You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Paaralan: R.G.C.C.

Baitang: 7
Ika-7 Baitang gamit Guro: VJ Charles Hiedleberg Goña Valeriano Asignatura: Filipino
ang Content Based- Araw at oras: Lunes-Biyernes, 1:00-1:50 ng hapon Markahan: 1
Instruction

Unang Linggo 1 araw


I.LAYUNIN:
A. Pamantayang Naipamamalas ang pagkatuto ng wasto sa pang- ugnay na ginagamit ng
Pangnilalaman sanhi at bunga ng pangyayari. ( sapagkat, dahil, kasi at iba pa).
B.Pamantayan sa Nakasusulat ng wasto ang pang- ugnay na gingamit ng sanhi at bunga ng
pagaganap pangyayari. ( sapagkat, dahil, kasi at iba pa).
C.Mga Kasanayan sa Nagagamit ng wasto ang pang- ugnay na gingamit ng sanhi at bunga ng
Pagkatuto pangyayari. ( sapagkat, dahil, kasi at iba pa).
F7WG-id-e-3
II. NILALAMAN
A. Sanggunian
1.Mga Pahina sa Curriculum Guide Pahina 81.
gabay ng Guro Gabay ng Guro pahina 50
2. Mga pahina sa Filipino 7 Teksbuk, Pahina 45-47.
kagamitanng Pang-
mag-aaral
3.Mga pahina sa Mundo ng Filipino, Pahina 40-45.
teksbuk.
4. Karagdagan mula Httpps,slidefilipino, Google chrome at www.kasaysayan@larawan.
sa portal ng Learning
Resource
B.Iba pang Kagamitang Tsart, larawan, graphic organizer at power point presentation
Pangturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik aral sa Itatanong sa mga bata:
nakaraang aralin:  Naalala nyo pa ba ang nakaraang aralin natin?
 Maari ka bang magsalaysay tungkol dito, sa harap ng kaklase mo?
 Ano-ano ang iba’t- ibang uri ng pangungusap?
B. Pagganyak: Magpapanood ng video clip ang guro patungkol sa pananalanta ng bagyo.

 Ano- ano ang mga posebling di magandang epekto ng bagyo?

C. Paghahabi sa Pagpapaliwanag ng Guro


layunin ng aralin:  Mas magiging kaaya-aya at mahaba ang isang pangungusap kung ito
ay binubuo ng sanhi at bunga. Bukod dito, mas nagiging malinaw
ang ideyang nais ipahiwatig ng isang pangungusap gamit ang
istratehiya sa paggamit o pagsulat ng sanhi at bunga. Maaring ilagay
ang sanhi o bunga sa unahan o dulo ng pangungusap depende sa
nais nang nagsasalita o nagsusulat. Ang mga salitang dahil, sapagkat,
kase at iba pa ay ginagamit na panugtong nang sanhi o bunga.
D. Pag-uugnay ng mga  Tukuyin ang sanhi at bunga sa bawat pangungusap. Salungguhitan
halimbawa sa bagong ang sanhi at bilugan ang bunga sa slide presentation.
aralin 1. Ang bagyo ay may malaking epekto sa atin dahil sa kaya ditong
manira ng mga ari-arian .
2. Ito ay mapanganib sapagkat kaya nitong itumba ang mga puno.
3. Subalit ang ulang dulot ng matinding bagyo ay nakatutulong sapag
iimpok ng ulan sa dam sa darating na tag-tuyot.
4. ang kawalan ng kuryente ay sanhi ng bagyo.
5. Nananatili kami sa loob ng bahay kung may matinding bagyo.

 Pangkatang gawain:
1. Unang pangkat:( Slow Learner)
Panuto: Kulayan ng asul ang sanhi sa pawat pangungusap.
1. Masipag mag-aral si Andy kaya mataas na grado ang kanyang
nakuha.
2. Ang mga taong may malasakit sa kapaligiran ay marunong e-
recycle ang mga basura.
3. Hindi ko kayang sagutan ang aralin sapagkat ito ay mahirap.
4. Nasa ospital si Reden dahil siya ay naaksidente.
5. Napakalakas ng TV kaya di siya makatulog. \

2. Ikalawang Pangkat. ( Average Learner)


Panuto: Dugtungan ang pangungusap ng sanhi o bunga upang ito y
mabuo.
1. Ang mga bata ay naglalaro ng sarangola kapag
maaraw________________________________.
2.Mapanganib lumabas ng bahay kapag
bagyo._________________________________.
3. Ang matinding pagbaha ay delikado
______________________________________.
4. Madalas magkasunog tuwing bagyo
______________________________________.
5. May mga kaso ng sakit sa balat tuwing bagyo kapag tag-araw.
_______________________________________.

Ikatlong Pangkat.( Fast Learner)


Panuto: Gamit ang mga larawan sa ibaba, Magsulat ng pangungusap
na binubuo ng sanhi at bunga.

E. Pagtatalakay ng  Pag-uulat ng pangkat ayon sa paggabay ng guro.


bagong konsepto at  Ang rubrics sa ibaba ang siyang gagamitin sa pagbibigay ng score sa
paglalahad ng bagong bawat pangkat.
kasanayan
Pamantayan Puntos
Kawastuhan sa pagsagot 5
Kahusayan sa pag- uulat 5
Pagtutulungan nang bawat 5
miyembro
kabuuan 15

F. Paglinang sa Itatanong sa mga mag-aaral


Kabihasan  Ano ang iyong naramdaman matapos isagawa ang gawain?
 Ano ang iyong dapat na gawin upang mas lalong humusay ang iyong
pangkat?
G. Paglalapat ng aralin  Itatanong sa mga bata.
sa pang araw-araw  Paano ba nakatutulong ang wastong paggamit ng sanhi o bunga sa
araw- araw niyong pamumuhay?
 Nagagamit niyu ba ang sanhi o bunga sa tamang
pakikipagkomunikasyon sa ibat ibang uri ng tao?
H. Paglalahat ng aralin Itatanong sa mga bata
 Tungkol saan ang ating aralin ngayon?
 Ano ba nag sanhi at bunga?
 Mas magiging kaaya-aya at mahaba ang isang pangungusap kung ito
ay binubuo ng sanhi at bunga. Bukod dito, mas nagiging malinaw
ang ideyang nais ipahiwatig ng isang pangungusap gamit ang
istratehiya sa paggamit o pagsulat ng sanhi at bunga. Maaring ilagay
ang sanhi o bunga sa unahan o dulo ng pangungusap depende sa
nais nang nagsasalita o nagsusulat. Ang mga salitang dahil, sapagkat,
kase at iba pa ay ginagamit na panugtong nang sanhi o bunga.

IV. PAGTATAYA Panuto: Panuoring mabuti ang Video na ipapakita sa Power Point
Presentation pagkatapos ay magsulat ng 5 pangungusap na
binubuo ng sanhi at bunga gamit ang pandugtong na kasi, dahil ,
kaya at iba pa.
V. TAKDANG ARALIN Panuto: Manood ng balita sa TV Patrol pagkatapos ay magsulat ng 5
pangungusap na binubuo ng sanhi at bunga gamit ang pandugtong
na kasi, dahil , kaya at iba pa.
IV. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
B.Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng iba pang gawain
para sa remediation
C.Nakatulong ba ang
Remediation? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na
Magpapatuloy sa
Remediation.
E.Alin sa mga
Estratihiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Ito ba ay nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
nasulusyunan sa
tulong ng aking
punongguro o
superbisor?
H. Anong kagamitan
ang aking nadibuho na
nais kong maibahagi
sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni :

VJ Charles Hiedleberg Goña Valeriano


Mag-aaral/BSE- Filipino Major

You might also like