You are on page 1of 6

Paggamit ng Kard Katalog

- Mahalagang tulong ang kard katalog


sa mga nais magbasa o magsaliksik sa aklatan, dahil
pinadadali nito ang paghahanap ng kailangang aklat o
babasahin. Ang kard katalog ay naglalaman ng mga
detalye tulad ng pamagat ng akda, pangalan ng awtor
o may-akda, lugar ng pinaglimbagan, ang naglimbag ,
at petsa ng pagkakalimbag. Nakatala rin sa kard
katalog ang call number o accession number ng aklato
babasahin.
May tatlong uri ang kard katalog. Ang
impormasyon sa unang linya ng kard katalog
ang nagsasabi kung anong uri ng kard ito.
1. Kard ng Pamagat (Title Card)
Binibigyang-diin nito ang pamagat ng akda.
Mababasa sa unang linya ang pamagat ng aklat.
Sa ilalim nito ay ang pangalan ng awtor o may-
akda at ang detalye ng paglilimbag.
Halimbawa:
422
Ang Guro ang Sining ng Pagtuturo
Paz M. Belvez
Quezon City:DANE Publishing House, Inc., 1
1997.
2. Kard ng Paksa ( Subject Card)
Ang paksa naman ang binibigyang-diin sa
kard ng paksa. Sa kard katalog na ito, ang paksa o
nilalaman ng aklat ang nasa unahan, kasunod ang
pangalan ng awtor, pamagat ng aklat,at detalye
Ng paglilimbag
Halimbawa:
422
Pagtuturo, Istratehiya
Paz M. Belvez, Ang Guro at ng Sining ng
Pagtuturo
Quezon CiTY: DANE Publishing House, Inc.,
1997
3. Kard ng Awtor o May-akda (Author Card)
Sa kard katalog na ito, nasa unang linya
ang pangalan ng awtor. Kasunod dito ang pamagat ng
aklat at ang detalye ng paglilimbag.

422
Belvez, Paz M.
Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo.
Quezon City: DANE Publishing House, Inc.,
1997

You might also like