Professional Documents
Culture Documents
1. Introduksyon
Alam nating lahat na napakalaki ng epekto ng wika at kultura sating Pilipino, Sa
makabagong henerasyon at maging sa nakalipas na henerasyon, bawat isa satin ay
nagbubunga ng malaking epekto lalo na sa ating mga estudyante ng NSDGA, Ang wika ay
hindi mahihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito: Ang wika at kultura ay
dalawang bagay na hindi mapaghihiwalay. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at
nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin, paniniwala ng mga tao.
2. Layunin ng Pag-aaral
1
research na ito kung ano ang mga pinagbago pagdating sa kultura at wika sa makabagong
henerasyon na naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan :
A. Gaano nakakaapekto sayo ang wika at kultura natin sa makabagong
henerasyon.
B. Malaki naba ang pinagbago ng wika at kultura sa ating henerasyon ngayon?
At sa paanong paraan ito nabago?
C. Paano mo na ikukumpara ang wika’t kultura noon sa makabagong panahon?
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
2
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
5. Depinisyon ng Terminolohiya
Kultura – Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang mga katutubo at katangi-tanging
kaugalian, paniniwala at mga batas
3
KABANATA II
Literatura na lokal
Ayon kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) at Gleason (sa Tumangan, et al., 2000),
Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago.
Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon.
Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay maaaring nadadagdagan ng mga bagong
bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng tao, maaaring sila ay nakakalikha ng mga
bagong salita. Ang pinakamuhasay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at
pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan ng mga katawagan ang mga produkto
ng pag-unlad ng teknolohiya at sensya. Bunga nito, an gating wika ay nadaragdagan ng
mga bagong salita na hindi umiiral noon. May mga salita ring maaaring nawawala
sapagkat hindi na ginagamit.
Ayon kay Rosa Visa Ann B. Arocha, Ang wika ang maituturing na
pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipag-komunikasyon sa ating kapwa. Ang
wika, pasalita man o pasulat ay magiging sandata natin sa ating pakikihamok sa mga
hamon ng buhay. Ang wika ay binubuo ng mga titik at simbulo na kapag pinagsama-
sama ay maipapahayag natin ang mga nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibigan, o
kung sino pa man na kakilala natin. Ang Pilipinas, bagamat isang archipelago, na
binubuo ng 7,107 na mga pulo na mayroong iba’t-ibang diyalekto ay nagkakaroon ng
pagkakaunawaan sa pamamagitan ng paggamit ng iisang wika, ang wikang Filipino!
Kaya naman kahit may iba’t-ibang kultura, relihiyon at paniniwala sa bawat panig ng
Pilipinas, nagkakaisa parin ang bawat mamamayan ng ating bansa sa paggamit ng wikang
Filipino.
4
Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas na at makataon pamamaraan
ngpaghahatid ng mga kaisipan damdamin at mithiin Si Carroll (1964) ay nagpapahayag
na ang wika ay isang sistema ng mgasagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay
resulta ng unti-unting paglilinang saloob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat
henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan ito ay tinutukoy na isang set ng
hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa ibat ibang antas ng bawat
kasapi ng pangkat komunida
Literatura na dayuhan
Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is languange? Ang
wika raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo sa simbolikong gawaing pantao.
Ang simbolo nito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at
isinasaayos sa mga klase at pattern na lumilikha sa isang komplikado at semitrikal na
istruktural. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugan arbitrayo at kontrolado
ng lipunan.
Ayon kay Heanry Gleason (1922) ang wika ang isang sistematikong balangkas ng
mga salitang tunog na pinipili ay isinasaayos sa paraang arbitrayo upang magamit ng
taong may iisang kultura.
Antonio Piafetta noong 1525, mas maaga pa daw napormalisa sa wikang Filipino
rin ngayon kaya sa kasaysayan ng bansa . May mga familiar na salita ang lugar na
naintindihan sa kahit saang dako ng pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok at
ngipin. Ibigsabihin nito ay nagkakaisa tayo noon pa man sa usapin tungkol sa wika.
5
Ayon kina Barker at Barker (1993), kinukulekta ng wika ang nakaraan, ang
kasalukuyan at ang hinaharap din nito na galing kultura at mga tradisyon. Maari raw
mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipapahatid
parin nila anh kanilang ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga adhikain
o plano sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod pang henerasyon ay
naluluto o maaring maluto sa nakalipas na nakaranasan at sa gayo'y maiiwasan ang
muling pagkakamali o di kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali.
Masasabi kung na gayon sa pamamagitan ng wika ay umunlad tayo sa mga aspektong
intelektwal, sikolohikal, at kultural. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung
babalikan sa inyo kung babalikan natin at susuriin ang kasaysayan ng ating wikang
Filipino.
Ayon kay Thomas Caryle itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan;
Ganyunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnnan, ang
mismong katawan ng kaisipan.
SINTESIS
Ayon sa aming nakalap na datos, sinasabi na ang wika ay patuloy na nagbabago
sa paglipas ng panahon sa ibat ibang henerasyon, sa paglipas ng panahon madami ding
naging epekto nito sa mga tao. At dahil din sa pagiging malikhain ng mga tao, nakakabuo
sila ng panibagong henerasyon sa wika at kultura. Sa mga nakalap naming datos isa sa
mga nagsasabi o karamihan nito ay Malaki ngang epekto sa atin ang makabagong
henerasyon, pumapasok dito ang mga balbal na salita at islang na salita, at Malaki din
ang tulong ng pagbabalik sa mga di kilalang salita para makabuo ng terminolohiya na
makakapag padagdag sa pagpapabago ng ating wika sa ating kasalukuyang panahon, at
ang kultura natin na makipag usap o makipag kapwa tao sa pamamagitan ng ating wika
ay nagbabago din sa paglipas ng panahon dahil madalas ay nagiiba ang ating pakikitungo
6
Pag-aaral na lokal
Ayon sa 2000 Census of Population and Housing ay isinagawa ng Philippine
national statistics office, ang pinakabagong mapagkukunan ng istatistika ng pambansang
wika, 63.7% ng mga Pilipino sa edad na 5 taong gulang ay iniulat ang isang kakayahang
magsalita ng ingles, sa makatuwid 96.4% na mga Pilipino ay naiulat na kaya magsalita ng
Tagalog.
Ayon sa mga estudyante at iba pang mga guro isa sa mga pinagtutuunan ng pansin
ng mga guro at mga mananaliksik ay ang posibleng epekto ng paggamit ng wikang
Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng matematiks. Ayon sa karanasan ng mananaliksik
na ito at ng ilan pang guro sa matematiks, kung dumarating ang mga pagkakataong di
maunawaan ng mga magaaral ang kanilang aralin na itinuro sa wikang Ingles, ito ay
ipinapaliwanag nil a sa wikang Filipino. Dahil dito medaling naiintindihan ng mga mag-
aaral ang kanilang aralin, bukod sa nagiging kawili-wili pa sa kanila ang pag-aaral ng
matematiks.
7
Noong 13 Disyembre 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134 na pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang pambansa ng Filipinas.”
Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon, at
ganap masisilayan noong 1940. Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP
ang pagbubuo at pagpapalathala ng A TagalogEnglish Vocabulary at Balarila ng Wikang
Pambansa. Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong 7
Hunyo 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino [Filipino National Language]
bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas pagsapit ng 4 Hulyo 1946. Gayunman,
noong 1942 ay inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas [Philippine
Executive Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda na ang kapuwa
Nihonggo at Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Nagwakas
ang gayong ordinansa nang lumaya ang Filipinas sa pananakop ng Hapon. At muling
ipinalaganap ang paggamit ng Ingles sa mga transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at
negosyo. At upang matupad ang mithing Pambansang Wikang Filipino, sari-saring
seminar ang idinaos noong panahon ng panunungkulan ni Lope K. Santos sa SWP (1941–
1946). Halimbawa, iminungkahi ang paglalaan ng pitak o seksiyon para sa wikang
pambansa sa mga pahayagang pampaaralan nang masanay magsulat ang mga estudyante.
Pinasimulan noong panunungkulan ni Julian Cruz Balmaseda ang Diksiyonaryong
Tagalog. Lumikha ng mga talasalitaan sa mga espesyalisadong larang ang termino ni
Cirio H. Panganiban, halimbawa sa batas, aritmetika, at heometriya. Isinalin sa wikang
Filipino ang pambansang awit nang ilang beses bago naging opisyal noong 1956, at binuo
ang Panatang Makabayan noong 1950. Ipinatupad ang Linggo ng Wika, at inilipat ang
petsa ng pagdiriwang mulang Marso tungong Agosto. Itinampok ang lingguwistikang
pag-aaral sa wikang pambansa at mga katutubong wika sa Filipinas noong panahon ni
Cecilio Lopez. Pagsapit sa termino ni Jose Villa Panganiban ay isinagawa ang mga
palihan sa korespondensiya opisyal sa wikang pambansa. Nailathala ang English-Tagalog
Dictionary; at pagkaraan ay tesawro-diksiyonaryo. Nagpalabas ng kautusan ang kalihim
ng Tanggapan ng Edukasyon noong 13 Agosto 1959, na tawaging “Pilipino” ang
“Wikang Pambansa.” Ang “Pilipino” na ibinatay nang malaki sa Tagalog ay maghuhunos
na “Filipino” alinsunod sa atas ng Saligang Batas 1973 “na linangin, paunlarin, at
pagtibayin ang Filipino alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto nang
di-alintana ang pagtanggap ng mga salita mula sa mga dayuhang wika.” Sa panahon ni
Ponciano B.P. Pineda, ang SWP ay nagbunsod ng mga pananaliksik na may kaugnayan
sa sosyo-lingguwistika, bukod sa pagpapalakas ng patakarang bilingguwal sa edukasyon.
Naipalathala ang mga panitikan at salin para kapuwa mapalakas ang Pilipino at iba pang
katutubong wika.
8
Pag-aaral na dayuhan
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa
kasalukuyan. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas. Mas nagkaka-
intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga
Pilipino ang kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo
sa pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na pagunlad ng
ekonomiya ng Pilipinas.
Gamit ang data mula sa 2019 Census, masusing tinitingnan namin ang wika sa
loob ng England at Wales. Ang mga nag-ulat ng Ingles (o Welsh sa Wales) bilang
kanilang pangunahing wika ay nagkakahalaga ng 92.3% ng populasyon, maliban sa
London kung saan mas mababa ang proporsyon. Ang mga nag-uulat ng isa pang
pangunahing wika ay nagkakahalaga ng 7.7% ng populasyon, na ang Poland ay nanguna
sa listahan ng "iba pang" pangunahing wika. Nakita ng London at West Midlands ang
pinakamataas na porsyento ng mga taong hindi nagsasalita ng Ingles na "maayos" o
"kahit na".
9
KABANATA III
Disenyo ng pananaliksik
Ang pagaaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang diskripto-
analitik na pamamaraan, at ipapakita ang mga epekto ng kultura at wika sa makabagong
henerasyon sa Nuestra Senora De Guia Academy mula sa ika- pitong antas hanggang sa
ika labing isang antas.
Paraan ng pananaliksik
Ang pagaaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagkakalap ng mga datos na
makakatulong para sa pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay nagbigay ng oras na naglalayong
makahanap ng mga datos upang malaman ang malaking epekto ng wika at kultura sa
makabagong henerasyon. Magsasagawa din ng pangangalap ng mga impormasyon ang
mananaliksik sa ibat ibang antas sa Nuestra Senora De Aranzazu, kukuha din ang mga
mananaliksik ng ibat ibang impormasyon sa mga nakaraang pananaliksik at sa internet
10
11