You are on page 1of 27

Pagsusuri sa Wika ng

Millennial at sa
Makabagong
Bersiyon Nito
KALIGIRAN/PANIMULA

• Iyo pa bang ginagamit ang nakagisnang wika? O tuluyan mo


na itong binalewala? Ang sariling wika ay sumasalamin sa
kulturang ating kinagisnan. Sa pamamagitan ng wika nakikilala
ang kultura ng isang bansa. Dahilan sa ito ang nagbibigay ng
titulo , katawagan o paglalarawan sa kulturang mayroon tayo.
Ngunit sa pagbabago ng panahon, nagkakaroon din ng
pagbabago sa wikang kinagisnan na maaaring magdulot ng
paglimot sa kulturang iningatan ng ating mga ninuno. Sa pag-
usbong ng makabagong henerasyon ay marami naring
pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Naging madali sa
atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga
social networking sites, text messaging, mass media at iba
pa. Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng impormasyon
Pananaliksik na tanong:
• Maganda ba ang naging salin/bersiyon ng millennial sa
ngayon?
• Ano ang millennial sa mga panahon niyo?
• Sa palagay niyo ba malaki ang naiambag ninyo sa
makabagong henerasyon ngayon?
• Ano-ano ang mga millennial term na nauso dati?
• Masaya ba kayo sa naging pag babago ng wika sa ngayon?
MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG
GAWAIN/
RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN

• Pagsilang ng maka modernong wika, dulot ay paglimot sa kultura. Ito ay


kahalintulad lamang ng Wikang Pilipino; tangkilikin o limutin? Sa pagsilang
ng makabagong wika natatabunan nito ang kultura ng bansa. Nawawalan
na ng pagkakakilanlan sa ating sarili. Nasakop na tayo ng
makamodernong mundo kaya’t nalilimutan na natin ang mga bagay na
mayroon tayo. Ang mungkahing titulo ay nagsasad lamang kung hahayaan
ba nating ibaon na lang sa limot ang kulturang pinaghirapang ingatan at
pagyamanin ng ating mga ninuno. Mananatili na lamang ba itong bahagi
ng sinaunang kasaysayan o tatangkilin natin ito at pagyayamanin upang
ang kulturang kinagisnan ay hindi malimutan?
• Ang payak na mithiin ng koseptong papel na ito ay ang
matulak ang mga Pilipino na buksang muli ang pag iisip at
gamitin ang wikang kinagisnan. Ang pagnanais na lubusang
mabigyan ng linaw ang kahalagahan ng Wikang Pilipino at ang
ugnayan nito sa pagpapayaman ng kultura ng bansa. At
minimithi nitong makuha ang sagot sa mga katanungang
nabubuo sa isipan ng tao ukol sa modernong wika.
• Ang papel na ito ay may pangkalahatang layunin na, malaman
ang naidudulot ng pagkakaroon ng modernong salita sa
kulturang kinagisnan. Sinasaklaw nito ang mga tiyak na
layunin. Una, Malaman ang mga kadahilanan ng paglaganap
ng mga modernong salita. Pangalwa, ang mabatid ang mga
konkretong epekto o naidudulot nito sa kulturang Pilipino at
pangatlo, ang makapagbigay ng solusyon ukol sa isyu.
• Sa panahon ngayon, samu’t saring salita ang umiiral sa bansa
dahilan sa modernong panahon, na nagdudulot ng kalituhan sa
mga tao ukol sa orihinal na ibig sabihin ng salita. Laganap sa
iba’t ibang uri ng media gaya ng mass media , social
networking sites at iba pa ang mga salitang na kung tawagin
ay terminong kabataan na tila palaisipan para sa mga
matatanda kung anu ang mga ito. Ang mga salitang ito ay hindi
pormal. At nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan sa
pagitan ng taong hindi gumagamit ng modernong wika.
Dahilan dito ang kulturang Pilipino ay tila natatabunan na.
Lahat ng ito ay dahil sa modernong salita, na kung hindi
mabibigyang pansin ay magiging harang upang ang kulturang
kinagisnan ay mapayabong pa. Kung kaya’t nararapat lamang
na mapag usapan ang epekto ng modernong salita sa kultura
upang mabigyang solusyon ito.
Kahalagahan ng Pag-aaral
• Nang dahil sa marami pa rin ang nag tatanong kung
saang henerasyon ba sila nabibilang, napagkasunduan
ng aming grupo na magsagawa ng isang pag aaral na
nag lalayong ipabatid sa mga tao ang kakalagahan ng
pagiging maalam nila kung saang henerasyon sila
kasapi. Ngunit ang pag aaral na ito ay nakatuon lamang
sa pag hahambing ng millennials at ang makabagong
bersiyon nito pagdating sa wika. Subalit ano nga ba ang
kakahalagahan ng aming isinagawang pag aaral?
• Nais ng pag aaral na ito na mapag tanto ng millennials at ng Gen Z kung
tawagin na kailangan nilang umalam ng karunungan at turo pag dating sa
kanilang wika.
• Ayon sa pag aaral, napakalaki ng pag kakahawig ng dalawang
henerasyon sa isa’t isa. Kaya naman sisikapin ng aming grupo na
mahanap ang natatanging pag kakaiba nito na mas lalo pang mag
papatingkad ng dalawang henerasyon. Upang mapaghambing ang wikang
umusbong ng dalawang henerasyon.
• Layunin ng pananaliksik ito na makapag bigay ng kaalaman at mapag
bulayan ng bawat henerasyon kung tama pa rin ba ang naging pag
babago at pag daragdag ng mga makabagong salita gayong limot na kung
ano at paano talaga ang katuturan ng salita
• Ninanais din ng pag aaral na ito na lumago ang ikatututo ng
pinapatungkulan ng pananaliksik na ito
• Ayon sa aming pagsusuri marami o Malaki ang
pinagbago sa panahong ito katulad ng pagsasalita at
pag galang sa kapwa. At may mga salitang Malaki ang
pinagbago pindali at madaling intindihin ang mga ito. Sa
aming paksa ito ay may koneksyon talaga dahil hindi
lang sa itsura o pananamit kundi sa pananalita na rin.
Sa aming henerasyon aking napansn lamang maraming
pinagbago di tulad noon parang mas pormal silang
gumalaw di tulad ngayon maraming kabataan ibang –
iba ang paraan ng pananalita at porma.
• Ito rin ang nagbunsod upang makagawa ng maraming bagong
salita na hindi nararapat na mabuo sapagkat ito’y hindi angkop
sa lengwaheng nakasanayan. Dahilan sa kagustuhan ng mga
Pilipino na mapadali ang komunikasyon sa ibang tao kaya
pinaiikli nila ang mga salita o “shortcut”. Ang pagnanais na
makisabay sa kung ano ang uso at pagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan ng grupo ay nagdudulot upang mabuo ang
mga salitang pabebe, jejemon, bekimon, mga wikang fliptop,
mga ginawang bagong terminolohiya sa mga malalalim na
salita, tulad ng “beki” na ang ibig sabihin ay “bakla”, at
“mudrabels” na ang ibig sabihin ay “nanay
• Mabilis itong kumalat o matutunan ng iba sapagkat laganap
ang iba’t ibang uri ng media sa bansa. Ang isyung ito ang
lubhang makakaapekto sa kulturang kinagisnan sa oras na
hindi natin gamitin ang sariling wika. Sa pagsilang ng
makabagong wika hindi na napagtutuunan ng pansin ang
wikang Pilipino halimbawa na lamang ang mga wika sa mga
literaturang Ibong Adarna kung susuriin marahil wala pa sa
kalhati ng mga salitang naroon ang alam natin ang ibig sabihin.
Ito ay dahil nasakop na ang ating isipan ng makamodernong
salita. Ang isyung ito magdudulot ng kalituhan sa ating
pagkakakilanlan sa oras na ibaon natin ang wikang kinagisnan.
Pagsusuri ng background o kilalang
impormasyon sa inyong paksa

• Ayon sa aming nasaliksik unti unti ng nakakalimutan ang ating wika dahil
sa dami ng mga umuusong salita na galing sa ibang bansa. Pakiramdam
ng ibang mga tao na nakaktalino tignan ang taong magaling mag ingles
pero nasan ang pagkapilino mo kung paiiralin mo ang linggwahe ng ibang
bansa at hindi mo ipagmamalaki ang sariling nating linggwahe.
• Mas nakakalimutan na natin ang ating wika at kung saan tayo nanggaling
dahil sa sobrang daming wika ng buong mundo mas gusto nating ang
mga salitang ingles dahil sa tingin natin na mas ikakayaman natin ito
kapag ito ang ginagamit natin.
PAGSILANG SA MAKABAGONG WIKA,
DULOT AY PAG KALIMOT SA KULTURA

• Upang pagtibayin ang gagawing pag aaral ang papel na ito ay


isasagawa sa papamagitan ng pagsasarbey. Ang mga
mananaliksik ay maghahanda ng isang sarbey kwenstyuner
upang makahanap ng mga datos na maglalaman ng mga
sanhi ng pagkalap ng makamodernong wika. Hindi lang ditto
iikot ang pagkalap ng impormasyon magsasagawa din ng
pananaliksik sa iba·tibang sa mga aklat, dyaryo, magasin, at
pamanahunang papel. Kukuha din ang mga mananaliksik ng
ilang datos o impormasyon gamit ang internet. Ang mga
salitang gagamitin ay pormal at hindi ganoon kalalalim upang
mas madaling maintindihan ng mambabasa. Ito ay gagawing
tuwiran at direkta lalo na’t ang magsisilbing pokus ng pag aaral
ay para sa mga kabataan.
• Upang bigyang idea ang mga mambabasa ukol sa isyung nabanggit
, narito ang ilang halimbawa ng sitwasyon na may kaugnayan sa
isyu. (1) MAHARANI MARTA SATUITO - WIKANG FILIPINO
BILANG KASANGKAPAN SA PAGLINANG NG PAMBANSANG
KULTURA TUNGO SA PAGKAKAKILANLAN; Ano ba ang
kaugnayan ng wika sa kultura? “Ang wika ay nalilinang dahil sa
kultura, ang kultura ay nalilinang dahil sa wika at ang wika ay ang
kultura mismo. Maari natin itong ituring bilang batayang gabay sa
matibay na kaugnayan ng wika at kultura bilang mabisang
kasangkapan sa pagtataguyod ng pagkakakilanlan nating mga
Pilipino.” (2) Kimberly Q. Querubin - Ang Panahon ng mga maka-
MON, Ajejeje ayon sa kanya ; “Usong-uso ang paggamit ng mga
salita o katagang, “ajejeje”, “3ow f0usz”, “akekeke”, “pagoda lotion
na aketch”, at “lafangin na itech”. Kung sa isang dayuhan, ito ay
maiisip na salita ng mga nilalang mula sa ibang planeta. Ang mga
wikang ito ay nagpapakita ng pagkamalikhain ng mga Pilipino. Isa rin
itong paraan upang maipakita na buhay ang ating wika at patuloy
itong nadaragdagan ng mga bagong salita.
• Isa ring daan upang maipahayag ng mga tao, lalo na ang kabataan, kung
ano ang nais nilang ipaabot sa kanilang sariling malikahaing paraan.
Minsan, kahit na nasa isang pulong o klase ang isang estudyante, hindi
niya maiiwasang gumamit ng mga salitang Jejemon o Bekimon. Hindi ito
magandang tignan o pakinggan dahil naipapakita lamang na mas
nabibigyang pansin at mas inaalala ang mga salitang mula sa –mon
language kaysa sa mga salitang mula sa wikang Filipino. Nakakalimutan
na ng mga kabataan na bigyang halaga at respeto ang sarili nating
wika (3) Sa isang balita kamakailan, sinubukan ang ilang mga kabataan
na tanungin ng isnang reporter kung ano ang ibig sabihin ng salitang
“yamot”. Kakaunti lamang sa kanila ang nakasagot ng tamang kahulugan
nito. Kung ang tanong siguro ay kang ano ang kahulugan ng “badtrip” o
“buraot” mas malamang na masasagot nila ito
• Sa paliwanag ng ilang mga guro, nagbabago ang wika at ang
mga gamit ng salita sa paglipas ng panahon. Ito ang
ontolohiya ng ebolusyon ng wika. Ang purismo o paggamit at
pagsalin ng wikang banyaga sa wikang Filipino ay mas naging
mahirap para sa marami, maging sa mga pantas. Sa ganoong
kundisyon, naging limitado ang sana’y pagpapayaman ng
wikang Filipino. Ang purismo ay napakalayo sa likas na pag-
unlad ng wika, kapagdaka’y nagmimistula itong banyaga sa
tenga at dila ng mga Pilipino. (4) “Late ka na naman, 7:30 na.
Bakit ba kasi nagpupuyat ka online at hindi mo i-alarm ang relo
mo?” Ilang salitang halaw ang maluwag na naipaloob sa
dalawang pangungusap na ito? Sumusunod pa rin ang
pangugusap sa nakigisnang balarila, ngunit ang mga salitang
dayuhan ay kagyat na nagagamit na halos walang kaibahan.
Sa pormal na instruksyon, dapat ito ay sinasabi na – “Mahuhuli
ka naman, ika pito’t kalahati na ng umaga. Bakit kasi
nagpupuyat ka —- at hindi mo mapakuliling ang iyong orasan?

Pamamaraan sa pagtitipon ng
Impormasyon
• Ang aming grupo ay naghanap sa Internet ng mga website na
may kinalaman sa makabagong kultura at wika ng generation y
at z
• Mga artikulong tinatalakay ang rebolusyon ng wika at ang
pinagmulan nito
• At kung bakit nagbabago ang wika hanggang sa ating panahon
Mga napagkunan ng impormasyon
• Ayon sa aming napagkunan ng impormasyon lahat ng ito ay totoo at may
mga matitibay na ebidensya meron itong mga kumpletong impormasyon
tungkol sa aming pananaliksik walang kasinungalingan na naka ukol dito
kumpleto ang aming nakuha at ito ay sakto sa aming topic na napili
nakalagay sa aming pananaliksik na may dalawang uri ng millennial una
ang luma at makabagong millnnieal nakaulat din dito ang pagbabago sa
panahon mula noon hanggang ngayon at sa uri ng pamumuhay ang
meron sa mga millennials noon at sa mga mga makabagong millenial
ngayon
Paglalarawan sa natuklasan
mula sa pananaliksik
• Ang pagbabago ay lubusang nakakaapekto sa isang bagay.
Pagbabagong hatid ay positibo o di kaya’y negatibo. Sa panahong
ang mundo ay gumagalaw na sa mga makabagong instrumento ng
teknolohiya gaya ng media aktibo na ang mga kabataan sa
makamodernong wika. Anong epekto ang madudulot nito? Diba
pagkakaroon ng kaibahan sa kulturang kinagisnan o di kaya’y
tuluyang paglimot sa kultura. Kung kaya’t ang konseptong papel na
ito ay naglalayong mapagtibay ang aming napiling isyu patungkol sa
pagbabago ng wika. Nais naming maipahayag kung ano ang mga
pagbabagong nagaganap sa ating lipunan na higit na nakakaapekto
sa ating wika. Ang pag-aaral na aming gagawin ay gagawin sa
pamamaraang deskripto-analitik. Bibigyang kahulugan nito o
ilalarawan at suriin ang pagbabagong nagaganap sa wika sa
makamodernong panahon at ang epekto nito sa kultura.
Punto:
• Wika ng Gen Y o Millennials
• Wika ng Gen Z o Centennials
• Pagkakaiba at pagkakapareho ng
dalawang henerasyon
• Konklusyon
• Taon o edad ng kasapi sa dalawang
henerasyon
Kahalagahan ng mga
Natuklasan
• Kaakibat na natin ang salitang “pagbabago”
• Patuloy po rin ang pagbabagong nagaganap sa ating
buhay
• Mas malinaw na kung ano ang pinagkaiba ng
Millennial at Centinnial lalo na pagdating sa wika.
• Dapat po nating pagbulayan/suriin kung ano nga ba
ang naganap at magaganap pa lamang sa
henerasyon ating kinabibilangan
• Kaunti pang pagsisikap ng bawat indibidawal na
tayahin ang kanilang pagkatao bilang kasapi ng tiyak
na henerasyon
Pag suporta sa sanaysay

• ng konseptong papel na ito ay nagbibigay daan upang


mabigyang pansin ang Wikang Pilipino. Makakatulong ito
upang hikayatin ang mga mambabasa na muling buksan ang
kaisipan sa paggamit ng wika ng bansa. Magkakaroon ng
sapat na kaalaman ang mga mambabasa lalo’t higit ang mga
kabataan sa ngayon sa kung ano ang magiging epekto ng
modernong wika sa kultura kung patuloy itong gagamitin.
Dahilan dito, inaasahan na ang adbokasiyang ito ay
magsisilbing daan upang muling gamitin ng mga Pilipino ang
pormal na wika ng bansa. Inaasahang magiging aktibo ang
mga mambabasa nito sa pagpapahayag ng kahalagahan ng
wikang Pilipino. Gayundin, ang adbokasiyang ito ay magiging
dahilan upang magkaroon ng pagkakaisa sa wikang
ginagamit.
Limitasyon ng Pananaliksik

• Wika ng millennial
• Wika ng centennial
• Panahon ng dalawang henerasyong ito
• Edad ng kasapi sa dalawang henerasyon
• Mga umusbong na salita
Koneksyon Pasanaysay
• Millennials ang pagkakakilanlan ng mga tao ngayon bilang mga
makabagong henerasyon ngunit marami ang nalilito kung saan nga
ba nagsimula ang salitang millennial. Ang alam ng marami na ang
tinatawag na millennial lamang ay ang mga kabataan ngayon ngunit
sila ay nagkakamali dahil ang mga kabataan ngayon ay tinatawag na
generation z o centennial at hindi milllenial. Ayon sa pagaaral ang
mga pinanganak sa pagitan ng 1996 hanggang sa ngayon o edad
13-23 ay ang henerasyong centennial. Samantala ang mga
pinanganak naman noong 1980 hanggang 1995 o edad 24-38 sila
ang tunay na millennial. Hindi na malayong isipin pa kung saang
henerasyon talaga sila nabibilang dahil napakalaki ng pagkakatulad
ng dalawanghenerasyong ito.
Pagsusuri sa wika ng millennial
at sa bagong henerasyon
• Aming natuklasan na iba ang pananaw natin sa tama. Na hindi tayo
kabilang sa henerasyon ng “millennial” na ipinanganak noong 1980
hanggang 1995, mga edad na 24 hanggang 38 na tinatawag ding
Gen Y, Ang wikang kanilang ginagamit ay may kakaibang
pamamaraang ng pananalita, kahulugan at pormat ng mga letra,
ang ibang salitay mas maikili at simple, mga Acronym na bawat ketra
ay may kahulugan, ingles man o tagalog katulad ng
BTW,MBTC,OTW at iba pa, ang centennial naman ay ang mga
pinanganak noong 1996 hanggang kasalukuyan ang aming wika ay
halos walang pinagkaiba sa Gen Y o millennial dahil aminn paring
ginagamit ito at nadadadagdagan lamang ito nang ilan tulad ng
pagkakabaliktad ng letra at paggamit ng salita ng mga LGBT kuno
halimbawa LODI,WERPA,PAK GANERN, at iba pa ganun pa man
magkaiba ang tayo sa mga millennial dahil sa mga nadagdag
PaGlipat sa pagsasara ng mga
kaisipan
• Ibang- iba na ang pinag-iba ng wika noon sa
ngayon. Ito’y nakababahala na sapagkat baka sa
pagdating ng panahon, limot na ng mga tao kung
paano at ano talaga ang dapat na pagbaybay sa
bawat salita at sa bawat pagbuo ng
pangungusap. Mahirap. Hindi madaling limutin na
lamang ang kulturang kaakibat na sa ating buhay.
Pagsasara ng mga kaisipan
• Sa aming pag aaral patunggkol sa millennial, Nakita
ng aming grupo ang kahalagahan ng wika sa ating
buhay o sa kultura.. Nakita namin ang malaking pag
babago nito sa nag daang taon. Maraming nag bago
o napalitan dahil sa pagiging moderno ng ating
panahon.
Ang makalumang millennial ay mas higit na nakaka
angat sa atin dahil sila ay mas maraming nalalaman o
kaalaman halimbawa na lang ay wika natin, mas
marami silang alam na salita na hindi na natin
natutunan. At sa makabagong millennial ay nakatuon
lamang sa teknolohiya o sa social media. May mga
bagay na hindi natin alam at ginagawa nating madali

You might also like