You are on page 1of 1

http://ptsafilipinonaipapasakaygnoongalbito.blogspot.

com/2017/11/ano-nga-ba-ang-teenage-
pregnancy-ang.html?m=1

Miyerkules, Nobyembre 1, 2017

Ano nga ba ang teenage pregnancy?

-                         Ang teenage pregnancy o pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19 ay isang


malawakang isyu hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ayon sa estadistika ng Save
the Children, 13 milyong babae sa iba’t ibang parte ng mundo ang nabubuntis sa edad 20
pababa taun-taon. Dahil dito, malawakang kampanya ang ginagawa ng mga gobyerno upang
ibaba ang bilang ng kaso ng teenage pregnancy.

Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority (PSA), kada oras, 24 na sanggol ang sinisilang ng
mga teenage mothers. Ang datos na ito ay sinususugan ng 2014 Young Adult Fertility and Sexuality
(YAFS) study. Mga 14% ng mga Pilipina na may edad aged 15 to 19 ay buntis o di kaya mga ina na.
Mataas ang bilang na ito, lalo na kung ikukumpara sa mga ibang bansa sa Southeast Asia. Tayo ang
pinakamataas sa rehiyon kapanalig, at sa atin lamang tumataas ang bilang ng teenage pregnancy.  Ayon
sa YAFS, dalawa sa mga dahilan ng mga kabataang nabubuntis ay ang pagkasira ng kanilang buhay
pamilya at kawalan ng maayos na female role models sa kanilang tahanan. Maliban dito, marami sa mga
teenage mothers ay maralita, at maraming eksperto ang nagsasabi, ang teenage pregnancy ay simtomas
ng kahirapan.

Ano ang mga sanhi o factors ng teenage pregnancy?

Peer pressure. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, ang mga teenager ay kadalasang


nakadarama ng peer pressure na makipagkaibigan at maging kapareho ng kanilang mga kaedad. Sa
maraming mga pagkakataon, ang mga kabataang ito ay pumapayag na maimpluwensyahan sila na
makipagtalik kahit na hindi pa nila lubos na naiintindihan ang kaakibat na mga resulta ng ganitong mga
gawain. ANg mga kabataan ay nakikipagtalik dahil ang akala nila ay pinagmumukha sila nitong cool at
naaayon sa uso. Ngunit kadalasan, ito ay nauuwi sa hindi inaasahang pagbubuntis.

Kawalang tamang gabay ng mga magulang. Ang isang kabataang babaeng ay mas malamang na
mabuntis kung limitado o walang tamang patnubay ng kaniyang mga magulang. Ang mga magulang na
sobrang busy ay hindi nakapagbibigay ng tamang gabay sa kanilang mga anak na gumagawa ng
imporatanteng mga disiyon sa buhay, halimbawa ay sa maaagang pakikipagtalik at kung ano ang
teenage pregnancy. Kapag ang isang bata ay hindi komportable na ipakipagusap ang kaniyang problema
dahil sa bawal nap ag usapan ang sex sa bahay, o kaya naman sobrang busy ng kaniyang mga
magulang para dito, maghahanap siya ng mga kasagutan sa ganitong mga isyu sa kapwa niya mga
kaedad. Pwede itong mauwi sa palitan ng maling mga impormasyon na maaaring

You might also like