You are on page 1of 10

Batayang Kaalaman at

Kasanayan sa Gawaing
Elektrisidad
EPP 5 Q4
Mahalagang Tanong!!!

Magbigay ng mga bagay sa loob ng inyong bahay na


ginagamitan ng Elektrisidad?
Siyentipikong paliwanag ukol sa Elektrisidad

Tatlong bahagi ng atom


1. Proton – ito ay mayroong (+) charged
2. Neutron - ito ay mayroong ( ) charged
3. Electron – ito ay mayroong (-) charged
Ang Electrical current – ay dumadaloy sa tinatawag na circuit- isang koleksyon ng electrical
wire at iba pang bahaging elektrikal na magkakaugnay at nagsisilbing daanan (path) ng daloy ng
koryente.

Apat na bahagi ng Simpleng Circuit


1. Power source – ito ang nagbibigay ng voltage at current sa isang gamit na nakakabit sa
circuit.
2. Load – ito ang dami ng kuryenteng ginagamit ng isang gamit upang umandar o mapagana ito.
3. Connector- ito ang wiring na nagsisilbing daanan na daluyan ng kuryente sa isang circuit.
4. Switch - ang switch ang nagsisilbing control sa pagdaloy ng koryente sa circuit.
Ano ang Sirkito – ay ang pagdaloy ng koryente mula sa pinagkukunan, at dadaloy sa
konduktor ( Bagay na dinadaluyan ng koryeonte) tungo sa karga.

1. Konduktor (conductor)– ay mga gamit na nagpapadala o dinadaluyan ng init, tunog, at


elektrisidad.
2. Insulator ( Insulator) – ay mga gamit na hindi dinadaluyan ng koryente.

Uri ng Sirkito

1. Seryeng Sirkito (Series Circuit) – ang mga karga lang sa isang linya na may parehong
lakas ng koryente ng isa, hindi rin sisindi ang iba.
2. Paralelong Sirkito ( Parallel Circuit) –ang mga karga ay nakakabit sa dalawang linya.
Ang depektibong Sirkito
1. Bukas na Sirkito (open circuit) – kung ang linya ay hindi nakakabit ng
maayos o kaya ay may putol na linya hindi tutuloy ang koryente sa
karga.

2. Umikling Sirkito ( Short Circuit) –Hindi tutuloy ang koryente tungo sa


karga kundi babalik agad sa pinagkukunan ng koryente.

3. Grounded Circuit – kapag ang kawad ng koryente ay walang insulador


at nakasayad sa metal na bahagi, mauuwi ito sa grounded circuit.
Mga pangunahing Terminolohiya sa gawaing Elektrisidad
1. Ampere –isang unit ng electrical current, ang standard base unit sa International System of
Units. (Amps)
2. Volt - ito ang dami ng (EMF) na kailangan upang mapadaloy ang kuryente na may isang
ampere sa isang conductor na may resistance na isang ohms.
3. Voltage –ay ang presyon mula sa pinagmumulan ng kuryente ng isang de-koryenteng circuit na
nagtutulak ng mga naka-charge na electron.
4. Electric power – ito ang halaga o antas ng pagkonsumo ng enerhiya sa isang elektrikal circuit.
5. Installation - ito ang paraan ng pagkakabit ng ibat-ibang wiring ng kuryente sa isang lugar.
6. Conductor – ito ay tumutukoy sa mga materyales na kung saan malayang nakakadaloy ang
kuryente
7. Insulator – ito ay tumutukoy sa mga materyales na hindi dinadaluyan ng koryente.
8. Insulation – ito ay ang paraan upang makontrol ang antas ng init sa papasok
9. Joule – ito ang yunit na ginagamit sa pagsukat ng enerhiya.
10. Ground - ay isang reference point sa isang de-koryenteng circuit kung saan sinusukat ang
mga boltahe
11. Overload – sukatan ng sobra-sobrang amperage na dumadaloy sa isang kawad na mas higit pa
sa capacity nito.
12. Kilowatt hour – ito ay kinukumsumo na katumbas ng 1000 watts sa loob ng isang oras.
13. Watt – panukat ito ng dami ng energy o power na dumadaloy.
Mga Panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa Paggamit ng
Elektrisidad.
1. Iwasang magsaksak ng maraming kagamitan sa isang outlet or extension
cord
2. Siguraduhing maayos na nakatago ang mga kordon ng mga kagamitan
3. Huwag umakyat sa bakod ng mga istasyon ng elektrisidad.
4. Huwag hilayin ang kordon ng kagamitang kung tatanggalin ito sa outlet.
5. Huwag magpalipad ng saranggola malapit sa mga kawad ng kuryente.
6. Humingi ng tulong sa nakakatanda kung kailangan gumamit ng mga
kasangkapang de-kuryente.
7. Kung aakyat sa mga puno, inspeksyoning Mabuti kung may mga kawad
ng kuryente.
8. Lagyan ng safety caps ang outlets na hindi ginagamit
9. Huwag maglagay ng mga kagamitang de-kuryente sa mga lugar na may
tubig
Mga batayang kasanayan sa Gawaing Elektrisidad
1. Pagputol (snipping/cutting) – ito ay ginagamit or gamit upang maayos na maputol ang wire or
cable.
2. Pagtalop (stripping)- kapag naputol na ang bahagi ng insulation ng electrical wire.
3. Paghati ( splitting) –ito ay may kinalaman sa paghahati ng electrical wires
4. Pagdugtong (splicing) – ito ay may kinalaman sa pagdudugtong ng mga electrical wires.
5. Pag-ipit (Crimping)- ito ay may kinalaman sa pag-iipit o pagdidikit ng mga dulo ng isang electrical
wires.
6. Pagpihit (turning) – ito ay may kinalaman sa pagpipihit ng mga turnilyo sa mga tornillo koneksyon
ng kuryente
7. Paghila (fishing) – ito ay ginagamitan ng flex bit, maaaring bumutas ng pader upang malatag ng
mga kable.
8. Pagbuhol ( underwriter’s knot) sa pagbuhol ng mga electrical wire, gumawa ng silo sa unang
wire.
Activity#1

Gumuhit ng isang pictorial Diagram at isang


Schematic diagram ng isang Kompletong sirkito

You might also like