You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-lapu City

INSTRUCTIONAL PLAN IN FILIPINO 4

Pangalan: ROSEMARIE P. FUENTES Posisyon/Designasyon: TEACHER III

Asignatura: Baitang: Marka Petsa:


FILIPINO han:
APAT Ika-28 ng Oras: (50 minuto)
IKALA Nobyembre
WA 2022

Mga CODE:
Kasanayan: Nagagamit ang pandiwa sa pagsasalaysay ng isang pangungusap
F4WG-IId-g-
(Hango sa 5
Gabay
Pangkurikulu
m)

I. MGA LAYUNIN
Kaalaman Nakikilala ang mga pandiwa

Nagagamit ang mga pandiwa sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling


Kasanayan
karanasan

Kaasalan Napahalagahan ang pagtutulungan sa sariling pamilya

II. NILALAMAN
Paksa Pandiwa

Balarila pp. 100-106, Pluma pp112-129


Sanggunian Ang Masayang Pamilya - YouTube

Kagamitan tsart, activity cards, laptop at tv

III. PAMAMARAAN
PANIMULANG -Pambungad na Panalangin.
GAWAIN
-Pagtatala ng mga lumiban at nasa loob ng klase.
-Pagbibigay ng Panuntunan sa klase.
-Pagbabalik-aral:
Ano ang pang-uri? Ano ang tatlong antas ng pang-uri?
- Magbigay ng 5 pangungusap. Ipatukoy ang pang-uri at ang antas nito.
1.Masarap ang pansit na luto ni Nanay.
2. Kasingtangkad ko na ang tatay ko.
3. Si Krista ay ang pinakamahusay na mag-aaral sa klase ni Bb. Cruz.
4. Magalang ang anak ni Aling Martha.
5. Ang araw ay mas maliwanag kaysa sa buwan.
PANGGANYAK

Itanong:
Sino-sino ang nakatira sa inyong tahanan?
Ilan kayo sa pamilya?
Ipakilala ang konsepto tungkol sa pamilya. (ARAPAN INTEGRATION)

Ano-ano ang mga gawaing ginagampanan ng bawat kasapi ng inyong pamilya sa


inyong tahanan?
(Hayaang ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot.)
PAGLALAHAD

Ipanood sa bata ang isang maikling kuwento na pinamagatang “ Ang Masayang


Pamilya”
Ipaalala sa mga bata ang pamantayan sa panonood.
PAGSUSURI

Itanong:
1.Sino-sino ang kasapi ng pamilya?
2. Ano ang ginagawa ng bawat kasapi? (Isulat ang mga sagot sa pisara)
3. Ano ang dapat nating gawin sa mga gawain o tungkulin sa ating bahay?
4. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng pamilya?

Balikan ang mga salitang isinulat ng guro sa pisara. Ipabasa ang mga ito at
ipatukoy ang pagkakatulad ng mga salita.
Ipakilala ang pandiwa.
Maglahad ng mga pangungusap at ipatukoy ang pandiwang ginamit dito.
1.Si Nanay ay nagluluto ng hapunan.
2.Tapos na ako maghugas ng mga pinggan.
3. Binabasa ni Tatay ang bagong diyaryo.
4. Si Amelia ay nag-aaral sa kanyang silid.
PAGLALAHAT 5. Naglalaro ang mga bata sa bakuran.

Itanong:
Ano ang pandiwa?
Magbigay ng mga halimbawa ng pandiwa?
PAGLALAPAT
Hatiin ang klase sa anim . Bigyan ng envelopes ang bawat grupo na naglalaman
ng iba’t ibang gawain. Bibigyan sila ng 5 minuto upang sagutin ito at ipalahad sa
klase .
Pangkat 1- Ipatukoy ang mga pandiwa sa mga salitang ibibigay ng guro.
Pangkat 2- Magpabigay ng 10 halimbawa ng pandiwa.
Pangkat 3- Ipatukoy ang pandiwa na nasa larawan.
Pangkat 4- Gumuhit ng tatlong larawan na nagpapakita ng kilos at galaw.
Pangkat 5- Tukuyin ang angkop na pandiwang kukumpleto sa pangungusap.
Pangkat 6- Bumuo ng limang pangungusap na may pandiwa.

IV. PAGTATASA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod. Punan nang angkop na pandiwa ang
patlang upang mabuo ang talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

bumili kumanta nagluto


dumalo gumawa kinain

Noong Sabado ay kaarawan ni Rita. Marami siyang bisita. ________ ang kanyang
mga pinsa at kamag-aral. ________ ang kanyang ina ng spaghetti. ________ din ng fruit salad ang
kanyang tita. _________ ng ice cream at lobo ang kanyang kuya June. _______ nila ang lahat ng
handa at ________ ng happy birthday kay Rita.

V. GAWAING BAHAY / TAKDANG-ARALIN

Pag-aralan ang tatlong aspekto ng pandiwa.

You might also like