ay nagtataglay ng sukat na humigit-kumulang sa 2,097 kilometrong parisukat at binubuo
ng sampung (10) bayan at isang daan apatnapu't apat (144) na barangay.
 Naging lalawigan ito noong 1908. Noon ito ay binubuo ng pitong kaugnay na lalawigan Benguet, Bontoc,
Ifugao, Lepanto, Amburayan, Kalinga at Apayao.
 Noong 1918 ay naging anim (6) na lamang at noong 1935 ay naging lima (5). Sa bisa ng Division Law of the
Republic Act No. 4695 noong Hunyo 18, 1966 ay inihiwalay ang Benguet, Ifugao, Mountain Province at
Kalinga-Apayao bilang mga lalawigan.
 Ang mga katutubo sa mga lalawigang ito ay nagsasalita ng Kankan-ey, Ilokano, Bontoc, Gaddang, at
Kalinga.
 Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga taga-Mt. Province, bukod pa sa pagmimina, paglilok, at paggawa ng
mga palayok.
 May malamig na klima ang Mt. Province lalo na kung buwan ng Disyembre at Enero.
 Malimit dalawin ng bagyo ang lugar na ito.
 Ang mga maipagmamalaking atraksiyon ng Mt. Province ay ang Bontoc Village Museum, Rial Memorial
Park, Sagada Weaving, Sabangan Loom Weaving, Samoko Weaving House, Mount Data, Matangkib Cave,
Sugong Cave, Burial Caves of Luniang, Marcos Cave, Lake Danum, Mount Ampucao, Basao, Bugnay
Village at Bay-yo.
LITERATURA NG CORDILLERA

 Ang malaking lupain ng Cordillera ay matatagpuan sa hilaga ng mga lalawigan ng Pangasinan at Nueva
Ecija.

 Ang malaking bahagi nito ay hanay ng mga bundok na sa kabuuan kung mamalasin sa itaas ay hugis U.

 Sa kaliwang bahagi ay matatagpuan ang tinatawag na "Gran Cordillera" na ang kahabaan ay nagmumula sa
hilagang bahagi ng Pangasinan at bumabagtas sa mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, Mt. Province
(Bontok), Abra at Kalinga Apayao.

 Sa kanan naman ay ang kabundukan ng Sierra Madre na umaabot sa hilagang-silangang dulo ng lalawigan
ng Cagayan.

 Sa bandang ibaba naman nito ay bulubundukin ng Caraballo na ang kahabaan naman ay mula hilagang-
silangan ng Pangasinan hanggang dulong hilaga ng lalawigan ng Quezon.

 Ipinakikita ng paglalarawang ito na ang kanilang kultura ay malit lamang na bahagi ng kultura ng mga
naninirahan sa kabundukan ng hilagang Luzon, samakatuwid ay hindi lubusang nabibilang sa kultura ng
mga nasa kabundukan nito.

 Sa kabundukan ng Caraballo matatagpuan ang mga Isinay at mga llongot.

 Sa kabundukan ng Sierra Madre ay matatagpuan naman ang mga Gaddang, Yogad at Ibanag. Ang mga
Dumagat naman ay nasa dulong timog ng kabundukan ng Sierra Madre.

 Isang maling paniniwala ng mga naninirahan sa kapatagan na ang mga lgorot sa Cordillera ay may isang uri
ng kultura.

 Ang totoo, ang mga naninirahan sa Cordillera ay iba-ibang uri ng tao na ang dahilan ay hindi sila nasama sa
pananakop ng mga Kastila nang may tatlong daang taong mahigit.

 Kung susuriin at pag-aaralan ang mga taong ito, mababatid na sila ay may iba't ibang pamayanang etniko
na may namumukod na kultura na nakikita at nakikilala sa pamamagitan ng kanilang wikang ginagamit.

 Mula sa hilaga ay ang Apayao, Tinggian, kalinga, Bontok, Kankanaey, Ifugao at Ibaloy.

 Hindi kasama rito ang isang uri na nasasakop ng Cordillera subalit may mababang uri ng kultura ang
matatagpuan sa mga gulod ng bahaging kanluran ng Cordillera.

 Ang mga ito ay tinatawag na Bag-o at itinuturing na kasama sa pamahalaan ng mga lalawigan ng Ilocos.

 Ang tiyak na kinaroroonan nila ay mga baybayin ng mga ilog at mga lambak (valleys) ng Bakun at Ilog ng
Amburayan sa Timog llocos Sur at Hilagang La Union.

 Gumagamit sila ng wikang lloko na nahaluan na ng wikang Kankaney na siyang ikinaiiba nila sa mga
talagang llokano na nagsasabing nahihirapan nilang unawain ang pananalitang Bag-o.

 Dahil sa iba't ibang kultura mayroon ang mga naninirahan sa Cordillera iba-iba rin ang uri ng kanilang
literatura. Karamihan sa mga literaturang matatagpuan sa rehiyon ay mga napagkaugalian nang pagbigkas
(oral lietrature Maraming literatura ang Cordillera- may mahahaba at may maiikli.

 Halimbawa ng mahahabang literatura nila ay ang "Hudhud ng Dinulawan", "Bugan at Gonhandan", at


"Kalinga Ulalim". Ang mga ito ay nasa anyo ng aklat. Mayroong mga mito at alamat.

Ang mga alamat na ibinigay bilang halimbawa sa aklat na ito ay yaong mga nasulat sa wikang Ingles. (Almanac 94-
96).
1. Myths: Acts of the Gods. Beginning of Man

2. The Bontoc Legend Of Lumawig

3. The Origin Of The Pine Tree

4. The Origin Of Bridal Veil Falls

5. Anno, The Mighty Hunter

MGA NAMUMUNO NGAYON (2019)

ABRA Maria Jocelyn Valera Bernos Governor

APAYAO Elias C. Bulut, Jr. LONE DISTRICT REPRESENTATIVE

BENGUET Nestor B. Fongwan LONE DISTRICT REPRESENTATIVE

IFUGAO Solomon R. Chungalao LONE DISTRICT REPRESENTATIVE

KALINGA Allen Jesse C. Mangaoang LONE DISTRICT REPRESENTATIVE

MT. PROVINCE Maximo Y. Dalog Jr. LONE DISTRICT REPRESENTATIVE

PROMINENT PERSONALITIES

Eric de guia- Film director. “The Father of Philippine Independent Cinema”


Gringo honasan- Retired Philippine Army officer who led unsuccessful coups d’etat against President Corazon
Aquino
Ingrid payaket- A singer. She was the third runner-up for Philippine Got Talent last 2010.
Kenny padalla- A singer. Contestant in the season two of Philippine Got Talent.
Rocco nacino- Famous actor and registered nurse. He already appeared in various dramas and movies.
Neri naig- A Filipina actress. Sixth runner up in Star Circle Quest.
Robert jaworski- Former Philippine senator, former basketball coach, and former basketball player.
Father Bienvenido Nebres- Filipino scientist, mathematician, and Jesuit who was the longest-serving University
President of ADMU.
Lamberto v. Avellana- Prominent Filipino film and stage director. Named by the Pres. Marcos as the very first
National Artist of the Philippines for film
Quintin paredes- Filipino lawyer, politician, and statesman. The 5th senate president of the country.

MGA PAARALAN NG MATATAGPUAN SA CORDILLERA

 Pines City College


 University of the Cordilleras
 Easter College
 AMA Computer University- Baguio Campus
 University of Baguio
 Baguio Central University
 University of the Philippines- Baguio
 Kalinga State University
 Mountain Province State University- tadian Campus
 Ifugao State University
 Abra Valley Colleges
 Divine Word College of Banguad

PANITIKAN NG CORDILLERA

CANAO

 lto ay isang tradisyon para sa mga ibaloi at kankana-ey sa benguet. Isang seremonyang mambunong ang
nag sasagawa. Isang ritual na nagpaparangal sa ispiritu ng kanilang mga ninuno.

2 URI NG CANAO

 Simpleng canao-ito ay ang pagkakatay ng baboy, panggawa ng tapey at pagluluto ng kamote,gabi at bigas
 Malaking canao-ito ay ang pag kakatay ng baboy,baka,kalabaw at kabayo. Ang baboy na may batik na itim
ay sagrao para sa kanila at ito ay tinatanggap ng mga ispiritu nagbibigay ng swerte at biyaya.

IBA'T IBANG URI NG CANAO

 Kape- isinasagawa kung may bagong tayong bahay pagkatapos ng ilang araw na pagkalibing ng yumaong
kamag-anak.
 Kayed- ito ang boluntaryoo sapilitang isinasagawa upang mapanatili ang pagiging puno sa barangay.
 Sabeng- isinasagawa ng bagong mag asawa ngunit kadalasan ay mayaman lamang ang nakakagawa nito
 Pechit- ito ay pinakamataas na uri ng Canao. May dalawang uri ito ang single at doble. Ito ay tumatagal ng
3-4 na araw.

EPIKO NG IPUGAW

Hudhud

 ito ay nagsasaad ng matandang kultura ng ipugaw, ang kanilang pamumuhay at pakikipagsapalaran ng mga
bayaning ipugaw nagsasaad ito ng kanilang kaugalian, tradisyon at mga paniniwala. Ang hudhud ay tungkol
sa pinaka dakilang bayani ng Gonhandan. Sa kabuuan nito ay tungkol sa buhay ni Aliguyon.

MGA BUGTONG NG ISNEG

 Makapal na bato sa Anayan. Ginawang palanuan ni kawitan (platito)


 Inahin may pumasok. Tatyaw ang lumabas (nganga)
 Gumawa ng bahay si tukay. Di gumamit ng rattan (gagamba)
 Nangaso si Duat walang nahuli anu man (suklay)
 Bangka ni Dalinag lubid ang laman (tiyaw)

MGA AWITING BAYAN

IGOROT

Chua-ay (Awit na pangkasal)


Lalaking matapang, lalaking malakas,

Ikaw'y siya naming tinatawagan.... Hoy!

Halika, halika't tinatawag ka.... Hoy!

Matapang lumaban, malakas gumawa,

Halika na rito, halika rito...... Hoy!

Magpasan ng bigas, dahil sa bayan... Hoy!

KALINGA

Papuri

Mga puno! Mga ama nitong lahi

Mga kawali! Supilin ang katunggali!

Pinupuri kayong lahat! Binabati!

TINGGIYAN

Bati

Bati ko'y magiliw, bati ko'y malambing

Ikaw'y parang araw, ikaw'y nagniningning

Maging iyo'y kapalaran, at pati kaligayahan

Magiliw na parang buwan, at parang gabing malamlam.

IFUGAO

Sa bundok

Mga kabunduka y aking inaakyat aking inaakyat

Baray ng palay'y kala-kaladkad.

Doon sa malayong timog at silangan'y

Naroon ang bundok ng ifugao

Doon sa ibayo ng burol at gubat

Ay bundok na banal ang namamanaag

Ano kaya yaong doo'y naghihintay

Sa malayong bundok ng mga ifugao.

You might also like