You are on page 1of 10

Paaralan Bambang Central Baitang Anim

School Integrated Sped


Center
Guro Alona Joyce F. Alfonso Asignatura FILIPINO
DAILY LESSON Petsa/Oras Markahan
Marso 14, 2024 IKATLONG
PLAN
MARKAHAN
(Ika-apat na
Linggo)

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
Pangnilalaman sariling ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin.
B. Pamantayang sa Napapahalagahan ang wika sa pamamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan.
Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Nagagamit sa usapan at iba’t-ibang sitwasyon ang uri ng pangungusap. (FGWG-
Pagkatuto Iva-j-13)
Isulat ang code ng
bawat kasanayan
II. NILALAMAN Paggamit ng mga uri ng pangungusap sa usapan at iba’t-ibang sitwasyon.
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang
pang Mag-aaral
3. Mga pahina sa Hiyas sa Wika 6, pahina 8-13
Teksbuk
4. Karagdagang Power point presentation, manila papers, white boards and marker.
Kagamitan mula
sa portal ng
Learning
Resource
B. Iba pang
kagamitang panturo
IV. PAMAMARAAN
(Ilagay Kung anong Pamamaraan ang GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
Gagamitin)
A. Balik aral sa nakaraang Magandang hapon mga bata! Magandang hapon din po, titser!
aralin at/o pagsisimula
ng bagong aralin
Bago tayo magsimula tayo muna’y
mananalangin.

Maraming salamat po sa patuloy na


paggabay ninyo sa amin. Ngayon ay
magsisimula po kami sa isang
panibagong aralin, bigyan niyo po
kami ng sapat na lakas at galing
upang maging matagumpay ang araw
na ito.

Maaari na kayong umupo.

Mayroon bang lumiban sa klase


ngayon? Wala po ma’am

Mabuti kung ganun!

Klas, Ano ang tawag natin sa lipon Ang tawag sa lipon ng mga salitang may
ng mga salitang may boung diwa? buong diwa ay pangungusap.

Ano naman ang dalawang bahagi Ang dalawang bahagi nito ay ang
nito? simuno at panaguri.

Tama! Ating napag-aralan na ang


pangungusap ay lipon ng mga
salitang may boung diwa. Ito ay
binubuo ng dalawang bahagi, ang
simuno at panaguri.

Ngayon, maglalaro tayo ng Hep-hep


at Hoorey. Basahin nga ang panuto.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na


pangungusap. Isigaw ang HOOREY
kung ang nasalungguhitan ay simuno at
HEP-HEP naman kung ang
nasalungguhitan ay panaguri.

1. Ang araw ay sumikat na. - HOOREY


2. Nagtitimpla ng kape si Crisanta. -
HEP-HEP
3. Malakas na tumitilaok ang mga
tandang. - HOOREY
4. Unti- unting nawawala ang dilim. -
HOOREY
5. Ang mag-anak ay sabay-sabay kumain
ng almusal. - HEP-HEP
B. Paghahabi sa layunin ng Klas, may ipapakita akong larawan.
aralin

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?

Ang nakikita po namin sa larawan ay


ang dalawang batang nag-uusap.

Ano ang maaring pinag-usapan ng Ang maaring ang pinag-uusapan nila ay


dalawang bata? tungkol sa ginawa nila sa paaralan.

C. Pag-uugnay ng mga Ngayon klas, mayroon isang


halimbawa sa bagong dayalogo o usapan ng mag-ina.
aralin Pero bago natin basahin narito ang
pagganyak na tanong

Sa inyong palagay, paano kaya nila


ipapahayag ang kanilang damdamin
o iniisip?
Ay!Swerte!
Josefino: Inay, maari po ba
akong magpinta sa lumang
basketball court?

Inay: Sige, anak kaya lamang,


huwag mong pabayaang matuyo
ang pawis mo. Pakidaan mo na
rin itong ginataan kay Mareng
Sela.

Josefino: Opo inay. (may


pasipol-sipol pang naglakad si
Josefino dala ang bola at
mangkok ng ginataan.) Uy!
Singkwenta pesos! Kanino kaya
ito? Kay inay? Ah, di na bale.
Akin na ito! Napulot koi to.
Tiyak, marami akong mabibili
nito. Ibibili ko si Titser Tess nang
bulaklak at tsokolate. Ah, ewan!
Inay! Inay! Nawalan po ba kayo
ng pera? Singkwenta pesos?

Inay: Naku, salamat Josefino!


Kanina ko nga iyan hinahanap.
Maraming salamat. (hahalikan si
Josefino.)

Mga tanong:
1. Ano ang napulot ni Josefino? 1. Pera
2. Ano ang una niyang naisip gawin 2. Ibibili si titser Tessng tsokalate
tungkol dito? at bulaklak.
3. Ano ang naramdaman ng Nanay 3. Si nanay ay masaya na naibalik
nang maisauli ang kanyang pera? ang kanyang pera.

Ano-anong uri ng pangungusap ang


ginamit ng mga nag-uusap sa pagpa
pahayag ng naiisip o nadarama?

Ito ang tatalakayin natin ngayon.


D. Pagtalakay ng bagong Ang mga sumusunod na Suriin kung anong uri ng pangungusap
konsepto at paglalahad pangungusap ay halaw sa dayalogo. ang mga ito.
ng bagong kasanayan
Kasanayan #1 1. Uy!Singkwenta pesos! -
Padamdam
2. Napulot ko ito sa tabi ng pinto. -
Pasalaysay
3. Kanino kaya ito? - Patanong
4. Inay, nawawalan po ba kayo ng
pera? - Patanong
5. Pakidaan mo na rin itong
ginataan kay Mareng Sela. -
Paki-usap

Balikan natin ang mga pangungusap


na hango sa talatang ating binasa
kanina. Basahin natin ulit.
1. Uy!Singkwenta pesos!
2. Napulot ko ito sa tabi ng pinto.
3. Kanino kaya ito?
4. Inay, nawawalan po ba kayo ng pera?
5. Pakidaan mo na rin itong ginataan kay
Mareng Sela.

Ano - ano ang ginamit na uri ng


pangungusap sa usapan?

Sa unang bilang ang uri ng


pangungusap na ginamit ay  Padamdam
________.

Sa pangalawang bilang ang ginamit  Pasalaysay


nating uri ng pangungusap ay
_______.
Sa pangatlong bilang ang ginamit  Patanong
nating uri ng pangungusap ay
_______.
Sa pang-apat na bilang ang ginamit  Patanong
nating uri ng pangungusap ay
_______.
Sa panglimang bilang ang ginamit  Pakiusap
nating uri ng pangungusap ay
_______.

Ito ang mga uri ng pangungusap na


ginamit sa usapan.

Ngayon klas,
pumili ng kapareha at basahin natin
ang balita mula sa isang pahayagan.
Piliin mula dito ang mga
pangungusap na natatanong,
nagsasalaysay, nagpapahayag ng
matinding damdamin at nag-uutos o
nakikiusap. Isulat ang sagot sa
inyong “show me board”.
Panuto: Basahin ang balita mula sa isang
pahayagan at piliin mula dito ang mga
pangungunasap na:
 nagtatanong
 nagsasalaysay
 nagpapahayag ng matinding
damdamin
 nag-uutos o nakiki-usap
“School of the Future”

Gising, mga kabataang Pilipino,


maging mulat sa pagbabago ng
edukasyon, mula sa taong 2000.

Nalathala kamakailan na sa 38
bansang sinuri, ika-37 ang
Pilipinas sa larangan ng
Mathematika, Agham at Ingles. Ito
ay isang hamon!

Sa taong pampaaralan 1998-


1999, sinimulan na ang
pagpapaunlad ng teknolohiya sa
mga paaralan. Sa programang
“Paaralan sa Hinaharap” o “School
of the Future”, kayo mag-aaral na
Pilipino ang kalahok dito.
Tumogon kayo!

Mga sagot:
Nagsasalaysay:
 Nalathala kamakailan na sa 38
bansang sinuri, ika-37 ang
Pilipinas sa larangan ng
Mathematika, Agham at Ingles.
 Sa taong pampaaralan 1998-
1999, sinimulan na ang
pagpapaunlad ng teknolohiya sa
mga paaralan.
Nag-uutos o nakikiusap:
 Gising, mga kabataang Pilipino,
maging mulat sa pagbabago ng
edukasyon, mula sa taong 2000.
Nagpapahayag ng matinding damdamin:
 Ito ay isang hamon!
 Tumogon kayo!
E. Pagtalakay ng bagong Pangkatang Gawain:
konsepto at paglalahad Hahatiin ang klase sa apat na
ng bagong kasanayan pangkat. Gawin ang nakalaang
Kasanayan #2 gawain at ibahagi ito sa klase.

Unang Pangkat – Bumuo ng


pangungusap na nagpapahayag ng
sariling kaisipan o damdamin
tungkol sa sumusunod na sitwasyon.

1. Gusto mong sabihin sa barbero


ang gupit na gusto mo.
2. Ibig mong batiin ang iyong
kamag-aral sa kaniyang nakuhang
mataas namarka.
3. Kagustuhan mong ikwento ang
iyong nararamdaman noong una
kang gupitan ng isang barbero.

Pangalawang Pangkat – Isalin sa


itinakdang uri sa loob ng panaklong
ang sumusunod na mga pangungusap
1. Naliligo at nagpapalit ng
damit si Aira araw-araw.
 (Patanong)
 (Pautos)
2. Nawawala ang cellphone ko
sa silid-aralan.
 (Padamdam)
 (Patanong)
3. Naku, ubos na ang pera ko!
 (Pautos)
 (Pasalaysay)

Pangatlong Pangkat – Bumuo ng


maikling dyalogo o usapan gamit ang
mga uri ng pangungasap batay sa
ibinigay na sitwasyon.

Sitwasyon:
Habang papasok si Ana,
nakasalubong niya ang kaibigang
si mariz.

Pang-apat na pangkat – Alam ko


ng naranasan mo nang maglinis sa
inyong lugar. Ano ang nais ipabatid
ng larawan sa ibaba? Sumulat ng
tatlong pananaw gamit ang iba’t-
ibang uri ng pangungusap.
Halimbawa: (Pasalaysay) Ang mga
bata ay naglilinis sa kapaligiran.
F. Paglinang sa Isahang Gawain:
Kabihasnan tungo sa
Formative Assessment Panuto: Narito ang iba’t – ibang uri
ng pangungusap. Piliin sa Hanay B
ang angkop na tugon sa mga tanong
o pahayag na nasa Hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

HANAY A HANAY B
1. Yehey! a. Sino ba
Magkakaroon naman ang hindi
ng fieldtrip matutuwa sa
ang klase dagdag
natin. kaalaman at
bagong
karanasan sa
fieldtrip.
2. Naku! b. Tiyak hindi
Mukhang mawawala ang
malaking paborito kong
gastos iyon. ostrich at iba
pang kakaibang
hayop.
3. Payagan c. Talaga!
kaya ako ni Kalian naman
nanay na ang fieldtrip na
sumama sa ito?
fieldtrip?
4. d. Oo, nga,
Nakakatuwa dagdag bayarin
sana ang na namanito.
makasama at
maounta sa
zoo.
5. Ano-ano e. Sana payagan
kayang hayop ka para kung
ang makikita sakaling
naming sa payagan din ako,
loob ng zoo? tiyak na masaya
‘yon.

Mga sagot:
1. C
2. D
3. E
4. A
5. B
G. Paglalapat ng aralin sa 1. Kailan natin ginagamit ang mga  Pakikipag –usap
pang-araw-araw na buha uri ng pangungusap sa ating buhay?  Pagpapahayag ng damdamin
 Pakikipagtalastasan
2. Ano ang dapat nating isaalang- Dapat alam natin ang kahalagahan ng
alang sa pakikipag-usap? tamang pakikipag-usap.

H. Paglalahat ng Aralin  Ano-anong uri ng  Pasalaysay


pangungusap ang ginagamit  Patanong
natin sa pagpapahayag ng  Pautos o Paki-usap
ating kaisipan at damdamin?  Padamdam

1. Anong uri ng pangungusap - Pasalaysay o Paturol


ang ginagamit natin kung
nais nating magkwento,
maglarawan o magsalaysay?
2. Anong uri ng pangungusap - Patanong
ang ginagamit natin kung
nais nating magtanong?
3. Anong uri ng pangungusap - Pautos o Paki-usap
ang ginagamit natin kung
nais nating mag-utos o
makisuyo sa paggawa sa atin
ng isang pabor?
4. Anong uri ng pangungusap - Padamdam
ang ginagamit natin kung
nais nating magpahayag ng
masidhing damdamin
katulad ng pagkatakot,
pagkatuwa, pagkabigla at iba
pang emosyon?
I. Pagtataya ng Aralin Isulat sa buong pangungusap ang
angkop na pahayag sa bawat
sitwasyon gamit ang iba’t-ibang uri
ng pangungusap. Tandaan ang
wastong paggamit ng bantas.

1. Magtutungo kayo sa
malayong pook.
2. May sorpresang handaan sa
iyong kaarawan.
3. Hindi mo alam kung nasaan
ka.
4. Ginabi ang iyong kapatid sa
pag-uwi ng bahay mula sa
paaralan.
5. Pinakikisuyaan mo ang
iyong kapatid na gawin ang
gawaing –bahay dahil ikaw
ay may sakit.

J. Karagdagang Gawain Bumuo ng pangungusap ayon sa


para sa takdang aralin at sumusunod na sitwasyon. Gamitin
Remediation ang iba’t-ibang uri ng pangungusap
(Additional activities for ayon sa gamit.
application or 1. Nabasa mo sa isang
remediation) pahayagan ang tungkol sa
paligsahan sa pagsulat ng
tula. Tinawagan mo ang
opisinang siyang
nangngasiwa sa paligsahan.

2. Nagbilin ka sa tiya mong


uuwi sa probinsya. May
ipabibili kang pagkain sa
kanya.

V. MGA TALA

Binigyang Pansin:

Inihanda ni:

ALONA JOYCE F. ALFONSO


Practice Teacher
Iniwasto ni:

MARY FATIMA LOU P. YUNES AILEEN P. BAGASIN


Cooperating Teacher Master Teacher -II/ Grade Chairman

Noted:

TRECY C. UCOL
School Principal III

You might also like