You are on page 1of 41

PANG-ABAY

Kahulugan ng Pang-abay

- Istruktural na kahulugan : ang pang-abay


ay makikilala dahil kasama ito ng isang
pang-abay na bumubuo ng parirala.

- Pansemantikang kahulugan : Ito ay


nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o
sa iba pang pang-abay.
MGA URI NG PANG-ABAY
1. Pamaraan 7. Panggaano
2. Pamanahon 8. Pamitagan
3. Panlunan 9. Panulad
10. Kundisyonal
4. Pang-agam 11. Kusatibo
5. Panang-ayon 12. Benepaktibo
6. Pananggi 13. Ingklitik
1. PANG-ABAY NA PAMARAAN
- naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o
magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit ang panandang nang o na/-ng. Ito ay
sumasagot sa tanong na PAANO.

Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit
Bakit siya umalis na umiiyak?
2. PANG-ABAY NA PAMANAHON
- nagsasaad kung kailan naganap o nagaganap ang
kilos na taglay na pandiwa. Mayroon itong tatlong uri:
may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.

MAY PANANDA
nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula
umpisa, hanggang
Halimbawa:
1. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
2. Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
3. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan.
WALANG PANANDA
kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, atbp.

Halimbawa:
1. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
2. Ipinagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika-40 na
kaarawan.

NAGSASAAD NG DALAS
araw-araw, tuwing umaga, taun-taon atbp.

Halimbawa:
1. Tuwing Mayo ay nagkakaroon kami sa aming pook ng santakrusan
2. Nag-eehersisyo siya sa tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang
kalusugan.
3. PANG-ABAY NA PANLUNAN
- tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o
pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang
ginagamit ang pariralang sa, kay o kina. Ito ay
sumasagot sa tanong na SAAN.

sa - ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang


pambalana o panghalip.
kay/kina - ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pantanging ngalan ng tao.
Halimbawa:

1. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa


kantina.
2. Nagpaluto ako kina Aling Ingga ng masarap ng
mamon para sa iyong kaarawan.
3. Tumira siya sa gubat ng labing-pitong taon.
4. PANG-ABAY NA PANG-AGAM
- nagbabadya ng kawalan ng katiyakan sa pagganap sa
kiloss ng pandiwa. Ginagamit ang pariralang marahil,
siguro, tila, baka, wari, parang atpb.

Halimbawa:
1. Marami na marahil ang nakakabalita tungkol sa
desisyong Sandiganbayan.
2. Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa
Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon.
3. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa
Pilipinas.
5. PANG-ABAY NA PANANG-AYON
- nagsasaad ng pagsang-ayon, Ginagamit dito ang mga
salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syempre
atbp.

Halimbawa:
1. Oo, asahan mo ang aking tulong.
2. Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
3. Sadyang malaki ang ipinagbago mo.
6. PANG-ABAY NA PANANGGI
- nagsasaad ng pagatanggi tulad ng
hindi/di at ayaw

Halimbawa:
1. Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
2. Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa
paninigarilyo.
7. PANG-ABAY NA PANGGAANO
- nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa
GAANO o MAGKANO

Halimbawa:
1. Tumaba ako nang limang libra.
2. Tumagal nang isang oras ang operasyon.
8. PANG-ABAY NA PAMITAGAN
- ito ay ang mga salita o kataga na nagsasaad ng paggalang.
Gumagamit ito ng mga katagang
po, ho, opo, oho, at mawalang-galang
Gamit ang mga katagang ito ay ang pagpapahayag o
pagpapabatid ng paggalang.

Halimbawa:
1. Maaari bang magtanong tungkol sa iyong ina na namatay?
2. Opo, kaya ko pong gawin at gampanan ang iyong mga nais.
3. Mawalang-galang sa iyo, maari ko bang malaman ang
iyong pangalan?
9. PANG-ABAY NA PANULAD
- ginagamit upang ang dalawang bagay ay maisahalintulad.
Ginagamit din ito para maihambing ang iba’t ibang katangian ng
dalawang bagay o tao. Ang katagang ginagamit ay
kaysa, higit, di hamak, di gaya, labis, di gaano, at lalong-
lalo.

Halimbawa:
1. Mahusay sumayaw si Sanny kaysa kay Manny.
2. Di gaanong katalino ang anak ni Marites.
3. Labis ang paghihinagpis ng aking ina ng mawala ang bunso
namin.
10. PANG-ABAY NA KONDISYONAL
- Nagsasaad ito ng kondisyon para maganap ang kilos na sinasabi ng
pandiwa. Ang mga salitang ito ay
kung, kapag o pag, at pagka.

Halimbawa:
1. Kung umayos ka lang ng pagkakahiga, hindi ka sana
mahuhulog sa kama.
2. Kapag ako ay naging mayaman, bibilhin ko ang lahat ng gusto
ni Nanay.
3. Pag hindi ka pa tapos sa hugasin, hindi ka muna
makakapaglaro.
11. PANG-ABAY NA KOSATIBO
- ito ay nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng parirala na pinangungunahan ng
dahil sa.

Halimbawa:
1. Dahil sa iyo ay pinalabas din ako ng ating guro.
2. Dahil sa kapalpakan ng pinuno ay nagdusa ang mga
mamamayan.
3. Dahil sa kaingayan kaya nagalit si Ginoong Santos sa akin.
12. PANG-ABAY NA BENEPAKTIBO
- ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa
pagkaganap sa kilos ng pandiwa o layunin ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng panandang para sa.

Halimbawa:
1. Kumain ng gulay para sa ikakalakas ng katawan.
2. Si tatay ay nag hahanap-buhay para sa aming pagkain.
3. Ang mga bayani ay nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.
13. PANG-ABAY NA INGKLITIK
- mga katagang laging susunod sa unang salita ng
kayariang kinabibilangan.

ba daw/raw pala man


kasi din/rin tuloy muna
kaya naman nga pa
na yata lamang/lang
Halimbawa:

1. Naligtas daw ang mga minerong nabarahan sa


minahan.
2. Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna.
3. Kumain muna sila bago umalis.
4. Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa atin.
PANG-UGNAY
PANG-UGNAY
- nagamit ang pang-ugnay sa pagsisimula,
pagpapadaloy ng mga pangyayari, hanggang
sa pagwawakas ng pagsasalaysay.
TATLONG URI
NG PANG-UGNAY
1. PANG-ANGKOP
2. PANG-UKOL
3. PANGATNIG
PANG-ANGKOP
- Tagapag-ugnay ng dalawang salita na
karaniwan ay panuring at salitang
tinuturingan.
- Ito’y ginagamit upang maging madulas ang
pagbigkas ng mga magkakasamang salita.
- Tatlo ang pang-angkop na, ng, g
PAGGAMIT NG “na”
- Ginagamit kapag ang sinundang salita
ay nagtatapos sa katinig maliban sa
“n”

Mga Halimbawa:
1. masarap na pagkain
2. maliit na bata
3. matunog na balita
PAGGAMIT NG “ng”
- Ginagamit kapag ang sinundang salita
ay nagtatapos sa patinig

Mga Halimbawa:
1. masamang panaginip
2. totoong mahirap
3. ngiting kayganda
PAGGAMIT NG “g”
- Ginagamit kapag ang sinundang salita
ay nagtatapos sa ”n”

Mga Halimbawa:
1. salaming malinaw
2. hanging malamig
3 Sultang malupit
PANG-UKOL
- kataga, salita, o pariralang nag-uugnay
na isang pangngalan sa iba pang salita
sa pangungusap
Mga ginagamit bilang pang-ukol:
alinsunod sa / alinsunod laban sa / laban kay
kay
ayon sa / ayon kay para sa / para kay

hinggil sa / hinggil kay tungkol sa / tungkol kay

kay / kina ukol sa / ukol kay


1. Alinsunod sa batas ang ginawa
niyang hakbang.
2. Para kay Gng. Santos ang bulaklak
na ito.
3. Ayon sa balita, masama raw ang
panahon ngayong araw
PANGATNIG
- mga kataga, salita o pariralang nag-
uugnay ng dalawang salita, parirala,
sugnay o payak na pangungusap.
MGA PANGATNIG
at kapag ngunit samakatwid
anupa kaya o sa madaling
salita
bagaman kundi pagkat upang
bagkus kung palibhasa sanhi
bago habang pati sapagkat
dahil sa maliban sakali subalit
1. PAMUKOD - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi,
gaya ng: o, ni, maging, at man.

a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay


mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si
Roger man ang piling lider natin.
c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang
magwagi sa paligsahan.
d. Ni sermunan, ni saktan ay hindi ko sa aking anak.
2. PANUBALI - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya
ng: kung, kapag, pag, sakali, disin sana.

a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating


palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi
nang maaga ang tatay.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling
lumitaw ang buwan.
3. PANINSAY - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng
pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit,
datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit.

a.Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na)


maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman ttindera
langsa palengke ang kanyang ina.
c. Nanalo pa rin si Rosa datapwat may mga kaibigang
bomoto sa kalaban niya.
d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.
4. PANANHI - Nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para
sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi
sa sapagkat, mangyari.

a.Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.


b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
c.Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.
5. PANAPOS - nagsasabi ito ng nalalapit ng katapusan ng
pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa wakas,
at sa bagay na ito.

a. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong


promosyon sa trabaho.
b. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
c. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang
paghuhusga.
6. PANLINAW - ginamit ito upang ipaliwanag ang
bahagi o kabuuan ng isang banggit.

a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon


magsasama na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya
makakawala na si Berto.
7. PANIMBANG- ginamit sa pagpapahayag ng
karagdagang impormasyon at kaisipan, gaya ng: at
saka, pati, kaya, anupa’t.

a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.


b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anupa’t pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral
para makaahon sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.
8. PAMANGGIT - gumagaya o nagsasabi lamang ng
iba, tulad ng: daw, raw, sa ganang akin/iyo, di
umano.

a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.


b. Siya raw ang hari ng sablay.
c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.
9. PANULAD - tumutulad ng mga pangyayari o
gawa, tulad ng: kung sino....siyang, kung
ano....siya rin, kung gaano....siya rin.

a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring


mangyayari ngayon.
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang
mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring
ibibiyaya sa iyo.
SALAMAT PO SA PAKIKINIG!

You might also like