You are on page 1of 5

MASUSING Paaralan Bulhao Elementary School Baitang VI

BANGHAY- Guro GENEVIE V. ALEGRE Asignatura Filipino


ARALIN
Petsa at Oras March 8,2022 ( 8:00-8:50 pm) Markahan Ikatlo

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
A. Pamantayang Pangnilalaman
napakinggan
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga hakbang o panutong napakinggan
Naibibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. (F6PN-IV a-2)
C. Mga Kasanayang Naipaliliwanag ang kahalagahan ng kapaligiran/ kalikasan.
Pampagkatuto/Layunin
Naisususulat ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

II. PAKSA/NILALAMAN

Pagbibigay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

III. MGA KAGAMITAN


Sanggunian: A.TG: Curriculun Guide pp.12 ; LM 53-54,
B. TXT: Landas sa Pagbasa 6 pp. 148-151
Filipino 6 Banghay Araling pahina 64-69
C. Iba pang kagamitang panturo: tsart, larawan, telebisyon ,laptop, aklat, meta card, diksyonaryo,slate board
Power point presentation

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula

1.Balik-aral: Pagtatanong sa naging resulta nang natapos na Ikatlong Markahang Pagsusulit.


-Ano ang sanhi kung bakit ang iba ay nakakuha ng mataas na resulta ng kanilang Ikatlong
Markahang Pagsusulit ?
-Kapag patuloy ninyong pinagbuti ang inyong pag-aaral ,ano naman ang magiging bunga nito?

2.Panimula: Ngayon,bilang unang aralin sa Filipino ang ating tatalakayin ay ang tungkol sa pagbibigay ng sanhi at
bunga sa mga pangyayari.

B. Pangganyak
1. Pagpapakita ng larawan( nasa laptop/telebisyon) ( Localization )

- Ano ang masasabi ninyo sa bawat larawan?


- Saan ninyo ito makikita o matatagpuan?
-Sino na sa inyo ang nakarating dito?
-Anong gawain ang ipinakikita ng mga kabataan?
-Bakit kailangang gawin natin ang pagtatanim ng halaman
-Ano ang sanhi kung bakit nawala ang mga puno o halaman sa paligid ng Dam Site sa Brgy. Bulhao?
-Kapag pinabayaan natin ito ano ang maaring maging bunga nito?
C. Paglalahad ng Aralin

1.Paghahabi sa Layunin ng Aralin ( Picture Puzzle)

Tatawag ng ilang bata. Ipabuo ang mga ginupit-gupit na larawan.

(Larawan ng isang malinis at maruming kapaligiran)


A. Maruming Kapaligiran B. Malinis na kapaligiran

Itanong:

1. Ano ang masasabi ninyo sa nabuong larawan?


2. Alin ang mas pipiliin ninyo, ang larawan A o ang larawan B? Bakit?
3. Ano kaya ang sanhi ng maruming kapaligiran?Ano ang maaring bunga nito?
4. Ano naman ang magiging bunga ng malinis na lapaligiran?
5. Bilang isang mag-aaral,Paano kayo makakatulong sa inyong pamayanan/kapaligiran?

2.Paghahawan ng Balakid ( Guessing Game)


Magkaroon ng palaro kung saan unahan sila sa paghula at pagbubuo ng bawat pantig upang mabuo ang isang salitang tinutukoy ng
bawat pangungusap. Ipadikit ito sa tsart.

Halimbawa:
B U N G A 1.Nagsasabi ng resulta o kinalabasan ng mga pangyayari

S A N H I
2. Nagbibigay paliwanag o dahilan kung bakit naganap ang pangyayari.
N

3.Pag-uugnay sa Bagong Aralin (Integrative Approach)


Magpapakita ng larawan.. Ilarawan ang mga ito.

Itanong:

1.Ano-anong mga gawain ng tao ang ipinapakita sa bawat larawan?


2..Ano ang maaaring maging bunga ng mga nasa larawan?
3.Bilang bata anong mga gawain ang dapat ninyong gawin para makatulong sa ating pamayanan/kapaligiran
4. Paano kayo makakatulong upang maiwasan ang ganitong gawain?
5.Dapat ba nating patuloy na pangalagaan an gating kapaligiran bakit
5.Gawaing Pagpapaunawa (tungo sa pormatibong pagtataya #1) ( Gamification Strategy )
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#1

Maglaro ng “Ang PASSWORD ay …” .( tingnan sa power point presentation)

PAMANTAYAN:

1. Hatiin ang klase satatlong pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng slate board.
2. Ipabasa at ipasuri ang bawat pangungusap na ipapakita sa laro.
3. Ipatukoy sa kanila kung ang nasa loob ng panaklong ay sanhi o bunga.
4. Ipasulat ang sagot sa slate board sa loob ng 60 segundo lamang.
5. Sa tunog ng buzzer, lahat ng pangkat ay itataas ang kanlang sagot.
6. Ang may pinakamaraming tamang sagot ang panalo.

6.Gawaing Pagpapalalim (tungo sa pormatibong pagtataya #2) (Reflective Approach)

Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan#2

Panuto: Ibigay ang sanhi at bunga ng sumusunod na pangyayari


1. Nagsawalang bahala si Dhuonrex sa pagsusulit,kaya mababa ang nakuha niyang marka.
Sanhi:_________________________
Bunga:________________________
2. Ang mga guro sa Paaralang Elementarya ng Bulhao ay masaya,dahil dumating na ang kanilang bunos.
Sanhi:_________________________
Bunga:________________________
3. Hindi natulog nang maaga si Kristine kaya nahuli siya sa klase.
Sanhi:_________________________
Bunga:________________________
4. Pinalakpakan ng mga kamag-aral si Divine ,kasi nasabi niya ang tamang kasagutan
Sanhi:_________________________
Bunga:________________________
5 . Kakain ako ng marami,para maging malakas at malusog.
Sanhi:_________________________
Bunga:________________________

7.Gawaing Paglinang sa Kabihasaan (tungo sa pormatibong pagtataya #3) ( Collaborative Approach)


-Pagbibigay ng mga pamantayan sa pangkatang Gawain
-Pagbibigay ng mga tuntunin sa Gawain.

Hahatiin ang klase sa tatlong (3) pangkat. Isagawa ang gawain sa loob ng limang (5) minuto. Basahing mabuti ang talata at ilagay sa Fish
Bone Organizer ang mga pangungusap na nagpapahayag ng sanhi at bunga ng pagkasira ng kagubatan.

Rubriks:
Puntos Lebel Pamantayan

5 Napakahusay Buo ang kaisipan, may sapat na impormasyon ayon sa teksto,


malinaw, at lohikal ang pagkakaayos ng mga pangungusap

4 Mahusay Buo ang kaisipan, may sapat na impormasyon ayon sa teksto,


di-gaanong malinaw, at maayos ang pagkakaayos ng mga
pangungusap.

3 Katamtaman Buo ang kaisipan ngunit kulang ang impormasyon, di-


gaanong malinaw ang pangungusap at di-gaanong naisaayos
ang ideya.

2 Mapaghuhusay Hindi ganap ang pagkabuo, kulang ang impormasyon , at


pa hindi gaano maayos ang mga pangungusap.

1 Nangangailangn Hindi buo ang kaisipan, walang sapat na impormasyon, at


pa ng pantulong magulo ang mga pangungusap.
na pagsasanay
Pagkasira ng Kabundukan

Genevie V. Alegre

Laganap na ang iligal na pagpuputol ng mga punongkahoy sa kabundukan. Ginagamit ang mga pinutol na kahoy sa paggawa ng bahay,
papel, muwebles at iba pang mga kasangkapan. Ang gawaing ito ay nagdudulot ng kasamaan. Sa patuloy na pagpuputol ng mga puno, unti-
unti nang nararanasan ang masamang naidudulot nito. Nagkakaroon ng baha kung tag-ulan at pagguho ng lupa, ang mga pananim ay
nasisira, maraming bahay ang lubog sa baha, nasisira ang mga kasangkapan, at walang pasok ang mga tanggapan at mga eskwelahan.
Marami ang naaapektuhan dahil sa iligal na gawaing ito.

SANHI

Pagkasira ng
BUNGA
Kabundukan

- Pag- uulat ng bawat pangkat

D. Paglalapat
(Ang guro ay maglalagay ng ilang pirasong papel sa ilalim ng upuan ng mga bata na may nakasulat na mga napapanahong suliranin ng ating
bansa. Ipapahanap ito sa mga mag-aaral. Ang makakakuha ang siyang magsasabi ng dahilan ng nakasulat na suliranin.)

Ano-ano ang mga dahilan ng mga sumusunod na suliranin ng ating bansa.

1. Maagang pagbubuntis
2. Kawalan ng hanapbuhay
3. Kahirapan
4. Mahabang Traffic
5. Pagkalulong sa droga
E. Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Ibigay ang wasto ang mga kahulugan ng sanhi at bunga
Ilagay sa bilog ang kahulugan ng sanhi at bunga batay sa tinalakay na aralin.

SANHI BUNGA

F. Pagtataya

Pagtambalin ang mga pangyaya na nagpapakita ng sanhi at bunga. Isulat ang titik na tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

______1.Paggamit ng dinamita a. Pag-init ng paligid

______2. Panghuhuli ng mga hayop b. Pagkamatay ng mga isda

______ 3.Pagpuputol ng mga punong kahoy c. Pagkawala ng mga hayop

______ 4.Pagsusunog sa kabundukan d. Pagdumi ng tubig sa mga ilog at dagat

______5. Pagtapon ng mga basura sa ilog at dagat e. Pagbaha


G. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Bumuo ng mga pangungusap mula sa mga sanhi at bunga na nasa hanay A at hanay B. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

Hanay A Hanay B

1.Dumudumi ang ilog a. dahil maibigin sa kalinisan ang mga mamamayan

2.Maraming halaman sa bakuran b. kasi kaarawan niya.

3.Malinis ang kapaligiran c. dahil sa mga basurang tinapon

4. Si Lea ay huli na sa klase d. dahil masipag magtanim ang mga tao

5.Maraming natanggap na regalo e. kaya hindi siya pumasok sa klase

si Mia

V. MGA TALA Performance Level- 99%

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
36
nagtamo ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
0
gawaing pagpapahusay
(remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
YES/36
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
patuloy na nangangailangan
0
ng pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang Collaboration Approach, Integrative Approach, Reflective Approach ,Gamification
naging epektibo? Bakit? Strategy
F. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas
Pupils’behavior toward their classmate
sa tulong ng aking
punongguro Bat superbisor?
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit Localized story, video and Im’s
/natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

Inihanda ni:

GENEVIE V. ALEGRE
Guro-III
Nabatid:

ZOILO D. CERENO
Punongguro- I

You might also like