You are on page 1of 5

Pangalan: Grace Ann Templanza Petsa: Peb 4,2024

Seksyon: 11HUMSS2 Tekstong impormatibo

TEENAGE PREGNANCY
Ang teenage pregnancy ay isa sa mga kasalukuyang isyung panlipunan sa ating
bansa. Ang ilan sa mga dahilan kung bakit ito'y nauuso sa mga kabataan ay dahil sa
kuryosidad at kakulangan ng kaalaman. Kapag sinabing sex, karamihan sa mga
kabataan ay tatawanan lamang ito. Ang hindi alam ng karamihan, ang teenage
pregnancy ay isang seryosong isyung panlipunan na kailangang bigyan pansin.
Ang pagtaas ng teenage pregnancy rate ay nag-ambag ng krisis sa populasyon ng
bansa. At ito rin ang dahilan ng paghinto ng pag-aaral sa mga kabataan at
karamihan sa kanila ay umaasa lang sa kanilang mga magulang dahil walang
trabaho kaya mas lumaganap ang kahirapan dito sa bansa.
Ano ang mga sanhi o factors ng teenage pregnancy?
Bukod sa teknolohiya, marami pang ibang mga dahilan kung bakit maagang
nabubuntis ang mga kabataang babae. Narito ang ilan sa mga ito:
→ Peer pressure - maaaring ang dalaga ay nagpapadala sa mga kaibigan o sino
mang nakapaligid sa kaniya. Kadalasan ang magbabarkadang madalas ay partner-
partner kapag lumabas o gumumigimik, ay nagiging mas mapusok lalo na kung
nakainom na ng alak o anumang alcoholic drink. Madalas din, ito ay dahil sa
kagustuhan ng kani-kanilang mga kapareha o kaya naman, ng magkapareha. Ayon
sa isang pag-aaral, 1 sa bawat 3 binata, edad 15-17 years old, ay nakikipag-sex
nang dahil sa pressure na dulot ng mga kaibigang kalalakihan. Sila ay pinipilit ng
mga kabarakdang makipagtalik sa kasintahan o kabarada ring babae.
→ Pag-inom ng alak o ano mang alcoholic drink - Ika nga ng nakararami, "Pag
may alak, may balak." Kadalasan, dala ng kalasingan, nagiging mas mapusok ang
mga kabataan at natutuksong gumawa ng hindi dapat, kagaya ng pakikipagtalik sa
mura nilang edad. Kaya naman nagreresulta ito, madals sa maagang pagbubuntis.
→ Kakulangan sa kaalaman tungkol sa pakikipag-sex- Partikular sa ating bansa,
ang sex education na dapat na itinuturo sa mga paaralan ay isang napakalaking isyu
at diskusyon. Bagamat napakalakas ng panawagang nanggagaling mula sa iba't-
ibang sektor sa Pilipinas para sa usaping ito, mahigpit pa ring tumututol ang
simbahang Katoiko, maging ang iba pang mga konserbatibong organisasyon.
→ Internet at social media - Ito ay naituturing ngayon na pangunahing dahilan ng
maagang pagbubuntis. Totoo at hindi maikakailang ang internet ay hitik na hitik sa
mga pornogrpiyang materyal na napakadaling i-access ng mga kabataan ngayon.
→ Personal na problema - Ang kabataang may problema sa pamilya ay sa mga
kabarkada naghahanap ng kalinga at atension. Madalas, ang akala nila sila ay
nakahanap na ng karamay kapag kasama ang kanilang mga kaibigan dahil
'sinasamahan' sila sa lahat ng oras. Ngunit halos sa lahat ng oras ng pagsasama,
may kaharap namang alak o mas malala pa, droga, kapag nagkakasama-sama. Base
sa pag-aaral at mga pakikipanayam sa mga awtoridad, dalawa lang o isa sa dalawa
ang madalas na kahihinatnan ng pag-iinuman at pagdodrogang dala ng personal na
problema. Ito ay ang pakikipag-basag-ulo sa iba pang mga kabataan, o pakikipag-
sex sa kapareha o sino mang makilalang 'game' ding makipagtalik.

Mga posibleng epekto ng maagang pagbubuntis


Malaki ang tsansa ng pagkakaroon ng negatibong epekto ang maagang
pagbubuntis. Ilan na sa mga ito ang mga sumusunod:
→ Physical, emotional, psychological at mental na suliranin - ito ang nagiging
dulot kadalasan ng pagbubuntis ng maaga o teenage pregnancy sa mga kapamilya
at kamag-anak, at maging sa magiging anak. Dahil hindi pa handa ang
pangangatawan at lack of knowledge ng mga kabataang ina, napakalaki ng
tsansang magkaroon ng premature birth o ano pa mang kumplikasyon sa mental at
pisikal na kundisyon ng bata. → Sex-related na sakit - Ang sakit na may kinalaman
sa napakarami pang karamdaman sa katawan ang maaaring makuha dulot ng
maagang pagbubuntis gaya ng body impairments, chronic at respiratory diseases at
higit sa lahat, ang sexually-transmitted disease o mas kilala sa tawag na STD.
→ Pagkasira ng kinabukasan - Ang teenage pregnancy ay puwedeng maging
dahilan ng sapilitan na paghinto sa pag-aaral na puwedeng magresulta ng pagkasira
ng isang napakagandang kinabukasan.
→ Aborsyon - dahil sa tinatawag na untimely pregnancy, nang dahil sa
pagbubuntis ng maaga, nakapag-iisip na magpalaglag ang isang kabataang babae,
maging ang kaniyang kapareha.
Mga kahihinatnan ng pagbubuntis ng malabata
Ang isa sa mga agarang kahihinatnan para sa hinaharap na ina ng tinedyer - na
nagpasiya na magkaroon ng sanggol ay huminto sa pag-aaral. Ang pangunahing
layunin ng binatilyo ay upang makahanap ng trabaho na makayanan ang bagong
gastos sa ekonomiya
Karaniwan, ito ang mga trabahong may mababang kasanayan at may mababang
suweldo, dahil ang kabataan ay hindi pa nakakakuha ng isang buong pagsasanay sa
akademiko. Sa paglaon, mahirap para sa kanila na ipagpatuloy ang kanilang pag-
aaral, na maaaring magpatuloy sa isang sitwasyon ng kahirapan sa pamilya
nucleus.
Paano makitungo sa pagbubuntis ng kabataan?
Kapag naganap na ang hindi ginustong pagbubuntis, ang mga desisyon na gagawin
ay dapat na maingat na masuri, dahil makakaapekto ito sa kagalingan ng kabataan
sa buhay. Kung magpasya silang magpalaglag, isuko ito para sa pag-aampon o
itaas ang kanilang anak, ang kanilang buhay ay mababago nang radikal, walang
posibilidad na maitama.
Sa unang dalawang sitwasyon, ipinakita na ang mga batang dalagita ay may
posibilidad na magpakita - maaga o huli damdamin ng pagkakasala,
panghihinayang at kakulangan sa ginhawa ng sikolohikal, na makakaapekto sa
kanila sa maraming mga lugar sa kanilang buhay.
Sa kaganapan na magpasya kang magkaroon ng sanggol, haharapin mo ang
maraming mga gawain na kung saan hindi ka pa handa.
Upang harapin ang sitwasyong ito, kung saan nagpapasya ang bata na magkaroon
ng sanggol, bibigyan ka namin ng ilang mga tip na makakatulong sa iyo.
Mga dapat gawin upang maiwasan ang teenage pregnancy
Kung ikaw ay may anak na kabataang babae, mainam na malaman mo kung paano
makakaiwas ang iyong anak sa maagang pagbubuntis. Habang maaga, maging
alerto na sa mga posibilidad na
mangyari ito. Mas mabuti ring maturuan ang mga kabataan sa tamang pakikitungo
sa kapwa nila kabataan. Narito ang iba pang mga rekomendadong gawin:
1. Sapat na kaalaman tungkol sa family planning at contraceptives - kabilang dito
ang paggamit ng birth control pills o condom, at iba pang pangkontra sa maagang
pagbubuntis. Subalit mas madaling ipaliwanag sa kabataan ang family planning.
2. Pagtibayin at siguraduhing buo ang relasyon ng isang kabataan sa kaniyang
pamilya. Kabilang na rin dito ang lakas ng pananampalataya sa Diyos at pagtutok
sa kaniyang pag-aaral.
3. Ituro, sa kabila ng murang edad, ang seksuwalidad. Ipakilala ang anak o
kabataan sa sex education at kung gaano kahalaga na alamain ito.
4. Mahalagang kilala mo bilang magulang, kung sino-sino ang kasama araw-araw
ng iyong mga anak. Subukang kaibiganin ang mga kibigan ng iyong anak para
malaman ang kanilang ugal nang sa gayon's mapayuhan din ng mga dapat at di
dapat gawin bilang mga
kabataan.
5. Hangga't maaari, piliting maging best friend' ng iyong anak. Hikayating maging
open ang iyong anak sa iyo tungkol sa kaniyang mga suliranin at iparamdam sa
kaniyang siya ay naiintindihan mo, ano man ang pin and as a an an niya.
Makatutulong ito para a hindi makaisip na gumawa ng mga bagay na hindi dapat
kung alam niyang siya ay may magulang na maaasahan sa anumang oras.

https://www.studocu.com/ph/document/polytechnic-university-of-the-
philippines/senior-high-school-stem/tekstong-impormatibo-
pagbasa/31021062?fbclid=IwAR3mKDBQEpHkyips-1BU4hGcHjSEVE-
LZ4nvEO80XJ8Lois-zUpxuohXyxw
Mga tanong at sagot:
1. Ano ang layunin ng tekstong nabasa?
Sagot: Ang layunin ng nabasang teksto ay magbigay kaalaman at kamalayan ukol
sa teenage pregnancy na isyu hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.
Naglalaman ng mga sanhi, epekto, at posibleng solusyon sa isyung ito. Nagbigay
rin ng gabay ang tekstong ito para sa mga magulang at kabataan kung paano
maiiwasan ang teenage pregnancy. Layunin din nito na magbigay ng pag-unawa at
suporta sa mga kabataang mayroong ganitong problema o suliranin.

2. Ano ang kahalagahan ng tekstong binasa sa inyong piling larangan?


Sagot: Ang tekstong nabasa ay may mahalagang papel sa larangan ng kalusugan at
edukasyon dahil nagbigay ito ng kaalaman at kamalayan ukol sa teenage
pregnancy. Ito ay naglalayong magbigay solusyon at gabay sa mga kabataan,
magulang, o kung sino man upang maiwasan ang maagang pagbubuntis. Sa
pamamagitan ng pagturo ng sex education, nakakatulong ito sa mga pagpapalakas
ng kalusugan at kabutihan ng mga kabatan sa lipunan.

3. Paano mo nasabi na ito ay isang halimbawa ng tekstong impormatibo?


Magbigay ng tatlong patunay.
Sagot: Ang tekstong binasa ay isang tektstong impormatibo dahil ito ay
naglalaman ng impormasyon at kaalaman tungkol sa teenage pregnancy, mga
sanhi, epekto, at solusyon nito. Ibinahagi rin ang mga datos upang spuportahan ang
mga pahayag at mga punto na binabanggit. Ginamit nito ang malinaw na
pagsasalaysay upang maiparating ang kahalagahan ng mensahe at layunin ng
teksto na magbigay gabay at kaalaman sa mga mambabasa.

You might also like