You are on page 1of 2

Filipino 6

I-LAYUNIN
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa iba’t ibang sitwasyon. (F6WG-le-g-3)

II-PAKSANG ARALIN
Kasanayan: Paggamit ng iba’t ibang uri ng panghalip sa iba’t ibang sitwasyon
Panghalip Panao

III-PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1.Pagsasanay
Basahin ang talata. Kahunan ang mga panghalip na ginamit dito.

Pilipino ang taguri sa sariling wika natin.


Tayong mga Pilipino ay nararapat na magkaisa.
Ang wika ay minana natin sa ating mga ninuno.
Para sa inyo ang ginawa ng mga bayani ng lahi.
Itinatag ni Manuel L. Quezon ang ZWA, ayon sa kanila.

2.Balik Aral
Tukuyin ang anyo ng pangngalan ng mga sumusunod: Strategy : Where Do I Belong
Masaya gulay hinog mataba
palayan Hapun-hapon pangit mahirap
Bahay-kubo dahong-palay pula itim
Hugis-puso anak-pawis kusang-loob maliit-liit
Putol-putol gabi-gabi puting-puti malakas

B.Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ipabasa ang dayalogo

Marita: Lina, Tess, kayo ba ay masunurin sa inyong magulang?


Tomas: Palagi akong sumusunod at nakikinig sa pangaral ng aking nanay at
tatay. Ikaw Lina ganoon ka rin ba?
Lina: Siyempre naman. Tayong mga bata ay dapat lumaking may paggalang sa
kanila.

Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?

2.Paglalahad
Basahin ang mga pangungusap sa maikling talata at pag-aralan ang gamit
ng panghalip.

Isang Uri ng Hanapbuhay

Malawak ang bukid na tinitirhan ni Kulas sa bayan ng San Jose, sa lalawigan ng


Batangas. Ngunit kakaiba sa ibang lupa, hindi mga halamanang nakatanim dito. Sa halip,
may mga alaga siyang iba’t ibang uri ng hayop. May mga alaga si Kulas na baka, kabayo,
baboy, manok, tupa at kambing. Makikita na naggala ang mga bisiro, sisiw, guya, biik,
tupa at kambing sa malawak na bakuran niya. Maraming namimili ng hayop sa kanya.
Lalo na’t kung magpapasko, Bagong Taon, Mahal na Araw at pistahan, mabiling-mabili
ang mga alagang hayop niya. Nanggagaling sa lalawigan ng Quezon, Laguna, Bulacan, at
Maynila ang mga namimili sa kanya.

ESP Integration: Ano ang masasabi ninyo tungkol kay Kulas?

3.Pagtatalakay
Ang mga salitang siya, kanya, at niya na ginamit na panghalili sa pangngalang
pantanging Kulas ay tinatawag na panghalip panao.

Gawin Natin Strategy: Modelling


Isulat ang wastong panghalip panao sa patlang. Piliin ang tamang panghalip sa
kahon.
Ating kayo natin kanila tayo

Ikaw ako kaniya sila

Sa aking palagay, dapat tumulong


upang maging malinis ang _______
ilog. Kung ikaw ay naniniwala na ang dahilan ng red tide ay maruming kapali-
giran, huwag ______ magtapon ng basura kahit saan. Kung tayo ay magkakaisa,
malulutas ______ ang ating problema sa kalinisan. Sa palagay mo kaya, maga-
gawa ______ ito? Sa wari ko naman, sila ay makikiisa sa kabutihan ng ______
pamilya.

Gawin Ninyo
Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Ipabasa ang talata na nasa tsart. Salungguhitan ang panghalip panao na
ginamit.

Siya ay ulirang ina na kumukupkop sa aming tatlong magkakapatid.


Lumaki kaming lahat na mabubuting tao. Ako bilang panganay, ginagampanan ko ang
aking tungkulin nang sa ganoon maging masaya naman an gaming kinalakhang ina.

Pangalawang Pangkat
Narito ang mga panghalip panao sa ibaba. Gamitin ito sa pangungusap.
Ako sila kanila
Natin siya

Pangtatlong Pangkat
Iwasto ang mga pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng
panghalip panao.
1.Si Dennis ay nag-aaral ng leksiyon ni Dennis.
2.Naglilinis ang mga bata ng bakura ng mga bata.
3.Pumili ang mga kasapi ng pangulo ng mga kasapi.
4.Pinagalitan ni lolo Adong ang mga apo ni lolo Adong.
5.O, pera ang pera. Bumili ka ng ulam.

4.Paglalahat
Ano ang Panghalip Panao?
Kailan ito ginagamit?

5.Paglalapat Strategy: Matching Game


Gamitin ang pares ng mga panghalip panao sa pangungusap.
Ako,akin ikaw,mo
Siya,kanya iyo,mo kami,natin

1.______ ay nag-aaral na mabuti para sa _____ kinabukasan.


2.Kainin _____ ito nang _____ ay lumakas.
3.Nagpunta _____ sa tindahan upang bumili ng pasalubong para sa _____ anak.
4.Tanggapin _____ ito. Para sa _____ ito.
5.Nagdala _____ ng bulaklak at ibinigay _____ sa aming guro.

IV-PAGTATAYA
Palitan ang salitang may salungguhit ng tamang panghalip panao.
1.Baguhan ang boksingero kaya’t nagsasanay lagi ang boksingero.
2.Nilapatan ni Baldo ng lunas ang sugat ni Baldo.
3.Pinuno ng tubig ni Maxi ang balde ni Maxi.
4.Binakuran ng mga tagapurok ang mga bahay ng mga tagapurok.
5.Bumili ng kusinilya si Mark para sa asawa ni Mark.

V-TAKDANG-ARALIN
Gumupit ng isang balita sa pahayagan at idikit ito sa bond paper at salungguhitan ang mga
panghalip panao.

You might also like