You are on page 1of 4

UMINGAN DISTRICT II

UMINGAN
DIAZ ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino 2

I. LAYUNIN:
 nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari;
 nakagagawa ng mga gawain na nagpapakita ng sanhi at bunga; at
 nakapagbibigay ng mga paraan upang maiwasan ang mga hindi magandang gawain bunga ng
maling desisyon.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin: Sanhi at Bunga
B. Sanggunian:
K-12 Curriculum Guide ______
Teacher’s Guide pp. ______
Learner’s Materials pp. _______
Ikatlong Markahan (Week 3)
C. Kagamitan:
Powerpoint, larawan o (picture puzzle), manila paper, metacards, at tarpapel, chalk and green
board
D. Integrasyon ng aralin sa MTB at ICT

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat mga bata.
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtala ng Liban

B. Panlinang na Gawain:
1. Balik-aral:
(Itanong sa mga bata)
Ano ang tawag sa panghalip na humahalili sa ngalan ng tao?
Magbigay ng halimbawa ng panghalip panao.

2. Pagganyak:
(Picture Puzzle)
Pangkatin ang mga bata sa dalawang pangkat at bawat pangkat ay kailangang buuin ang
larawan.

Itanong:
 Ilarawan ang larawan na binuo ng unang pangkat
 Ilarawan ang larawan na binuo ng ikalawang pangkat

C. Paglalahad:
Ngayon, mayroon akong inihandang kwento sa inyo mga bata. Handa naba kayong
makinig mga bata? Bago ko basahin ang kwento, sino sa inyo ang makapagbibigay ng mga
kailangan nating isaalang-alang sa pakikinig ng kwento?
Magaling mga bata.

Ang Batang si Juan


Isang araw,si Juan ay sinasabihan ng kanyang ina na magdala ng paying sapagkat nagbabadya
ang ulan dahil sa makulimlim na kalangitan ngunit dahil sa pagmamadali ni Juan ay hindi niya
naintindihan ang bilin ng kanyang ina, at dali-daling nagtungo palabas. Habang naglalakad si Juan, mga
ilang metro na ang nilakad mula sa kanilang bahay ay biglang bumuhos ang malakas na ulan at nabasa
siya. Wala siyang dalang payong panangga ng ulan kaya naman dali dali itong tumakbo palayo at
sumilong. Sa huli matapos ang araw umuwi si Juan ng nilalagnat dahil siya ay nabasa ng ulan.

Nagustuhan niyo ba ang kwento mga bata? Magaling.


Ngayon ay sagutan na natin ang ilang mga katanungan sa kwento.

Itanong:
 Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
 Ano ang sabi ni Juan sa kanya?
 Bakit nabasa si Juan ng ulan?
 Ano ang nangyari sa kanya matapos ang araw?

D. Pagtatalakay sa aralin:

Ngayon ay basahin nga ninyo ang mga pangungusap mula sa kwento?

Basahin ang mga pangungusap mula sa kwento.


 Sinabihan si Juan ng kanyang ina na magdala ng payong sapagkat nagbabadya ang ulan.
 Nagbabadya ang ulan dahil sa makulimlim na kalangitan.
 Dahil sa pagmamadali ni Juan ay hindi niya na inintindi ang bilin ng kanyang na.
 Bumuhos ang malakas na ulan at nabasa siya dahil sa wala siyang dalang paying.
 Matapos ang araw umuwi si Juan na nilalagnat at dahil siya ay nabasa ng ulan.

Ngayon ay alamin natin sa mga pangungusap na ito kung alin ang sanhi at bunga pero bago iyon,
ano ba ang ibig sabihin ng sanhi at bunga? Meron bang nakakaalam?

Sanhi- tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.

Bunga- ay ang resulta, epekto, kinalabasan dulot ng pangyayari.

Ngayon ay balikan na natin ang inyong binasa na mga pangungusap.


Dumakko tayo sa unang bilang. Alin sa pangungusap na ito ang sanhi at ano naman ang
nagging bunga? Sa pangalawang bilang? Alin ang sanhi at ang bunga? Sa pangatlong bilang?
ano ang sanhi at bunga nito? Sa pang-apat na bilang? Alin ang sanhi at ang bunga nito? At sa
panghuling bilang? Magaling mga bata.

Narito pa ang ilan pang halimbawa.


Sanhi- Sa sahig itinapon ni nCarl ang balat ng saging.
Bunga- Mayroong taong nadulas dahil sa pangyayari.

Sanhi- Naglaro ng apoy si JM.


Bunga- Nagkaroon ng sunog sa kanilang tahanan.

Sanhi- Sobrang daming pagkain ang kinain ni Mike


Bunga- Sumakit ang kanyang tiyan.
E. Paglinang sa Kabihasan:

Ngayon ay kayo naman. Tatawag ako ng ilan sa inyo at ang gagawin


lamang ninyo ay magbibigay kayo ng halimbawa ng sanhi at bunga base sa inyong sariling
karanasan. Naunawaan ba? Mahusay mga bata.
Ikaw Mike? Ano ang sanhi at ano ang nagging bunga? Magaling. Princess? Ano ang
sanhi at ano naman ang nagging bunga? Mahusay.
Salamat sa inyong ibinahagi. Tama ang inyong isinagot.

F. Paglalapat:

Ano ang kailangan nating gawin upang ang bunga n gating gagawin
ay maging matagumpay o maging mabuti o tama?

(Maaaring sagot ng bata. Ako ay mag-aaral nang mabuti para


makatapos at lagi kong iisipin na dapat pag-isipang mabuti ang mga gagawin para
hindi magkamali o makasakit sa iba.

G. Paglalahat:

Tungkol saan an gating aralin sa araw na ito? Anna? Mahusay. Ano ang
sanhi at bunga? Magaling mga bata.

Tandaan:
Ang mga pangungusap na nagpapakita ng dahilan ng mga pangyayari
ay tinatawag na sanhi.
Kapag ang pangungusap naman ay nagpapakita ng kinalabasab o
dahilan ng mga pangyayari ito ay tinatawag na bunga.

IV. Pagtataya:

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Hanapin sa kanan ang angkop na bunga sa mga sanhing
nakatala sa kaliwa. Isulat ang tamang sagot.

A B
___1. Maagang matulog si Sarah A. kaya naman madali niyang nauunawaan ang
sinasabi ng guro
___2. Nakikinig siyang mabuti sa kaniyang guro B. tuloy siya ay malakas at malusog
___3. Kumakain si CJ ng masusustansiyang pagkain C. bunga nito ay masigla siya sa umaga
___4. Itinatala niya ang mahahalagang impormasyon D. kaya mataas ang nakukuha niya sa pagsusulit
sa kaniyang notbuk
___5. Nag-iipon siya ng pera E. bunga nito ay nakabili siya ng bike

V. Kasunduan:

Panuto: Isulat ang sanhi at bunga ng sumusunod na pangungusap.

1. Nagtatakbo ako kaya hinabol ako ng aso.


2. Lumangoy si Larry sa malalim na dagat kaya siya ay nalunod.
3. Nag-aaral nang mabuti si Nico kaya nakapasa siya sa kaniyang mga pagsusulit.
4. Naiwan nilang bukas ang pinto kaya nakapasok ang magnanakaw.
5. Mahilig si Jenny na bumili ng cotton candy kaya laging masakit ang kaniyang ngipin.

Inihanda ni:

HELEN B. ESTRADA
Teacher

Iniwasto ni:

JOVENA O. OBRA
Master Teacher I

Binigyang pansin ni:

LEA C. BADUA
Head Teacher I

You might also like