You are on page 1of 5

FAQ on ESK:

1. Ano ang Easy Solar Kit (ESK)?


- Ang ESK ay gawa at Patented ng kumpayang TSUN at ang origin ng kumpanya ay
nagmula sa bansang China. Ang TSUN ay may RND background ng German
Technology kaya garantisadong maganda ang kalidad ng mga produkto nito. Ang
ESK ay may 12-years na warranty, isa sa pinakamataas na warranty sa mga kauri
nito.
- Ang ESK ay nasa klasipikasyon ng Grid-Tied System. Ang Grid-tied system ay
nakatali/nagpa-function kasabay ng existing Distribution Utility (Meralco, Pelco,
Capelco, Davao Electric, etc.)

2. Ano-ano ang size / range ng Easy Solar Kit (ESK)?


- 400 watts, 800 watts, 1.6kw
(supported in the Philippine Market)

3. Ilan ang panel ng 400w, 800w, 1.6kw ESK?


- 400w = isang panel
- 800w = dalawang panel
- 1.6kw = apat na panel

4. Ano ang kayang patakbuhin na appliances ng 400w, 800w, 1.6kw na ESK?


- Ang ESK ay GRID-TIED setup, and grid-tied system ay nakadepende sa amount ng
electric bill ng isang bahay/establishment at ito ay magbibigay ng savings base sa
produksyon ng ESK Panels.
- Halimbawa:
Ang 400w ESK ay kayang magproduce ng 1.6kwH sa loob ng apat (4) na oras, o
kabuuang estimate na 48kwH sa loob ng isang buwan. May katumbas ito sa bill ng
Meralco na mga nasa Php432 kada isa buwan.

Given:
400w = ESK System
4hrs. = Average sun irradiance/year (average peek na oras ng sinag ng araw for
harvest production)
Php9/kwH = charge ni Meralco per kwH

Page 1 of 5
Sample computation:
400w X 4hrs. = 1.6kwH
1.6kwH X 30days = 48kwH
48kwH X Php9kwH = Php432

Note: ito ay estimate lamang, maaring mas mababa ng kaunti or mas mataas ng
kaunti ang actual savings, base sa sikat/liwanag ng araw. Kung
makulimlim/maulan, mas mahina o mabagal ang produksyon ng Solar, kung
maliwanag (hindi mainit), mas mataas ang produksyon ng Solar.

5. Paano kung ang bill ng kuryente ko sa isang buwan ay nasa P2,000? Kung
gagamitin ko ang 400w na ESK ito ay kulang.
- Ang ESK ay expandable, madaling magdagdag depende sa kailangan, hindi katulad
ng tradisyunal na set-up sa String Inverters. Sa computation at rekomendasyon,
1.2kw ESK system ang kailangan. Ang ESK ay ginagamitan ng
MICRO-INVERTER system, kada isang panel/system ay may sariling Inverter,
hindi katulad ng STRING INVERTER system na sa isang System na may 12 na
Panel, ay maaring isang Inverter lang, kaya ang pag-expand sa string inverter
system ay magastos at matrabaho.

6. Hangang ilang ESK ang pwede ko gamitin sa isang bahay na may bill na
Php2,000?
- Ang bill natin sa bahay ay kadalasan nahahati sa dalawa, ang ginagamit natin sa
umaga at sa gabi. Ang maganda sa ESK system ay maaring mag-umpisa muna sa
isang 400w system then pwede magdagdag ng additional na dalawang 400w ulit or
isang 800w ESK hanggang maabot ang 1.2kw na system target. Kung may budget
naman sa umpisa palang, ang 1.6kw na ESK ang rekomendasyon dahil mas
makakamura dito.
- Pwedeng tingi-tingi kumbaga. Taliwas naman ito sa isang string inverter system, na
kailangan mong magpalit ng Inverter, magdagdag ng panels, at maaaring mag
upgrade pa ng wirings, at electrical devices, bukod pa ang additional professional
manpower services.

7. Ano ang mas maganda? Ang micro-inverter o ang string system?


- Ito ay may kani-kaniyang gamit at function, ang micro-inverter system ay mainam
na gamitin sa mga lugar na mataas ang chances na makulimlim, natatabingan
(katulad ng puno, building, mataas na bahay), at iba-ibang facing ng bubong (tulad
ng isang panig nakaharap sa south, isa sa north) sa kadahilanang ang bawat panel ay
Page 2 of 5
hindi makaka-apekto sa produksyon ng ibang panel sa system ng ESK dahil may
kani-kaniyang heart at brain ang mga ito. Kaya masisiguradong ma MAXIMIZE
ang produksyon. Salungat naman ito sa isang string inverter system.

8. Ano -ano ang mga kailangan ko para magkaroon ako ng 400w ESK system?
- Kailangan ng isang 400w ESK, isang TSUN Power Meter device, isang TSUN
Export Limiter device. Ito ay requirement sa unang setup. Sa Expansion ng
system, hindi na kailangan bumili ulit ng power meter at export limiter. Kailangan
lang ng isang power meter at isang export limiter sa isang system kahit umabot pa
ng 1.2kw ang iyong system.

9. Ano ang mga kailangan na Devices para mag-expand ng ESK?


- Kailangan ng additional na ESK panel, at special cable wire ng TSUN para
makonekta sa existing system at mag-work sila ng sabay.

10. Hanggang ilang kilowatts (kw) ang pwede kong i-expand sa ESK?
- Ang ESK ay best for Small to Medium built na houses/establishments. Ito ay
nirerekomendang limitahan hanggang 10kw. Pero pwede pa naming tumaas, kaya
lang ang system cost ang tinitignan, dahil mas magiging matipid na ang String
Setup Cost kung mas mataas pa sa 11kw ang INITIAL na kailangan.

11. May String Inverter System ba ang ESK?


- Walang String Inverter System ang ESK, ito ay gumagamit ng Micro-inverter
System. Pero ang kumpanya ng TSUN ay meron ding wide-ranges of products,
meron ding STRING Inverter, Storage System, Retrofit System (ito yung mga may
existing na Grid-tied system na ibang brands na gusto nilang magamit ang system
nila kahit brownout).

12. Gaano kabigat ang isang 400w ESK?


- Ito ay may timbang na halos 20-30 kilos kada isang panel.

13. Gaano kalaki ang isang 400w ESK?


- Ito ay may sukat na 1.8meters x 1.2meters or halos isang plywood.

14. Paano i-install o paganahin ang ESK?


- Ang ESK ay DIY (do-it-yourself) KIT. Kailangan lamang itong isaksak sa US
Standard na socket (ang ginagamit natin sa Pilipinas ay US type socket). At ito ay
gagana na. Siguraduhin na ang ESK ay nasisikatan ng liwanag ng araw.

Page 3 of 5
- Maaring gumawa ng extension sa taas ng bubong hanggang maabot ang plug ng
ESK. Siguraduhin na hindi nababasa ang electrical outlet o extension na ginawa.
- Kung hindi naman siguardo sa pag-gawa ng ESK, maaring tumawag ng assistance
sa isang electrician at hayaang sila ang gumawa at magpwesto ng panel.
- Ang ESK ay may aliminum railings, maaring i-screw ito sa bubong upang maging
mas matibay.

15. Paano kung may dalawa akong ESK at magkaiba ang outlet na pagsasaksakan?
- Pwede ang set-up na ito, nirerekomenda lang naman natin na iisang outlet or
electrical line upang mas madali ma trace ang system at may sarili itong linya at ang
Power & Export limiter ay iisa na lamang.
- Pag magkahiwalay na isasaksak ang halimbawa, isang 400w sa isang outlet, at isang
400w ulit sa kabilang outlet, kailangan ng tag isang Power Meter at Export Limiter
device bawat isang linya.

16. Para saan ba ang Power Meter?


- Ang Power Meter ang syang magbibigay ng data kung ano at ilan na ang
produksyon ng system natin.

17. Para saan ba ang Export Limiter?


- Sa Pilipinas, karamihan ng mga existing na metro ng kuryente ay single-direction.
Ibig sabihin, puro pa-abante lang, puro padagdag ang numero ng reading, ang
Export Limiter Device ang maglilimit ang sobrang produksyon ng Solar kung
umabot man ang produksyon lagpas sa kailangan kuryente, kumbaga magiging
intelligent ito. Sa ganitong paraang hindi mabibilang ang sobrang produksyon
bilang konsumo, kundi kung ano lang ang kailangan hanggang doon lang ang
ibibigay ng Solar Power System.

18. Bakit kailangang isang Power Meter at isang Export Limiter ang gamitin sa
isang ESK setup? Hindi ba pwedeng Export Limiter lamang?
- Ang data na mula sa power meter ang ipa-process ng export limiter para malaman
ng Export Limiter kung kelan nya iba-block ang produksyon ng ESK natin at hindi
tayo ma-charge ng extra ni Distirbution Utility (ex. Meralco) sa billing.

19. Paano kung walang Export Limiter Device? Gagana padin ba ang ESK?
- Oo, gagana padin ang ESK, ngunit kung ang Supply na power ay mas mataas kesa
kailangang power, ang supply na power ay mabibilang bilang additional load dahil
paabante lang ang karamihan ng metro.

Page 4 of 5
20. Ano ang pwedeng gawin para maiwasan ang paabanteng metro ng walang
Export Limiter?
- Maaring mag-apply ng NET METERING sa mga distribution utility (ex. Meralco),
upang ang sobrang production ng ESK ay ma-credit sa inyo twing kailangan. Ang
Metro ninyo ay papalitan ng DU (distribution utilitiy) ng bi-directional meter, at
ito ay magpo-produce ng extra credits (imbak na kuryente credits), na ibabawas ni
DU sa electric bill ninyo. Parang idea ng battery.

21. Pwede bang Mabasa ang ESK?


- Oo, ang ESK ay weather proof. Pwedeng maarawan, maulan, bagyuhin. Pero hindi
ito submersible o flood proof (hindi maaring ilublob, ilubog o ibabad sa malalim na
tubig).

22. Pwede bang tapakan o daganan ang ESK?


- Hindi ito nirerekomenda, dahil maaring magkaroon ng micro-cracks (malilit ng
crack) ang solar panel at ito ay makaka-apekto sa performance at produksyon nito.

23. Upon order, kung hindi marunong magkabit ng ESK, ilang araw bago maikabit
ang ESK system sa aking bahay?
- Kung may available stocks sa Distributor, at nasa Metro Manila, ito ay mga 2-3days
para madeliver at tatagal ang pag-gawa depende sa access o laki ng bahay.
- Kung walang stocks, ang delivery ay maaring umabot ng 30-40days.

24. Paano kung nasira/nabasag ang panel after maikabit sa bahay?


- After installation checkup, testing at inaccept na ng client na working good na ang
system, at nasira/nabasag ang panel ito ay hindi sakop ng product warranty. Ang
warranty ng ESK ay nakadepende sa factory at performance warranty. Ang
pagkasira dulot ng personal na pangyayari o pangyayaring gawa ng kalikasan (tulad
ng bagyo, lindol, sunog) ay hindi sakop ng warranty.
- We are willing to extend our technical support warranty online/phone, even after
the product, manpower warranty is expired or served.

-nextec solutions-

Page 5 of 5

You might also like