You are on page 1of 9

Learning Area Filipino

Learning Delivery Modality Modular Distance Modality

Paaralan Stmo. Rosario HIS Baitang 7


TALA SA
Guro Gng. Jennelyn Q. Gesmundo Antas
PAGTUTURO Petsa Markahan Unang markahan
Oras Bilang ng Araw 2

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng


Pangnilalaman Mindanao

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo


Pagganap

C. Pinakamahalagang Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.


Kasanayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
(MELC)

D. Pagpapaganang Naibibigay ang kahuluganng sanhi at bunga


Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC))

II. NILALAMAN Pagsagot sa tanong ukol sa pagpapaliwanag ng sanhi at bunga ng mga pangyayari

III. KAGAMITAN SA
PAGTUTURO
A. Mga Sanggunian
https://www.facebook.com/TeachersIM.ph/posts/sanhi-at-bungafilipino/
844949742629196/
Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
a. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmg-
aaral
b. Mga Pahina sa
Teksbuk
Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource

c.
B. Listahan ng mga
Kagamitang
Panturo para sa mga
Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Panimula Alamin

Maraming nagaganap sa mundong ating ginagalawan lahat ng ito ay may


dahilan at sa huli makikita ang resulta o kinalabasan ng mga pangyayari.

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari at maibigay ang
kahulugan ng sanhi at bunga.
Suriin
Ipakikita ng guro ang mga larawan.
Panuto: Suriin ang mga larawan. Pagkatapos,ibigay ang posibleng kalabasan ng
pangyayaring ipinapakita ng mga lararawan.

A. B.

1.

2.

3.

4.

Gabay na tanong:
1. Ano ang tawag sa mga pangyayaring ipinapakita ng mga larawang nasa hanay A?
hanay B?
2.?
Subukin
Pasasagutan ang maikling pagsusulit sa ibaba upang malaman kung gaano kalawak
ang nalalaman ng mga mag-aaral tungkol sa aralin.
PANUTO: Tukuyin kung ang pahayag ay nagsasad ng sanhi o bunga. Guhitan ang
bahagi ng pangungusap na nagpapahayag ng bunga.
1.Tawagan mo ako sa opisina kung may dumating na sulat mula kay Ernesto.
2.Wala akong tiwala kay Raul dahil madalas siyang magsinungaling sa akin. 3.Dadalhin ko ang
itim na maleta at ang pulang bag sa eroplano.
4.Salamat sa regalo mo subalit sa Disyembre pa ang kaarawan ko.
5.Magbaon ka ng payong dahil baka umulan mamayang hapon.
6.Napakalakas ng tunog ng kidlat kaya napasigaw ang magkakapatid.
7.Si Janice ang nahirang na maging kalahok sa paligsahan sapagka’t siya ang pinakamagaling
na manunulat sa ating klase.

B. Development Tuklasin
(Pagpapaunlad) Iparirinig/babasahin ng guro ang maikling tekstong pinamagatang “Pagwawalang-
bahala”

Pag-isipan at sagutin!

Batay sa teksto, ano-ano ang mga ipinagsawalang-bahala ng mga tao?


__________________________________________________________

Ano-ano ang mga naging bunga ng mga pangyayaring ito?


______________________________________________________________

Paglalahad ng konsepto

Ilalahad ng guro ang paksa ukol sa pagkilala at pagbibigay-kahulugan sa sanhi at


bunga.

 Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag


at nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano
ang naging epekto nito.
 Karaniwang ginagamit ang ilang pahayag na tulad ng “dahil dito, kung kaya,
naging bunga nito, ang sanhi ng, kapag ipinatupad ito at iba pa.
 Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang mga katanungang “Bakit ito
nangyari” at “ Ano ang naging epekto ng naturang pangyayari? Ang sagot sa
unang tanong ay tumutukoy sa sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy
naman sa bunga.

Pagyamanin
Magbibigay ang guro ng isang pagsasanay na sasagutan ng mga mag-aaral.

Pagsasanay 1
PANUTO: Isulat ang B kung ang parirala ay bunga at S kung ito ay sanhi. 1._____
Nag-aral mabuti si Alex
_____ kaya matataas ang marka niya sa pagsusulit.
2. _____ Bumagsak si Joshua sa pagsusulit
_____ dahil hindi siya nag-aral.
3. _____ May sugat si Andi
_____ kaya iyak siya ng iyak.
4. _____ Bumaha sa EDSA
_____ dahil sa malakas na ulan.
5. _____ Nasa ospital si Soomin
_____ dahil mataas ang lagnat

Pagsasanay 2

Sa pamamagitan ng pagpapayaman, magkakaroon ang mga mag-aaral na masuri


ang bahagi ng pangungusap na nagsasaad ng sanhi at bunga.

Panuto: Lagyan ng posibleng sanhi o bunga ang mga pahayag upang makompleto
ang mga pangungusap.

1.___________________________________ kaya laging puyat at tanghaling


gumising si Joel.
2.Pumutok ang gulong ng bisekleta ni Henry _________________________.
3.Bago mangyari ang pandenya, nakapag-ipon sa bangko ang aking mga magulang
bunga nito_____________________________________________.
4. Unti-unting nawawalan ng matitirhan ang mga hayop sa gubat dahil
_____________________________________.
5.Mabilis tumaas ang tubig baha kaya _______________________________.

C. Pakikipagpalihan Isagawa
Ipababasa ng guro ang teksto at aanalisain ang nilalaman nito.

Basahin ang epiko ng Mindanao na pinamagatang “Indarapatra at Sulayman”

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo na iyong iligtas ang maraming taong


nangangailangan ng tulong mo’t habag. Ano ang isinisimbolo ng pahayag na
ito?
a. pabaya sa tungkulin si Prinsipe Sulayman
b. may malasakit sa kapwa si Prinsipe Sulayman
c. mahina ang loob ni Prinsipe Sulayman
d. walang tiwala sa sarili si Prinsipe Sulayman

2. Bakit maituturing na isang epiko ang akdang Indarapatra at Sulayman?


a. Dahil ito ay kwento tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhang
nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan.
b. Dahil ito ay nagsasalaysay ng sanhi at bunga ng pangyayari.
c. Dahil ito ay kwento tungkol sa mga halimaw at ganid na nilalang.
d. Dahil isinasalaysay nito ang kwento na ang tauhan ay mga hayop na
gumaganap na parang tao.

3. Alin ang sanhi ng kaguluhan sa Mindanao ayon sa kuwento?


a. kasamaan ng mga tao c. masasamang hari
b. pagkasira ng likas na yaman d. mga halimaw na kalaban
4. Ano ang naging bunga ng kabayanihan ni Indarapatra at Sulayman?
a. Naging matulungin ang mga tao sa nais lamang nilang tulungan sapagkat
ito lamang ang mayroong kapakinabangan sa kanila.
b. Nagkaroon ng kamalayan ang mga tao sa mga isyung nais lamang nila at
walang pakialam sa ibang bagay.
c. Naging payapa ang lugar ng Mindanao at ligtas sa mga kalaban. Naging
maunlad ang bayang ito at nakilala sa iba pang lugar.
d. Naging matulungin ang mga tao ngunit humihingi ng kapalit sa tulong na
ibinibigay.

5. Ang mga tauhan sa akdang pampanitikang epiko ay nagtataglay ng


katapangan at kabayanihan. Alin sa mga sumusunod na saknong ang
nagpapakita nito?
a. Noong unang panahon ayon sa alamat ng pulong MIndanaw,
ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan
ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay
maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.
b. Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang tagumpay
kaya’t sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw;
sa tuktok ng bundok ay kanyang namalas ang nakahahambal
na mga tanawin: “Ngayon di’y lumabas nang ikaw’y mamatay.”
c. Subali’t ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok
na dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nanalot.
Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop
pagka’t sa pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos.
d. Ang Bundok Kurayang pinananahanan ng maraming tao
ay pinagpalagim ng isa pang ibong may pitong ulo;
walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko
pagkat maaaring kanyang matanaw ang lahat ng dako.

Linangin

1. Isa-isahin ang mga sanhi ng kaguluhan sa kwento. Ano ang naging bunga
nito at paano ito nasulusyunan? Sagutan ang bahaging ito gamit sa tsart sa
ibaba.

Mga sanhi ng Naging bunga nito Solusyon


kaguluhan

Iangkop
Paglalapat sa pang araw-araw na buhay

Ang guro ay magbibigay ng gawain upang makita ang kakayahan ng mga mag-aaral
na magpaliwanag ng sanhi at bunga ng pangyayari.

Panuto: Sa kasalukuyan, ang buong mundo ay nakararanas ng pandemyang dulot ng


Covid 19. Magbigay ng mga pangyayari na nagaganap sa iyong kapaligiran na dulot
ng Covid 19, pagkatapos isaad din ang bunga ng pangyayaring ito.

Pangyayaring sanhi ng Covid 19 Naging bunga ng pangyayaring ito


D. Paglalapat Isaisip

“Paalala ko, Post ko!”


Bumuo ng isang pahayag na magsisilbing paalala kung paano magiging ligtas sa sakit
na Covid 19. Ang paalala ay dapat maglaman ng pahayag na nagsasaad ng sanhi at
bunga. Isulat ang paalala sa isang buong bond paper at pagkatapos i-post ito sa loob
ng inyong bahay upang mabasa ng mga kasama ninyo sa inyong tahanan.

Tayahin
Suriin ang mga hinalaw na pahayag sa epikong Indarapatra at Sulayman. Tukuyin
kung ano ang inilalahad na sanhi at bunga nito sa magkaibang kahong itinakda.

Suriin ang mga hinalaw na pahayag sa epikong Indarapatra at Sulayman.


Tukuyin kung ano ang inilalahad na sanhi at bunga nito. Isusulat ang sagot
sa patlang

1. Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian nitong si


kurita.siya ay nagmamasid at kanyang natunghayan ang maraming nayong
wala kahit isang tumatahan.
Sanhi:_________________________________________________________
Bunga:_________________________________________________________

2. Siya’y lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon, datapwat siya rin
ang sinamang-palad na bagsakan niyon; sa bigat ng pakpak, ang katawan
niya sa lupa’y bumaon.
Sanhi:_________________________________________________________
Bunga:_________________________________________________________

3. Ang halaman noon di’y nalanta sanga’y nangabali.


Sanhi:_________________________________________________________
Bunga:_________________________________________________________

V. Pagninilay Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang
nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na _______________________________________________.

Nabatid ko na __________________________________________________.

Maikling Teksto
Pagwawalang-bahala
Walang patumanggang pagputol ng kahoy sa mga bundok at kagubatan. Pagwawalang-bahala ng
pamahalaan sa iligal na pagkakahoy. Ang hindi pag- uukol ng atensyon sa muling pagpapasibol at pagtatanim ng mga
punungkahoy. Ang ating mga kabundukan ay kalbo na. Nararanasan na natin ang bunga ng mga gawaing iyon. Ang
pagkakaroon ng tagtuyo’t kung katag-arawan at ang malalaking baha kung tag-ulan.Kung dumarating ang malalaking
baha, lahat ay napipinsala. Ang mga pananim ay nasisira. Ang mga kalye ay lalong nasisira. Maraming bahay, kasama
ang mga kasangkapang nababad, ay baha ang nagiging sanhi ng pagkabulok at pagkasira. Paralisado ang mga
sasakyan, tanggapan, at mga eskuwelahan. Malungkot isipin at sa palagay ko, dalawang uri lamang ng mamamayan
ang natutuwa kapag may baha. Ang mga estudyante pagkat walang pasok sa eskuwelahan, at ang mga nagtutulak ng
kotse at dyip na nasisiraan sa gitna ng baha. https://www.slideshare.net/saturninoguardiario/satsky-gurad

“Indarapatra at Sulayman”

Noong unang panahon ayon sa alamat ng pulong MIndanaw,


ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan
ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay
maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.

Subali’t ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok


na dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nana lot.
Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop
pagka’t sa pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos.

Ang Bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw


na may mukhang tao na nakatatakot kung ito’y mamasdan,
ang sino mang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapang,
at ang laman nito’y kanyang kinakain na walang anuman.

Ang ikatlo’y si Pah na ibong malaki. Pag ito’y lumipad


ang Bundok na Bita ay napadidilim niyong kanyang pakpak,
ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtas
sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.

Ang Bundok Kurayang pinananahanan ng maraming tao


ay pinagpalagim ng isa pang ibong may pitong ulo;
walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko
pagkat maaaring kanyang matanaw ang lahat ng dako.

Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw


ay nagdulot ng lungkot sa maraming baya’t mga kaharian;
Si Indarapatra na haring mabait, dakila’t marangal
ay agad nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.

“Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo na iyong iligtas


ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo’t habag.”
“O mahal na hari na aking kapatid, ngayon di’y lilipad
at maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak.”

Binigyan ng singsing at isang espada ang kanyang kapatid


upang sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinabit
sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit;
“ang halamang ito’y siyang magsasabi ng iyong nasapit.”

Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian


nitong si Kurita, siya ay nagmasid at kanyang natunghan
ang maraming nayong wala kahit isang taong tumatahan;
“Ikaw’y magbabayad, mabangis na hayop!” yaong kanyang sigaw.
Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok
at biglang lumbas itong si Kuritang sa puso’y may poot;
sila ay nagbaka at hindi tumigil hangga’t malagot
ang tanging hininga niyong si Kuritang sa lupa ay salot.

Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang tagumpay


kaya’t sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw;
sa tuktok ng bundok ay kanyang namalas ang nakahahambal
na mga tanawin: “Ngayon di’y lumabas nang ikaw’y mamatay.”

Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok,


at ilang saglit pa’y nagkakaharap na silang puso’y nagpupuyos.
Yaong si Sulayma’y may hawak na tabak na pinag-uulos;
ang kay Tarabusaw sa sandata nama’y sangang panghambalos.

At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang


Ang ganid na hayop sa malaking pagod ay napahandusay.
“Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni Sulayman
At saka sinaksak ng kanyang sandata ang tusong halimaw.

Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang Bundok ng Bita;


siya’y nanlumo pagka’t ang tahanan sa tao’y ulila;
Ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayong maaga pa
at kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumating na.

Siya’y lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon,


datapwat siya rin ang sinamang-palad na bagsakan niyon;
sa bigat ng pakpak, ang katawan niya sa lupa bumaon
kaya’t si Sulayman noon ay nalibing nang walang kabaong.

Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na Hari


pagka’t ang halaman noon di’y nalanta’t sanga’y nangabali;
“Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,
“Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.”

Nang siya’y dumating sa Bundok ng Bita ay kanyang kinuha


ang pakpak ng ibon. Ang katawang pipi ay kanyang namalas
Nahabag sa kanya ang kanyang bathala; biglang nagliwanag
at ilang saglit pa ay nakita niya ang tubig na lunas.

Kanyang ibinuhos ang tubig na iyon sa lugaming bangkay,


at laking himala! Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay.
Sila’y nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan,
saka pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan.

Sa bundok Kurayan na kanyang sinapit ay agad hinanap


ang ibong sa tao’y nagbibigay-lagim at nagpapahirap;
dumating ang ibong kaylaki ng ulo at kukong matalas
subalit ang kalis ni Indarapatra’y nagwagi sa wakas.

Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang,


“Salamat sa iyo butihing bayani na ubod ng tapang.
Kaming mga labi ng ibong gahaman ngayo’y mabubuhay.”
At kanyang namalas ang maraming taong noo’y nagdiriwang.

Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya


kaya’t sa naroon ay kanyang hiniling na lakip ang sumpa
na sila’y ikasal. Noon di’y binuklod ng isang adhika
ang kanilang puso. “Mabuhay ang hari!” ang sigaw ng madla.

Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman;


at muling lumitaw ang lawak ng lupang pawang kapatagan,
Si Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan,
at dito naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw.

You might also like