You are on page 1of 3

FLORES, ALYSSA P.

BSED-FILIPINO 2A

Gawain : Sino-sino ang mga pangunahing tauhan ng Banaag at Sikat? Ilarawan ang mga ito at
ang papel na ginagampanan nila sa maikling kwento.

Mga pangunahing tauhan:

 Delfin - Siya ang pangunahing tauhan ng akda. Isa siyang mahirap na peryodista. Niyakap
niya ang ilang sosyalistang ideya kaugnay ng unyonismo at makauring pakikibaka. Ang
manliligaw ni Meni. Sa kasalukuyang lipunan, isang halimbawa si Delfin bilang isang
binatang pinapahalagahan ang kanyang iniibig. Siya’y umiibig kay Meni at isang
manunulat. Ang pagpupursige at pagiging tapat ni Delfin ang dahilan kung bakit iniibig
din ito ni Meni. Hindi sila nagpapahadlang upang hindi matuloy ang pag-iibigan nila.
Naniniwala at hinahangad ni Delfin na mapalaganap ang kaisipang sosyalismo sa
lipunan, kung saan ang mga mamamayan ang may higit na karapatan sa lahat ng mga
gawaing pangangalakal, mga pag-aari at mga pagawaing pambansa.

 Felipe - Siya ay isang anak-mayaman; radikal bagamat tipong anarkista. Kaibigan siya ni
Delfin at may prinsipyong pagkakapantay-pantay. Siya ay naniniwala sa marahas na
pagbuwag sa mga namamayaning kapangyarihan at kalupitan ng mga mayayamang may
lupa. Ibig niyang gawin ang mga abusadong may kapangyarihan na naghari sa lipunan.
Bagaman anak ng isang mayamang pinuno ng isang bayan, kinamumuhian ni Felipe ang
mga gawi at karahasan ng kaniyang ama. Mas mararapatin niyang magkaroon ng
pagkakapantay ang lahat ng uri ng mga mamamayan: walang pagkakaiba ang mga
mahihirap at ang mga mayayaman.

 Meni - Siya ay nakatakdang ikasal kay Delfin na anak ng isa sa pinakamayaman sa


Maynila. Siya ang anak ni Don Ramon. Isa siyang halimbawa sa kasalukuyang lipunan
bilang isang dalagang nagpapakita ng hindi pagsunod sa magulang. Anak ni Don Ramon
at umiibig kay Delfin.

 Tentay - Minamahal siya ni Felipe. Siya ay isang babaeng mahiyain at anak siya ng isang
manggagawa.

 Don Ramon – mayaman, ninng sa kumpil ni Felipe

 Don Filemon – mayaman at kasosyo ni Don Ramon sa negosyo

Ang mga tauhan sa Banaag at Sikat ay tunay na naglalarawan ng iba’t ibang uri ng mga
taong mamamasid at makakasalamuha natin sa tunay na buhay. Mapagtatanto ng mga
mambabasa sa nobelang ito na walang taong perpekto; ang mga tao ay mayroon kani-kaniyang
mga di-kasakdalan, tinatago, at pagkakamali. Sa nobelang ito makikita ang iba’t ibang uri ng
personalidad ng mga tauhan batay sa kanilang kalagayang pinansyal, pag-uugali, tunguhin, at
estadong propesyonal. Makikita sa nobelang ito kung anong uri ng tao ang isang tauhan at kung
ano ang tunguhin nila batay sa kanilang pananaw buhay.

Sa nobelang ito, matutugunan ng mga mambabasa ang mga tauhang mayayaman ngunit
maramot, mayaman na piniling mamuhay ng simple, mga naaapi, mga tauhang makasarili at
mga tauhang makasarili at mga tauhang nais maghatid ng pagbabago. Makikita sa nobelang ito
ang mga makapangyarihan at masalapi na kung saan sila ay may pagka-maramot sa mga
nakakababa. Ang pagsupil sa karapatan ng mga manggagawa at magkamarupit sa alipin ay
malalahad sa nobelang ito. Sa sitwasyong ito makikita ang pagkakaiba sa kapangyarihan ng
taong masalapi at wala. Mapagtatanto ng mambabasa na hindi porket mayaman ang isang tao
pagdating sa salapi ay mayaman na rin sila sa kabutihang ugali. Makikita sa nobelang ito ang
hindi pagkapantay-pantay ng kalidad ng buhay ng mga tauhan anuman ang kanilang estado sa
buhay. Bukod sa mga mayayamang maramot, mayroon ding mga tauhang nagnanais ng
pagbabago sa maraming aspeto. May mga tauhan sa nobelang ito na nagpursigeng mabuhay
galing sa sariling pagod at hindi sa yamang mamamana galing sa pamilya. Sa dalawang
pagkakaibang ito mapagtatanto na hindi lahat ng taong nasa parehong estado ng buhay ay may
parehong pananaw sa buhay. May mga nais ipagpatuloy ang sariling kaginhawaan lamang at
mayroong nais magsimula ng mabuting gawa para sa ikabubuti ng lahat.

Sa pangkalahatan, ang nobelang ito ang nagsasalaysay ng iba’t ibang uri ng taong maari
nating masalamuha sa tunay na buhay. Ang mga tauhan ay hindi ginawang perpekto na kung
saan lahat ay gumagawa ng tama at may mabuting mga layunin dahil ang mga ganito ang
nangyari sa panaginip at kathang isip lamang, nailalarawan ng nobela ang realidad sa
pamamaraan ng paglalagay ng iba’t ibang uri/pag-uugali ng tao upang mamulat ang mga
mambabasa sa pagiging imperpekto ng tunay na buhay; darating ang oras na magkakaroon tayo
ng mga suliranin at makakakilala tayo ng mga taong hiwalay sa sinasabi ang ginagawa at mga
taong may lihim na intension na hindi kagandahan.

You might also like