You are on page 1of 7

Department of Education

MIMAROPA Region
Schools Division of Calapan City
City of Calapan South Schools District
BUHUAN ELEMENTARY SCHOOL
Calapan City
School BUHUAN ELEMENTARY SCHOOL Grade Level VI-GARNET
GRADE 6 Teacher ROCHELLE E. MATIRA Learning Areas FILIPINO
DAILY Teaching Pebrero 26, 2021 2nd
LESSON Dates and Quarter Quarter
LOG Time

I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa
Pagganap
C. Kasanayang Natutukoy ang uri ng pang-aba (panlunan, pamaraan,
Pampagkatuto pamanahon) sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.
(F6L-IIF-j-5)
Nagagamit ng wasto ang mga uri ng pang-abay (panlunan,
pamaraan, pamanahon) sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon.
Napahahalagahan ang tamang gamit ng pang-abay sa
pakikipag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon.
II. NILALAMAN Paggamit ng wasto sa mga uri ng pang-abay (panlunan,
pamaraan, pamanahon) sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon.(F6L-IIF-j-5)
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. SANGGUNIAN
1. Mga Pahina sa Filipino 6 KG
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Filipino 6 KM
Kagamitan ng
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa mga pahina 1-15 ng SLM, 2nd Quarter
Teksbuk
4. Karagdagang LRMDS portal
Kagamitan
mula sa portal
ng Learning
Resource
B. IBA PANG mga tsart, mga larawan, power point slide presentation, SLM,
KAGAMITANG metacards, worksheets/ activity sheets
PANTURO
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Tingnan ang larawan na ibibigay ng guro. Sabihin ang mga
nakaraang aralin salitang kilos (pandiwa) na makikita sa larawan.(isa-isang
at/o pagsisimula magsasalita ang mga bata)
ng bagong aralin
1. naghuhugas
2. nagluluto
3. kumakain
4. naglalaro
5. nagkwekwentuhan
B. Paghahabi sa Hayaan ang mga bata na tanungin ang kanilang kaklase gamit
layunin ng aralin ang tanong na kailan, saan at paano.
May kaalaman ba kayo kung ano ang pang-abay?
ILan sa mga uri nito ay pang-abay na panlunan, kung saan
ginamit ninyo ang tanong na saan, pang-abay na pamanahon
na ginamit ninyo ang tanong na kailan, at pang-abay na
pamaraan na ginamit ninyo ang tanong na paano.
C. Pag-uugnay ng Bagong aralin na naman ang matututuhan mo sa araw na ito.
mga halimbawa sa Bago iyon, basahin muna ang sumusunod na usapan at
bagong aralin sagutin ang kasunod na mga tanong, (isulat sa metacard ang
sagot).
Isang araw, habang naglalakad ang mag-ama papuntang plasa,
napag-usapan nila ang Nanay Beng na nasa Maynila.
Ted: Tatay, bakit po pumunta ang nanay sa Maynila?
Tatay: Ted, maghahanap ng trabaho ang nanay mo roon.
Ted: Sa panaderya po ba magtatrabaho ang nanay doon?
Tatay: Oo, anak!
Ted: Wow, tiyak kong may pasalubong sa akin ang Nanay.
Boomer, narinig mo iyon? Itay, tingnan mo matangkad na ang
ating alagang asong si Boomer.
Tatay: Halika Ted, dalhin natin ang aso mo sa plasa. Narinig
kong may palatuntunan doon. Manonood tayo.
Ted: Itay, kailan po ba uuwi ang nanay? Araw-araw kasi
akong nasasabik sa makasama siya.
Tatay: Sa susunod na linggo, uuwi na ang nanay mo anak.
Ted: Talaga ba itay? Sasalubungin ko po ang nanay nang
mahigpit na yakap.
Tatay: Sosorpresahin ko naman siya nang bonggang-bongga.
Halika ka na nga anak. Pupunta na tayo sa plasa kasama si
Boomer.
Mga tanong:
1. Sino ang pinag-uusapan ng mag-ama?
2. Bakit pumunta sa Maynila ang nanay ni Ted?
3. Saan patungo ang mag-ama?
4. Ilarawan ang mag-ama sa usapang binasa.
5. Paano sasalubungin ng mag-ama si nanay Beng?
6. Pansinin ang pagkakagamit sa pangungusap ng mga
salitang nakaitaliko. Suriiin kung paano ito ginamit at ang
binibigyang-turing nito sa pangungusap.
D. Pagtatalakay ng  Balikan natin ang mga salitang nakaitaliko sa usapan na
bagong konsepto iyong binasa.
at paglalahad ng
bagong kasanayan  Ano ang napansin mo sa pagkakagamit sa pangungusap ng
#1 mga salitang nakaitaliko? Ipinakikita sa mga salitang ito
ang panahon kung kailan naganap ang kilos (araw-araw),
ang lugar kung saan gaganapin ang kilos (sa plasa, sa
panaderya), at ang pamamaraan kung paano gagawin ang
kilos (nang mahigpit, nang bonggang-bongga).
 Ang mga salitang ito ay tinatawag na Pang-abay. Ang
pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
 Suriin natin ang paggamit ng pang-abay sa mga
pangungusap sa usapan. Alamin ang mga uri ng pang-
abay.
1. Pang-abay na Panlunan- uri ng pang-abay na nagsasaad ng
lugar na pinangyarihan ng kilos. Ito ay maaaring magsabi kung
saan ginawa, ginagawa, o gaganapin ang kilos. Sumasagot ito
sa tanong na saan.
Halimbawa:
Sa panaderya po ba magtatrabaho ang nanay doon?
Tanong: Saan magtatrabaho ang nanay doon?
Sagot: Sa panaderya magtatrabaho ang nanay.
2. Pang-abay na Pamanahon- uri ng pang-abay na ay
nagsasaad kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari ang
kilos. Ang mga salitang maaaring gamitin ay araw-araw,
tuwing, ngayon, bukas, kahapon, noon, hanggang, mula at iba
pa. Sumasagot ito sa tanong na kailan.
Halimbawa:
Araw-araw kasi akong nasasabik sa makasama siya.
Tanong: Kailan siya nasasabik makasama siya?
Sagot: Araw-araw siyang nasasabik na makasama siya.
3. Pang-abay na Pamaraan- uri ng pang-abay na
naglalarawan kung paano ginawa, ginagawa, o gagawin ang
kilos. Ginagamitan ito ng panandang nang, na, at –ng.
Sumasagot ito sa tanong na paano.
Halimbawa:
Sasalubungin ko po ang nanay nang mahigpit na yakap.
Tanong: Paano niya sasalubungin ang kaniyang nanay?
Sagot: Sasalubungin niya nang mahigpit na yakap ang
kaniyang nanay.
E. Pagtalakay ng Magpanood ng video tungkol sa pang-abay upang mas
bagong konsepto maliwanag ito sa mga bata.
at paglalahad ng Mga gabay na tanong habang nanonood ng video:
bagong kasanayan https://m.youtube.com/watch?v=dozRdzpLB08
#2 1. Ano ang pang-abay?
2. Ano-ano ang mga uri nito?
3. Paano ito matutukoy?
F. Paglinang sa Indibidwal na Gawain:
Kabihasahan Bibigyan ang bawat isa ng activity sheets.
(Mastery) Gawain 1:
(Tungo sa Panuto: Tukuyin ang mga salitang may salungguhit. Iguhit
Formative Assessment) ang kung ang salitang may salungguhit ay pang-abay na
pamaraan, kung pang-abay na panlunan, at kung pang-
abay na pamanahon.
1. Mabagal na sumunod si Mary sa kaniyang kapatid.
2. Nagkita sa simbahan ang magkakaibigan.
3. Si Marie ay umuwi na sa kanilang lugar kahapon.
4. Sa susunod na buwan ay babalik na sa trabaho niya ang
tatay.
5. Pabulong na nag-uusap ang magkakapatid upang hindi
magising ang ina.
Gawain 2:
Panuto: Punan ng tamang pang-abay ang sumusunod na
sitwasyon. Tukuyin kung anong uri ito ng pan-abay. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Tuwing orasyon, umuupo si inay sa harapan ng altar at
_________ siyang nagdarasal.
2. Nanalo sa liga ng basketbol ang pangkat nina Ariel.
Nagplano silang ipagdiwang ito sa _______________.
3. Maaga pa, gumigising na si Lory para samahan ang
kaniyang ina na pumupunta ________________ upang mamili.
4. Mahal na mahal ni Marlon ang anak na si Liza kaya hindi
siya nakalilimot na tuparin ang kaniyang pangako na ipasyal
siya tuwing ________.
5. Maagang natulog si Aling Rita. Sinilip siya ng bunso sa
kuwarto at
_________ pumasok.

G. Paglalapat ng Integrasyon:
aralin sa pang- Magpapakita ng mga larawan ang guro.Hayaan ang mga bata
araw- araw na na magbigay ng kanilang pangungusap gamit ang iba’t-ibang
buhay uri ng pang-abay. (ipasulat ito gamit ang metacard)
Pagkatapos tukuyin ang mga pag-abay na ginamit sa
pangungusap.

1. Larawan ng pamilya

Tanong: Ano ang napapansin ninyo sa larawan? Marunong ba


kayo sa mga gawaing bahay? Gaya ng pagluluto? paglilinis?
(EPP) Mahalaga ba na nagtutulungan sa gawain ang bawat
myembro ng pamilya? (EsP)
2. Larawan ng magagandang tanawin

Tanong: Alam nyo ba kung saan


matatagpuan ang magagandang tanawin na ito? (AP)

H. Paglalahat ng A. Ibahagi ang iyong mga natutuhan sa aralin, sagutin ang


Aralin sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

Ano ang pang-abay?


Paano ito matutukoy
sa pangungusap?

B. Tukuyin ang uri ng pang – abay sa bawat salita/parirala.


a. sa tabi ng daan (panlunan)
b. magalang (pamaraan)
c. sa susunod na Linggo(pamanahon)
d. sabay – sabay(pamaraan)
e. sa kabilang kuwarto(panlunan)
f. nagmamadali(pamaraan)
g. mamaya(pamaraan)
h. sa may silid – aralan(panlunan)
i. bukas ng hapon (pamanahon)
j. malungkot(pamaraan)
Itanong: Bakit mahalaga ang paggamit ng pang-abay sa
pakikipag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon?

I. Pagtataya ng A. Panuto: Basahin ang usapan.Tukuyin ang mga salitang may


Aralin salungguhit.Isulat sa papel kung ito ay pang-abay na
pamaraan, panlunan, o pamanahon.
Maagang nagising si Aling Tess para maghanda ng mga
lulutuin niya nang pumasok sa kusina ang kaniyang anak na
si Heaven.
Heaven: Magandang umaga po Nanay!
Aling Tess: Magandang umaga rin anak. Mamayang hapon ay
may kaunting salo-salo tayo bilang pasasalamat sa
pagkapanalo mo.
Heaven: Wow! Salamat po nanay.
Aling Tess: Walang anuman anak. Talagang pinaghandaan
namin ng itay mo ito. Kunin mo muna sa kuwarto ang aking
pitaka at may ipabibili ako sa iyo.
Heaven: Sige po, Nanay.
Aling Tess: Dahan-dahan sa pagpasok sa kuwarto anak,
natutulog pa nang mahimbing ang iyong kapatid.
Heaven: Gabi na po ba dumating ang kuya?
Aling Tess: Oo anak. Nahirapan daw siyang mag-abang ng
sasakyan.
Heaven: A, kaya pala. Heto na po ang iyong pitaka Inay.
Aling Tess: Salamat anak. Heto ang pera. Bumili ka ng isang
kilong asukal sa tindahan ni Aling Merly. Mag-ingat ka sa
pagtawid sa kalye.
J. Karagdagang Panuto: Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa
Gawain para sa karaniwang naoobserbahan mong kilos na ginagawa ng mga
takdang-aralin at kasama mo/o ninyo sa bahay. Gumamit ng pangabay na
remediation panlunan pamanahon, at pamaraan sa pangungusap. Bilugan
ang pang-abay na ginamit at tukuyin kung anong uri ito ng
pang-abay.
Halimbawa: Tuwing Linggo nagsisimba kaming mag-anak. –
Pang-abay na Pamanahon

V.MGA TALA(Remarks)
VI. PAGNINILAY
(Reflection)
A. Bilang ng mag-
aaral na
nakakuhang 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mga-
aaral na
nangangailangan
ng iba pang
gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation?
Bilang ng mag-
aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ngl
ubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan
ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

ROCHELLE E. MATIRA
Teacher III

NOTED:

RECHEL A. DALUMPINES
Head Teacher III

You might also like