You are on page 1of 3

JEREMY BRITANICO

1. Ohm– Karaniwang yunit para sa pagsukat ng pagpigil ng daloy ng kuryente


2. Ohmmeter – Instrumentong ginagamit sa pagsukat ng pagpigil ng daly ng kuryente sa isang de-
kuryenteng circuit.
3. Open Circuit – Nangyayari tuwing may sirang kable o kahit ano pa mang pumipigil sa pagdaloy
ng kuryente sa isang circuit.
4. Outlet - isang punto sa mga sistema ng mga kable na kung saan ang daloy ng kuryente ay
dadalhin sa paggagamitang aparato.
5. Outline Lighting – balangkas na naglalaman ng hugis ng gusali, mga kwarto, lokasyon ng mga
gagamiting ilaw at ang direksiyon ng bawat kable.
6. Overcurrent - daloy ng kuryenteng lumalagpas sa nasabing halagang kaya lamang ng isang
kagamitan o ang ampacity ng isang konduktor. Maaaring magresulta ito pagputok ng kawad ng
kuryente dahil sa labis na karga ng daloy ng kuryente
7. Overload – pag gamit ng aparato ng labis sa kakayahan nito. Ang patuloy na pag gamit ng mga
nasabing kagamitan ay maaring mag resulta sa sobrang pag-init at tuluyang pagkasira ng
kagamitan.
8. Overload Protection - isang proteksiyon na aparato na magpoprotekta a kaganapan ng daloy ng
kuryenteng lumalagpas sa limitasyon ng nito.
9. Overshoot – Ang halaga panandalian na lumampas sa ideyal na halaga ng output para sa isang
sistema.
10. Panelboard - de-koryenteng aparato na naglalaman ng mga pindutan at mga metro na nag
kokontrol sa ibat ibang de koryenteng kagamitan.
11. Plenum - isang kompartimento o silid kung saan ang isa o higit pang mga labasan ng hangin ay
konektado at na bumubuo ng bahagi ng sistema ng pamamahagi ng hangin.
12. Polarity – Maaring positibo o negatibong dulo ng isang balani o baterya
13. Pole – isa o dalawang punto sa isang balani na kung saan ang magnetism ay puro.
14. Positive – uri ng polarity na kung saan naakit sa negatibo.
15. Power - Ang halaga kung saan ang enerhiya ng kuryente ay nalilipat ng isang de-kuryenteng
circuit
16. Power Outlet – Saksakan sa isang sistema na kung saan nag bibigay suplay ng kuryente sa iba’t
ibang sasakyan tulad ng mga kotse, yate at Bangka.
17. Power Supply – De-kuryenteng aparato na nagbibigay ng kuryente na maaring gamitinin sa isang
de-kuryenteng kagamitan

18. Raceway - saradong tubo na maaring gawa sa metal on hindi. Dinisenyo para maging daluyan ng
kable ng kuryente.
19. Rainproof – protektado mula sa banta ng ulan at ibang sanhi ng pagkabasa
20. Raintight – Protektado mula sa patuloy na ulan, kung sakaling ulanin, hindi makakapasok ang
tubig.
21. Range Outlet – ispesyal na saksakan na ginagamit para sa kusina. Dito isinasaksak ang mga
instrumentong ginagamit sa pagluluto
22. Receptacle – isang sisidlan na nakakabit sa isang outlet para sa koneksyon ng plag
23. Receptacle Outlet - Isang outlet kung saan naka-kabit ang isa o higit pang mga receptacle.
24. Regulator – isang instrumenting ginagamit para makontrol ang daloy ng kuryente o boltahe sa
isang circuit ng naayon sa gustong lebel.
25. Remote-Control Circuit - Anumang de-koryenteng circuit na kinokontrol ang anumang iba pang
circuit sa pamamagitan ng isang tagapadala o aparato.
26. Resistance – Kakayahang pigilan ang daloy ng kuryente
27. Resistor – isang aparato na kadalasang gawa sa kable o karbon na nagpapakita ng pagpigil ng
daloy ng kuryente
28. Rotor – Umiikot na bahagi ng isang de-kuryenteng makina na tulad ng genereytor o motor.
29. Sealable Equipment – Kagamitan na nakapaloob sa isang lagayan na maaring isara at gawing
selyado upang hindi maitago ang may kuryenteng parte ng kagamitan
30. Semiconductor – Maaring gamitin bilang daluyan ng kuryente pero maari ring maging tagapigil
ng kuryente
31. Separately Derived System – Sistema ng kable na kumukuha ng enerhiya mula sa iba pang taga
suplay ng kuryente o iba pang aparato maliban sa service.
32. Service- Mga kagamitan na ginagamit sa paghahatid ng kuryente mula sa pinagmumulan
patungo sa pagagamitang lugar.
33. Service Cable – tagahatid ng kuryente mula service na binubuo sa anyo ng isang kable.
34. Service Conductor - Ang mga konduktor mula sa service patungo sa pagtitigilan ng daloy ng
kuryente.
35. Service Drop - Tubo kung saan nagmumula ang kuryenteng ibinabahagi ng mga tagapamahagi
ng kuryente sa kanilang mga kostumer.
36. Service-Entrance Conductors, Overhead System – pinagmumulan ng Service Conductor na
kadalasang nasa labas ng gusali
37. Service-Entrance Conductors, Underground System - pinagmumulan ng Service Conductor na
kadalasang nasa ilalim ng lupa.
38. Service Equipment – Ang kinakailangang aparato para sa pagsusuplay ng kuryente sa
pangunahing kontrol panel at sa pag putol ng suplay
39. Service Lateral – Service Conductor na nasa ilalim ng lupa papunta sa mga poste ng kuryente na
magbibigay ng suplay sa iba’t ibang gusali.
40. Service Point - Punto ng koneksyon sa pagitan ng bawat pasilidad ng tagapamahagi ng kuryente
at sa mga kable na pinagdadaluyan nito
41. Short Circuit – ito ay nangyayari tuwing may bahagi ng isang circuit na nagdugtong sa ibang
bahagi ng circuit na nag sasanhi ng paglipat ng daloy ng kuryente papalayo sa nais na maging
direksiyon nito.
42. Show Window – Anu pa mang bintanang ginagamit para mag pakita ng produkto.
43. Signaling Circuit – Isang de-kuryenteng circuit na nagbibigay enerhiya sa mga kagamitang
gumagamit ng signal
44. Single Outlet – Saksakan na iisa lamang ang maaring isaksak. Kadalasang gamit sa mga ispesiyal
na layunin.
45. Solar Photovoltaic System – Sistema na pinapalitan ang enerhiyang solar at ginagawang
kuryente na maaring magamit.
46. Solid Wire – Isang solong piraso ng metal na kawad, kadalasang mas mura kaysa sa stranded
wire at maaring magbigay ng masikip na koneksyon.
47. Special Permission - Nasusulat na pagpapahintulot mula sa mga awtoridad.
48. Special Purpose Outlet – saksakan na kadalasang ginagamit para sa isang tiyak na gamit,
kadalasang nakahiwalay sa ibang saksakan.
49. Stranded Wire – kawad ng kuryente kung saan binubuo ng maraming maninipis na kawad ng
kuryente.
50. Structure – ano mang binuo o itinayo.
51. Substation – Koleksiyon ng mga instrumentong ginagamit para pataasin, pababain, kontrolin
ang boltahe ng kuryente
52. Supplementary Overcurrent Protective Device – aparatong ginawa para magbigay ng proteksyon
laban sa labis na daloy ng kuryente sa mga kagamitan.
53. Switch – Isang aparato na nag bubukas o nag sasara ng daanan ng kuryente sa isang sistema
54. Switch, Bypass Isolation – manu-manong pinatatakbong aparato na ginagamit para
55. System – Bawat konektadong kable, aparato, pinagmumulan ng suplay ng kuryente sa iisang
lugar.
56. System Performance – Tumutukoy sa pagkakaisa ng bawat elemento sa iisang sistema na
nagbibigay ng kaaya-ayang resulta.
57. Tachometer – Isang instrumenting sumusukat sa bilis ng pag-ikot ng isang rotary.
58. Thermal – ano mang may kinalaman sa init
59. Thermoelectric Generator – isang instrumentong pinapalitan ang init sa isang sistema at
ginagawamg kuryente na maaring magamit.
60. Thermistor – isang resistor na nakadipende sa temperature ng sistema.
61. Three-Way Switch - isang aparato na maaring mag control ng ilaw mula sa dalawang
magkaibang lokasyon.
62. Transformer – Isang aparatong dinisenyo upang ibahin ang boltahe ng kuryente, maaring gawing
mas mababa o gawing mataas ang boltahe ng kuryenteng dadaloy dito
63. Transistor – Aparatong ginagamit upang makontrol ang daloy ng kuryente.

You might also like