You are on page 1of 8

Komunikasyon at

Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Filipino
(KPWKP)

Ikalawang
Markahan

WEEK 3

1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 5:
Sitwasyong Pangwikasa Panahon ng Modernisasyon

Sa paglipas ng mga araw, nakilala mo ang kalagayan ng ating wika sa iba’t ibang
sitwasyon. May mga sektor na nanatili ang pagkapuro ng ating wika. Mayroon naman na
ang dati nating wika ay napapalitan lámang ng ilang salita o nadadagdagan ng ilang titik.
Nalalaro ito at napapaunlad ngunit mayroon din namang mga salita na hindi na rin alam
ng ating kabataan sapagkat ito ay hindi na nagagamit pa. Hindi nawawala, nalilimutan
lámang gamitin. Bakit nga ba?
Komunikasyon ang pangunahing salik upang mapaunlad ang ating wika. Ngunit sa
pagsulpot ng mga cellphone at mabilis na pag-upgrade nito, mabilis din ang pagkawala ng
personal na inter-aksiyon sa mga tao. Umaasa na lámang sa nauuso at ‘trending´ sa ating
lipunan. Napakabilis nitóng kumalat na akala mo ay isang epidemya dahil na rin sa patuloy
na pagbabalita nitó mapatelebisyon, radyo, at pahayagan. Dahil kailangan mong
makahabol sa mabilis na pagbabago, ito ay gagamitin mo. Halimbawa ay ang mga gay
lingo na hindi lamang ang mga bakla ang gumagamit, mapababae o lalaki man, bata o
matanda, nakatapos ng pag-aaral o hindi. May isang pagkakataon pa na kahit sa loob ng
kongreso ay nagkaroon ng gay lingo war sa pagitan nina Presidential Spokesman Edwin
Lacierda at tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay na si Joey Salgado na hindi
umano magandang ehemplo sa kabataan. Nagpapatunay lámang ito na hindi nananatili sa
isang grupo ang salita at ito ay tinatangkilik, mapapropesyonal man o hindi kahit saanmang
sektor ng lipunan.
Sa kabuoan, malaki ang impluwensiya ng social at mass media sa ating wika. Hindi man
ito nakasasama ngunit huwag sana na ipagsawalang bahala na táyo ay may wikang
pambansa na ginagamit nang wasto sa mga pagkakataóng kailangan natin.

WRITTEN WORKS#5 15 PTS


Pagsasanay A
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ito ang naging epekto ng pagsulpot ng makabagong teknolohiya tulad ng mga gadget
sa mga mamayan.
a. Naging masikap at masigasig ang nakararaming mamamayan
b. Nawala ang personal na interaksiyon ng mga tao
c. Marami ang natutong maglaro sa online
d. Nawalan ng hanapbuhay at pagkakakitahan

2
2. Ito ang naging impluwensiya ng social media sa wikang Filipino.
a. Umunlad at yumabong ang ating wika.
b. Matalinghaga at masining na kahulugan.
c. Napababaw ang kahulugan nitó.
d. Naging impormal ang paggamit ng wika

3. Ang wika ay sinasabing nagbabago, ito at dulot ng pag-usbong na mga salitang


ginagamit sa social media sa kasalukuyan. Pinatunayan lámang na;
a. Nakabubuo subalit hindi nakauunawa
b. Malikhain ang mg Filipino na paglikha ng mga salita.
c. Nakabubuo ng salita na sila lámang ang nagkakaunawaan
d. Masayahin ang mga Filipino

4. Sa pag-unlad ng teknolohiya, anong wika ang niyakap sa nakararaming kabataan sa


panahon ng modernisasyon?
a. mga kolokyal na salita c. mga balbal na salita
b. mga salitang pambansa d. lahat nang nabanggit

5. Kapag ang wika ay hindi na nagagamit, ito ay tuluyan nang;


a. nagbabago c. natutunaw
b. namamatay d. nauubos

6. Sa pagsulpot ng iba’t ibang barayti ng wika, matutukoy na ang wika ay______.


a napag-iiwanan ng panahon c. mahalaga
b. bunga ng makabagong panahon d. patuloy na umuunlad

7. Sa pamagat na “Kalagayang Pangwika sa Panahon ng Modernisayon” mahihinuha


natin na ang nilalaman nito ay _____________________.
a. pagbibigay ng impormasyon sa teknolohiya
b. pagkakaiba ng teknolohiya sa panahon ngayon
c. paglalarawan sa teknolohiya
d. pagsabay sa pag-unlad ng teknolohiya

8. Ang pagsulat sa ganitong uri ng pahayag “At tumigil ang mundo!! Behind the Scenes
with #MissUniverse My Baby ay karaniwan nating makikita sa ______.
a. Email c. Social Media
b. Telebisyon d. Radyo

9. Ang SONA ay isang halimbawa ng pagsulat na _________________.


a. Argumentatibo c. Deskriptibo
b. Impormatibo d. Naratibo
3
10. Ang mga babasahing pampanitikan ay mauuri sa tekstong___________.
a. Deskriptibo c. Persweysib
b. Argumentaibo d. Impormatibo

11. Ang mga salitang nauuso ngayon “churva”, “waley”, “sinetch itey” ay mga
halimbawa ng _______.
a. slang words c. gay lingo
b. kolokyal d. jejemon

12. Ang mga flat form na nakatutulong sa pagpapalaganap ng wika ay ang ______.
a. Advertisement c. Mass Media at Social Media
b. Mass Media d. Social Media

13. Ang salik na nakatutulong upang mapaunlad ang wikang Filipino ay ____.
a. debate c. pagbása
b. pakikinig d. komunikasyon

14. Ang “trending” ay salitang ngangahulugan ng_____


a. mainit na balita sa pahayagan
b. pagpapailanlang sa radio
c. pagsikat at pinag-uusapan sa social media
d. pagsikat sa telebisyon

15. Ayon sa pag-aaral ng wearesocial.com noong 2015, may 44.2 milyon o 44% mula sa
100.8 miyong Filipino ang aktibong gumagamit ng internet kayâ tinawag ang Pilipinas
na______.
a. Mass Media Capital of the World
b. Social Media Capital of the World
c. Texting Capital of the World
d. Wala sa nabanggit

PERFORMANCE TASK#2 20 PTS

Panuto: Sumulat ng sanaysay batay sa iyong karanasan.


Paano naimpluwensiyahan ng Social Media at Mass Media ang paggamit mo ng sariling
wika? Bumuo ng sariling pamagat. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

4
Pamantayan sa Pagmamarka

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


Ikalawang Markahan-Modyul 6: Rehistro at Barayti ng Wika

Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay simbolismo tungo
sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika ay nailalabas o
naipapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot.
Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan, at iba pa.
Ang ating wika ay may iba’t ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan
na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri
ng pangkat-etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika,
táyo ay nagkaroon ng iba’t ibang baryasyon nitó at dito nag-ugat ang mga barayti ng wika,
ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.
Dayalek-Ito ang salitang gámit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na
kanilang kinabibilangan.
Halimbawa:
Tagalog = Bakit? Ilocos = Bakit ngay?
Batangas = Bakit ga? Pangasinan = Bakit ei?
Bataan = Baki ah?
5
Idyolek- Bawat indibidwal ay may sariling estilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba
sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing
simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.
Halimbawa:
“Kabayan”- Noli De Castro
“Magandang Gabi, Bayan”-Mike Enriquez
“To the highest level na talaga ’to’-Ruffa Mae Quinto

Sosyolek- minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti lámang. Ito


ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may
kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga
naturang salita.
Halimbawa:
Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
My God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng
gelpren mo)

Etnolek- Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga


etnolingguwistikong grupo. Dahil sa pagkakaroon nang maraming pangkat-etniko na
sumibol ang iba’t ibang uri ng Etnolek. Taglay nitó ang mga wikang naging bahagi ng
pagkakakilanlan ng bawat pangkat-etniko.
Halimbawa:
Vakul – tumutukoy sa mga gámit ng mga Ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing
panahon ng tag-init at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankana-ey ng Mountain
Province

Register- minsan sinusulat na “rejister,”ito ay barayti ng wikang espesyalisadong


ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensiyon.

Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika sa mga terminong may kaugnayan sa
mga trabaho o iba’t ibang hanapbuhay o larangan. Kapag
narinig ang terminong ito ay matutukoy o masasabi ang larangan o sitwasyong karaniwang
ginagamit ng mga ito.

6
Ang mga abogado o táong nagtatrabaho sa korte ay maipakikilala tulad ng sumusunod na
jargon: exhibit, suspect, appeal, court, justice complainant, atbp.

Ang mga guro o mga táong konektado sa edukasyon ay maipakikilala ng mga salitang
lesson plan, curriculum, test, textbook, atbp.

Ito naman ang mga mga jargon sa disiplinang Accountancy: account, debit, balance, credit,
net income, gross income, atbp.

Ayon kay Marietta Alagad-Abad, ang barayti ng wika ay tumutukoy sa uri o klase ng
wikang ginagamit sa isang partikular na teksto o diskors. Nakikita mo ang kaibahan ng
isang teksto sa isa pang teksto dahil sa uri ng wikang ginagamit sa nasabing teksto. Ang
uri ng teksto ay dumidepende sa uri o barayti ng wikang ginagamit sa teskto. Samakatwid,
ang tekstong panghumanidades ay gumagamit ng wikang masining; ang tekstong pang-
agham ay gumagamit ng wikang siyentipiko; ang tekstong pang-agham panlipunan ay
gumagamit ng wika ng pansosyal.

Ang barayti ng wika ay naaayon din sa antas nito; kayâ mayroon táyong wikang pambansa,
wikang opisyal, wikang lalawiganin, wikang kolokyal o karaniwan, at wikang islang o
balbal.

Ang wika ay maaari ring uriin ayon sa propesyon o disiplina tulad ng: wikang medikal,
wikang pambisnis, wikang akademik, at teknikal. Maaari namang makilala ang barayti ng
wika ayon sa mga institusyong gumagamit nitó tulad ng wikang pampaaralan, wikang
pansimbahan, wikang pampamahalaan, atbp. Sa ngayon, mayroon ding tinatawag na wika
ng bakla at wika ng lasing.

WRITTEN WORKS#5 (20 PTS)

Pagsasanay B
Panuto: Ilista mo ang mga salitang nararapat mapasailalim sa sumusunod na barayti ng
wika sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Palangga Kalipay
OMG! Lakas naman the rain Wag kang snobber
Payew Hindi ka namin tatantanan!
Iddidu Kattaka Sige ka, jujumbagin kita!
Hoy Gising! You go na here. Dito na me
7
Gihigugma tika Excuse me po!
Handa na ba kayo? Magandang Gabi Bayan!
Ansabe?!

IDYOLEK SOSYOLEK ETNOLEK


1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

Tanong.
Kung ang mga pahayag na nása itaas ay madalas mong marinig at paminsan-minsan ay
nakasanayan mo sa paggamit. Paano ito makakaapekto sa iyo bílang isang mag-aaral sa
loob ng klase?
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman at kaisahan ng ideya 3
Gámit ng Balarila 2
Kabuuan 5
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

You might also like