You are on page 1of 1

“Family Planning: Pagtibayin sa kabila ng COVID-19”

Ang family planning ay programa ng gobyerno na kung saan ito ay tumutukoy sa


pagkakaroon ng nais na bilang na mga anak at wastong pag-aagwat sa mga ito sa
pamamagitan ng ligtas at mabisang modernong pamamaraan. Dahil na rin sa umiiral na
quarantine at lockdown sa buong bansa, ang programang ito ay mas pinagtibay at binigyang
diin sapagkat, inaasahang tataas ang bilang ng mga nagbubuntis sa panahon ng mga
kalamidad. Ngunit, paano nga ba ito maiisakatuparan sa kabila ng umiiral na COVID-19
pandemic?

Noon, mabagal pa ang paglaki ng populasyon ng bansa, kung ito’y ikukumpara sa


kasalukuyang taon, napakalaking porsyento ang agwat ng datos. Batay sa isinagawang
pagsusuri ng Commission on Population (POPCOM), tatlong bata ang ipinapanganak bawat
minuto sa Pilipinas. Sa kanilang kalkula, kapag ito ay nagpatuloy, dalawang milyon ang
madadagdag sa populasyon sa isang taon lamang. Datapwat, bilang ng mga mahihirap tataas
pa sa paglobo ng populasyon. Ang magiging kahihinatnan, ang mga mapagkukunan ng bansa
ay hindi sasapat sa mga hinihingi o demand ng dumaraming populasyon. Upang ito ay
masolusyunan, ipinatupad ni Pangulong Duterte ang executive order tungkol sa “Zero Unmet
Need for Modern Family Planning”, upang mabawasan ang bilang ng mga bata bawat
pamilya, at magkaroon ng nais na 2 bilang na mga anak. Ang magiging kahihinatnan nito, sa
pangmatagalan, ay nangangahulugang mas maraming mga manggagawa (15 hanggang 64
taong gulang) kumpara sa mga umaasa (bata at matatandang mamamayan).

Naisasakatuparan ang mithiin ng family planning ng gobyerno sa panahong ito dahil


na rin sa mga kagawaran at ahensya ng pamahalaan. Halimbawa, tinitiyak ng health care
centers sa bawat baranggay ang patuloy na pagbibigay ng mga kalakal ng family planning sa
pamamagitan ng pag-abiso sa mga kasalukuyang gumagamit ng kanilang serbisyo gamit ang
SMS tungkol sa magagamit na kalakal o produkto na handa na para sa pagkuha, pagsasagawa
ng mga pagbisita sa bahay, o paggamit ng social media upang maabot ang mas maraming pa
nilang mga kliyente. Ang ilang mga LGU ay nakagawa din ng mabisang hakbang upang
mapaabot ang mga produkto sa pamamagitan ng pagsasama ng condom sa mga food pack na
ibabahagi sa bawat pamilya. Ang ilang health units ng gobyerno ay nag-aalok at
namamahagi ng birth control pills, injectable pregnancy control drugs at condoms sa mga
mamamayan.

“Kung sila ay mahal niyo, magplano,” ayon sa dating Kalihim ng Kalusugan, Dr. Juan
Flavier. Hindi maikakailang makapamilya tayong mga Pilipino, ngunit nararapat rin nating
isaalang-alang ang wastong pagpaplano ng pamilya. Ang problema sa patuloy na paglobo ng
populasyon ay hindi lamang obligasyon ng pamahalaan, bilang mamamayan ng bansa,
nararapat tayong makiisa at makibahagi sa layunin ng programa upang maibsan ang pasaning
dulot nito sa bansa lalong-lalo na ngayong may pandemya.

You might also like