You are on page 1of 2

Ang Pagdagdag at Pagsasaalang-alang ng “Safe Sex” sa Kurikulum ng Edukasyon sa

Pakikipagtalik sa Bansang Pilipinas

Sa bansang Pilipinas, ang usapang pakikipagtalik ay hindi isinasaalang-alang sa kurikulum ng


edukasyon. Kaya’t kung mapapansin, marami sa mamamayan at kabataan ang hindi bukas ang
kaisipan at walang sapat na kaalaman pagdating sa pakikipagtalik. Ngunit, hindi maaaring
pabayaan na lamang ang mga ito, mahalaga pa rin na sa murang edad pa lamang ng bawat
indibwal na mamamayan, magkaroon na ng wasto at sapat na kaalaman ang mga ito pagdating at
sa usapang pakikipagtalik. Samakatuwid, ang pagdagdag ng “ligtas ng pakikipagtalik” sa
kurikulum ng edukasyon ay nagdudulot ng mabuting epekto tulad ng pagbawas ng pagkalat ng
HIV/AIDS, pag-iwas sa maaga at hindi kagustuhang pagbubuntis, at pagbawas sa pagtaas ng
bilang ng populasyon.

Ayon sa pag-aaral, isa sa mga dahilan kung bakit nakakakuha ng HIV/AIDS ang tao ay dahil sa
hindi ligtas na pakikipagtalik nito. Ang kabuuang bilang na naitalang kaso ng HIV/AIDS mula
noong Enero hanggang Hunyo 2020, ay umabot sa bilang na 3,752, ito ay ayon sa DOH o
Department of Health. Bukod pa rito, ang pagkakaroon ng HIV/AIDS ay hindi ligtas sapagkat
mayroon itong masamang epekto para sa kalusugan sapagkat kaya nitong pahinain ang
kalusugan ng isang taong mayroong sakit ng HIV/AIDS. Gayunpaman, mayroon at hindi
mawawalan ng paraan ang mamamayan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na HIV/AIDS. At
isa sa mga paraan na ito ay ang pagtuturo ng wastong paggamit ng condom upang hindi
magkaroon ng sakit at hindi patuloy na kumalat ang mikrobyo na HIV/AIDS. Sa pamamaraan rin
na ito, masasagawa ang ligtas na pakikipagtalik ng mga magkarelasyon o mag-asawa nang hindi
nagpapasahan o nagkakalat ng mikrobyo.

Sa dinami-rami ng henerasyon sa Pilipinas, ang henerasyon Z ang pinakamaraming bilang ng


mga kabataang nabubuntis. Ayon sa World Health Orgazation, taun-taon, nasa 21 milyong
batang babaeng nasa edad 15-19 ang nabubuntis ngunit 12 milyon lang sa kanila ang ligtas na
nakakapanganak. Isa rin sa mga dahilan kung bakit marami sa kabataan ang nabubuntis ay dahil
sa pagiging mausisa ng mga ito dahil sa mga nakikita sa social media tungkol sa mga
pakikipagtalik. Bukod pa rito, mayroon sa mga kabataang nabubuntis ang hindi handa sa
responsibilidad na nag-a-abang para sa kanila. Kaya’t karamihan rito, ang mga magulang ang
humaharap sa responsibilidad ng mga anak at nagtataguyod para sa bata. Dahil rito, karapat
dapat lamang na ipatupad, idagdag at ituro sa kurikulum ng edukasyon ang ligtas na
pakikipagtalik upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga kabataang Pilipino at hindi na
magkaroon ng mga maling desisyon sa buhay na pinagsisisihan sa huli.

Ang Pilipinas ay isa sa mga mayroong malaking populasyon sa buong bansa. At ayon sa
Philippines Population, ang kasalukayang bilang ng populasyon ngayong Disyember 8, 2020 sa
Pilipinas ay umaabot sa 110,234,100, at sa bawat minuto patuloy pa itong nadadagdan.
Mayroong mabuti at masamang epekto ang paglaki ng bilang ng populasyon sa Pilipinas. Ang
mabuting epekto nito ay daragdag ang mga tao upang makipagtulungan at mabilis na magawa
ang mga proyekto sa lipunan. Ngunit sa kabila ng maganda epekto nito, may masama rin itong
dulot lalo na sa mga taong nakakaranas ng kahirap, dahil sa pagtuloy na pagdami ng bilang ng
populasyon, ang mga taong mahihirap ang labis na naaapektuhan sapagkat ang mundo ay
limitadong espasyo lamang kaya’t kung patuloy na madaragdagan ang populasyon maaaring
mawalan sila ng pinagkukunan ng pagkain at hindi sila makahanap o makakuha ng maayos na
trabaho upang buhayin ang kanilang pamilya. Gayunpaman, mayroong paraan upang maiwasan
ang pagdami ng populasyon. Isa na rito ay ang pagsasatupad ng ligtas na pakikipagtalik upang
patuloy na bigyan at turuan ng sapat na kaalaman ang mga bawat mamamayan matanda man o
kabataan, sa kung ano ang hindi mabuting epekto ng hindi handa sa kung ano ang magiging
bunga ng kanilang pagtatalik, lalo na sa mga mag-asawa o magkarelasyon na hindi sapat at
walang kakayahang mataguyod ng isang buong pamilya.

Samakatuwid, karapat-dapat lamang na ipatupad ang ligtas na pakikipagtalik sa kurikulum ng


edukasyon sapagkat makakatulong ito hindi lang sa buhay ng mamamayan ngunit pati rin sa
lipunan. Ang pagdagdag ng “ligtas ng pakikipagtalik” sa kurikulum ng edukasyon ay nagdudulot
ng mabuting epekto tulad ng pagbawas ng pagkalat ng HIV/AIDS, pag-iwas sa maaga at hindi
kagustuhang pagbubuntis, at pagbawas sa pagtaas ng bilang ng populasyon. Kung kaya’t, habang
tayo ay nasa murang edad pa lamang, halina’t pag-aralan at turuan ang ating mga sarili sa mga
bagay na hindi tayo mulat tulad ng pakikipagtalik, nang sa gayon, magkaroon tayo ng sapat at
wastong kaisipan at kaalaman patungo sa pag-unlad hindi lang para sa ating mga sarili ngunit
para din sa lipunan na ating kinagigisnan.

You might also like