You are on page 1of 24

Portfolio sa Piling Larangan (TechVoc)

Ipinasa ni:

Edgardo Jose V. Laserna

Ipinasa kay:

Gng. Princess Amor Cenaon Fernandez-Abia


Bionote

Si Edgardo Laserna ay isang purong Filipino na nakatira sa Proj. 8, Quezon City


dito sa Pilipinas mula noong pagkasilang palang niya. Simula noong 2018 ay
nag-aral si Edgardo sa Villagers Montessori College bilang isang mag-aaral ng
Senior High School sa Kurikulum na K-12. Si Edgardo ay naging honor noong
Grade 10 pa lamang ito at noong Grade 11 ay naging Presidente naman ito ng
kaniyang Silid-Aralan. Siya rin ay nanalo ngayong taon ng 2nd place sa Speech
Festival sa kategoryang Declaration. Ngayong rin taon na ito ay sumubok si
Edgardo ng pagkakataon upang makapasok sa minimithi nitong sintang paaralan,
ang UP at PUP. Hindi man naging madali ang kaniyang paglalakbay, ay sana
makarating ito sa nais niyang makamit na paaralan bilang isang marangal at
nag-aaral na Kolehiyo na ipagmamalaki ng kaniyang Bayan at ng kaniyang
Bayaning nagligtas ng kaniyang bayan na si Jose Rizal.
Talaan ng Nilalaman
Liham-Pangnegosyo

Republika ng Pilipinas
Kagwaran ng Student Council
Kawanihan ng mga Estudyante
27 Dividend St., GSIS Village, Brgy. Sangandaan, Proj. 8, Q.C.

29 Agosto 2019
Madam Adoracion B. Rico
Dalsol St., Quezon City
Philippines 1100

Mahal na Punong Guro,

Ngayong darating na setyembre, gugunitain natin ang “Foundation day”,


bahagi nito ang mga aktibidades na ilulunsad naming mga Student Council na
makatutulong hindi lamang sa mga Estudyante, pati na rin ang mga guto at
tauhan ng paaralan.

Ang aming partido ay naghahanda ng mga aktibidades na puwedeng


lahukan ng mga mag-aaral. Isa na rito ang “E-sports” na binubuo ng mga larong:
Mobile Legends, Dota 2, at League of Legends sa ika-2 araw ng Foundation day,
9:00 nu – 3:00 nh.

Ang nasabing palaro ay gaganapin sa Computer Laboratory ng ating


paaralan. Kung papalarin, sana iyo ay maaprubahan at magamit ang kagamitang
nais naming gamitin.

Maraming Salamat sa oras at konsiderasyon.

Matapat na sumasainyo,

Edgardo Laserna Garcia, Liryan Jay B.

President of SSC Secretary of SSC


Leaflet

Huffle Wifi

Paglalarawan:

 Hanggang sa 500 mbps


 Bayad sa pag-install ₱1,500
 30% na bilis at 80% serbisyo
 Lock-in period of 12 hours
 Walang Data Cap

“Basta may Huffle Wifi, giginhawa ang buhay”

Mga kinakailangang dalhin:

(Local)

 1 balidong ID (kahit anong Gobyernong ID o Kumpanyang ID)


 Katunayan ng paninirahan

(Nasyonal)

 Katunayan ng pagkakaakilanlan
 Alinman sa sumusunod:
o Balidong Bisa
o Permiso sa pagtatrabaho (galling sa employer)

Makipag-ugnayan samin:

Edgardo Laserna Shekinah Heart Quinton

09271375366 09452777620

Laserna.edgardo32@gmail.com sheliheart.517@gmail.com
Manwal

Manwal ng Pag-aasemble ng RJ45

Mga miyembro:

Edgardo Laserna

Shekinah Heart Quinton

Sha-Innah Valdez

Liryan Jay Garcia

Jhon Lester Jaramilla

Jhon Miller Delacruz


Panimula:
Ang RJ45 konektor ay normal na ginagamit sa telepono at network cables.
Paminsan-minsan, ginagamit sila sa serial network connections. Nang dumating
ang RJ45 konektors, sila ay pangunahing ginagamit sa mga telepono. Ang
mahusay na pagsulong ng teknolohiya ay lumikha ng isang pangangailangan sa
isa pang laki ng konektor at ang RJ45 ay inangkop upang bumagay sa
modernong panahon. Mayroong dalawang iba’t ibang mga laki ng konektor ng
RJ45 na magagamit: isa para sa CAT5 cable at isa para sa CAT6 cable.
Kilangan tiyakin ng gumamit na sila ay mayroong angkop na kagamitan para sa
ginagawa nilang trabaho. Ang pinakamadaling paraan upang sila ay
pagkumparahin ay pagtabihin ito. Ang CAT6 konektor ay mas malaki kaysa sa
CAT5 konektor. Matatagpuan sa kabilang pahina ang paraan para sa pag-
aasemble ng RJ45

Nilalaman:
Unang hakbang: Bumili ng iyong cable at RJ45 konektor. Karamihan sa mga
Ethernet cable ay ibinibenta sa mga hardware na may iba’t ibang haba kaya
kailangan mong sukatin at kunin ang tamang sukat na kailangan mo.

Mga kakailanganin:

- Wire Cutter
- Crimping Tool
- Cat 5 o Cat 6 Cable
- RJ45 Connector
- Lan tester

Pangalawang hakbang: Mag strip ng 2 hanggang 3 sentimetro ng labas na labat


sa dulo ng cable wire sa balat gamit ang wire cutter. Magkakaroon ng apat na
pares na pulupot na mga wire na nakalantad, ang bawat isa sa kanila ay
magkakaiba ng kulay o kombinasyon ng kulay.
Pangatlong hakbang: Tiklupin ang bawat pares ng wires palikod upang malantad
ang core ng cable.

Pang-apat na hakbang: Putulin ang core at itapon.

Pang limang hakbang: Ituwid ang baluktot na wires gamit ang dalawang tyane.
Hawakan ang isang wire sa ilalim ng isang bako gamit ang isang pares ng tyane
at ang isa naman upang marahang ituwid ang bakong wire. Kapag mas tuwid
ang iyong wire mas magiging madali ang iyong trabaho.

Pang-anim na hakbang: Ayusin ang mga hindi nakaayos na wire sa isang hilera
at ilagay sa posisyon mula sa kanan papunta sa kaliwa kung saan papasok sila
sa RJ45 konektor.

Ayusin sila ayon sa pattern na ito:

 T568A- White Green, Green, White Orange, Blue, White Blue, Orange,
White Blue, Orange, White Brown, Brown
 T568B- White Orange, Orange, White Green, Blue, White Blue, Green,
White Brown, Brown
Pangpitong hakbang: Gupitin ang mga nakaayos na wire sa isang angkop na
haba. Ang pagkakabukod sa cable ay dapat nasa loob lamang ng ilalim ng RJ45
konektor. Ang mga wires ay dapat mai-trim upang sila ay magpantay-pantay sa
tuktok ng RJ45 konektor.

- Gupitin ang mga wire nang paunti-unti, suriin nang madalas upang matiyak na
tama ang haba. Mas mainam na gupitin ang wire ng ilang beses kaysa bumalik
at simulan muli ang lahat dahil naputol mo ito nang ilang beses.

Pangwalong hakbang: Ipasok ang mga wire sa RJ45 konektor, tiyakin na


nananatili silang nakahanay ayon sa kanilang kombinasyon ng kulay at
pumapasok sa nararapat na channel nito. Tiyakin ang bawat wire ay napupunta
sa tuktok ng RJ45 konektor, kapag hindi mo nakita ang iyong bagong crimp na
RJ45 konektor ay wala itong silbi.
Pangsiyam na hakbang: Gumamit ng crimping tool upang ma crimp ang RJ45
konektor sa cable sa pamamagitan ng pagpindot sa dyaket at cable sa konektor
upang ang kalang sa ilalim ng konektor ay napipindot sa dyaket. Muling i-krimp
ng isa pang beses upang matiyak ang wastong koneksyon.

Pansampung hakbang: Sundin ang tagubilin sa itaas upang ma-krimp ang


kabilang dulo ng cable.
Pang-onseng hakbang: Gumamit ng cable tester upang matiyak na ang iyong
cable ay gumagana ng maayos kapag ang parehong dulo ay na-crimp na.
Apendise:

Talahanayang Reperensiya:
Iba’t ibang mga links at sanggunian ang aming nakalap at ginamit sa manwal
na ito. Ito ang mga sumusunod:

- https://www.wikihow.com/Crimp-Rj45
- https://www.youtube.com/watch?v=SrdFw6Kunxo

Depinisyon ng Termonolohiya:

 Upang mas bigyang linaw at maunawaan ng mga mambabasa ang


pananaliksik na ito, minarapat ng mga mag-aaral na bigyang
depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya na maaaring hindi
kaagad maintindihan. Ang mga terminolohiyang ginamit sa manwal na
ito ay ang mga sumusunod:
 Rj-45 – isang walong konektor ng wire na ginamit upang ikonekta ang
mga computer sa category 5 unshielded twisted pair na mga kable sa
isang network.
 Crimping tool – ito ay ginagamit upang crimp ang UTP cable sa
konektor RJ45.
 Wire Stripper – isang tool na ginamit upang alisin ang panlabas na
dyaket ng kawad.
 Straight Through Cable – isang uri ng baluktot na pares ng wire para
sa local area network na ginagamit kung saan ang mga konektor ng
RJ-45 sa bawat dulo ay may parehong pin out.
Deskripsyon ng Produkto

Spesipikasyon ng Isang Kompyuter

Introduksyon:

Ang kompyuter ay may iba’t ibang bahagi, bawat bahagi ay mahalaga at


my iba’t ibang tungkulin.

Ang mga sumusunod ay ang mga bahagi nito at ang kanilang


spesipiksyon:

Monitor:

 May sukat na 16 hanggang 64 pulgada at 12 hanggang 24 pulgada


pataas.
 HD Resolusyon.
 Nagpapakita ng matitingkad na kulay.

Keyboard:

 Response Frequency: 1000 Hz


 Interface: USB
 Sukat: 441 x 138 x 37 mm
 Timbang: 866 kg

Mouse:

 Response Frequency: 2.4 GHz


 Operation Distance: 10 m
 Interface: USB
 Sukat: 110 x 70 x 35 mm

System unit:

 Motherboard: Socket AM3


 CPU: AMD Athlon 11 x 4 x 640
 Ram: 4GB hanggang 8GB
 HDD: 250 GB (SATA)
 VGA: On board
 Power Supply: 500 watts
Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay

Pag-poprogram gamit ang C++ sa Kompyuter

Mga kailangan:

 Kompyuter
 Sarili

Hakbang sa Paggawa:

1. Mag-download at i-install and C++ language sa inyong kompyuter.


2. Maglagay ng mga “include” variables.
3. Ilagay ang “Main” Function.
4. Maglagay ng mga Variables at Types nito.
5. Ilagay ang “cout<<”Hello World”<<endl;
6. Maglagay ng “cin>>” kung meron kang ilalagay na variable.
7. Pwede rin itong gamitin pang-Arithmetic Operations at Assignment
Operator.
8. Isave ito gamit ang “F2” at pangalanan ito depende sa kung ano ang
inyong ginagawa.
9. Itest ito kung gagana gamit ang “Ctrl + F9”
10. Palitan kung kinakailangan.
Feasibility Study

Feasibility Study: Pagtatasa sa Pisibilidad ng Pagbebenta

at Paggawa ng “DIY Hand fan”

Inihanda ng:

Tech-Voc 12 (ICT)

Ipinasa nina:

Edgardo Jose V. Laserna

Shainah Valdez

Shekinah Heart Quinton

Liryan Jay Garcia

Jhon Lester Jaramilla

Ipinasa kay:

Gng. Princess Amor Cenaon Fernandez-Abia


PANGKALAHATANG LAGOM / EXECUTIVE SUMMARY

Ang aming motto ay: “Sa oras ng kagipitan, electric fan ang hawakan.”
Dahil ang aming produkto ay naglalayong matulungan ang mga taong walang
pera o gustong makamura. Ang produktong “DIY Hand Fan” ay eco friendly at
madaling gawin. Sa Pilipinas, kung saan tayo nakatira, ay sobrang init na
maaaring humantong sa iba’t ibang sakit tulad ng Heat Stroke, Cardiac Arrest,
Sunburn, etc. At dahil sa mga sakit na makukuha mo sa init ng araw, naisipan
namin na magbigay ng solusyon para maiwasan ang mga ito. Ngunit, kung bibili
ng electric fan ay mas mapapamahal ka, kaya naisip namin na gumawa ng DIY
Hand Fan na mas mura at abot kaya ng mga mamimili. Ang aming goal sa aming
produkto ay gumawa ng isang Hand Fan na “plastic-free” at eco friendly na abot
kamay ang halaga. Sa tuwing bibili ka ng aming produkto, hindi mo lang
matutulungan ang mga gumawa nito subalit pati ang ating kalikasan na maging
isang malinis na bansa tayo at mabawasan ang plastic dito sa ating mundo o
bansa. Ang mga pwedeng gumamit nito ay kahit sino. Mapa-matanda, bata, isip-
bata o ano pa man, ay welcome dito.

PAGLALARAWAN NG PRODUKTO AT/O SERBISYO

Ang aming produkto ay pinaka-gawa sa cardboard. Ang cardboard ay


nagsisilbi nitong pinaka-katawan na humahawak sa mga iba pang parte nito. Ang
baterya naman ay AAA na tumatagal ng 2 hanggang 3 oras. Ang elisi naman nito
ay matibay at hindi madaling masira. Meron lamang itong isang opsyon kung
gaano ito kalakas. Ang hugis nito ay parang Wind Mill ng Ilocos. Ito ay may
kakaibang hugis na natatangi sa iba pa nitong kauring produkto. Ito ay gawa ng
purong kamay kaya nakasisiguro kaming ito ay matibay at ang ginamit na glue
stick dito ay hindi tinipid.
KAKAILANGANING TEKNIKAL NA KAGAMITAN

Ang mga mahahalagang kagamitan sa paggawa ng DIY Hand Fan ay:


takip ng bote, wires, maliit na elisi, baterya, cardboard, motor at switch. Ang mga
wires ay nagsisilbing daloy ng baterya para gumana ng naaayon sa maliit na elisi.
Ang maliit na elisi ay lumilikha ng hangin na may mataas na bolyum at
mababang presyon. Ang cardboard naman ang siyang pinaglalagyan ng
kabuuang estruktura ng DIY Hand Fan. At ang motor ay siyang nagpapagana ng
lahat ng daloy sa DIY Hand Fan. Ang iba pang teknikal na kagamitan ay ang
mga sumusunod:

 Cutter
 Glue gun
 Glue stick
 Hammer
 Screwdriver
 Gunting

MARKETPLACE AT ISKEDYUL

Ang aming produkto “DIY Hand Fan” ay maaaring mabili sa online /


internet o maaari ring direktang mabili. Sa direktang pagbebenta, pwede ito
ipuwesto sa matataong lugar at kita ng mga mamimili. Ang iskedyul ng direktang
pagbebenta ay mula Lunes hanggang Biyernes ng 9 ng umaga hanggang hapon
o kung saan sila ay may libreng oras. Matatagpuan din ang aming produkto sa
aming kwarto ng TVL 12, room 508. Sa online o internet na pagbebenta, pwede
namin ito ipost o ialok sa facebook, instagram, twitter o kung saan-saan pang
social media sites na maraming taong gumagamit at makikita ang aming
produkto. Ang pagbebenta sa online ay araw-araw.
ESTRATEHIYA SA PAGBEBENTA

Dahil ang aming produkto ay pwedeng ibenta sa online, pwede naming


iadvertise ito sa mga social media sites katulad ng Facebook, Instagram, Twitter.
Magbibigay din kami ng mga discounts kung marami silang bibilhin. Mag-aalok
din kami ng mga promo katulad ng kapag bumili ka ng 1 ay makakuha ka ng
libreng Strap o tali sa Hand Fan. Magbibigay din kami ng free 6 months warranty
para sa sirang mga Hand Fan. Sa direktang pagbebenta, isasaalang-alang
namin ang mga bibili at pupwesto sa mga mataong lugar at titiyakin naming nasa
magandang kondisyon ang aming mga produkto.

MGA TAONG MAY GAMPANIN SA PRODUKTO AT/O SERBISYO

Dahil sa ito nga ay “DIY” at gawang kamay, magkokonsumo ito ng


maraming oras at pagsisikap ng mga tao. Dahil sa kadahilanang ito, kami ay
gagawa lahat nitong aming produkto. Lahat gagalaw, lahat ay may gampaning
kailangang gampanan. Hindi ito ganoon kadali pero kung lahat ay magtutulungan,
ito ay magiging mahusay at ang kalalabasan nito ay maganda.

REKOMENDASYON

Ang aming produkto ay naglalayong suportahan ang bawat tao, sa lahat


ng antas ng edad, ibang kulay, meron at walang kapansanan, ito ay pwede. Ito
ay inirerekomenda namin kahit kanino. Dahil naniniwala kami na lahat ng tao ay
pantay-pantay, na walang kapansanan, mahirap o mayaman ang makakapag-
paiba mo sa ibang tao.
PROJECTION SA PANANALAPI AT KITA

1. Mga mapagkukunan:
 Puhunan: ₱100

2. Materyales:
 Cardboard = ₱15
 Wire = ₱10
 Baterya = ₱15
 Motor = ₱50
 Glue sticks = ₱10

3. Proseso:
1. Gumuhit ng dalawang maliit na bilog sa ibabaw ng takip ng bote.
2. Butasan ito gamit ang cutter.
3. Pagkatapos butasan ay ilagay ang baterya at switch sa takip ng
bote.
4. Butasan ang cardboard at ipasok ang switch at wire sa loob nito.
5. Sunugin ang dulong parte ng wire sa pamamagitan ng paggamit sa
kandila.
6. Pagkatapos tunawin ang wire, idikit ito sa switch.
7. Idikit naman ang switch sa butas ng carboard.
8. Isunod naman na ikabit ang motor sa isang butas ng cardboard.
9. Lagyan ito ng glue gun ang gilid ng motor pati na ang takip ng bote.
10. Panghuli ay ilagay na ang elisi sa motor. Paandarin ito kung
gumagana.
Naratibong Ulat
“Computer Engineering”

Ang mg inhinyero ng computer software ay nagdidisenyo, bumubuo at


sumusuri ng mga software. Ang ibang inyinyero ng software ay nagdidisenyo,
gumagawa at nagpapanatili ng mga programa ng kompyuter ng mga kumpanya.
Ang iba ay nagsasa-ayos ng mga network tulad ng “intranets” para sa mga
kumpanya. Ang mga iba ay naglalagay ng mga bagong software o kaya ay naga-
upgrade ng mga sistema ng kompyuter. And mga inhinyero ng computer
software din ay pwedeng gumawa ng disenyo ng mga aplikasyon. Kasama dito
ang pagdidisenyo at pag-code ng mga bagong programa at aplikasyon para
maabot ang pangangailangan ng mga negosyo at ng sangkatauhan. Ang mga
inhinyero ng computer software din ay pwede ng mag-freelance at ibenta ang
kanilang mga software na produkto/aplikasyon patungo sa mga
negosyo/sangkatauhan.

Ang pagiging isang Computer Engineer ay nagagamit sa tuwing ang


karaniwang uri ng computer ay gusto mong mas umunlad o gumanda ang
grapiko. May iba’t ibang function rin ang pagiging isang compuer engineering
depende sa anong uri ito nabibilang. Nagaganap lahat ng ito sa tuwing may mga
kailangang pagbabago ang isang kumpanya o ang isang stylo/porma ng isang
kompyuter.

Ang lahat ng pwede mangyari pwede maganap ng ganitong uri ng


trabagho ay kadalasan nasa isang kumpanya madalas sa mga sistema ng
ganitong uri ay nasa isang malakihang kumpanya na nagkakaroon ng
kumpetensya sa ibang kumpanya na siyang isang nagging rason upang baguhin
ang isang uri ng kompyuter.

Tungkol ang lahat ng ito sa pagbabagong maaaring maging sanhi at


magbunga ng iba’t ibang pangangailangan ng isang basis “trend” ngayon na
kagaamitan ng kompyuter.
Kailangan ang mga ito upang mas maging maka-alam ka sa mga
pagbabago na meron ang mundo ngayon at isa ang mga computer engineer sa
sanhi ng pagbaabago; Information Technology ay isa sa mga nagungunang
demand na kursong hinahanaap ng mga kabataan sa panahon ngayon.
Patalastas (Paunawa, Babala, Anunsiyo)

Paunawa:

Babala:

Anunsiyo:
Menu

You might also like