You are on page 1of 3

QUIZ IN KOMUNIKASYON

1. Ito ang antas ng wika na itinuturing na salitang istandard dahil kinikilala,


tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ang nakapag-aral ng
wika.
a. Pormal b. Impormal c. kolokyal d. balbal
2. Ito ang antas ng wika na ang mga salita ay karaniwan, palasak, pang-araw-
araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa
mga kakilala at kaibigan.
a.Pormal b. Impormal c. kolokyal d. balbal

3. Ito ay kategorya ng pormal na antas ng wika na ang salita ay karaniwang


ginagamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat ng mga paaralan

a. pampanitikan b. lalawiganin c. pambansa d. balbal

4. Ito ay kategorya ng impormal na antas ng wika na ang salita ay ginagamit sa


pang araw-araw mga pang-araw-araw l. Maaaring may kagaspangan nang
kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado ayon sa
kung sino ang nagsasalita nito.

a. pampanitikan b. lalawiganin c. pambansa d. kolokyal

5. Ito ay kategorya ng impormal na antas ng wika tinatawag sa Ingles na slang.


Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang ang mga ito upang ang mga
pangkat ay magkaroon ng sariling codes.

a. balbal b. lalawiganin c. pambansa d. kolokyal

6.Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at


isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura ayon kay:

a. Prof. Almario b. Gleason c.Webster d. Archibald Hill

7. Ang wika mismo ang patunay na tayo’y may katutubong kultura. Isang wikang
patuloy na nabuhay sa kabila ng mahabang pananakop na nagbigay kaalaman at
karunungan sa ating lahi ayon kay:

a. Prof. Almario b. Gleason c.Webster d. Archibald Hill

8. Ang mga Wikang Opisyal ng Pilipinas ay :

a. Filipino at Tagalog c. Filipino at Ingles

b. Kastila at Ingles d. Filipino at Kastila

9. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang


wika. Maaari ring ilapat ang konsepto sa isang buong komunidad kung saan
ginagamit ng mga mamamayan ang dalawang magkaibang wika o kaya naman ay
ang politikal o institusyunal na pagkilala sa dalawang wika.

a. Mononggwalismo c. Dayalekto

b. Multilinggwalismo d. Bilinggwalismo

10. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at


makaunawa ng iba’t ibang wika.Sa antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng
pagkakaroon ng iba’t ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa
mga lalawigan at rehiyon.

a. Mononggwalismo c. Dayalekto

b. Multilinggwalismo d. Bilinggwalismo

11. Ang barayti ng wikang nalilikha ng ng dimensyong heograpiko.Wikang


ginagamit sa partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.

a. dayalek b. idyolek c. sosyolek d. pidgin

12. Nabubuo ito batay sa dimensyong sosyal. Makikilala ang iba’t ibang barayti nito
sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika.

a. dayalek b. idyolek c. sosyolek d. pidgin

kakaibang paggamit ng wika ng isang indibidwal sa isang panahon.

13. Ito’y isang personal na lenggwahe na gamit ng isang tao. Nakikita ito sa mga
patern ng piniling salita, parirala, gramar o kung paano siya bumibigkas. Isang
paglihis ito sa regular na patern.

a. dayalek b. idyolek c. sosyolek d. pidgin

14. Ito ay wikang ginagamit sa iba’t ibang propesyon. Sa komunikasyon sa iba’t


ibang disiplina, may angkop napananalita at espesyalisadong terminong dapat
gamitin na partikular sa larangan.

a. dayalek b. idyolek c. sosyolek d. rehistro

15. Ito ay tinatawag sa Ingles na nobody’s native language. Nagkakaroon nito


kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na
walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift

a. pidgin b. idyolek c. sosyolek d. rehistro

You might also like