You are on page 1of 8

CAINTA ELEMENTARY SCHOOL

Petsa : SETYEMBRE 11, 2019 Oras: 9:30 – 10:20 AM


Grade & Section : VI - MENDEL

I.LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman : Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa


napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang
teksto
B. Pamantayan sa Pagganap : Nakapagsasagawa ng isahang pagsasadula tungkol sa isang isyu o paksang
napakinggan
Naiuulat ang isang isyu o paksang napakinggan
Nakagagawa ng character profile batay sa kuwento o tekstong binasa
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula F6PN-IIa-g-3.1
Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon
F6OL-IIa-e-4
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng
sitwasyong pinaggamitan ng salita F6V-IIe-h-1.8

II. NILALAMAN Pangangalap ng Datos at Kaantasan ng Pang-uri

III. MGA KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Pahina sa Gabay ng Guro : K to 12 GabayPangkurikulum - F6PN-IIa-g-3.1, F6OL-IIa-e-4,
F6V-IIe-h-1.8 p. 122
2. Pahina sa kagamitan ng Mag-aaral : Pinagyamang Pluma 6 ( Wika at Pagbasa )
3. Pahina sa Batayang Aklat : Punla : Wika at Pagbasa , Grade 6
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource (LR) :
B. Iba pang Kagamitang Panturo : https://www.youtube.com/watch?v=GibiNy4d4gc
Tsart, powerpoint presentation, larawan

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at/o
Pagsisimula ng Bagong Aralin : Sagutan Natin:
Panuto: Bilugan ang Pang-uring ginamit sa loob ng pangungusap,

1. Si Cala ay masipag na mag-aaral.


2. Siya ay matulin kung tumakbo.
3. Masayang-masaya siya sa natanggap na regalo.
4. Heto na ang kanyang bagong damit.
5. Masarap na pagkain ang inihain ng ina sa mesa.

Ano nga ulit ang Pang-uri?


CAINTA ELEMENTARY SCHOOL

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin : Panoorin natin ang isang Video clip na hango sa Pelikulang
“The Lion King “ https://www.youtube.com/watch?v=GibiNy4d4gc

Tungkol saan ang napanood?


Ngayon naman ay maybabasahin tayong kwento tungkol sa isang
Leon at Isang Daga
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin : Pansinin ang nasa larawan

D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto


at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 Pagbasa ng tahimik sa pabula

Ang Daga at ang Leon

Isang magandang araw ang bumungad sa masayahing daga.

Nasa kalagitnaan siya ng pamamasyal at paglalaro nang Makita niyang


himbing na natutulog ang isang malaking leon. Natuwa siya sa malawak na
likuran nito na animo’y isang malaking padausdusan kaya’t naisip niyang
umakyat doon at magpadausdos paibaba, Hindi niya naman namalayan na
nagising ang natutulog na Leon. Sa pagkakagising ng Leon ay agad niyang
dinakma sa buntot ang kawawang daga at umaktong isusubo ito, nang malapit
na sa bibig ng Leon ay nagsalita ang Daga at humingi ng paumanhin.

“ Kaibigang Leon, ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan ,


hindi ko sinasadyang gisingin ka sa gitna ng iyong pagtulog, labis lang akong
natuwa kung kaya’t naisipan kong maglaro sa iyong likuran, Nawa;y patawarin
mo ako at hayaang mabuhay pa. Huwag mo akong kainin sapagkat ako’y
malansa at hindi ka mabubusog sa kakarampot kong katawan. “ anang Daga.

Naawa naman ang Leon sa Daga kung kaya’t pinakawalan niya ito

“ Sa sususnod ay wag mo nang gagambalain ang pagtulog ko.


Makakalaya ka na, “ sabi ng Leon.

“ Salamat kaibigan, baling araw ay masusuklian ko din ang kabutihang


loob mo, “ sabi ng daga.
CAINTA ELEMENTARY SCHOOL

“ Ang isang maliit na dagang gaya mo? Ano naman ang kayang pabor
ang magagawa mo para sa isang malaking hayop na gaya ko. Nagpapatawa ka
kaibigan. “ “ Balang araw, kaibogan, matutulungan din kita. Hanggang sa
muli, Paalam!”

Lumipas ang mga araw na masayang namumuhay ang Daga


hanggang sa minsan sumagi sa isip niya kung kamusta na kaya ang
kalagayan ng kaibigang niyang Leon. Naisipan niyang dalawin ang Leon
sa tahanan nito pero Lking Gulat niya nang makitang nasa loob ng
lambat na nakasabit sa isang puno ang malaking Leon. Agad-agad
namang nginatngat ng Daga ang lubid na lambat at matapos ang ilang
minute ay nauptol ang lubid at nakawala ang Leon.
“ Maraming salamat kaibigang Daga. Minaliit ko ang iyong
kakayahan , di ko inakala na ikaw pa ang makapagliligtas sa akin. Utang
ko saiyo ang aking kalayaan at ang aking buhay. Maraming salamat
kaibigan!”
“walang anuman kaibigan, hindi ba’t sinabi ko saiyo?
Matutulungan din kita baling araw. Maliit man ako, maabilidad naman
ako!”

E. Pagtalakay sa Bagong Konsepto


at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 Pagtalakay
 Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?
 Anong suliranin ang kanilang nilutas
 Saan nangyari ang kwento
 Anong aral ang inyong napulot?

Pansinin natin ang mga salitang nasa ibaba.

gaya - masaya - masayang-masaya

gutom - nagugutom - gutom na gutom

tulog - natutulog - tulog na tulog

himbing - mahimbing - himbing na himbing

1. Ano ang napansin nyo sa mga salita?


2. Ano-ano ang pagkakaiba ng bawat salita?
3. Ano ang tawag natin sa mga salitang iyon?

4. Magbigay nga kayo ng iba pang halimbawa ng pang-uring lantay,


pahambing at pasukdol.
F. Paglinang sa Kabihasaan
(tungo sa Pormatibong Pagtataya) Pagsasanay Pangkatang Gawain

.
CAINTA ELEMENTARY SCHOOL

Pangkat 1 What’s the Meaning?

Batay sa binasang kwento. Gamit ang iba’t ibang sanggunian, hanapin ang pormal
na depinisyon ng mga salitang hango sa kwentongb binasa.
Gamitin ito sa pangungusap.

lubid kalapastanganan

dinakma magpadausdos

patawarin kalayaan

Pangkat 2 Venn Diagram


Pagmasdan ang mga larawan ng dalawang pangunahing tauhan sa kwento,
Magbigay ng sariling opinyon batay dito.
Ikumpara ang bawat isa at gamitin ang kaantasan ng panguri.
CAINTA ELEMENTARY SCHOOL

Pangkat 3 Make me a sentence

Pansinin ang mga larawan. Mula sa mga larawan bumuo ng pangungusap gamit
ang mga kaantasan ng pang-uri.

Pangkat 4 I arte Mo!


Gamit ang pagiging malikhain. I arte mo ang mga katanginang nagustuhan mo sa
kwentong binasa.

G. Paglalapat ng Aralin sa
Pang-araw-- araw na Buhay Aplikasyon
Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri sa loob ng pangungusap.

1. Sinong bayani ang mas dakila saiyo si rtizal o si Bonifacio?


2. Ang suliranin ni Ben ay lubhang masalimuot kaysa kay Mario.
3. Mukhang antok pa ang bata kaya haayan muna siyang matulog sa sopa.
4. Si Chester ay kasinggaling ni danilo sa pagsasayaw.
5. Siya ay hari ng katamaran kaya lagging napapagalitan.

H. Paglalahat ng Aralin Paglalahat

Gabayan ng guro ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat ng aralin.

Ang pang-uri ay may tatlong kaantasan.Lantay, Pahambing at


pasukdol.
Lantay – pang-uring naglalarwan sa isang pangngalan o pangjhalip.
Pahambing – Pang-uring nagtutulad ng dalawa o higit pang
pangngalan o panghalip.
Pasukdol - pang-uring n agpapakita ng katangiangb namumukod o
nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
CAINTA ELEMENTARY SCHOOL

I. Pagtataya ng Aralin Pagtataya

Panuto: Isulat sa patlang ang kaantasan ng pang-uri na may salungguhit.


Gamitin ang titik L kung ang kaantasan ng pang-uri ay lantay, PH kung ito ay
pahambing at kung ito naman ay pasukdol.

__________1. Huwag kan g lumapit sa mabangis na hayop.

__________2. Napakalakas ng palakpakan ng mga nanonood ng basketbol.

__________3. Ang mga manggagawa ay pagod na pagod dahil sa walang tigil na

pagtatrabaho.

__________4. Natutunan naming ang wastong pagbigkas ng mga salita.

__________5. Di-masyadong maanghang ang laing na ito kumpara sa luto ng

aking ina.

J. Karagdagang Gawain para sa

takdang-aralin at remediation Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng iba’t ibang kaantasan ng pang-uri.

Gumawa ng talata tungkol ditto.

INIHANDA NI:
ARVIN JOSEPH C. PUNO
Teacher I

OBSERVED BY:

CATHERINE Q. RELANO
Master Teacher I
CAINTA ELEMENTARY SCHOOL

V. MGA TALÂ

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng ___ of Learners who earned 80% above


80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na ___ of Learners who require additional activities for remediation
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation? ___Yes ___No
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin. ____ of Learners who caught up the lesson

D Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy ___ of Learners who continue to require remediation


sa remediation?
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo Stratehiyang dapat gamitin:
na nakatulong ng lubos? Paano ito
__Koaborasyon __ I –Search __Discussion
nakatulong?
__Pangkatang Gawain __ Paint Me A Picture __ Data Retrieval Chart

__ANA / KWL __ Event Map __Decision Chart

__Fishbone Planner __ Sanhi at Bunga

F. Anong suliranin ang aking naranasan Mga Suliraning aking naranasan:


na solusyon sa tulong ng aking
__Kakulangan sa makabagong kagamitang panturo.
punungguro at superbisor?
__Di-magandang pag-uugali ng mga bata.

__Mapanupil/mapang-aping mga bata

__Kakulangan sa Kahandaan ng mga bata lalo na sa pagbabasa.

__Kakulangan ng guro sa kaalaman ng makabagong teknolohiya

__Kamalayang makadayuhan

G. Anong kagamitang panturo ang aking __Pagpapanuod ng video presentation


ginamit/nadiskubre na nais kong
__Paggamit ng Big Book
ibahagi sa mga kapwa ko guro?
__Community Language Learning

__Ang “Suggestopedia”

__ Ang pagkatutong Task Based

__Instraksyunal na material

INIHANDA NI:
OBSERVED BY:
ARVIN JOSEPH C. PUNO
CATHERINE Q. RELANO Teacher I
Master Teacher I
CAINTA ELEMENTARY SCHOOL
A Bonifacio Ave. San Roque Cainta Rizal

Classroom
Observation
Tool

You might also like