You are on page 1of 1

FILIPINO

3 WORKSHEET
PANGATNIG

Panuto: Ikahon ang mga pangatnig na ginamit sa mga sumusunod na pangungusap.

Hal.
Si Jessica ay umuwi nang maaga dahil inaantay siya ng kanyang pinsan.
1. Pinangako ni Nanay Melda na dadalhin niya sa palaruan ang dalawang anak kung

maaga nilang matatapos ang kanilang takdang-aralin.

2. Papaalis na sana ang mag-iina subalit napansin nilang nagdidilim ang langit.

3. Bumuhos ang malakas na ulan kaya napilitan silang bumalik sa loob ng bahay.

4. Hindi tumitila ang ulan, bagkus ay lalo pa itong lumalakas.


5. Malungkot na malungkot ang dalawang bata dahil hindi sila makapaglalaro sa

palaruan.

6. Si Joan ay nakasimangot na nakatingin sa labas ng bintana habang si Andrew

naman ay nakahiga sa sahig.


7. Maya-maya ay pumasok ng sala ang kanilang nanay at may dala itong mga pahina

ng dyaryo.
8. Tuturuan niyang gumawa ng papel na eroplano o bangka ang dalawang bata.

9. Naglabas rin si Nanay Melda ng masarap na meryenda para may makain sakaling

magutom ang kanyang mga anak.

10. Tumigil na ang ulan ngunit hindi ito napansin ng mga batang abala sa paggawa ng

mga laruang papel.

Teacher Abi’s Worksheets


teacherabiworksheets.blogspot.com

You might also like