You are on page 1of 10

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang tanging bagay na patuloy na umiikot sa mundong ating kinalalagyan ay ang

bagay na tinatawag nating “PAGBABAGO”. Ito ay nangyayari sa lahat, maaring sa

isang lugar, bagay, sa tao at pati na rin sa ating wika. Sa estado ng lipunan ngayon ay

mahahalata ang napakabilis na pagbabago at pag-unlad. Tunay na mararamdaman ang

kaibahan ng pamayanan ngayon kung ikukumpara sa pamayanan noon, ang panahon

kung saan ang pamumuhay sa isang pamayanan ay payak. Malaking impluwensya ang

pamayanan sa paghubog sa katauhan ng isang indibidwal dahil sa isang pamayanan

unang natututo ang bata sa pakikipag-ugnayan sa iba. Ngunit kasabay ng pagbabago

sa lipunan ay naapektuhan din ang wikang Filipino. 

Wika ang kumakatawan sa ating kultura, pagkatao at higit sa lahat, sa

ating pagka-Pilipino. Kung walang wika, malabo na magkaintindihan ang lahat ng tao at

magdudulot lamang ito ng kaguluhan sa ating bansa. Ang wika ay isang yaman,

sumasalamin ito sa ating pagkatao. Ito ang sumisimbolo sa ating pagkakakilanlan at

nararapat lamang natin itong ipagmalaki sa lahat.

Magulo, maingay at ibat-iba ang mga nagiging kaisipan ng mga tao sa mga

pangyayari dala ng malaking pagbabago, mas nagiging agresibo at tila hindi nagiisip

ang mga tao sa wikang kanilang binibitawan, Ibat iba narin ang mga paraan upang

magbigay  opinyo gamit ang wika negatibo o positibo man ito. Sa panahon ngayon ay

walang habas na gumagamit ng ibang wika ang mga tao kahit hindi nila ito sapat na
naiintindihan ito ay dahil upang makasabay sila sa ikot ng mundo dala narin ng

pagbabago.

Sa mundong ating patuloy na tinatahak, Maraming bagay tayong pinaglalaanan

ng oras, maraming kaisipan tayong iniisip at maraming panahon tayong nililipas. Ngunit

hindi maikakaila na mas marami tayong wikang nailalaan sa bawat minuto, oras at

araw. Ang wika ang siyang may malaking ambag sa mundo. Sa makabagong mundo

bitbit nito ang maraming pagbabago sa lahat ng larangan, maging sarili nating wika ay

apektado. Hindi rin naman maikakaila na madaling niyakap ng mga tao ang pagbabago

na mayroon tayo, kaya naman patuloy ang pag suong at pagsabay natin sa pagbabago

ng mundo.Ngunit sa pagkakataon na ito malaki ang naging epekto nito sa ating sariling

wika.

Makulay at makapangyarihan ang wikang Filipino kung ikukumpara sa ibang

wika. Sadyang napakasarap pakinggan ng ating pambansang wika kung gagamitin

lamang sa tama ng nagsasalita. Batid sa ating lahat na may suliranin pagdating sa

usapin ng wika dito sa ating bansa sapagkat mas tinatangkilik ang wikang banyaga.

Kahit saan ka magawi ay maririnig mo ang hindi wastong paggamit ng ating wika kahit

sa mga paaralan at mga establisyementong propesyunal. Mababasa ang kamaliang ito

maging sa mga tabloid at mga post sa social media at sa pagsusulat sa mga artikulong

ipinapahayag sa mamamayan. Ngunit mayroon pang pag-asa sa kabila nang lahat ng

ito. Ang mga kabataan ang may malaking responsibilidad sa pagpapaahon ng ating

wikang pambansa mula sa kinasasadlakan nito sa kasalukuyan. Ang mga kabataan ang

may kapangyarihan na iangat ang antas ng wikang Filipino kung may matinding

pagnanais sila at masidhing pag-ibig sa bayan. May pag-asa pa at hindi mawawalan ng


pag-asa hangga’t buhay sa bawat Pilipino ang kanyang pagmamahal sa wikang

pambansa.

Kung ating susuriin, masasabi na hindi wasto ang paggamit ng wikang Filipino sa

isang tipikal na pamayanan dahil unang una ay mali ang gramatika at pangalawa ay

hindi angkop ang paggamit ng wika kahit sa mga pormal na pagpupulong dahil hindi

maiiwasan na napapaikli ang mga salita. Kung ikaw ay magagawi sa isang barangay,

maririnig mo sa mga kalye ang mga makabagong salita na ginagamit ng mga kabataan

dahil ito ay pinauso ng isang sikat na personalidad. Dahil malaki ang porsyento ng

bilang ng mga kabataan sa pamayanan ay ang mga salitang “trending” ang karaniwang

ginagamit sa pakikipagtalastasan. Naiimpluwensiyahan din ang maliliit na bata na

gayahin ang mga salitang nauuso sa telebisyon dahil naririnig nila ito sa mga

nakatatanda. Hindi lamang sa mga kabataan makaririnig ng mga salitang ito kundi

maging sa mga matatanda din sapagkat hindi umano sila magpapahuli sa

napapanahon. Dahil sa hindi matatag na kalagayan ng wikang Filipino sa isang

pamayanan, nararapat lamang na lapatan ito ng solusyon dahil hindi maiiwasan na

baka dumating ang araw ay tuluyan nang masira ang wastong konsepto ng ating

wikang pambansa sa ating lipunan.

Sa modernong panahon, tila mabilis ring umusbong ang mga makabagong

teknolohiya. Teknolohiyang akala nati’y mabuti lang ang maidudulot ngunit sa kabilang

banda’y nakakasira rin sa ating isipan, kamalayan, at relasyon sa ating mga kaibigan at

pamilya. Tayong mga tao ay nababago ng dahil din sa teknolohiya at napapansin natin

ito sa ating wika. Dahil sa teknolohiya, marami ng nag uusbungang makabagong wika
na naimbento ng sarili nating kaisipan, mga wikang nagpapahirap sa atin na naging

dahilan upang mas lalo tayong hindi magkakaintindihan.

Isa ang modernong panahon sa dahilan kung bakit malaki ang pinagbabago ng

ating tradisyunal na wika kumpara sa panahon ngayon. Dahil sa makabagong mundo

ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa wikang Filipino. Dahil sa makabagong

teknolohiya at mga makabagong kagamitan na dulot ng makabagong panahon

natutulungan tayo nito upang umasenso at lumawak ang kaisipan sa paggamit ng

wikang Filipino, upang mas malinang pa ang ating husay sa tamang gamit ng wika sa

mga susunod pang henerasyon.

Ang mga pagbabagong ito ay hindi na bago sa atin dahil likas sa ating mga

Pilipino ang pagiging mahilig sa kung ano ang trending, kung kaya’t ang mga Pinoy

nama’y, “sige, doon tayo” dahil takot tayong maiwan o hindi makasabay sa uso. Hindi

umaasenso ang Pinoy dahil sa ganitong pag-uugali. Nakakalungkot lang na isiping ang

wika’t kultura natin ay naapektohan na ng modernisasyon.

May mga kabataan pa na gustong pagyamanin,paunlarin at ipagmalaki sa buong

mundo kung gaano kaganda at kayabong ang ating kultura kahit nasa modernong

panahon na ang henerasyon natin ngayon. Kaya’t ang sariling atin ay nararapat

pahalagahan at tangkilin dahil walang ibang makikinabang kundi tayo rin.

Huwag masyadong magpadala sa agos ng panahon, matuto tayong tumanaw ng

utang na loob sa ating mga ninuno na ipinaglaban at ipinagtanggol ang ating wika. Oras
na para patunayan sa ating mga sarili na hindi lahat ng kabataan sa henerasyon

ngayon ay tuluyan ng nabalot ng modernong panahon, na may mga kabataan pang

gustong panatilihin ang kagandahan ng kultura at ng wikang Filipino.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1. Sa paanong paraan naapektuhan ng modernisasyon ang paggamit ng  wika?

2. Paano nakaka-apekto ang modernisasyon, mga makabagong teknolohiya, at

social media sa tulayang pagkalimot ng mga tradisyunal na wika?

3. Ano ang positibo at negatibong dulot ng modernong panahon sa wikang

filipino?

4. Maayos bang ginagamit ng mga kabataan ang Wikang Filipino?

LAYUNIN NG PAG AARAL

1. Matukoy ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa modernong mundo.

2. Malaman ang epektong dulot ng Modernisasyon sa Wikang Filipino

3. Mabigyang linaw sa mga kabataan ang tamang gamit ng wikang ating

kinagisnan
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

1. Sa mga kabataan at mag-aaral.

Ang mga pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang kanilang malaman

ang tamang paggamit ng wika sa makabagong panahon na tinatahak nila

ngayon.

2. Sa mga guro

Ang pag-aaral na ito ay maaari nilang gawing tulong para sa tamang daan ng

mga mag-aaral sa pagtangkilik ng sarling wikang atin na gagamitin sa paaralan.

3. Sa mga susunod pang henerasyon

Ang mga pinag-aralang datos at impormasyon tungkol sa pagbabago ng wika sa

makabagong panahon ay magbibigay sa kanila ng ideya upang ipagpatuloy ang

pagpapalaganap ng Wikang Filipino.

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang malaman ang epekto

ng makabagong mundo sa wikang Filipino. Upang mapanatili ang kaayusan ng pag-

aaral at pananaliksik ukol ditto, humingi kami ng mga pananaw ng ilan sa mga mag-

aaral ng Teodero M. Luansing College of Rosario, panuruan 2019-2020. Ang bilang ng

mga mag-aaral na nagging bahagi ng aming sarbey sa pananaliksik na ito tatlumpu

(30).

BATAYANG KONSEPTUAL

INPUT pagbabago ng ating

wika. Mamahagi kami ng


Nais naming mga
mga kwestyuner sa mga
mananaliksik na
piling mag aaral ng
malaman kung paano
Teodor M. Luansing na
nabago ng makabagong
may bilang na tatlumpu
PROSESO
panahon ang wikang
(30).
Filipino.
Kaming mga

mananaliksik ay

nagsagawa ng sarbey

upang malaman ang

mga pananaw ng mga


OUTPUT
Pilipino ukol sa
Inaasahan na sa Filipino. Inaasahan din ating tradisyunal na

pamamagitan ng pag- na pagkatapos ng wika.

aaral na ito ay malaman pananaliksik na ito ay

naming ang epekto g matukoy kung paano

makabagong mundo sa unti unting napalitan ng

pagbabago ng wikang mga bagong salita ang

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Agresibo – isang pakirampam ng mapusok

Banyaga - Nangangahulugan ng Dayuhan, isang tao na hindi lihitimong naninirahan o

isinilang sa isang lugar.

Gramatika - Isang gabay sa tama at maaayos na pagsasama sama ng mga salita sa

pagbuo ng isang pangungusap.

Henerasyon - isang pangkat ng mga buháy na nalikha at bumubuo sa isang hakbang

ng pagsulong mula sa isang ninuno; pangkat ng mga tao na magkakapanahong

ipinanganak at nabúhay; pangkat ng mga tao na may magkatulad na kalagayan o

karanasan.

Kinasasadlakan – tumutokoy kinatatayuan


Kultura - ang itinuturing na kaluluwa ng isang bansa. Masasabing ito ang nagbibigay

buhay sa isang lugar sapagkat ito ang nagiging batayan ng kilos o gawi ng mga

mamamayan.

Masidhi - matindi

Mayabong - mayaman o sagana

Modernisasyon - isang salita na ginagamit upang ilarawan ang pagbabago na

nagaganap sa isang bagay, lugar, wika, kultura, o bayan.

Paghubog - ay pagkakaroon ng mas magandang anyo at kalagayan ng isang bagay

Pagsuong - pagsabak o pagsubok

Payak - ay nangangahulugan ng pagiging simple

Propesyunal - Tawag sa taong nakatapos o nakapagtapos ng kanilang napiling kurso o

propesyon.

Simbolo - Nangangahulugan bilang pananda na sumasagisag sa isang partikular na

tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari

Social Media -ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan

sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa

isang virtual na komunidad at mga network.

Teknolohiya - Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan,

makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Tradisyunal - mga bagay na nakasanayan na nating gawin


Trending - isang bagay na madalas na pinaguusapan ng iba hanggang sa itoy maging

sikat. Wika - isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang

partikular na lugar.

Umusbong - ito ay ang pagsibol o pagtubo

Walang habas - walang ingat o walang pakundangan

You might also like