You are on page 1of 4

School ALICIA EAST CENTRAL Grade Level Grade 5

Grade 5 Teacher IRISH S. NOVAL Learning FILIPINO


Detailed
Area
Lesson
Plan Teaching Quarter Fourth
Date and June 09, 2021(CO 2) Week 1
Time

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B.Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng radio broadcast/teleradyo, debate at ng isang forum
C.Mga Kasanayan sa Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pag-uulat ng nasaksihang pangyayari
Pagkatuto F5PS-IVa-12.21
Nagagamit ang iba‘t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang
balita F5WG-IVa-13.1
II.NILALAMAN Iba‘t ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsasalaysay
III.KAGAMITANG PANTURO
A.Sanggunian MELCs p. 220
1.Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2.Mga pahina sa kagamitang
pang-mag-aaral
3.Mga pahina sa teksbuk Filipino 5 SLM 2 week 1/ Filipino 5 LAS
4.Karagdagang kagamitan mula
sa portal ng Learning Resource
B.Iba pang kagamitang panturo Larawan, LED TV, powerpoint

IV.PAMAMARAAN
A.Balik-aral sa nakaraang aralin Hanapin ang kaparehas na larawan na naglalaman ng sanhi at bunga.
at/o pagsisimula ng bagong aralin

B.Paghahabi sa layunin ng aralin Magpapakita ng larawan ng mga bantas na ginagamit sa pangungusap.

Itanong sa mga bata kung saan makikita ang mga bantas na ito.
-Pangungusap
Ibigay ang kahulugan ng Pangungusap.
-lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buo ang diwa. Ito ay binubuo ng
panglahat na sangap, ang simuno at panag uri

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa Ang mga sumusunod na jumbled letters ay mga uri ng pangungusap. Buuin ang
sa bagong ralin mga ito at sabihin kung anong uri.

1. tapanong
2. dampadam
3. saypasalay
4. uptosa
D.Pagtalakay ng bagong konspto at Ipabasa ang maikling diayologo.
paglalahad ng bagong kasanayan
Magbigay ng pamantayan sa pakikinig.
#1
1. Upo ng maayos.
2. Maging aktibo sa pakikinig
3. Irespeto ang nagsasalita.
4. Maging handa sa mga tanong.

Pumili ng batang magbabasa.


AY, SUWERTE!
JOSE: Inay, maaari po ba akong magpunta sa lumang basketball court at
maglaro?
INAY: Sige anak, kaya lamang ay huwag mong pabayaang matuyo ang pawis sa
iyong likod. Idaan mo itong ginataan kay Mareng Sela.
JOSE: Opo. (pasipol-sipol pa si Jose dala ang bola at mangkok ng ginataan). Uy,
singkuwenta pesos! Kanino kaya ito? Kay Inay? Ah, dina bale, akin na ito!
Napulot ko ‘to. Ibibili ko ng kendi sina Carlo, Oscar, May, at Grace. Inay!
Pag-uwi ng bahay…
JOSE: Nawalan po ba kayo ng pera? Singkuwenta pesos, o! Napulot ko sa tabi ng
pinto.
INAY: Naku, salamat Jose! Kanina ko pa nga iyan hinahanap. Maraming salamat.
(Hahalikan si Jose.)

Ipasagot sa mg bata ang mga tanong.

1. Ano ang napulot ni Jose?


2. Ano ang una niyang naisip gawin tungkol dito?
3. Ano ang tawag natin sa umaangkin ng bagay na hindi nila pagmamay-ari?
4. Kung ikaw si Jose, gayon din ba ang iyong gagawin?
5. Anong uri ng bata si Jose? Patunayan.
6. Paano ginamit ang pangungusap sa usapan?
7. Magkatulad ba ang paraan ng paggamit sa pangungusap?
8. Ano ang ipinapahayag ng bawat pangungusap?
9. Anong bantas ang ginamit sa hulihan ng bawat pangungusap?
E.Pagtalakay ng bagong konsepto Ipakilala at ipaliwanag ang mga uri ng mga pangungusap.
at paglalahad ng bagong kasanayan
#2 1. Pasalaysay – nagsasalaysay o nagkukuwento; nagtatapos sa tuldok (.)
Halimbawa: Si Ramon Magsaysay ay malapit sa puso ng masa.
2. Patanong - nagtatanong; nagtatapos sa tandang pananong (?).
Halimbawa: Paano siya naglingkod sa bayan?
3. Pautos o Pakiusap- ang pautos ay nag-uutos; ang pakiusap ay nag-uutos sa
anyong nakikiusap. Ang pautos ay nagtatapos sa tuldok; ang pakiusap ay maaring
nagtatapos
sa tuldok (.) o tandang pananong (?).
Halimbawa: Tawagin mo ang iyong kaibigan.
Maaari bang pumarito na kayo?
4. Padamdam – nagpapahayag ng matinding damdamin; nagtatapos sa tandang
Padamdam (!).

F.Paglinang na Kabihasaan Ipasagot sa mga bata ang mga sumusunod na pagsasanay.

Ilagay sa unahang patlang ang uri ng pangungusap at ilagay din ang tamang
bantas na ng pangungusap.

G.Paglalapat ng aralin sa Ipangkat ang mga bata sa apat na pangkat.


pangaraw-araw na buhay Unang pangkat ay bubuo ng 5 pangungusap gamit ang iba,t ibang uri ng
pangungusap.
Ikalawang pangkat
Punan ang mga pangungusap ng tamang bantas upang makompleto ito.
1. Nagsisisigaw pa rin ba si Emma____
2. Hinahamon niya ako ng away_
3. Hoy__ Ang yabang mo___
4. Pakisabi kay Angie na gusto ko siyang makausap__
5. Inalalayang tumayo ni Joan si Jay-r__
Ikatlo pangkat

Ikaapat pangkat ay magsasagawa ng isang diyalago gamit nag ibat ibang uri ng
pangungusap.
H.Paglalahat ng aralin Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
1. Pasalaysay – nagsasalaysay o nagkukuwento; nagtatapos sa tuldok (.)
2. Patanong - nagtatanong; nagtatapos sa tandang pananong (?).
3. Pautos o Pakiusap- ang pautos ay nag-uutos; ang pakiusap ay nag-uutos sa
anyong nakikiusap. Ang pautos ay nagtatapos sa tuldok; ang pakiusap ay maaring
nagtatapos
sa tuldok (.) o tandang pananong (?).
4. Padamdam – nagpapahayag ng matinding damdamin; nagtatapos sa tandang
Padamdam (!).
I.Pagtataya ng aralin

J.Karagdagang Gawain para sa Sumulat ng tig-dadalawang pangungusap gamit ang mga uri ng pangungusap na
takdang aralin at remediation nag-aralan.
1. Pasalaysay
2. Pautos
3. Pakiusap
4. Patanong
5. padamdam
V.MGA TALA
VI.PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral na nakauha ng
80% sa pagtatayao.
B.Bilang ng mag-aaralna
nangangailangan ng iba pang Gawain
para sa remediation
C.Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

D.Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E.Alin sa mga estratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos?Paano ito
nakatulong?
F.Anong sulioranin ang aking
naranasan na solusyunansa tulong ng
aking punungguro at superbisor?
G.Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho nanais kong ibahagi sa
kapwa ko guro?

Prepared By:

IRISH S. NOVAL
Teacher I Noted:
RUBY R. GARCIA
Principal II

You might also like