You are on page 1of 5

Paaralan: A.L.

Navarro Central Baitang: Anim


Elementary School
Asignaturang Carel Joy F. Casimero Asignatura: Filipino
Guro:
Petsa: MarsoBanghay
07, 2024 Aralin sa Filipino 6
Markahan: Ikatlo
I. Layunin A. Panimulang Gawain
Oras: (Panalangin,
Pagkatapos ng aralin,
1hrang mga Paunang pagbati,
mag-aaral Pagsuri
aySinuri ni: sa pagdalo)
inaasahang: Gng. Geraldine
a.naipapaliwanag ang batayang impormasyon tungkol sa mga uri ng pangungusap;
Balomaga
b.naibabahagi ang Mga
tamangalituntunin
bantas at impormasyon ng mga uri ng pangungusap sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan; at
c.napapahalagahan1.angMakinig ng mabuti
wastong paggamit ng uri ng pangungusap.
2.Makilahok sa klase
A. Pamantayang pangnilalaman
3.One mouth rule
B. Pamanatayan sa 4.Itaas lamang ang kanang kamay kung gustong sumagot.
pagganap
5.Humingi ng permiso kung lalabas o pupunta sa palikuran
C. Pamantayan sa Pagkatuto
NagagamitBalik-Aral
sa usapan at iba’t-ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap
Tatanungin ang mga mag-aaral batay sa nakaraang aralin.
F6WG-Iva-j-13
II.Paksang Aralin:
Uri ng Pangungusap

III. Mga mapagkukunan ng Pag-aaral


A. Mga pinagkunan o References
Modyul sa Filipino Ikatlong Markahan Sariling Linangin Kit 5: Uri ng
pangungusap
1. Mga pahina
Pahina 1-13
B. Mga kagamitan
Charts, Pictures, Activity/worksheets, modyul at iba pa..
IV.
Pamamaraan
B. Pagganyak “Buuin Mo”
Mekaniks:
 Ang mga mag-aaral ay pagpangkatin sa lima.
 Ang guro ay magbibigay ng nagkakahiwalay na mga letra at ang
bawat pangkat na ang bahalang bumuo nito.
 Ang guro ay magbibigay ng flaglets na iwawagayway nila
pagkatapos upang malaman kung sino ang nakauna.
 Gagawin lamang nila ito ng dalawa o tatlong minuto.
 Ang unang makabuo ay siyang bibigyan ng sampung puntos.

1. PASASAYLAY -PASALAYSAY 4. PAKIPASU-PAKIUSAP


2. TAPANONG-PATANONG 5. DAMDAMPA-PADAMDAM
3. PASOTU-PAUTOS

Mga Katanungan:

1. Ano ang napansin ninyo sa letra na inyong nabuo?


2. Sa tingin ninyo, tungkol saan kaya ang mga salitang inyong nabuo?
Saan to nabibilang?

Paglinang ng A. Paglalahad
Gawain Ang mga sumusunod ay ang mga tatalakayin:

Basahin ang usapan ng mag-ina sa pahina 3.


*Palitan ng diyalogo:
-Aling Cely (Ma’am Joy)
-Tony (Mga lalaki)
-Lita (Mga babae)

Mga katanungan:
1. Ano-anong mga bantas ang ginagamit sa usapan?
2. Ano-anong mga pangungusap ang ginamit sa pagpapahayag ng
naiisip at nadarama ng mga nag-uusap?

Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit


 Pasalaysay o Paturol- nagsasaad o nagsasabi ng isang
pahayag o kaisipan; nagtatapos ito sa tuldok (.)
Mga Halimbawa:
Ang mga bata ay naglalaro sa labas ng bahay.
Mahalaga ang gulay sa ating katawan.
Si Ana ay tumatakbo.
 Patanong- nag-uusisa o naghihingi ng kasagutan o paliwanag;
nagtatapos sa tandang pananong (?)
Mga Halimbawa:
Ano ang pangalan ng iyong aso?
Saan ka nakatira?
Sino ang nagregalo kay Ana?
 Pautos- nag-uutos; Nilalagyan ito ng tuldok sa hulihan.
Mga Halimbawa:
Diligan mo ang halaman.
Huwag kang lalapit sa akin.
Ihanda ang mga pinggan mesa dahil tayo ay kakain na.

 Pakiusap- nakikiusap o humihingi ng pahintulot; Kapag ang


ginagamit ay panlaping paki- sa pandiwa, magtatapos ito sa
tuldok, kapag ipinahayag namn ito sa paraang humihingi ng
pahintulot, nilalagyan ito ng tandang panananong sa hulihan.
Mga Halimbawa:
Maaari ba akong humingi ng isang pirasong papel?
Pakikuha nga ng aking lapis?
Pwede mo ba akong samahan na bumuli ng prutas?
 Padamdam- nagpapahayag ng matinding damdamin gaya ng
saya, lungkot, pagkabigla, pagkatakot, gulat, sakit at iba pa.
Ginagamitan ito ng tandang padamdam.
Mga Halimbawa:
Yehey! Nanalo tayo sa laro.
Naku! Ang bata ay nahulog sa hagdan.
Umalis ka!

Aktibidad “Halimbawa mo, basahin mo!”

Panuto:
*Ang mga mag-aaral ay pagpangkatin sa lima.
*Ang guro ay magbibigay ng kalahating manila paper upang
sulatan sa bawat pangkat ang napili nilang uri ng pangungusap.
*Bibigyan lamang ang bawat pangkat ng 2-3 minuto upang isulat
ang mga halimbawa na hindi hihigit sa tatlo.

Rubrik:
Sabay-sabay na pagbasa - 10
Tama ang mga halimbawang isinulat- 10
Partisipasyon ng bawat meyembro- 5
Kabuuan- 25 puntos
B. Pagtatalakay Mga pangprosesong katanungan:
o Analisis
1. Ano ang kahalagahan ng mga uri ng pangungusap?
-nagiging gabay ang mga ito upang malaman kung paano gagamitin
ang bahagi ng pananalita sa pagpalawak ng pangungusap at sa
tulong ng mga bantas na ginagamit sa pangungusap mas malinaw
at ang isang salita o pangungusap.
2. Kailan ka gagamit ng mga pangungusap na pasalaysay?
-kung ito ay nagsasaad o nagsasabi ng isang pahayag o kaisipan.
3. Kailan ka gagamit ng mga pangungusap na patanong?
-Kung nang-uusisa o humihingi ng kasagutan o paliwanag.
4. Anong pangungusap ang nagpapahayag ng masidhing damdamin?
Magbigay ng isang halimbawa.
5. Sa pangungusap na pakiusap, ano ang napapansin mo sa mga
pahayag na ginagamit? Humihingi ba ito ng pahintulot? Gumagamit
ba ito ng panlaping paki- sa pandiwa?

C. Paglalahat Panuto: Lagyan ng tamang bantas ang pangungusap ayon sa gamit


nito. Kopyahin at sagutin sa iyong sagutang papel.

1. Dumalaw tayo sa bahay-ampunan____


2. Aba____naubos na pala____
3. Masarap ang adobo ni Nanay Mameng____
4. Anong ganda ng paglubog ng araw_____
5. Handa ka na bang umuwi sa bukid _____
6. Tumulong tayo sa pagtanim sa paligid_____
7. Ang lahat ay nasiyahan sa kanilang pinanood_____
8. Kay linis ng Lungsod ng Davao____
9. May ipadadala ka ba sa tatay mo____
10. Aba’y ____ napakahalaga nga ng mga uri ng pangungusap_____

D. Paglalapat Mekaniks:
 Ang mag-aaral ay pagparesin sa dalawa.
 Ang dalawa ay gagawa ng diyalogo na gusto nila. Kahit tig-
iisang pangungusap at sasabihin nila kung ano ang ginagamit
nilang pangungusap sa pagdidiyalogo.
 Bibigyan lamang sila ng dalawa hanggang tatlong minuto sa
paghahanda at kanila na itong gagawin.
 Ang may maayos at tamang pangungusap na ginagamit ay
siyang makakatanggap ng tig sampung puntos bawat isa ang
kabuuang iskor ng magpares ay dalawampu.

V. Pagsusulit Panuto:
I. Piliin ang titik ng naiibang uri ng pangungusap sa bawat bilang at
isulat sa iyong sagutang papel.

1. A. Sssshh! Baka magising ang sanggol.


B. Tumawag ka sa iyong kaklase.
C. Ay! Nabasag ang garapon!
D. Sunog! Sunog!

2. A. Tumakbo ka roon.
B. Ibibigay ko ito sa ulila.
C. Magsabi ka ng totoo, Dan!
D. Ipitas mo ako ng ilang bulaklak.

3. A. tahimik sa aming pamayanan.


B. Wasto kaya ang aking isinagot?
C. Nangangalaga ba sa kalikasan ang mga tao?
D. Tumayo ka ba nang tinugtog ang pambansang awit?

4. A. Magagawa pa ba ang aking relo?


B. Maagang pumasok sa trabaho si Rene.

C. Ang aming pamayanan ay balita sa kalinisan.


D. Daan-daang sundalo ang dinala sa Mindanao.

5. A. Sumama ka sa iyong Tiyo Renato.


B. Pag-ingatan natin ang ating mga gamit.
C. Araw-araw naliligo at nagpapalit ng damit si Mila.
D. Huwag mong kalimutang magdasal bago matulog.

VI. Takdang- Panuto: Sumulat ng pangungusap na nagpapahayag ng sumusunod


Aralin na kaisipan o damdamin. Gawin ito sa short bondpaper at maging
malikhain sa paggawa.

Halimbawa: (Nagtatanong) – Nabusog ka ba?

1. (Natutuwa)
2. (Nakikiusap)
3. (Nagugulat)
4. (Nagpapaalala)
5. (Nagsasalaysay)
6. (Nag-uutos)
7. (Natatakot)
8. (Nagtataka)
9. (Nasasaktan)
10.(Humihingi ng pahintulot)

Inihanda ni:
CAREL JOY F. CASIMERO
BEE4-S’T

Inaprobahan ni:
GNG.GERALDINE S. BALOMAGA
Guro sa Filipino-Teacher III

You might also like