Professional Documents
Culture Documents
Sa aklat nina Bernales et al. (2002), mababasa ang kahulugan ng wika bilang proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaring
berbal o di-berbal.
Samantala, sa aklat naman nina Mangahis et al. (2005), binanggit na may mahalagang papel na
ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Marami pang Pilipinong dalubwika at manunulat ang nagbigay ng kanilang pakahulugan sa wika.
Ayong sa edukador na sina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000), “ang wika ay isang
kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.”
Para naman sa lingguwistang si Alfonso O. Santiago (2003), “wika ang sumasalamin sa mga
mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
Kung sasangguni naman sa mga diksiyonaryo tungkol sa kahulugan ng wika, ang wika ay sistema
ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.
Samantala, ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2001) ang wika ay “lawas ng mga salita at
sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong
pangkultura at pook na tinatahanan.”
Sa pangkalahatan, batay sa mga kahulugan ng wika na tinatalakay sa itaas, masasabi na ang wika
ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at ng mga
simbolong isinusulat. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan, nagkakaugnay, at nagkakaisa
ang mga tao.
Kasangkapan ang wika upang maipahayag ng mga tao ang kaniyang naiisip, maibabahagi ang
kaniyang mga karanasan, at maipadama ang kaniyang nararamdaman.
Gayundin, bawat bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at kaisipan ng mga
mamamayan nito.
Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging instrumento nito sa
komunikasyon. Mahihirapang magtagumpay ang komunikasyon kapag walang wikang ginagamit.
Kailangan naman ang komunikasyon hindi lamang sa pagpapalitan ng mensahe kundi sa
pagkatuto at sa pagkalat ng karunungan at kaalaman sa mundo.
Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika. Kung walang wika, walang
magagamit na pantawag sa tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin, at sa iba pang bagay
na kaugnay ng pamumuhay at paraan ng pamumuhay ng mga tao.
Naipakikilala ang kultura dahil sa wika. Yumayaman naman ang wika dahil sa kultura.
Isang magandang halimbawa nito ang mga payyo (tinatawag ding payao o payaw), ang hagdan-
hagdang taniman ng palay ng mga Igorot.
Kapang may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malay at may
soberanya.
Hindi tunay na malaya ang isang bansa kung hini nag-aangkin ng sariling wikang lilinang sa
pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.
wika ang tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang bansa at nga mga mamamayan nito.
Naging mahalagang instrumento ang wika para maunawaan ng daigdig ang nilalaman ng Bibliya
at maipakalat ang Kristiyanismo sa mundo.
Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal ay naisalin sa iba’t ibang
wika ng daigdig, gayundin ang mga akda ni F. Sionil Jose, isang Pilipinong nagsusulat sa wikang
Ingles, at ang wika na “Anak” ni Freddie Aguilar.
Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan ang
iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.
Mas nagkakaunawaan ang mga tao sa isang bansa at nakabubuo ng ugnayan ang bawat bansa sa
daigdig sapagkat may wikang nagsisilbing tulay ng komunikasyon ng bawat isa.
Walang saysay ang sangkatauhan kung wala ang wika sapagkat walang hiraman ng kultura at/o
paraan ng pamumuhay, walang mangyayaring kalakalan, walang pagbabahagi ng mga tuklas at
imbensiyon, walang palitan ng talino at kaalaman, walang diplomatikong pagkakasundo ang
bawat pamahalaan, at walang pagtutulungan sa paglinang ng siyensiya at teknolohiya.
Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na nakalilikha ng mga yunit
ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay
nakabubuo ng mga parirala, pangungusap, at talata.
Ayong sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo. Ang Pilipinas
ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika: di kukulangin sa 180 ang wikang sinasalita
sa Pilipinas.
Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming wikang umiiral dito at
may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito.
Homogenous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng
mga mamamayan dito.
Ang Tagalog, Sinugboang Binisaya, Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Bikol, at iba pa
ay mga wika, hindi diyalekto at hindi rin wikain (salitang naimbento upang tukuyin ang isang
wika na mas mababa kaysa sa iba).
Ang diyalekto ay nangangahulugang varayti ng isang wika, hindi hiniwalay na wika. Kapang hindi
nagkakaintindihan ang dalawang pag-uusap na gumagamit ng magkaibang wika, ibig sabihin,
bawat wikang ginagamit nila ay hiwalay na wika.
Bernakular ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang wika tulad ng
diyalekto, kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno o
ng kalakal. Tinatawig din itong wikang panrehiyon.
Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging bilingguwal ng
isang tao kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan. Bilang
patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas, nangangahulugan ito ng paggamit ng Ingles at Filipino
bilang panturo sa iba’t ibang magkakahiwalay na subject: Ingles matematika at siyensiya, Filipino
sa agham panlipunan at iba pang kaugnay na larangan.
Ang unang wika ay tinawag ding “wikang sinuso sa ina” o “inang wika” dahil ito ang unang
wikang natutuhan ng isang bata.
Pangalawang wika ang tawag sa iba pang mga wikang matutuhan ng isang tao pagkaraang
matutuhan ang kaniyang unang wika.
Wikang Pambansa.
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal na batayan ang pagiging
pambansang wika ng Filipino.
Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin
pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Opisyal na Wika
Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na bingyan ng natatanging pakilala sa konstitusyon
bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng pamahalaan. May dalawang opisyal
na wika ang Pilipinas – ang Filipino at Ingles.
Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 7, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles.