You are on page 1of 3

School ELPIDIO R.

QUIRINO ES Grade Level VI- Daffodil


Teacher ORDEN V. CAYSO Learning Area FILIPINO
Teaching Date and Time 8:10 – 9:00 AM Quarter 2nd Observation 2

Banghay Aralin sa Filipino 6


(Scheduled Classroom Observation)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng teksto at
napapalawak ang talasalitaan
B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng isang nakalarawang balangkas
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari F6PB-IIIb-6.2
D. Mga Layunin  Naibibigay ang kahulugan ng sanhi at bunga
 Naibabahagi ang tamang pagdedesisyon na natutunan sa aralin
 Napipili nang tama ang sanhi at bunga sa teksto

II. NILALAMAN Sanhi at Bunga


III. MGA KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials pages
3. Textbook
4. Additional materials Modules
fromLearning Resource (LR) portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo Video, Pictures, Worksheets

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
A. Balik-Aral Balik Aral: (indicator 1-within; indicator 5; indicator 3-HOTS; indicator 9)

Game: Ready Set Go! (NAGANAP; NAGAGANAP; MAGAGANAP)

Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na nakasalungguhit sa bawat pangungusap.


Sa pagpili ng sagot kailangang pumila sa tatlong pagpipilian.

Pangungusap:
1. Panonoorin namin ang paglubog ng araw.
2. Nakita ko si Ronnel sa SM.
3. Tumatakbo ang mga bata.
4. Ang tatay ko ay nagtitiis sa banig ng karamdaman.
5. Siguro ay sasama ka sa Surigao.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Pagganyak: (indicator 1-Science, English-classifying; indicator 2-Literacy, Numeracy;
indicator 3-HOTS; indicator 4-Hands-On; indicator 5; indicator 9)

Hanapin ang mga hayop at ibalik sa kanilang mga tirahan.

Mga Tanong:
 Ano ang Habitat?
 Ilan lahat ang mga hayop na nakita?
 Nailagay ba ng tama ang mga hayop sa kanilang tamang tirahan?
 Magbigay ng mga iba pang halimbawa ng mga hayop na nakatira salupa
at tubig at parehong lupa at tubig.
 Sino ang may alagang hayop sa bahay?
 Paano ang tamang pag-aalaga sa mga hayop?
 Anong mangyayari sa kanila kung hindi sila naalagaan ng maayos?

Kwento: Naiinggit Si Kikang Kalabaw (indicator 6; indicator 1-English-NothingDetails;


indicator 5; indicator 3; indicator 9)

Panuto: Panoorin, pakinggan, at unawaing mabuti ang kwento. (indicator 5)

Talakayin ang kwento (indicator 3-HOTS)

Mga Tanong:
 Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
 Ano-ano ang mga gawain ni Kikang kalabaw?
 Ano naman ang ginagawa ni Basyong Aso?
 Bakit malungkot sa Kikang Kalabaw?
 Bakit naparusahan si Kikang Kalabaw?
 Dapat bang kainggitan ang ating kapwa tao?
 Ano ang maaring idulot ng kaiinggitan?
 Ano ang gintong aral sa kwento?

C. Pag-uugnay ng mgahalimbawa sa Magpapakita ang guro ng mga larawan na nagpapakita ng ugnayan ng sanhi
bagong aralin at bunga. (indicator 3-HOTS; 4-Hands-on; indicator 5)

Sanhi: Si Buboy ay mahilig mag-ipon ng pera.


Bunga: Kaya nakabili siya ng bagong damit.

Sanhi: Si Jessa ay palaging maagang gumigising sa umaga.


Bunga: Kaya hindi siya nahuhuli sa pagpasok sa paaralan.

Sanhi: Kumain ng marami si Daniel.


Bunga: Kaya sumakit ang kaniyang tiyan.

D. Pagtalakay ng bagongkonsepto at Mula sa halimbawang ibinigay ng guro, tatalakayin ang SANHI at BUNGA.
paglalahad ngbagong kasanayan #1
Sanhi - ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
Karaniwan itong sumasagot sa tanong na bakit.

Bunga - ito ay nagsasabi ng kinalabasan o resulta ng pangyayari.

E. Pagtalakay ng bagongkonsepto at Pangkatang Gawain (indicator 3, 4, 5, 6, 9)


paglalahad ngbagong kasanayan #2
Pangkat 1: Gumawa ng pangyayari na may ugnayan ng sanhi at bunga.
Pipili ng isang bunga ng pangyayari at ibigay ang mga naging sanhi nito.

Pangkat 2: Isadula ang Sitwasyon


Umiiyak siya dahil masakit ang kanyang ngipin dahil hindi sinunod ang payo
ng magulang.

Pangkat 3: Ibigay Mo!


Gamit ang mga larawang ibibigay ng guro, ibigay at isulat ang sanhi at
bungasa patlang sa ilalim ng bawat larawan.

Pangkat 4: Kumpletuhin Mo!


Magbibigay ang guro ng mga pangungusap na may ugnayang sanhi at bunga.
Isulat sa patlang ang nawawalang sanhi o bunga sa bawat pangungusap.
F. Paglinang sa kabihasnan Pag-uulat at pagpapakita ng mga pangkatang gawain. Pagbibigay ng
mgakatanungan ng guro tungkol sa kanilang isinagawa. (indicator 3 - HOTS)

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Tanong: (indicator 3 - HOTS; indicator 1-English-inferring; indicator 9)


araw na buhay
 Magbigay ng sariling karanasan sa buhay na hindi mo nasunod o
sinunod ang payo ng inyong magulang.
 Ano ang nangyari nang sinunod mo ito?
 Ano ang nagyari nang hindi mo sinunod ito?
 Mahalaga ba ang pagsunod sa mga payo ng nakatatanda sa atin?
Bakit?

H. Paglalahat ng aralin Muling balikan ang kahulugan ng sanhi at bunga. (indicator 3-HOTS; indicator 9)

 Ano ang kahulugan ng sanhi?


 Ano ang kahulugan ng bunga?

I. Pagtataya ng aralin Gawin sa sagutang papel. (10 puntos) (indicator 3-HOTS; indicator 9)
Guhitan minsan ang sanhi at makalawa ang bunga ng pangyayari.

J. Karagdagang gawain para Isulat sa kuwaderno. (indicator 1 – Arts integration; indicator 9)


satakdang aralin at remediation Gumuhit ng isang panyayari at ipakita ang sanhi at bunga nito. Kulayan ito.

Inihanda ni: Binigyan Pansin ni:

ORDEN V. CAYSO JOSEPH A. ESTIGOY


Master Teacher II Principal IV

You might also like