You are on page 1of 6

Teacher CATHERINE C.

DEL MONTE Grade Level Grade 3


School PALLAS PAPAGUEYAN ELEMENTARY Learning FILIPINO
SCHOOL Area
DAILY Teaching Date APRIL 12, 2023 (WEEK 9) Quarter IKATLO
LESSON Teaching 10:20-11:00AM No. of Days 1
PLAN Time
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang


talasalitaan.

B. Pamantayang Pagganap Nababasa ang kuwento nang may tamang bilis, diin, tono,
antala, at ekspresyon.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa


Pagkatuto (MELC) binasang teksto. F3PB-III-6.2

II. NILALAMAN Pagtukoy sa Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC FILIPINO 3 Q3, TG. Pah.

b. Mga pahina sa kagamitang Self Learning Module Filipino 3 Ikatlong Markahan, Batang
pangmag-aaral Pinoy Ako 5

c. Mga Pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang kagamitan mula


sa Portal ng Learning Resources

B. Listahan ng Kagamitang Panturo Iba’t ibang larawan, Activity sheets, Tarpapel


para sa mga gawain sa
pagpapaunlad at pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

A. Balik –Aral sa nakaraang aralin A. Balik-aral


at/o pagsisimula ng bagong Suriin ang mga pangungusap. Salungguhitan ang ginamit na
aralin pang-abay sa pangungusap.
1. Ang sanggol ay natutulog nang mahimbing.
2. Nakita ko ang aking mga kaibigan sa paligsahan kanina.
3. Sina Sandy at Michael ay nag-eehersisyo araw-araw.
4. Matiyagang hinihintay ng mga bata ang kanilang ama.
5. Sa lalawigan ng Albay matatagpuan ang napakagandang
Bulkang Mayon.

B. Paghahabi ng layunin ng aralin Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhitan. Piliin
ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.
1. Kitang-kita ang mga bituin sa langit na nagbabadya ng
mainit na panahon bukas.
2. Makulimlim ang panahon nung kami ay pauwi galing
paaralan.
3. Ako ay dadalo sa kaarawan ng aking kaibigan, sa
kasamaang-palad, biglang umulan nang malakas.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Basahin ang kuwento.


sa bagong aralin Isang araw, si Juan ay sinabihan ng kaniyang ina na magdala ng
payong sapagkat nagbabadya ang ulan dahil sa makulimlim na
kalangitan. Ngunit dahil sa pagmamadali ni Juan ay hindi na
niya inintindi ang bilin ng kaniyang ina at dali-daling nagtungo
palabas. Habang naglalakad si Juan, mga ilang metro na ang
layo mula sa kanilang bahay ay biglang bumuhos ang malakas
na ulan. Sa kasamaang palad ay wala siyang dalang payong
kaya naman dali-dali siyang tumakbo palayo at sumilong. Sa
huli matapos ang araw, umuwi si Juan na nilalagnat.

Tanungin:
1. Bakit nagbilin ang nanay ni Juan na magdala siya ng
payong?
2. Ano ang dahilan ng hindi niya pag-intindi ng bilin ng
kaniyang ina?
3. Ano ang bunga ng hindi niya pag-iintindi sa bilin ng ina?
4. Ano ang naging sanhi ng pagkakaroon ng lagnat ni
Juan?
5. Kung ikaw si Juan, susundin mo ba ang bilin ng iyong
ina? Bakit?
Ang sanhi ay ang pinagmulan o dahilan ng pangyayari.
Kadalasang ginagamit ang salitang dahil, upang, at kasi.
Ang bunga ay ang kinalabasan ng pangyayari. Kadalasang
ginagamit ang salitang kaya.

A. Pagtalakay ng bagong konsepto at Suriin ang dayagram:


paglalahad ng bagong kasanayan
Hindi pinansin ni Juan ang bilin ng
kaniyang ina dahil siya ay nagmamadali.

Bakit hindi pinansin ni Ano ang naging resulta


Juan ang bilin ng ng pagmamadali ni
kaniyang ina? Juan?
Sagot: Sagot:
Dahil siya ay Hindi pinansin ni Juan
nagmamadali. ang bilin ng kaniyang
ina.

Itanong:
Alin ang sanhi at bunga sa pangungusap?
Naulanan si Juan kaya siya ay nilalagnat.

Ano ang resulta ng Bakit nilagnat si Juan?


pagkabasa ni Juan? Sagot:
Sagot: Dahil siya ay naulanan.
Siya ay nilagnat.
Itanong:
Alin ang sanhi sa dalawang pangungusap?
Alin ang bunga?

Iba pang halimbawa:


1. Maraming natutuwa kay Hannah dahil mabait siya.
2. Dahil hindi nag-aral nang mabuti si Vina, kaya siya
bumagsak.
3. Hindi nag-iingat si Kyla kaya siya ay nagkasakit.
4. Masipag magbasa ng libro si Lynda kaya mabilis siyang
natuto.

Basahin ang pangungusap. Suriin ang nasalungguhitan sa


pangungusap kung ito ay sanhi o bunga.
Gusto siyang maging kaibigan ng lahat dahil siya ay mabait at
magalang na bata.
Tumigil sa pag-iyak ang bata dahil dumating na ang kaniyang
ina.
Masayang nagsigawan ang magkakaibigan dahil napalipad nila
ang saranggola.
Palaging babad sa laptop si Dina kaya lumabo ang kaniyang
mata.
Masipag mag-aral si Fey kaya matataas ang kaniyang marka.

Pangkatang Gawain (Differentiated Group Activity)


(Bago isagawa ay maglagay muna ng panuntunan sa
pagsasagawa ng pangkatang gawain)
Unang Pangkat
Panuto: Gumawa ng dayagram na nagpapakita ng sanhi at
bunga ng sumusunod na pangungusap.
1. Nakamit ni Vina ang unang gantimpala dahil napakagaling
nito sa pag-awit.
2. Unti-unti ng nawawalan ng tirahan ang mga hayop sa
gubat kaya nasa panganib ang buhay nila.
3. Lumikas ang mga tao dahil mataas na ang tubig-baha sa
kanilang lugar.

Pangalawang Pangkat
Panuto: Punan ang dayagram ng sanhi o bunga ng sumusunod
na mga larawan. Isulat lamang ang sagot.
1.

2.

3.

B. Paglinang sa kabihasnan Panuto: Basahin mo nang wasto ang mga pangungusap.


(Tungo sa Formative Assessment) Tukuyin kung ang may salungguhit ay sanhi po bunga.
Integrasyon: MAPEH (P.E) 1. Pagkagising sa umaga, nakasanayan na ni Lorna ang
Engages in fun and enjoyable physical kaniyang katawan.
activities. Itanong matapos sagutin ng bata:
PE3PF-Ia-h-2 Sa tingin mo, mahalaga ba ang pag-eehersisyo araw-araw?
Bakit?
Integrasyon: MATHEMATICS 2. Masayang-masaya si Ben dahil binigyan siya ng sampung
Subtracts mentally the following numbers piso ng kaniyang ate.
using appropriate strategies: Itanong matapos sagutin ng bata:
a. 1- to 2-digit numbers without and with
Kung ikaw ay may sampung piso, at bumili ka ng lapis na
regrouping
nagkakahalaga ng walong piso. Ilan nalang ang natira sa pera
mo? Paano mo nakuha ang sagot?
Integrasyon: ESP
Nakapagpapanatili ng malinis at ligtas na 3. Tumutulong sa paglilinis ng kapaligiran si Hilda upang
pamayanan sa pamamagitan ng: maiwasan ang mga sakit tulad ng dengue.
 paglilinis at pakikiisa sa gawaing Itanong matapos sagutin ng bata:
pantahanan at pangkapaligiran Tumulong din ba kayo sa paglilinis ng kapaligiran?
 wastong pagtatapon ng basura
 palagiang pakikilahok sa proyekto
ng pamayanan na may kinalaman
sa kapaligiran
EsP3PPP- IIIe-g – 16
Integrasyon: SCIENCE
Describe the changes in the weather over 4. Dinala ni Berto ang kaniyang kapote dahil makulimlim ang
a period of time kalangitan.
S3ES-IVe-f-3 Itanong matapos sagutin ng bata:
Integrasyon: MAPEH (Music) Ano-ano pa ang maaaring gamitin panangga sa ulan?
performs songs with appropriate tempo
(use songs from the locality) 5. Magaling umawit si Nena kaya sumali siya sa paligsahan sa
pag-awit.
Itanong matapos sagutin ng bata:
Magaling din ba kayong umawit?

C. Paglalapat ng aralin sa Maglaro Tayo!


pang-araw araw na buhay Panuto: Hanapin ang tamang daan ng bata papunta sa
kaniyang bahay sa pamamagitan ng pagtukoy ng bunga sa
ibinigay na sanhi sa pangungusap.

D. Paglalahat ng aralin Ano ang pagkakaiba ng sanhi at bunga?


Ano-ano ang mga salitang ginagamit upang matukoy ang
sanhi at bunga?
Bakit mahalagang malaman ang maaaring bunga o resulta
ng gagawin?

E. Pagtataya ng aralin Pagtatambal ng Sanhi sa Bunga


Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa angkop na bunga sa kanan.
Isulat ang titik ng tamang bunga sa patlang ng sanhi.

1. Napakainit ng a. Kinansela ng DepEd


panahon. ang mga klase.
2. May sirang ngipin si b. Nakatawid ako nang
Tomas. maayos.
3. Hindi kumain ng c. Gutom na gutom siya.
tanghalian si Michael.
4. Hindi nag-aral si d. Mababa ang
Danny. nakuha niyang
5. Napakalakas ng marka sa
bagyo. pagsusulit.
6. Puno ng mga e. Pinayagan siyang
pasahero ang mga maglaro sa labas
dyip. ng bahay.
7. Nagtulungan kami. f. Sumakay na lang
8. Hindi maingat kami sa traysikel
magmaneho ang pauwi.
lalaki. g. Pumunta siya sa
9. Tumingin ako sa dentista.
kanan at kaliwa ng h. Binuksan namin
daan. ang aircon.
i. Madali naming
natapos ang
gawain.

F. Karagdagan Gawain para sa Bumuo ng limang (5) pangungusap na binubuo ng sanhi at


takdang-aralin at remediation bunga na may kaugnayan sa pagsunod sa mga patakaran para
Integrasyon: MAPEH (Health) sa kaligtasan.
Follows safety rules to avoid accidents in
the community
H3IS-IVi-27

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na ngangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng


mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo


ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

Prepared by:
CATHERINE C. DEL MONTE
Substitute Teacher
Observed by:
RODINA S. CAPILI
MASTER TEACHER II ERNESTO L. ESTRADA JR., Ed. D.
PRINCIPAL II

You might also like