You are on page 1of 11

Kard Katalog

Nagagamit ang card catalog sa pagtukoy ng aklat na


gagamitin sa pagsasaliksik tungkol sa isang paksa
F6EP-Ih-9.1
Nagagamit ang call number sa pagpili ng aklat na nais
basahin
F6PB –Ig – 8

by: Jaymie Lou D. Ruiz


Ang kard katalog ay naglalaman ng mga detalye
tulad ng :
• pamagat ng akda
• pangalan ng awtor o may – akda
• lugar ng pinaglimbagan
• ang naglimbag at
• petsa ng pagkakalimbag.
Nakatala rin sa kard katalog ang Call Number o
Accession Number ng aklat o babasahin.
Mga Uri ng
KARD
KATALOG
1. Kard ng Pamagat (Title Card )
Binibigyang – diin nito ang pamagat ng akda.
Mababasa sa unang linya ang pamagat ng aklat. Sa
ilalim nito ay ang pangalan ng awtor o may –akda at
ang detalye ng paglilimbag.

422
Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo
Paz M.Belvez
Quezon City: DANE Publishing House, Inc.,
1997
2. Kard ng Paksa ( Subject Card )
Ang paksa naman ang binibigyang – diin sa kard ng
paksa. Sa kard katalog na ito, ang paksa o nilalaman ng
aklat ang nasa unahan, kasunod ang pangalan ng
awtor, pamagat ng aklat, at detalye ng paglilimbag.

422
Pagtuturo ,Istratehiya
Paz M. Belvez,Ang Guro at ang Sining ng
Pagtuturo
Quezon City : DANE Publishing House,
Inc.,1997
3. Kard ng Awtor o May – akda ( Author Card )
Sa kard katalog na ito , nasa unang linya ang
pangalan ng awtor, kasunod dito ang pamagat
ng aklat at ang detalye ng paglilimbag.

422
Belvez, Paz M.
Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo .
Quezon City : DANE Publishing House,
Inc.,1997
SISTEMANG DEWEY DECIMAL
Ito ay ginawa ni Melvin Dewey na isang
librarian.
000 – 099 – Generalities
100 – 199 – Pilosopiya at Sikolohiya
200 - 299 – Relihiyon
300 – 399 – Agham Panlipunan
400 – 499 – Wika
500 – 599 – Agham at Matematika
600 – 799 –
800 – 899 – Panitikan o Retorika
900 – 999 – Heograpiya o Kasaysayan
Gawin Mo
Linangin mo pa ang iyong kakayahan sa
paggamit ng kard katalog.Tukuyin kung anong
uri ng kard katalog ang gagamitin sa paghanap
ng sumusunod:
1. Genoveva Edroza – Matute
2. Katon,sa Bahay Muna
3. Mga piling tulang pampaaralan at
pambata tungkol sa iba’t ibang okasyon at
pagdiriwang
4. Landas sa Pagbasa 6
5. Ang Musikang Pinoy ,Noon at Ngayon
Paglalapat:
Sabihin kung anong uri ng kard
katalog ang gagamitin sa
paghanap ng mga sumusunod na
paksa:
1. Benham Rise
2. Extra judicial killing
3. Light Rail Transit
4. Vigan City
5. Panitikang Pambata
Pagtataya:
Isulat kung ang gagamitin ay kard ng
pamagat , kard ng paksa , kard ng awtor o may
- akda ang gagamitin sa paghahanap ng
sumusunod:
1. Nicanor Abelardo: The Man and the
Artist
2. Iba’t ibang katutubong instrumenting
pangmusika
3. Katutubong awit
4. Kasaysayan ng musikang Pilipino
5. Ati – atihan , Moriones
Takdang Aralin:
Bumisita sa isang aklatan at gamitin ang
kard katalog. Itala ang mga aklat na
maaaring maging sanggunian sa
pagsasaliksik ng isa sa sumusunod:
1. Musikang Pilipino
2. Musikerong Pilipino
3. Awiting – bayan ng Pilipinas
4. Katutubong instrumentong pangmusika

You might also like