You are on page 1of 11

KABANATA II

Ilalahad sa pahinang ito ang mga karagdagang datos na makakapag- patibay sa gagawing

pananaliksik.

Literaturang Konseptwal

Teenage Pregnancy

Ang maagang pagbubuntis ay sinasabing dulot ng “pressure from peers” o ang

pagpapadala sa mga taong nakapaligid sa isang indibidwal. Hindi paggamit ng contraceptives,

relasyon sa magulang at iba pang kapamilya at media ang mga karaniwang sanhi nito.

(Guttmacher institute, 2005). Sa isang artikulo sa 17 magazine noong 2013, 76% na babae at

58% na lalaki ang nagsasabi na ang kanataang kababaihan ang nakikipag-seks dahil sa

kagustuhan ng kaninlang kasintahan (lalaki). Sa taong 2015 naman ayon sa isang survey na

isinagawa ng kaiser family foundation, 1 sa 3 binata nae dad 15 hanggang 17 ay nakikipag-seks

dahil sa presyur ng mga kaibigang lalaki na makipagseks sila. Maaring ang maagang

pagbubuntis ay dulot na rin ng mali o kaya ay hindi paggamit ng contraceptives, gaya ng

condom at dental contraceptives, dahil na rin sa kakulangan ng sex education.

Pre-marital Sex

Ayon sa Bibliya, ang pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay itinuturing din na pakikiapid.

Ang pakikiapid ay pakikipagtalik sa pagitan ng mga taong hindi kasal sa isa’t isa. Ang

pagkakaiba lamang na ginawa ng bibliya sa pagitan ng pre-marital sex at pakikipapid, ang

pakikiapid ay nangangahulugan na pangangalunya ay binubuo ng dalawang tao na kasal

samantalang ang pakikiapid ay para lang sa mga hindi kasal. Ang premarital sex ay katumbas

lang din ng pangangalunya at iba pang anyo ng sekswal na imoralidad.


Ang premarital sex ay isang napakahalagang usapin sapagkat ang kabataan ngayon ay

napakaliberated na nagiging dahilan ng pakikipagtalik nang hindi pa kasal kaya buhay ngayon ay

lunod sa kasalanan.

Ayon naman sa libro ni Nuel Frias (2020) na pinamagatang Urbanization and Premarital

Sex in the Philippines, isa ang Pilipinas sa mga bansang may malaking populasyon at patuloy ito

sa paglago. Ayon sa sensus, ang population ang populasyon ng Pilipinas noong taong 2000 ay

nasa 76.50 milyon at umabot ito ng 88.57 milyon noong 2007. Isang salik ditto ay ang

pagkaalam ng mga kabataan sa premarital sex.

Ang pakikipagtalik ay isang paraan ng babae at lalaki upang makabuo ng supling. Ayon

sa Bibliya, ginamit ang salitang nakilala kung kaya’t ang pagtatalik ay ang pagkilala ng lalaki sa

kanyang asawa. Ito ay isang gawain na ginagawa lamang ng dalawang tao na natamo ang

sakramento ng kasal. Ang anumang gawain na ginagawa ng dalawag taong hindi kasal ay isang

anyo ng premarital sex.

Ayon sa libro ni Corazon Mejia Raymundo na pinamagatang Premarital Sex among the

Filipino Youth, ang premarital sex ay may kaakibat din ng “social stigma”. Ang kahihiyang ito

ay maaring makaapekto sa pakiramdam o tingin ng batang ina tungkol sa kanyang mga

kakayahan sa pagiging ina at pati na rin sa kanyang pagkatao. Ang mga negatibong pananaw na

ito tungkol sa pagiging batang ina na nakakapagdulot ng mababang tingin sa kanyang sarili.

HIV at AIDS

Ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay isang napakaliit na mikrobyo, na

tinatawag na virus, na hindi nakikita ng mata. Ayon sa Hesperian Health Guides (2017), kapag

naimpeksyon ng HIV, inaatake ng virus ang immune system, ang bahagi ng katawan na
lumalaban sa impeksyon. Unti-unting pinapatay ng HIV ang mga selyula ng immune system

hanggang sa hindi na kayang ipagtanggol ng katawan ang sarili laban sa ibang impeksyon.

Karamihan ng may impeksyon ay hindi nagkakasakit mula sa HIV nang 5–10 taon. Pero sa

kalaunan, hindi na kayang labanan ng immune system ang karaniwang mga impeksyon. Dahil

maraming taon bago magdulot ng sakit ang HIV, malusog ang pakiramdam ng karamihang may

HIV at hindi nila alam na may impeksyon sila.

Samantala, ang AIDS o (Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay nabubuo

pagkatapos maimpeksyunan ng HIV. Dagdag pa ng Hesperian Health Guides, may AIDS ang

isang tao kapag humina na nang husto ang immune system niya at hindi na ito makalaban sa mga

impeksyon. Madalas, palatandaan nito ang pagiging sakitin mula sa karaniwang mga

karamdaman tulad ng pagtatae o trangkaso. Maaari ring magkaroon ang taong may AIDS ng

mga impeksyon na bihira sa mga taong walang HIV, tulad ng ilang mga kanser o impeksyon sa

utak. Ipinapayo na makakatulong ang mahusay na nutrisyon at ilang gamot para malabanan ng

katawan ang mga impeksyong dulot ng AIDS at mapahaba ang buhay. Pero walang

nagpapagaling sa AIDS mismo.

Bilang kalinawan, nabubuhay ang HIV sa mga likido ng katawan ng taong may

impeksyon—tulad ng dugo, similya at likido sa loob ng puwerta. Naipapasa ang virus kapag

nakapasok ang likidong ito sa katawan ng ibang tao.

Reproductive Health Law


Ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012, kilala rin sa tawag na

Reproductive Health Law at opisyal na tawag na republic act no 10354 ay batas sa Pilipinas na

nagsisigurado na ang bawat mamamayan ay may angkop na kakayahang makatanggap o

makakuha ng mga kaalaman may kinalaman sa mga sumusunod: kontraseptibo, kontrol sa


pagkamayabong, seksuwal na edukasyon, maternal na pagaalaga at marami pang iba. Dahil sa

matinding kapit ng relihiynh Kristiyanismo sa mga Pilipino, maraming isyu ang nakaakibat sa

batas na ito. Mahigit labing limang taon ang lumipas bago pa ito napirmahan dahil nga sa

kontrobersiya na kasangkot ang batas na ito. Pero noong nakaraang taon ng 2012 ay pinal na

pinirmahan ng pangulong Aquino ang RH bill at nagging batas na nga ito. Pinagtibay din naman

ang batas na ito ng korte suprema noong taong 2014. Kaakibat ang FDA ay sinigurado ng mga

sektor ng gobyerno na ang mga nilalaabas na kontraseptibo ay ligtas at hindi magpapahamak sa

kalagayan ng mga bata sa sinapupunan ng mga ina.

Sinabi ni Romeo Dongeto, director ng Philippines Legislators Committee on Population

and Development Foundation (PLCDP) na walang rason para hindi pa ipasa ng mga kinatawan

ang pag bobotohan sa kahihinatnan ng bill. Dinagdag pa ng PLCDP na ang paglago ng

populasyon ng Pilipinas ay 1.9% at isa sa pinakamataas sa Asya. Ganon din ang pag suporta ng

ilang propesyonal sa larangan ng medisina tulad ni Arabella Serbas, sinabi pa nya, “ I am

Catholic. Im pro the bill”. Pinaliwanag nya na sa kanyang pagtatrabaho ay may mga

komplikayon na maari sanang naiwasan kung naturuan lamang ng tama ang mga tao.

Sa kabila ng mga ito, ang ilang sector naman ay patuloy na bumabatikos sa panukala at

tinawag pa nga itong “anti-life” at “antifamily”. Noong mga katapusan ng Hulyo 2012 ay

nagsagawa pa ng apat na araw na konbensyon ang Episcopa Commission on Family and Life

para kumbinsihin ang mga manbabatas na itakwil ang batas.

Literaturang Pananaliksik

Teenage pregnancy
Ayon sapag-aaral sa bansa, 2017 census, may halos 2 milyong kalalakihan at kulang-

kulang na 1 milyong kababaihang may edad 15 hanggang 24 ang sexually active o aktibo na sa

pakikipagtalik. Dagdag pa rito, 7 porsiyento ng mga kabataang aktibo sa pakikipagtalik ay hindi

gumagamit ng contraceptives o mga kagamitang pang-kontrol para sa pagpigil sa pagbubuntis ng

babae.

Inilabas ng World Health Organization (WHO) ang isang report na tumatalakay sa 20

porsyentong mga kababaihang Pilipino ay nabubuntis sa edad pa lamang nA 19 anyos o pababa.

Kaugnay pa nito, binubuo ng 30 porsiyento ang mga batang ina. Naging puna rin ng pag-aaral na

dahilan kung bakit nangyayari ang mga ganitong kaso ay dahil sa pangunguna ng teknolohiya.

Marami sa mga kabataan ngayon ang mas nagiging babad sa iba’t ibat plataporma nito, kabilang

na ang social media kung saan sari-saring mga nilalaman ang maaring mabuksan at makita hindi

angkop sa kanilang edad. Kadalasan, ang mga tekstong ito ay nagtataglay ng pornograpiyang

nakapaghihikayat sa mga teenagers na maging mapusok at sumubok sa premarital sex.

Inilahad sa pag- aaral na isinagawa ni Dr. C. Sanchez ng Polytechnic University of the

Philippines, sinasabi na mula sa 250 na mga babaeng may anak na, 125 o 50 porsyento nito ay

may edad 15 hanggang 23, samantalng 32 porsyento ay may edad 24 hanggang 31 at 18

porsyento lamang ang nag eedad 32 hanggang 39. Makikita sa pag-aaral na ito na sa bawat taon

parami ng parami ang kabataang nasasangkot sa maagang pagbubuntis.

Pre-marital Sex

Ang premarital ay isang gawaing seksuswal na ginagawa o isinasagawa ng mga taong

hindi kasal o bago sila ikasal. Ito ay pangkasaysayang maituturing na bawal sa mga maraming
kultura at relihiyon, sapagkat naniniwala sila na ito ay kasalanan. Ngunit ngayon ay naging mas

karaniwan at katanggap-tanggap sa loob ng huling mga dekada.

Ang mga kabataan ay mahina at mabilis matukso kung kayat, karamihan sa kanila ay

nasisira ang buhay. Mapapansin na ang ilan sa mga mag-aaral ay humihinto sa kanilang pag-

aaral dahil sa pagkabuntis. Ang katotohanan na ito ay nakakaalarma kung saan kailangan ng

pansin. Sinuri ng pag aaral na ito ang pananaw ng mga mag aaral sa kolehiyo sa premarital sex.

Kung dito sa Pilipinas ang pagbabasehan, mataas ang porsyento ng pre-marital sex. Ayon sa

datos na inilahad sa isang pag- uulat sa Pilipino Star Ngayon naalarma ang Simbahang Katoliko

sa tumataas na bilang ng mga kabataang nasasangkot sa pre-marital sex. Ito’y kasunod ng 2013

Young Adult Fertility and Sexuality Study na nagsasabing isa sa tatlong kabataang Pinoy na

nagkaka-edad ng 15-24 years old ay nakikipagtalik na. Ang naturang datos ay tumaas umano ng

14 percent mula sa resulta ng pag-aaral may 20 taon na ang nakalilipas.

 Ayon naman kay Lolin Allen (2003). Marami sa mga kabataan ngayon lalong lalo na ang

mga lalaki ay mayroong malalim na presyon tuwing bago sila nagtatalik. Ang kaniyang pag-aaral

ay nagpapakita rin ng kakulangan ng mga kabataan patungkol sa sex kung kaya’t ang mga bata

ay dapat mabigyan ng sex education upang mas malinawan at maunawaan ng mga kabataan kung

ano ang iba’t ibang impormasyon patungkol sa sex.

Ayon din sa hiwalay na pag-aaral, mapag-aalaman na isa sa limang kabataan ay

nakikipagtalik na bago pa sila maging labing limang taong gulang. Ang mga kabataan naman na

lulong sa droga at nakainom ng alak ay nagkakaroon ng mas mataas na presyon tuwing sila ay

nakikipagtalik.
Sex Education sa Pilipinas

Binigyang pansin sa isang pananaliksik na mula sa davesgroup.blogspot.com na inilathala

noong March 13, 2009, ipinakita ng kanilang pananaliksik na malaki ang maitutulong ng "sex

education" upang pigilan ang paglaganap ng pre-marital sex na nagdudulot ng maagang

pagkabuntis ng mga batang babaeng Pilipino.

Ayon sa mananaliksik na ang "sex education" ay makakatulong sa mga buhay ng mga

Pilipino lalo na sa mga kabataan. Ito ay makakatulong upang mabawasan ang bilang ng mga

batang babaeng Pilipino na maagang nabubuntis at nakikipagtalik. Ang mga datos na nakalap ay

makakapagpatunay na ang kakulangan ng kaalaman sa sex at mga maaring epekto at kakalabasan

nito ay magsasanhi ng maaaring paglaganap pa ng bilang ng mga batang babae na maagang

nabubuntis.

Patungkol pa dito ang pagpapatupad ng Sex education ay magiging sagot sa lumulubong

populasyon ng Pilipinas ngunit hindi sumasang- ayon ang simbahang katoliko para dito. “Sex

education in schools is not the answer to our population problem and poverty.” Ito raw ay

nakasisira lamang sa pagtataguyod ng mahahalagang aralin at asal sa mga eskwelahan, lalo na sa

mga Katolikong institusyon. Ito lamang ay nagpapalala ng sitwasyon natin sa Pilipinas.

Paglaganap ng Pornsite

Sa panahon ng modernisasyon, mas mabilis ng makapanood ng mga rated na mga palabas

dahil sa mga umuusbong na teknolohiya. Isang click lang ay makakapunta na sa mga gustong

puntahan at panuodin. Ayon sa isang pananaliksik, mahigit 93% ng mga kalalakihan ay

nakakapanood ng porn at halos 62% naman sa mga kabataang babae ang nakakapanood bago sila

tumuntong sa hustong edad.


Ayon sa bahagdang nakalap noon 2010, mahigit 25 milyong mga sites ng pornograpiya

ang lumaganap. Kada segundo, 28,000 na tao sa buong mundo ang nanonood ng porn. Halos

3,000 dolyar din ang nagagastos dito. Ang industriya ng pornograpiya ay kumikita ng humigit

kumulang 97 bilyong dolyar at ang 1 bilyong galing dito ay nagmula sa Pilipinas. Ang average

na taong gulang na unang naeexpose sa pornograpiya ay labing isang taong gulang. Halos 90%

naman ang mga nasa edad na 8 hanggan 16 na taong gulang ang nakakapanood ng

pornograpiya.]

HIV at AIDS

Ayon sa UNAIDS (Joint United Nations Programme on HIV/AIDS) sa huling datos

noong taong 2019 may namumuhay sa bansa na positibo sa HIV at AIDS ay 97,000. 96,000 dito

ay edad 15 pataas. Ang bilang ng babae sa nabanggit na bilang ay 5,800 samantalang 91,000 dito

ay mga lalaki. At mas mababa sa bilang na 500 ang mga positibong may edad na 14 pababa.

Dagdag pa sa datos na ito, ngayong taong kasalukuyan (2020) ang may edad na 25-34 ay

may mataas na nbilang na nagpositibo sa HIV at AIDS mula sa buwan ng Enero hanggang

Marso at mas Malaki pa din ang bahagdan ng mga lalaki ang sumasakop nito na 94%.

Ayon sa Center for Disease Control and Prevention, ang AIDS (Acquired

Immune Deficiency Syndrome) ay isang nakamamatay na sakit na bunga o dulot ng virus na

tinatawag na HIV (Human Immunodeficiency Virus). Ang virus ay umaatake sa sistema ng

panlaban sa sakit ng tao – ang lymphocytes oT-helper cells. Ito ay isang uri ng white blood

cell (leukocytes) na siyang pangunahing depensa ng katawan laban sa mga sakit. Sinisira nito ang

mga bacteria at virus at iba pang microorganisms na pumapasok sa katawan ng tao. Ang normal

values ng T-helper cells ay nasa 1000 cubic millimeters (20% – 40% of total leukocyte


count). Kapag mas mababa sa 200 ang bilang, ang depensa ng katawan ay humihina,

madaling_kumapit ang iba’t ibang impeksiyon at kanser, at itinuturing nang indikasyon na ang

biktima ay may AIDS.

Maaaring magkaroon ng AIDS ang kahit sinumang tao. Noong taon 2010, tinatayang 34

milyon na tao sa buong mundo ang namumuhay na may HIV virus, 1.8 milyon ang namatay

dahil sa AIDS, at 271 Filipino OFWs ang naitala na may HIV/AIDS. Naalarma ang UN upang

gumawa ng mga hakbangin para mapigilan ang pagkalat ng HIV/AIDS at inilagay na layunin ng

bawat kasaping bansa na masugpo ang AIDS hanggang taong 2015 at ang pagkatatag ng

UNAIDS bilang pangunahing kamay ng UN sa pagpigil ng paglaganap at pagmomonitor ng mga

kaso ng HIV/AIDS sa buong mundo.

Humaharap ang Pilipinas sa mabilis na pagtaas ng kaso ng HIV sa parte ng Kanlurang

Pasipiko na may 174% ang itinaas mula 2010 hanggang 2017. May naitalang bagong kaso noong

Agosto, 2018 na aabot sa 1074 kaso. Upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso,

imunumungkahi ni Gangcuangco (2019) ang malawak na kamalayan pagdating sa kalusugan.

Higit na matutugunan ang problemang ito kung mabibigyan ng importansya sa larangan ng

medikal ang agarang pagkakita sa may HIV. Ang krisis na ito ay lubhang lumalala na sa

Pilipinas kaya naman dapat maturuan ang kabataan hinggil sa isyu na iyo, at pagpapalakas sa

larangan ng medikal ang isang magandang unang aksyon.

Sintesis

Ang pilipinas ay isa sa mga bansang may mataas na bilang ng may maagang pagbubuntis

o teenage pregnancy, kabataang maagang namulat sa reyalidad ng isang pamilya, at mga

gawaing hindi angkop sa kanilang murang edad. Lumabas din sa ilang pag-aaral ang iba’t ibang
dahilan kung bakit humahantong sa mga ganitong sitwasyon ng buhay. Kabilang na riyan ang

kawalang gabay ng magulang, pag-uudyok ng mga nakapaligid na indibidwal, pagrerebelde,

maling paggamit ng social media, at pagkakaroon ng mapusok na damdamin. Naglabas ang

Departamento ng Edukasyon o DepEd ng isang polisiya kung saan magkakaroon ng

comprehensive sex education sa kurikulum na naglalayong maturuan ang mga kabataang

patungkol sa usaping sekswalidad at mga isyung nakapaloob, maging ang mga posibleng

responsibilidad nito sa kanila. Batid din nila na makakatulong ito sa pagpapababa ng kaso ng

maagang pagbubuntis.

Konseptwal na Balangkas

PERSEPYON NG MGA MAG-AARAL MULA SA


DEPARTAMENTO NG ARIDFA PATUNGKOL SA
PAGSASABATAS NG “SEX EDUCATION”

SARBEY-KWESTYONEYR

PAG-UNAWA NG MGA MAG-AARAL SA


SEX EDUCATION AT MGA SALIK NA
KANILANG PINAGBATAYAN
Depenisyon ng Terminolohiya
Teenage Pregnancy – ito ang maagang pagdadalangtao o pagbubuntis ng isang babae sa murang

edad.

Pre-marital sex – ito ay isang gawaing seksuswal na ginagawa o isinasagawa ng mga taong

hindi kasal o bago sila ikasal. Ito ay pangkasaysayang maituturing na bawal sa mga maraming

kultura at relihiyon, sapagkat naniniwala sila na ito ay kasalanan.

Reproductive Health Law - batas sa pilipinas na nagsisigurado na ang bawat mamamayan ay

may angkop na kakayahang makatanggap o makakuha ng mga kaalaman may kinalaman sa mga

sumusunod: kontraseptibo, control sa pagkamayabong, seksuwal na edukasyon, maternal na

pagaalaga at marami pang iba

HIV - ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay isang virus na kung saan kalimitang

inaatake ay ang immune system ng isang tao. Pinapatay nito ang selyula ng immune system na

importanteng pang laban sa iba’t-ibang uri ng impeksyon.

AIDS – ang AIDS o (Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay nabubuo pagkatapos

maimpeksyunan ng HIV.

You might also like