You are on page 1of 1

Abad,Azilef T.

STEM 1

Sadyang nakakagulat ang datos ukol sa teenage pregnancy sa ating bansa. Ayon sa 2014 datos ng
Philippine Statistical Authority (PSA), kada oras, 24 na sanggol ang sinisilang ng mga batang ina. Ang datos
na ito ay sinususugan ng 2014 Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS) study. Mga 14% ng mga Pilipina
na may edad aged 15 to 19 ay buntis o di kaya mga ina na. Mataas ang bilang na ito, lalo na kung ikukumpara
sa mga ibang bansa sa Southeast Asia. Tayo ang pinakamataas sa rehiyon, at sa atin lamang tumataas ang
bilang ng teenage pregnancy.

Malaking isyu ang teenage pregnancy sa pamilya at lipunan. Unang una, malaki ang epekto nito sa
buhay ng batang magsisilang at isisilang. Marami sa mga teenage mothers ay tumitigil mag-aaral, bago pa man
mabuntis, o habang buntis. Marami sa kanila ay mahihirapan ng mag-aral pa o maghanap ng kasanayan dahil
sa kanilang bagong obligasyon. Ang sanggol at ang ina ay maghihirap, at papahabain uli ang siklo ng
kahirapan ng kanilang pamilya.

Maraming mga dahilan kung bakit nangyayari ang mga kabataang nabubuntis. Una ay ang pagkasira
ng kanilang buhay pamilya at kawalan ng maayos na female role models sa kanilang tahanan. Maliban dito,
marami sa mga teenage mothers ay maralita, at maraming eksperto ang nagsasabi, ang teenage pregnancy ay
sintomas ng kahirapan.

Ang teenage pregnancy ay malaki ang implikasyon sa health care ng bansa. Ang kanilang katawan ay
hindi pa rin handa sa mabilis na pagbabago na kaakibat ng pagbubuntis. Marami sa kanila ay nahihiyang
magpa check up, hindi maayos ang nutrisyon, at nahaharap sa risk ng maternal death. Tumataas nga ang bilang
ng mga teenagers na namamatay dahil sa pagbubuntis. Noong 2013 ay sampung porysento sa kanila ang
namatay Kailangan ng ibayong atensyon ng ating kabataan ngayon.

Ang mga isyung kanilang kinahaharap ay nakakaparalisa at nakakapigil buhay sa kanilang hanay.
Kailangan nila ng gabay una mismo sa kanilang pamilya. Ang pagpapatatag ng pamilya ay isang
makapangyarihang tugon sa isyung ito. Kailangang,maiahon ang mas maramng pamilya sa karalitaan upang
mabawasan ang bilang ng mga out of school youth. Kailangan mabigyan ang mga pamilya at ang kanilang
anak ng mga kasanayan na maaring tumulong sa kanila gumawa ng maiinam na desisyon para sa kanilang
sarili at pamilya. Kailangan din ng mas maigting na pastoral formation sa mga pamilya; kailangan silang
mabigyang gabay ispiritwal.

You might also like