You are on page 1of 3

I-LAYUNIN: Nagagamit nang wasto ang Pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t-ibang

sitwasyon. (F6W6-la-d.2)
II-PAKSANG-ARALIN
Paksa: Uri ng Pangngalang Pambalana
III-PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1.Pagsasanay
Salungguhitan ang mga pangngalan sa pangungusap na ito.
1. Mabait na bata si Alfred.
2. Pumunta kami sa Cebu.
3. Kumain ako ng prutas.
4. Kinuha ni Ana ang manga.
2.Balik-Aral
Sabihin kung ang salita ba ay tumutukoy sa tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari.
piging, binyag, pulong, kuneho, agila, laruan, baboy, salamin, sipilyo, yaya, lolo,
parke, bukid, dalaga, ilog, Ilo-ilo, upuan, Manila, lamesa, Tukuran, sapatos, ahas,
kuwago, pusa, Datu, burol, reyna, kasalan, Jose, pista
Naalala nyo pa ba kung ano ang tawag sa mga salitang ito?
B. Paglinang na Gawain
1.Pagganyak
Basahin ang mga pangkat ng salita sa loob ng tsart.
A B C
Saging Sarap Kumpol
Mangga Bango Lipi
Bulaklak Kasayahan Grupo
Tao Pag-asa Pangkat
manok bait tribo

Magtanong:
Alam niyo ba kung anong salita ito?

2.Paglalahad
Ilahad ang aralin.
Sabihin: An gating aralin ngayon ay tungkol sa uri ng pambalana.
Basal (di-konkreto)-tumutukoy sa mga pangngalang hindi material. Ito ay
tumutukoy din sa diwa o kaisipan.
Halimbawa: kaligayahan, ganda, paghanga, kapayapaan
Tahas (konkreto)-bagay na tumutukoy sa materyal at isinaalang-alang
nang isa-isa. Mga Pangngalang nakikita at nahihipo.
Halimbawa: sibuyas, bulaklak, bata, aso, aklat
Lansakan-tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
Halimbawa: lahi, hukbo, buwag, kumpol
Talakaying mabuti ang aralin.
Gawin natin
Balikan natin ang mga pangkat na salitang nasa tsart.
Anong uring pambalana ang nasa pangkat A? B? C?
Bakit konkreto ang nasa hanay A
Bakit di-konkreto ang nasa hanay B
Bakit lansakan ang nasa hanay C
Gawin ninyo
Pangkatin ang klase sa tatlo. Ang unang pangkat konkreto, ikalawang pangkat
di-konkreto, ikatlong pangkat lansakan.
Paramihan ng mga pangngalang pambalana na inyong alam. Ang
pinakamaraming maisulat ang siyang panalo, ito ay sa loob ng 1 minuto.
Kailangan ang kooperasyon ng bawat isa sa inyong grupo.
Gawin mo
Salungguhitan ang pangngalang pambalana at isulat sa patlang kung ito ay
konkreto, di-konkreto o lansakan.
_______1.Binigyan si Ana ng isang pumpon ng rosas ng kanyang kaibigan.
_______2.Siya ay mula sa lahi ng magaling.
_______3.Maaring ang aming kaligayahan ay pansamantala lamang.
_______4.Nasa mesa ang kinuha ko.
_______5.Nagustuhan niya ang kabutihan mo.
3.Paglalahat
Ano ang gamit ng pangngalan?
Ano-ano ang iba’t ibang uri ng pangngalang pambalana.
4.Paglalapat
Isulat kung anong uri ng Pangngalang Pambalana ang gamit ng
sinalungguhitang salita.
______1.Ang pamilyang Santos ay nagmamahalan.
______2.Ang mang-aawit ay binigyan ng isang pumpon ng rosas ng tagahanga.
______3.Siya ay nakaupo sa silya.
______4.Ang mang-aawit ay nakaramdam ng kasayahan.
______5.Nagpunta kami ng tropa ko sa canteen.
IV-PAGTATAYA
Iwasto ang pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng uri ng pangngalang
pambalana. Isulat sa patlang ang sagot.
Kabaitan kapayapaan buwig
Bahay koponan

1. Isang ______ ng saging ang aking binili.


2. Ang _______ ni tatay ay nagbunga rin ng mga mababait na anak.
3. Nasa ______ lang si Ana maghapon, hindi siya umalis.
4. Ang ______ raw namin ay matatapang.
5. Kapag walang lumalabag sa batas seguradong ______ ang pamayanan.
V-TAKDANG-ARALIN
Sumulat ng tiglilimang pangungusap na may konkreto, di-konkreto at lansakan.

You might also like