You are on page 1of 2

Alyssa P.

Flores BSED-Filipino 3A

Pagharap ng Gobyerno laban sa CoViD-19

Halos tatlong taon na tayong pinahihirapan ng pandemyang ito. Marami nang


natamaan, nahawaan at namatay ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong
namiminsala hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Kailan nga ba ito matatapos?
Paano ba ito hinaharap ng gobyerno upang matugunan ang kaligtasan at pangangailangan
ng buong mamamayan. Ano ang mga hakbang na ginawa o gagawin palang upang tuluyan
ng matapos ang suliraning ito.

Marso 16, 2020 nang isailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine
(ECQ). Katumbas ng ECQ ang paghinto ng negosyo, transportasyon at kabuhayan, at tila
pagtigil na rin ng buhay ng marami sa 57 milyong populasyon ng Luzon. Nagbunga ito sa
iba't ibang mukha ng ibayong hirap at gutom, tulad ng mga "mangangalahig" sa Rizal, na
itinataguyod ang kanilang mga pamilya sa pangunguha ng basura at iba pang puwedeng
pagkakitaan para lang makakain. Nagkaisa ang Kongreso na ipasa ang Bayanihan To Heal
As One Act (Bayanihan 1), na naglaan ng pondo at nagbigay ng awtoridad sa pangulo na
ipatupad ang mga programang tutugon sa mga problemang dulot ng COVID-19. Kasama
rito ang ayudang pinansiyal sa ilalim ng social amelioration program (SAP) para sa may 18
milyong mahihirap na pamilya, P100,000 tulong-pinansiyal sa health workers na
magkakaroon ng COVID-19, at P1 milyon para sa pamilya ng namatay na health worker.
Sinundan ito ng Bayanihan To Recover As One (Bayanihan 2) Act, na aayuda sa 5 milyong
pamilyang hindi nasama sa unang nabigyan ng SAP, mga naka-hard lockdown pa, at mga
sektor na pinadapa ng pandemya. Kasama rin sa Bayanihan 2 ang 2 buwang palugit sa
pagbayad ng mga utang. Pero marami pa rin umano ang hindi nakatatanggap ng ayuda sa
ilalim ng SAP. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD),
nakumpleto na nito ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Bayanihan 1 at kaunti na lang
bago matapos ang pamimigay ng tulong sa Bayanihan 2. Nitong Pebrero, nilagdaan ni
Pangulong Rodrigo Duterte ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, kung saan
sasagutin ng gobyerno ang gastos kapag may nakaranas ng matinding side effects ng
COVID-19 vaccine. Bagaman medyo kulang pa ang bakuna, patuloy ang pagtuturok sa
buong bansa para sa health workers at ibang frontliner. Hanggang ngayon ay patuloy na
nagbabakuna sa lahat ng lugar dito sa bansa. Sa ganitong paraan masasabi kong hindi tayo
pinapabayaan ng gobyerno dahil gumagawa sila ng mga paraan upang masupil ang
pandemyang ito na nakasasagabal sa lahat ng tao.

Ang pamamalakad ng gobyerno sa pagharap ng pandemyang ito o ang CoviD 19 ay


hindi naging madali. Kaya huwag nating husgahan ang gobyerno kung hindi nabibigay ang
ating mga hinaing dahil ginagawa nila ang kanilang responsibilidad para sa ating bansa.
Bagkus, bilang isang mamamayan tulungan natin an gating gobyerno na masugpo ang
pandemyang ito. Sama-sama tayo upang labanan ang pagsubok na ito. Dahil hindi lamang
ang gobyerno ang may kayang matapos ito kundi tayo, tayo ay may kakayahan na matapos
‘to. Magkaroon ng disiplina at magpakatao. Dahil sa ganitong paraan, matutulungan natin
ang ating sarili na makalaya sa pagsubok na itong dala ng CoViD 19. Palaging manalig sa
Diyos dahil siya lamang ang masasandalan natin sa pagsubok na ito.

You might also like