You are on page 1of 10

Komunikasyon at

Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Filipino
(KPWKP)

Ikalawang
Markahan

WEEK 6

1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 11:
Kakayahang Pragmatiko

Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa pagbibigay ng kahulugan sa


mga salita batay sa sitwasyon. Paghihinuha sa layunin o pakay ng kausap may mahalaga
upang maging maayos ang relasyon ng kausap at kinakausap.

Ang Kakayahang Pragmatiko ay tumutukoy sa mabisang paggamit ng wika upang


makapagpahayag ng mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at
gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng usapan,
kung gayon ang pagsusuri sa kahulugan ng mga salita sa kantang “Upuan” ni Gloc-9 ay
magpapaliwanag tungkol sa dito.

Sipi mula sa kantang

“Upuan” ni Gloc-9

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng


malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon

At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon


Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Kayo po na naka upo,


Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko.

2
Pahiwatig Literal na Kahulugan
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng Ang tinutukoy ay opisina o lugar kung
malaking bahay at malawak na bakuran. saan nagtatrabaho ang mga politiko,
maaaring munisipyo, kapitolyo, o Palasyo
ng Malacañang
Wala namang kasal pero marami ang Mga guwardiya na ang suot ay barong
naka barong
Mga plato't kutsara na hindi kilala Mga magaganda o mamahaling
ang tutong kagamitan sa ibang salita ay
pangmayaman

Ang kakayahang magbigay ng wastong kahulugan sa gámit ng salita at paraan kung paano
unawain ang konteksto nitó sa pahayag ay ang tinatawag na Kakayahang Pragmatiko.

Ang Kakayahang Pragmatiko ay mabisang paggamit ng yaman ng wika upang


makapagpahayag ng mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at
gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi (berbal), di-sinasabi (di-berbal) at
ikinikilos ng usapan. Ito’y kasanayan sa pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon
sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at pagpapadaloy ng usapan.

Ayon kay Jocson (2016), ang bawat pahayag o pangungusap ay nagtataglay ng dalawang
bahagi: kung ano ang sinasabi at kung ano ang ipinahihiwatig (implied o implicative).

Halimbawa:
1. “Ay naku, naiwan pala ang wallet ko”
Pagsusuri:
May kahulugang pragmatiko na gustong magpalibre o mangungutang

2. Dinampot ang bulaklak sa mesa, bahagyang inamoy, binása ang nakasulat sa maliit na
papel, at napangiti.
Pagsusuri:
May kahulugang pragmatiko na nagustuhan ang nagbigay at ang ibinigay.

Ang kakayahang pragmatiko ay maaring:


a. Berbal – sinasabi gámit ang mga salita sa pagpapahayag at pangunahing paraan upang
manatili ang pakikipag-uganayan.
Halimbawa:
“Naiinis ako sa sinabi niya,”ayoko munang makipag-usap
.
b. Di-berbal- di ginagamitan ang salita at sa halip ay ipinakikitasa ekspresyon ng mukha
,kumpas at galaw ng kamay, kulay maging simbolo ang paraan ng pagpapahayag.
3
Halimbawa.
Umirap siya sa sinabi at biglang tumalikod sa kausap.

WRITTEN WORKS#8
Pagsasanay A (15 pts)
Tukuyin ang layunin at kahulugan ng salita o pahayag batay sa paggamit at paraan ng
pagsasalita. Isulat ang tanong at titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____1. “Mas mapapadali sana ang paggawa ng riserts kung ipagsasama-sama natin ang
ating kaalaman at mga kagamitan”.
A. Nais maghanap ng mga sasagot sa maaaring gagastusin.
B. Nagpapahiwatig na pangkatan ang pagsasagawa ng pananaliksik.
C. Nagpaparinig na makabubuti kung magtutulungan ang bawat miyembro.
D. Sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ay matitiyak ang kasiyahan sa bawat isa.

2. “Nagkasabay-sabay na ang mga gawain, hindi ko na alam ang uunahin,


pero madali lang naman sana ang riserts, ang problema lang talaga, ilang araw lang
at ipapasa na kaagad”.
A. Hindi alam ang uunahin
B. Nagrereklamo sa sabay-sabay na pagbibigay ng gawain
C. Naiinip at gustong matapos kaagad ang ginagawang riserts
D.Gustong humiling nang mas mahabang oras sa pagsasagawa ng pananaliksik.

3. Dati hindi ako kumakain ng maanghang, dati hindi rin ako mahilig sa mga kantang
maiingay, ayaw ko ng basketbol, hindi rin ako nanonood sa sinehan, ayaw ko ring sumakay
sa motor, pero bakit ngayon ginagawa ko na ang lahat nang iyon kapag kasama ko s’ya?
A. Dahil masaya siyang kasama
B. Maaaring mahal n’ya na ito
C. Gusto n’ya lang na may kasama
D. Ayaw n’ya na mapahiwalay dito

4. “Uy! Ikaw pala ang nanalo sa patimpalak sa Spoken Word Poetry, alam mo
masarap ang kape d’yan sa labasan.”
A. Masarap ang kape sa labasan
B. Nais na magpalibre ng kape sa labasan
C. Pinamamalita na masarap ang kape sa labasan
D. Pinamalita ang pagkapanalo sa Spoken Word Poetry

4
5. Bawal ang utang, búkas na lang.
A. Hindi nagpapautang
B. Bawal ang utang ngayon, búkas pwede
C. Ipinagbabawal ang hindi pagbayad sa utang
D.Kapag nagbayad ka ngayon, búkas p’wede ka na namang mangutang

6. “Sige po, salamat. Katatapos ko lang po kasing kumain.”


A. Busog pa siya.
B. Nahihiya s’yang kumain.
C. Galít siya sa nagyayang kumain.
D. Mas maiging magtiis sa gutom, kaysa masabihan ng patay-gutom.

7. Parang binagsakan ako ng langit ng mabalitaan kong pumanaw na ang aking ina.
Halos hindi ko na alam ang aking gagawin.
A. Pagtugon sa pangangailangan
B. Layunin ng pahayag na ilarawan ang pangyayari sa malikhaing paraan
C. Layunin ng pahayag na magpahayag ng sariling damdamin o opinyon
D. May layuning magpatatag at magpanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao

8. “Baka magkasakit na kayo niyan. Hindi masamang tumulong sa kapwa, kaya


lang, talagang malaki na ang ipinangayayat ninyong dalawa.”
- Genoveva E. Matute, Jesus, Nariyan Ka Pa Ba?
A. Pagtutol
B. Panunuya
C. Paniniyak
D. Pagpapaliwanag

9. Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing
pagatulgatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong
pitaka.”
-Benjamin P. Pascual, Ang Kalupi
A. Pagtutol
B. Panunuya
C. Paniniyak
D. Pagpapaliwanag

10. Ako’y isang sirena kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
- Gloc-9, Sirena
A. bakla
5
B. busina
C. Miss Universe
D. taong may kaliskis

11. “May dalawang oras na yata tayong naglalakad a, baka hindi natin nalalaman, e,
nasa Siberia na tayo.”
-Edgardo Reyes, Lugmok na ang Nayon
A. Pagtutol
B. Panunuya
C. Paniniyak
D. Pagpapaliwanag

12. “Ang paggawa ng kabutihan ay may magandang balik. Ang pag-ibig sa kapuwa
ay ang pagpapakita ng totoong pagmamahal ng tao sa Diyos.” Ang maaring nagsasalita ay
isang__________________
A. Guro
B. Pari
C. Kaibigan
D. Magulang

13. Amoy-tsiko ang drayber kayâ hindi siya pinayagang magmaneho


A. lasing ang drayber
B. may putok ang drayber
C. may dalang tsiko ang drayber
D. may kakaibang amoy ang drayber

14. Halos nagtutungayaw at hindi magkamayaw ang ina sa paggawa.


A. nagagalit
B. nag-iisip
C. abalang-abala
D. nagpapahing

15. Para ng halamang lumaki sa tubig, daho'y nalalanta munting 'di madilig;
ikinaluluoy ang sandaling init; gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig.
A. Dapat ibigay ang kagustuhan ng bata hanggang bata pa.
B. Laging diligin ang halaman, at nalalanta sa síkat ng araw
C. Huwag palakihing bigay-hilig ang bata upang lumaking madeskarte
D. Malalakas at matatatag ang mga batang pinalaki ng magulang na sunod ang gusto

6
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 12:
Pagsulat ng Kritikal na Sanaysay

Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa Pagbuo ng Kritikal na Sanaysay


Ukol sa Iba’t Ibang Paraan ng Paggamit ng Wika ng Iba’t Ibang Grupong Sosyal at
Kultural sa Pilipinas.
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan kung saan malayang naipahahayag ng may-akda
ang kanyang saloobin, pananaw, kuro-kuro, damdamin, reaksiyon at repleksiyon tungkol
sa isang paksa. May layunin itong magbigay-kabatiran, impormasyon, mang-aliw o
magpatawa.
Kasama sa katangian ng isang kritkal na sanaysay ang magaan natono, malaya at
personal na pagtalakay ng awtor ng anumang paksang nais niyang talakayin na parang
ang kanyang kausap o kaharap ay ang mga mambabasá.
Ayon kay Jocson (2016) ang dapat isalang-alang sa pagsulat ng kritikal na sanaysay ay
ang sumusunod:
1. kaisahan ng tono;
2. maayos na pagkakabuo;
3. matalinong pagpapakahulugan;
4. tema at nilalaman;
5. anyo at estruktura;
6. wika at estilo; at
7. gumagamit ng wika sa bawat sosyal at kultural na pangkat.
Mahalaga sa lahat, kung ang isusulat na sanaysay ay tungkol sa iba’t ibang wika ng mga
grupong sosyal at kultural sa Pilipinas, kinakailangang may sapat na kaalaman at
kasanayan sa salita/pahayag na ginagamit na batayan ay ang lugar, panahon, layunin,
pinag-uusapan, at grupong kinabibilangan ng mga nag-uusap.

7
Pagsasanay B (10pts)
Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa iyong paunang pag-unawa sa paksa.
Isulat ang tanong at titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang sumusunod ay dapat na isinasaalang-alang sa pagsulat ng kritikal na
sanaysay maliban sa ___________________.
A. kaisahan ng tono, maayos na pagkakabuo
B. matalinong pagpapakahulugan, tema, at nilalaman
C. may súkat, tugma, aliw-iw, o indayog ng mga salita
D. anyo at estruktura, wika at estilo, gumagamit ng wika sa bawat sosyal at
kultural na pangkat
2. Ito ay isang uri ng panitikan na naglalayong magbigay ng opinyon, kuro- kuro,
pananaw, impormasyon, o repleksiyon tungkol sa isang paksa.
A. Nobela
B. Sanaysay
C. Pananaliksik
D. Maikling Kuwento
3. Tukuyin ang katangian ng isang kritikal na sanaysay.
I. Bunga ito ng isang malalimang pag-aaral na dumaan sa proseso at nangangailan ng
estadistikal na pag-aanalisa ng mga datos.
II. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan kung saan malayang naipahahayag ng may-
akda ang kaniyang saloobin, pananaw, kuro-kuro, damdamin, reaksiyon, at repklesyon
tungkol sa isang paksa
III. May layunin itong magbigay kabatiran, impormasyon, mang-aliw, o magpatawa.
IV. Kasama sa katangian ng isang kritikal na sanaysay ang magaan na tono, malaya at
personal na pagtalakay ng awtor ng anumang paksang nais niyang talakayin, \ang
kanyang kausap o kaharap ay ang mga mambabasá.
A. I, II, III
B. IV, I, II
C. III, IV, I
D. II, III, IV
4. “Uy! Ikaw pala ang nanalo sa patimpalak sa Spoken Word Poetry, alam mo
masarap ang kape d’yan sa labasan.” Tukuyin ang layunin ng nagsasalita bílang batayan
sa paggamit ng wika ng grupong sosyal (magkaibigan).
A. Masarap ang kape sa labasan
8
B. Nais na magpalibre ng kape sa labasan
C. Pinamamalita na masarap ang kape sa labasan
D. Pinamalita ang pagkapanalo sa Spoken Word Poetry
5. Mukhang nangangailangan ng malaking pondo ang pagpapatayô ng gusali na
magiging bahay-tuluyan ng mga tao sa tuwing may kalamidad. Anong grupong sosyal
ang gumagamit ng salitang may salungguhit?
A. doktor C. manlalaro
B. guro D. inhenyero
6. “Dati hindi ako kumakain ng maanghang, dati hindi rin ako mahilig sa mga
kantang maiingay, ayaw ko ng basketbol, hindi rin ako nanonood sa sinehan, ayaw ko
ring sumakay sa motor, pero bakit ngayon ginagawa ko na ang lahat nang ito kapag
kasama ko s’ya? Ano kayâ ang ipinahihiwatig (batay sa layunin) ng nagsasalita?
A. Dahil masaya siyang kasama
B. Maaaring mahal n’ya na ito
C. Gusto n’ya lang na may kasama
D. Ayaw n’ya na mapahiwalay dito
7. Ang nagiging batayan sa paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at
kultural ay ang sumusunod, maliban sa________________.
A. idyolek
B. layunin
C. lugar at panahon
D. pinag-uusapan at grupong kinabibilangan ng mga nag-uusap
8. Huwag mong kalilimutan na dalhin ang reseta ng doktor sa tuwing bibili ka ng
gamot sa botika, mahigpit na sila ngayon lalo na kung antibiotic ang bibilhin mo. Saan
nakarehistro ang wika na may salungguhit?
A. Medisina C. Palakasan
B. Midya D. Edukasyon
9. Iwasan mo na ang pagpa-foul, mapapaaga ang pag-graduate mo n’yan”. Anong
grupong sosyal ang gumagamit ng salita namay salungguhit?
A. doctor C. coach
B. edukador D. sports commentator
10. Tukuyin ang grupong sosyal na gumagamit ng wika na may salungguhit.

9
Si Noli De Castro ay nagsimula bílang isang mamamahayag sa radyo at telebisyon bago
pa siya naging pangalawang pangulo ng republika, patunay lámang ito na malayo ang
mararating mo kung matiyaga ka sa ginagawa mo.
A. Midya C. Palakasan
B. Edukasyon D. Medisina

PERFORMANCE TASK #5
Bumuo ng isang kritikal na sanaysay sa tulong ng sumusunod na sitwasyon, wika ng isang
sosyal/kultural na pangkat. Gawing gabay ang pamantayan sa pagmamarka.
Paksa: New Normal
Sitwasyon: Kalagayan ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya
Pangkat ng tao: Mag-aaral, magulang at guro Mga salita: new normal, COVID 19,
modalities, face-to-face, internet, WiFi, online, distance learning, blended learning,
modyul, transit pass, social distancing, sabon, kinabukasan, pangarap, kumpol-kumpol,
alcohol, P.E, shuttle, laptap, cellphone, ZOOM, Google class , TV, radyo, at iba pa.
PAALALA: HUWAG MANGOPYA NG SANAYSAY SA INTERNET.
Narito ang gagamiting pamantayan sa pagmamarka:

Kraytirya Napakahusay Mahusay Katamtaman Paunlarin Nangangailangan ng Gabay Kabuuang


5 4 3 2 1 Marka
Paglalahad ng Napakahusay at Mahusay at malikhaing Naisulat ang May papaunlad na Nangangailangangpaunlarin ang
kritikal na malikhaing nailahad ang mga pahayag sanaysay sa kasanayan sa pagsulat ng kasanayan sa pagsulat
kaisipan/ nailahad ang mga katamtamang kritikal na sanaysay
pahayag pahayag pamamaraan at
may pagtatangka
sa pagiging
malikhain nitó
Nilalaman Nakabuo ng mga Nakapaglahad ng dalawang Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng mga Hindi nakapaglahad ng paksa sa
pahayag na idea ukol sa paksa isang idea ukol sa magkakaibangpahayag nilalaman
sumusuporta sa paksa
mga idea sa
kabuoan ng
sanaysay
Kaangkupan ng Nakagamit ng Nakagamit ng mahigit sa Nakagamit ng Hindi nakagamit ng Nangangailangan ng gabay sa
gámit ng salita mahigit sa limang apat na rehistro ng wika dalawang rehistro anumang rehistro ng wika paggamit ng rehistro ng wika sa
rehistro ng wika kaugnay sa paksa ng wika kaugnay kaugnay sa paksa iba’t ibang sitwasyon
kaugnay sa paksa sa paksa
Pagigging Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Nalimitahan ang Papaunlad ang pagbibigay Walang naibigay na kaisipan/
makabuluhan ng kabuoang katamtamangkaisipan/paha- pagbibigay ng ng kaisipan/ kongklusyon ukol sa paksa
pagbubuo kaisipan/mensahe yag sa sanaysay kaisipan/men- mensahe
sa sanaysay sahe sa pagbuo
ng sanaysay

10

You might also like