You are on page 1of 5

SHEAN JEREMY CORDOVA

Sa isang malayong nayon, may mag-asawang hindi nabiyayaan ng anak. Gayunpaman, masaya at
payapa ang kanilang pamumuhay. Dahil hindi nabiyayaan ng anak, ginugol nila ang kanilang panahon
sa paglilingkod sa simbahan at sa pagtatanim ng puno dahil ang kanilang lugar ay lagi nalang
binabaha tuwing umuulan kasi ang lugar na ito ay napapalibutan ng sapa.

Dahil sa kabutihan nila, kinalulugdan sila ng Diyos at mga tao. Paglipas ng maraming taon,
tumatanda ng tumatanda ang mag-asawa ngunit hindi ito naging hadlang upang patuloy nilang
paglingkuran ang diyos at ang mga kababayan nila. Ngunit humihina na ng humihina ang kanilang
katawan at nakakaramdam na sila ng ibat ibang mga sakit kaya batid na nila ang papalapit nilang
oras. Kaya naman pinalangin nila sa diyos na kahit sa kamatayan ay magkasama parin sila. Dahil sa
kinalulugdan sila ng diyos, pinagbigyan nito ang hiling ng mag-asawang magsama parin kahit sa
kamatayan. Kaya nang malapit na ang kanilang oras, nagpadala ang diyos ng maraming paru-paro at
pinalibutan nila ang mag- asawa. Nagpasalamat ang mag-asawa dahil dininig ng panginoon ang
kanilang kahilingan. Nang sumunod na mga araw, hindi na nasilayan ng mga tao ang mag-asawa sa
halip ay may isang matatag na puno ang tumubo sa tabi ng bahay ng mag-asawa kung saan lagi
silang nakikitang magkasama at nagkwekwentuhan. Ang punong ito ang nagpapaalala sa mga tao sa
mag-asawa dahil katulad ng kanilang pagmamahalan, ang ugat ng punong ito ang naging pundasyon
upang hindi kaagad matumba sa mga bagyo ng buhay. Katulad ng punong ito, madami itong
natulong sa mga tao. At higit sa lahat, ang mga sanga nito ay parang inaabot ang langit at
nagpapasalamat sa diyos sa mga biyayang natatanggap sa buhay. Kaya naman kapag nakakakita ang
mga kababayan nila ng puno, naaalala nila ang mag-asawang wagas na nagmamahalan hanggang sa
huli ng kanilang buhay
Botany
Dungon-late is a tree 5 to 15 meters or more in height. Bark is grayish, fissured, and scaly. Leaves are oblong-
ovate to elliptic-ovate, 10 to 20 centimeters long, the apex pointed or blunt, the base usually rounded, the upper
surface smooth and shining, the lower surface densely covered with small, round, pale or silvery-white scales.
Flowers are numerous, yellowish-greenish, bell-shaped, about 5 millimeters long, usually 5-toothed, borne on
hairy panicles 7 to 15 centimeters long. Fruit is hard and shining, woody, smooth, broadly boat-shaped, 4 to 8
centimeters long and keeled.

Distribution
- Along the seashore throughout the Philippines.
- Also occurs in India to tropical Africa and through Malaya to Polynesia.

Constituents
- Kernel contains 8.32% fat, nitrogenous substances 11.07%, MgO 6.29%, CaO 1.43%, P2O2 22.23%, SO3
8.04%, Cl 1.07%, Al2O3 2.68%, Mn 0.04%, Fe 0.41%.
- Seed contains tannin, fixed oil 7.38% with no caffeine.

Parts used
Seeds

Uses
Folkloric
- In the Moluccas, extract of seeds used for diarrhea and dysentery.
- In Vietnam, decoction of seeds used for diarrhea and dysentery.
Others
• Timber tree: Known in the Philippines as a timber tree – used for piling, posts, foundation, ties, paving blocks,
ship building, joists, rafters, hubs, spokes, handles for picks, axes and other tools.
• Bark tannin: Used for toughening fishets.
• Toothbrush: In Malaya, twigs used as
toothbrush.
• Fish poison: Sap used as fish poison.

Studies
• Anti-Inflammatory: (1) Compounds from
extracts of HL were investigated for NO
inhibitory effects using RAW2264.7
macrophage cells. Ergosterol peroxide
exhibited the highest activity against NO
release. The mechanism in transcriptional level
of ergosterol peroxide was dose-dependent
down regulation of mRNA expressions of iNOS
and COX-2. (2) Study support the use of H.
littoralis bark for the treatment of inflammatory-
related diseases. The effect may be mainly due
to inhibition of NO and PGE releases through
down reguation of iNOS and COX-2 mRNA
expressions.
• Antioxidant: In a study of ethanol extracts of
53 parts of 36 species of plants for antioxidant-
related activities, H littoralis (branches) was one of six plants that showed strong DPPH radical scavenging
activity.

Availability
Wild-crafted.
Alamat ng Bigas
Noong mga unang dako, ang bigas ay hindi nakikilala dito sa ating bayan. Ang karaniwang
kinakain n gating mga ninuno ay mga bungangkahoy, gulay isda at ang karne ng maiilap na
hayop na nahuhuli sa kagubatan na tulad ng usa, baboy ramo at mga ibon.
Umano ang mga ninuno natin noon ay hindi marunong magbungkal ng lupa at hindi rin sila
marunong mag-alaga ng mga hayop. Kapag sa tinatahanan nilang pook ay wala na rin mahuling
isda at mga hayop, sila ay lilipat lamang sa ibang pook na sagana sa kanilang mga kinakailangan
sa buhay.
Sa gayong uri ng pamumuhay ay maliligaya naman sila. Karaniwan nang ang mga lalaki ay
nagsisipangaso at ang mga babae nama’y nagsisipamitas ng mga bungang kahoy o kaya’y
nagsisipamana ng mga ibon. Bagama’t pangkat-pangkat sila sa paghanap ng kanilang
ikabubuhay, ang mahalaga’y ano mang pagkain ang makuha ng bawa’t pulutong ay
pinaghahatian ng lahat, isang kaugaliang mahirap nang masaksihan sa panahong ito
Minsan ay isang pulutong ng mga nagsisipangaso ang nakarating sa may libis ng isang
kabundukan dahil sa paghabol sa isang mailap na usa. Lubhang nahapo sila, kaya’t ibinaba ang
kanilang mga dala-dalahan at nagsipagpahingalay sa lilim ng isang malaking punongkahoy.
Walang anu-ano, mula sa gulod ng bundok ay may dumarating ng mga babaing ang anyo
ay hindi pangkaraniwan. Sila’y pawing magaganda at ang kanilang mga katawan ay nababalot ng
busilak na liwanag.
Kinabahan ang pulutong ng mga mangangaso nang makitang ang mga iyon ay lumapit sa
kanila. Dali-dali silang nagbangon ay nagbigay-galang sa mga bagong dating. Ang mga iyon pala
ay mga bathala ng kabundukang iyon. Ang mga mangangaso ay inanyayahan sa isang piging na
inihanda sa gulod ng bundok. Hindi naman sila nakatanggi sa anyayang iyon.
Doon nakita ng mga mangangaso kung paano kinakatay ang mga hayop at kung
papaanong ang pira-pirasong karne ng mga ito ay tinutubog at isinasalang sa apoy. Nakita din
nila ang mga utusan ng mga bathala ay may kinuhang mga biyang na kawayang hinango sa
nagliliyab na siga. Nang biyakin iyon ay may lamang mapuputing butyl ay pinagtumpuk-tumpok
sa mga dahon ng saging na nakalatag sa ibabaw ng isang hapag na kawayan.
Nang dumulog ang mga mangangaso sa hapag ay nagatubili sila sa pagkain.
- Hindi po kami kumakain ng uod – anang isang mangangaso.
Napatawa ang mga bathala at masayang nagturing;
- Ang mapuputingbutil na inyong nakikitang nangakatumpok sa dahon
Ay hindi uod. Iyan ay kanin o nilutong bigas, bunga iyan ng halamang damo na aming inalagaan
dito sa bundok.
Nang matikman ng mga mangangaso ang nilutong bigas ay lubos silang nasiyahan, kaya’t
ang nahuli nilang baboy-ramo ay ipinagkaloob nilang lahat sa mga bathala. Bilang ganti naman
ng mga bathala ay binigyan sila ng tigisang sakong puno ng mumunting butyl na kulay ginto.
- Iyan ay palay, - anang mga bathala, upang maging bigas iyan ay
Inyong bayuhin, at kung bigas na ay inyong lutuin sa mga biyas ng kawayan na gaya nang
makita ninyo rito. Ang ilang sako niyan ay inyong inyong binhiin at itanim sa binungkal na lupa
kung tag-ulan at maaari na ninyong anihin sa tag-araw. Sapagka’t alam naming ano man ang
makuha niyong pagkain ay inyong paghahatian. Ipamahagi ninyo iyan sa inyong mga kapok at
panatilihin ninyo ang inyong mabuting pagtitinginan.
Buong kasiyahang-loob na tinalima ng mga mangangaso ang tagubiling iyon ng mga
bathala; at mula noon ang bigas ay nakilala na ng ating mga ninuno, natuto silang magbungkal
ng lupa at mag-alaga ng mga hayop.
Ang Alamat ng Pine Tree o Puno ng Pino
Nakakita na ba kayo ng pine tree? Marami nito sa Bontoc at lugar ng mga Ifugao. Noong panahong hindi pa
ipinagbabawal ang pagputol nito, madalas na ginagawa itong Christmas tree.

Kay ganda niyang malasin, lalo na kapag napalamutihan na ng mga ilaw at pamaskong palawit.

Noong kauna-unahang panahon,sa bulubundukin ng Kilod, Bontoc, may dalagang nagngangalang Bangan.
Siya ay mabait, matulungin, at matapat sa pananalita at paggawa. Ngunit bagaman kapuri-puri ang kanyang
ugali, hindi siya kinagigiliwang laging kasama ng mga kanayon niya.

Bakit? Siya kasi ay maraming sakit sa balat. Ikinalulungkot niyang mabuti ang kanyang madalas na pag-iisa,
kaya't naisipan niyang pumunta sa malayong bundok para makakita ng makakasama.

Sa bundok ay naging masaya siya. Ang mga ibong nag-aawitan, mga bulaklak na marilag at mababango, mga
punong nagbibigay ginhawa, dahil sa kanila'y nalimutan ni Bangan ang kanyang kapansanan. Madalas niyang
kausapin ang naghandog ng lahat ng kagandahan sa buhay.

"O, Kabunian, may gawa ng lahat nang ito, sana po'y maging puno rin ako. Nais ko pong makapagdulot din ako
ng kagandahan ay kasayahan sa mundo. Gawin po ninyo akong puno at nang ang mga ibon, paru-paro, at iba
pang mga nilalang ay maging kaibigan ko."

Nang minsang nahihimbing ang dalaga, may narinig siyang malumanay na tinig. "Anak, ang nais mo ay
matutupad."

Ang dalagang si Bangan ay hindi na nasilayan kailanman. May bagong punong sumibol sa bundok. Inilipad ng
hangin ang mga buto nito sa maraming kabundukan at dumami ang mga puno.

Nagpakita muli si Kabunian at tinanong si Bangan na isa na ngayong pine tree o tinatawag na puno ng pino.

"Nais mo bang manatiling pine tree o bumalik sa dati mong anyo?"

"Ang nais ko po'y manatiling isang pine tree. Masaya po ako. Marami pong naliligayahan sa akin at sa mga
katulad ko. Ginagayakan po ako at ginagamit na pampasaya sa mga tahanan tuwing pasko. Salamat po at
ginawa ninyo akong pine tree."

At iyon nga ang alamat ng puno ng pino o mas kilala sa tawag na pine tree.

You might also like