You are on page 1of 12

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KAILGIRAN NITO

1. INTRODUKSYON

Araw-araw ay mayroong ibat ibang balitang nakikita, naririnig at nababasa. Hindi maiwasan na magbigay ng opinyon hinggil sa mga balitang lumalabas. Lalo na kung ito ay direktang nakakaapekto sa pamumuhay ng mamamayan. Isang mainit na usapin ngayon ang panukalang gustong ipatupad ng administrasyon. Araw-araw ay malimit natin itong naririnig sa mga debate, usapin sa radyo, balita sa telebisyon, sa pahayagan at maski sa mga tao at estuyante sa paaralan. Ang panukalang ito ay tinatawag na RH Bill. Ang RH Bill ay may layunin malinang at mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan ukol sa wastong pagpaplano ng pamilya. Ito ay tungkol sa pagkontrol ng patuloy na paglobo ng populasyon dito sa ating bansa, sapagkat kalakip ng patuloy na paglobo ng populasyon ang pagtaas ng demand sa ating ekonomiya, kawalan ng trabaho at higit sa lahat, kahirapan. Ang bill na ito ay tungkol sa pagkontrol ng panahon ng pagbubuntis o child birth control kung saan ang mga potensiyal na magulang ay binibigyan ng pagkakataon na pumili ng pamamaraan kung paano nila ipapagpaliban ang pagbubuntis. Higit itong isinusulong lalo na sa mga kabataan sapagkat maraming kabataan sa ating bansa ngayon ay nasasangkot sa mga kaso ng unwanted pregnancies dahil na rin sa pre-marital sex. Maaari nilang pagpilian ang paggamit ng kontrasepsiyon o ang normal na paraan. Ito rin ang paraan upang maiwasan ang pagpapalaglag ng sanggol na nasa sinapupunan o abortion at paglobo ng populasyon at demand na siyang dahilan ng pagbagsak ng ating ekonomiya.

Kapag tuluyan na nating nakontrol ang problema hinggil sa paglaki ng populasyon sa bansa, makakatulong ito sa pag-unlad ng bansa dahil sa maayos nating paggamit ng pondo para sa mga iba pang-sektor ng pamahalaan tulad ng edukasyon, seguridad, pangkalusugan at imprastraktura. Ngunit sa kabila ng lahat ng itoy marami pa rin ang hindi sumasang-ayon sa panukalang ito kayat hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipapatupad ng tuluyan.

SULIRANIN: Sa pag-aaaral na ito, layunin ng mananaliksik na alamin ang persepsiyon ng mga estudyante na kumukuha ng kurso na BSN na nasa unang lebel sa WMSU hinggil sa pagpapatupad ng RH Bill dito sa ating bansa. Ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod: a. Gaano kalawak ang kaalaman ng bawat estudyante sa panukalang ito? b. Ano ang magiging katayuan ng mga estudyante sa sa pagpapasa ng RH bill matapos ipamahagi sa kanila ang mga impormasyon ukol dito? c. Sila ba ay sang-ayon o tutol sa pagpapatupad nito? d. Bakit sila sumasang-ayon o bakit sila tumututol dito? LAYUNIN NG RH BILL Layunin ng pananaliksik na ito ang pagtibayin, palawakin at liwanagin ang kaalaman ng bawat estudyante tungkol sa RH Bill at makalap ang kanilang persepsiyon ukol dito.

KAHALAGAHAN NG RH BILL

1. Protektahan ang kalusugan at buhay ng mga nanay Ayon sa WHO (World Health Organization), ang 15% ng pagbubuntis ay nauuwi sa komplikasyon na kayang magpaospital o pumatay sa babae. Mula lang sa higit 2 milyong pagluwal ng buhay na sanggol, may 300,000 komplikasyong nagaganap bawat taon. Itoy 7 ulit na malaki sa nabilang ng DOH na nagka-TB, 19 ulit sa nagkasakit sa puso, at 20 ulit sa nagka-malaria na babae. Resulta, higit 11 babae ang walang saysay na namamatay bawat araw. Subok nang solusyon sa mga komplikasyong maternal ang sapat na dami ng bihasang tagapaanak, at maagap na pagdala sa ospital na may pang-emerhensyang pangangalaga sa buntis. Sa mga ayaw ng manganak, family planning (FP) ang pinakamahusay na paraan ng pag-iwas. Lahat ng 3 itoy bahagi ng RH.

2. Magligtas sa mga sanggol Sa tamang agwat ng panganganak, mababawasan ang pagkamatay ng mga sanggol. Ayon sa WHO, dapat magpalipas ng hindi bababa sa 2 taon mula sa panganganak at sa susunod na pagbubuntis. Sa bansa natin, doble ang tsansang mamatay ng sanggol na kulang sa 2 taon ang agwat ng pagsilang kaysa doon sa umabot ng 3. Mas epektibo at akma ang gamit na FP, mas malaki ang tsansa na mabuhay ang susunod na anak.

3. Tumugon sa nakararami na gusto ng mas maliit na pamilya Mas gusto na ngayon ng tao ang mas maliit na pamilya. Nang ma-survey sa gustong bilang ng anak, lampas nang kaunti sa 3 ang sagot ng mga babaeng nasa 40 pataas, pero halos 2 lang ang gusto ng mga teenager at nasa bandang 20 ang edad.

Higit pa, madalas mas malaki ang nabubuong pamilya kaysa sa gusto ng mag-asawa. Halos 2 anak lang ang nais ng karaniwang Pinay pero 3 ang kinalalabasan. Sa lahat ng pamilya at rehiyonanuman ang katayuan nilalampas sa gusto ang nabubuong laki ng pamilya, pero pinakamalala ang lampas sa hanay ng maralita.

4. Itaguyod and makatuwirang palakad para sa mahihirap Sa mga sukatan sa RH, matindi ang lamang ng mayayaman sa mahihirap. Halimbawa sa pagsilang, 94% ng pinakamayamang mga babae ang may propesyonal o bihasa na tagapaanak, kumpara sa 26% lang sa mahihirap. Nasa 3 ulit ang mayayaman na nakapagpatali (tubal ligation) kumpara sa mahihirap. Bahagi ito ng paliwanag bakit halos eksakto sa gusto ang bilang ng anak ng mayayaman, habang sobra ng 2 ang sa mahihirap. Halos 3 ulit ang pagkamatay ng mga sanggol ng maralita kumpara sa maykaya. Isa ito sa mga dahilan bakit nagpaplano ng mas maraming anak ang mahihirap. Itataguyod ng batas sa RH ang makatuwirang palakad sa kalusugan sa pamamagitan ng mas malakas na pampublikong serbisyo na abot-kamay ng mahihirap.

5. Iiwas ang kababaihan sa aborsyon Halos lahat ng aborsyon ay dumaan muna sa di-sinadyang pagbubuntis. Sa mga di-sinadyang pagbubuntis, 68% ay mula sa mga babaeng walang anumang gamit na FP, at 24% ang mula sa gumagamit ng tradisyonal na paraan tulad ng withdrawal o dekalendaryo na pagtiyempo ng pagtatalik. Kung lahat ng gustong mag-agwat o huminto sa panganganak ay gagamit ng modernong FP, mababawasan ng 500,000 ang aborsyonhalos 90% ng tantyang dami. Sa bansa natin na matindi ang pagtratong kriminal sa aborsyon, at kung saan 90,000 babae ang naoospital bawat taon dahil sa komplikasyon ng aborsyon, walang pakialam at walang pusong patakaran ang hindi pagtiyak na makaiwas ang kababaihan sa pamamagitan ng FP.

6. Sumuporta at magtalaga ng dagdag na pampublikong komadrona, nurse at doktor Kailangan ng RH saanman may mga tao na nagbubuo ng kanilang pamilya. Halimbawa, ayon sa ulat ng UN MDG Task Force, kailangan ng 1 fulltime na komadrona para sa 100200 na pagpapaanak bawat taon. Kailangan ang iba pang tauhan para sa ilang milyong serbisyong prenatal at postnatal, para sa mga sanggol na dapat serbisyuhan, at para sa paghatid ng FP. Magsisilbi sa araw-araw na pangangailangan ng maraming komunidad ang ganitong pagpundar ng mga tauhan para sa kalusugang pampubliko.

7. Tiyakin ang pondo para sa mga pasilidad sa kalusugan at patas na paggamit sa mga ito. Dahil kailangan sa RH, masusuportahan ang pagpapahusay sa ibat ibang antas ng pasilidad. Mula ito sa mga barangay health station, para sa pangangalaga sa buntis, sa sanggol at sa gustong mag-FP; mga health centers, para sa ligtas na pagpapaanak, mas mahirap na serbisyong RH tulad ng pagpasok ng IUD, at paglunas sa mga impeksyong naihahawa sa pagtatalik; at mga ospital, para sa pang-emerhensyang pangangalaga sa buntis at kasisilang na sanggol, at FP na gumagamit ng operasyon. Ang malakas na pasilidad pang-RH ay magiging gulugod ng isang sistema ng pampublikong pasilidad na malakas at patas ang pagkakatalaga.

8. Magbigay sa kabataan ng tama at positibong edukasyon sa sekswalidad Sa ngayon, karamihan ng kabataan ay pumapasok sa relasyon at maging sa pagaasawa na walang napulot na siste- matikong gabay mula sa anumang institusyon ng lipunan. Dahil lang sa isang maling sekswal na desisyon, maraming kabataang babae at lalaki ang nawawalan ng kinabukasan, ng kalusugan o maging ng buhay. Magiit tayo na

magbigay ng voters education sa bagong botante para sa isang aktibidad na nagaganap minsan sa 3 taon, pero hinahayaan natin na halos walang paghahanda ang kabataan na humarap sa malalaking yugto ng buhay gaya ng pagdadalaga, pagbibinata at sekswal na pagsibol.

9. Bawasan ang pagkamatay mula sa kanser Ang pagpaliban sa sex, pag-iwas sa maraming katalik o pag-condom ay makakapigil sa kulugo sa ari o impeksyong HPV na sanhi ng kanser sa cervix. Ang pagkapa sa suso at Pap smear ay nakakatuklas ng maagang palatandaan ng kanser na kayang pagalingin kung maagang lulunasan. Lahat ng mga itoy bahagi ng RH na edukasyon at pangangalaga. Hindi pinapatindi ng kontraseptibo ang panganib sa kanser; pinapababa nga ng combined pills ang tsansa ng kanser sa obaryo at sa lining ng matris.

10. Magtipid ng pera na magagamit pa sa dagdag na pagpondo sa mga pangangailangang sosyal Kung gagamit ng modernong paraan ang lahat ng nangangailangan nito, tataas ang gastos sa FP mula P1.9 B tungo sa P4.0 B, pero ang gastos medikal para sa disinadyang pagbubuntis ay babagsak mula P3.5 B tungo sa P0.6 B. Mga P0.8 B ang matitipid sa dulo. May ebidensya rin na mas malaki ang pinopondo sa kalusugan at edukasyon ng mga pamilyang mas kaunti ang anak.. IBA PANG KAHALAGAHAN Ito ang sagot sa pagtaas ng kaso ng maternity-related deaths, unwanted teenage pregnancy, HIV infection at iba pang Sexually Transmitted Diseases at tiyak susi sa pangangalaga sa kalusugan ng mga kababaihan. Solusyon din ang RH bill para mapababa ang mga kaso ng abortion sa bansa.

Ang mga mahihirap na kababaihan na walang kakayahang bumili ng mga contraceptives para maproteksyunan ang kanilang sarili ay makikinabangan ang RH Bill.

SCOPE AT LIMITASYON Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa persepsyon ng mga mag-aaral ng kursong BSN ng WMSU na nasa unang lebel ukol sa RH Bill. Ang tatalakayin dito ay ang lawak ng kanilang kaalaman sa panukalang ito at ang pangangatuwiran ng mga estudyante hinggil sa isyung ito.

KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ayon sa website ng Wikipedia (2011), ang Reproductive Health Bill o mas kilala bilang RH Bill ay isang Philippine Bill na ang layunin ay magarantisa ang universal access sa mga paraan at impormasyon sa birth control at maternal care. Ang batas na ito ay naging sentro ng pangkalahatang debate. Mayroong dalawang batas na may parehong layunin. Ito ay ang House No. 4244 o ang An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development and For Other Purposes na ipinanukala ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman at ang Senate Bill No. 2378 o ang Reproductive Health Act na isinulong ni Senador Miriam Defensor Santiago. Ang Reproductive Health Bill ay naglalayong mapalaganap ang tamang kaalaman tungkol sa ligtas na natural at modernong pagpaplano ng pamilya. Ang bill ay walang anumang bias laban sa natural at modernong pagplano ng pamilya sapagkat parehong may implikasyon ng contraceptive method. Ayon sa UN (2002), Family planning and reproductive health are essential to reducing poverty. Samantala ayon sa UNICEF, Family planning could bring more benefit to more people at less cost than any other single technology now available to the human race. Mayroong malaking debate kung saan ay ipinapanukala na ang pribadong sektor at ang buwis ng mga Pilipino ang magiging pondo at gagamitin sa pagpapalaganap ng ibat ibang family planning devices tulad ng birth control pills (BCPs) at IUDs, habang ang gobyerno ay patuloy sa pagkalat ng mga impormasyon kung papaano ito gamitin sa mga health care centers. Ang mga pribadong kompanya kasama ang pampubliko at pribadong paaralan sa antas ng elementarya at sekondarya ay kinakailangang makiisa at

sumali upang mapabilis ang disiminasyon ng mga impormasyon sa ibat ibang paraan upang makontrola ang populasyon ng Pilipinas. Sa artikulong ginawa ni Romero (2011) ng Philippine Daily Inquirer, unang naipanukala ang RH Bill sa taong 1998. Nung 15th Congress, ang mga nagsulong ng RH bill ay ang mga sumusunod: (1) House Minority Leader Edcel Lagman ng Albay, HB 96; (2) Iloilo Rep. Janette Garin, HB 101; (3) AKBAYAN Representatives Kaka Bag-ao at Walden Bello; HB 513 (4) Muntinlupa representative Rodolfo Biazon, HB 1160; (5) Iloilo Representative Augusto Syjuco, HB 1520; (6) Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan. At sa senado, Si Sen. Miriam Defensor Santiago ay naghain ng kanyang sariling bersyon ng RH Bill. Ayon sa artikulo ni Fernandez (2008), ang simbahang katolika ay patuloy na sumasalungat dito dahil ito ay pinapaniwalaan nila na nagtataguyod ng isang kultura ng kamatayan at imoralidad. Idinidiin din nila na ito ang magiging sanhi ng talamak na aborsyon sa bansa at pagkalulong ng mga kabataan sa premarital sex. Sa nagawang artikulo naman ni Burgonio (2011) ng Inquirer, mayroon ding ilang senador na di sumasang-ayon sa pagpapapasa ng RH Bill sa kongreso. Nabibilang dito ang Senate President Juan Ponce Enrile, Majority Leader Vicente Sotto III at President Pro Tempore Jinggoy Estrada. Sa isang panayam kay Senador Miriam Defensor-Santiago inilahad niya na: Most senators will not commit at this time because they want to wait for developments in public opinion. What for examples are the media reports or, if there are surveys on the subject, what the results are will influence them. Remember senators are political creatures. They will react to what they feel is the public pulse. If they felt for purposes of the 2013 election that it would be necessary to vote in favor of RH, thats what theyll do, kanyang idinagdag. Sa isang ulat ni Cheng (2011) sa ABS-CBN news, humabol pa ang Peoples Champ na si Cong. Manny Pacquiao sa kanyang mungkahing huwag nang ipasa ang batas tungkol sa Reproductive Health. Iginiit niya na hindi solusyon ang RH Bill sa

kahirapan ng bansa kundi ay ang sugpuin na ang korupsyon sa ating gobyerno. Nirerespeto naman ng Palasyo ang naging opinion ng kongresista at pound-for-pound champion tungkol sa isyu. Ayon sa tagapagsalita ng Palasyo na si Edwin Lacierda sa isang press briefing, We respect the opinion of Congressman Pacquiao. We believe that his faith compels him to speak out his views on the reproductive health bill. We may have divergent views. We respect his opinion. Samantala, isang sarvey ang naisinagawa ng Social Weather Stations o ang SWS noong ika-24 ng Setyembre 2008. Layunin nitong maipakita ang porsiyento ng mga Pilipinong may gusto na ituro ang family planning sa mga pampublikong paaralan at porsiyento ng mga Pilipinong gustong isulong ang Reproductive Health (RH) Bill. Lumabas na pitumput anim na porsiyento ang may nais sa family planning education sa mga pamplubikong paaralan at pito naman sa bawat sampung Pilipino ang nais maipasa ang RH bill. Ayon kay Lagman (2008), ang sarvey ng SWS ay nagpapatibay sa ginawang resolusyon ng isang daan at labing isang mambabatas. Ang sarvey na ito ay ang nagpapakita ng boses ng mga Pilipinong maniniwala sa kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya at may gustong magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol dito.

Persepsiyon ng mga Estudyante na nasa Unang Lebel ng BSN sa WMSU Hinggil sa Pagpapatupad ng RH Bill

Chiong, Emely Christine Dumular, Kim Carlo Estero, Ma. Theresa Guerra, Desiree Unga, Abethe Villanueva, Rubie Ann BSN I-B

Ipinasa kay: Bb. Girlie Cortes Guro sa Filipino 2

Ika-21 ng Mayo 2011

You might also like