You are on page 1of 2

Sa panahon ngayon, lalong 

nagiging mahirap ang mundong ating


ginagalawan. At isa na sa mga bansang humihirap ay ang ating bansang Pilipinas.
Ano nga ba ang mga kasalukuyang suliraning panlipunan sa ating mundo, lalo
na sa Pilipinas?
Isa na sa mga suliraning hinaharap ng ating bansa ay ang teenage pregnancy.
Ang teenage pregnancy ay isang sitwasyon kung saan naaapektuhan ang mga
kabataang babae dahil sap ag bubuntis sa mababang edad. Ayon sa isang pag-aaral na
ginawa ng UN population Funds o UNFPA mataas ang kaso ng teenage pregnancy sa
Pilipinas. Sa aking palagay tumataas ang kaso ng teenage pregnancy sa ating bansa
dahil kakulangan sa kaalaman at hindi pag isip sa mga komplikasyon na maaring
mangyari sa kanilang kinabukasan. Sa tingin ko isa pang dahilan ng teenage
pregnancy ay dahil sa kaso ng rape. Nangyayari ang panggagahasa dahil sa
kuryusidad at sekswal na pagnanais na nag tutulak sa mga tao na gumawa ng
masasamang bagay. Ang isa pang dahilan ng rape ay dahil sa kapangyarihan ng galit
at dahil sa kanilang pagka walang pakialam sa ibang tao at sarili lang nila ang
kanilang iniisip. Kaya’t buong igting kong sinusuportahan ang RA 8353 at dapat
pang paigtingin at palakasin ang batas na ito sapagkat pinoprotektahan nito ang mga
kababaihan lalo na ang mga kabataang kababaihan.
Sa aking pananaw dapat palaging bantayan ng mga magulang ang kanilang
mga anak at alagaan sila upang mapigilan sila sa paggawa ng mga hindi kasiya-siyang
desisyon. Dapat din silang managot sa mga ginagawa ng kanilang mga anak.
Marami akong nasabing dahilan ng teenage pregnancy ngunit ano ng ba ang
mga epekto nito sa buhay ng isang tao. Kumbinsido akong ang teenage pregnancy ay
magkakaroon ng negatibong epekto sa pag-aaral ng dalaga sapagkat mapipilitan silang
maging full time sa mga alalahanin at pangangailangan ng sanggol. Ito ay maaring
humantong sa kanilang paghinto sap ag-aaral upang alagaan ang kanilang anak. Dahil
dito mahihirapan silang makakuha ng trabaho sa hinaharap dahil sa kanilang
educational background.
Kung hindi ako nagkakamali marami ding magiging epekto ang teenage
pregnancy sa kalusugan ng dalaga. Ayon sa National Institutes of Health, mayroong
mas mataas na panganib sa mga sumusunood na sakit sa mga batang ina tulad ng
preeclampsia, ito ay isang high blood pressure disorder na maaring mangyari sa
panahon ng panganganak at sakit na tinatawag na anemia kung saan kulang ang
katawan sa red blood cells at marami pang ibang sakit na maaring umabot sa
pagkamatay ng dalaga. Mayroon ding mga epekto ang teenage pregnancy sa
kalusugan ng sanggol. Isa sa mga epekto nito ay ang premature birth kung saan ang
sanggol ay pinanganak ng maaga o bago matapos ang tatlumput pitong lingo ng
pagbubuntis at may mataas na posibilidad na pagkamatay ng sanggol o magkaroon ng
seryosong kapansanan. Isa pang epekto ay ang severe neonatal condition. Ang mga
genetic disorder, congenital anomalya at metabolic issues ay maaaring mangyari sa
unang buwan ng buhay.
Kung ako ang tatanungin maiiwasan ang teenage pregnancy kung ang mga
bata ay mayroong sapat na kaalaman tungkol sa paksang ito. Dapat ang mga paaralan
ay mayroong klase kung saan tinuturo ang ganitong paksa para bumaba na ang mga
kaso ng teenage pregnancy. At katulad ng sinabe ko kanina dapat mas lalo pang
paigtingin at patibayin ang anti-rape law of 1997.
Labis akong naninindigan na dapat sa edad ng mga teenager dapat naka focus
muna sila sap ag aaral at hind isa kung ano ano pa.
Lubos kong pinaniniwalaan na ang isa sa mga pangunahing alalahanin ng
pagkakaroon ng isang anak o pagiging isang magulang ay gawin ito kung kayo ay
nasa tamang edad na at handa harapin ang mga responsibilidad ng pagiging isang
magulang.

You might also like