You are on page 1of 3

Sintesis/Buod

Pamagat: Epekto ng maagang pagbubuntis sa kabataan

Thesis Statement: Ang Epekto ng maagang pagbubuntis sa kabataan ay talaga namang nakakasama
sapagkat nakakaapekto ito sa pisikal, emosyonal at mentalidad ng menor de edad.

Anyo: Background Synthesis

Uri: Explanatory

Pamamaraan:

Pagbubuod:

Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority (PSA), kada oras, 24 na sanggol ang isinisilang ng
mga teenage mothers. Tayo ang pinamataas sa rehiyon kapanalig, ata sa atin lamang tumataas ang
teenage pregnancy. . Mataas ang bilang na ito, lalo na kung ikukumpara sa mga ibang bansa sa
Southeast Asia.

Paghahalimbawa:

Ayon sa website na armageddonviews ito ang mga halimbawa ng epekto ng maagang pagbubuntis.

Pisikal, Mental, Emosyonal at Sikolohikal na Suliranin dulot ng teenage pregnancy sa mga kaanak,
magulang at sa mga bata. Dahil sa hindi handang katawan at kakulangan sa kaalaman ng kabataang ina
malaki ang posibilidad na magkaroon ng premature birth, at iba pang komplikasyon s pisikal at mental.

Sakit na kaugnay maraming sakit sa katawan ang pwedeng makuha sa maagang pagbubuntis katulad ng (
chronic, respiratory diseases at body impairments) Lalo na ang STD o sexually transmitted disease.
Pagkasira ng Kinabukasan ang maagang pagbubuntis ay maaaring magdulot

nang sapilitang pagtigil ng kabataan sa pag-aaral na maaaring magdulot ng pagkasira ng magandang


kinabukasan.

Aborsiyon dahil sa di sinasadya ang pagbubuntis ay ipapalaglag nalang ang bata.

Pagdadahilan:

Isa sa dahilan ng maagang pagbubuntis ay sinasabing dulot ng “peer pressure” o pagpapadala sa mga
taong nakapaligid sa isang tao, hindi paggamit ng “contraceptives”, relasyon sa magulang at iba pang
kapamilya at medya (Guttmacher Institute, 2005).

Ayon naman sa YAFS Young Adult Fertility and Sexuality dalawa sa dahilan ng mga kabataang nabubuntis
ay ang pagkasira ng kanilang buhay pamilya at kawalan ng maayos na female role sa kanilang tahanan.

Komparatib/Kontrast:

Ayon sa National Health and Demographics Survey noong 2013 at Young Adult Fertility and Sexuality
(YAFS) study, isa sa sampung babae may edad 15-19 sa ating bayan ay ina o buntis na. Mga 14 percent
ng mga Filipinang babae may edad 15 hanggang 19 ay buntis o di kaya mga ina na rin.

Ayon kay Larrize (2017) Ang maagang pag bubuntis ay ang pagdadalang tao ng isang babae kung saan ay
wala pa siya sa hustong gulang ng pagbubuntis. Ngunit isa sa mga nakakalungkot na dahilan ng maagang
pag bubuntis ay ang “RAPE”. Ang iba sa kanila ay biktima lamang ng pang gagahasa ng walang awang
mga tao. Sa makatuwid, wala silang balak na magkaroon ng anak sa murang edad pa lamang.

Strawman Teknik
Ang magandang maidudulot ng maagang pagbubuntis ay masusubaybayan mo ang paglaki ng bata
hanggang siya ay magpakasal na. At bukod pa dito dahil sa bata pa ay maaaring magkaroon ng malaking
tyansa na mapagtapos sa pag-aaral sapagkat may kakayahan pang makapagtrabaho di tulad nga mga
may edad na ng mabiyayaan ng anak.

Ngunit ang lahat ng ito ay sinasalungatan ng websayt na teenage pregnancy, ayon dito Ang mga batang
magulang o maagang nabubuntis ay hindi pa lubos ang kaalaman at hinda pa lubos na handa sa mga
responsibilidad na haharapin nila. At ayon pa dito, madaming mga kabataang mahihirap na may anak
dahil hindi sila nakapag-aral, hindi sila makakapag trabaho dahil hindi wasto amg kanilang pinag aralan.

Konsesyon:

Ayon kay Malagenio (2017), Walang maidudulot na maganda kapag nabuntis ka sa morang edad ,kaya
bago mo gawin ang isang bagay kailangan ng pagpla-plano isipin mong mabuti kung ano ang maaaring
kalalabasan, kung ano ang maaaring masira sa iyong buhay at kinabuksan.

Lahat ng bagay may tamang panahon wag kang magmadali ,kung marunong kang maghintay ,darating
din ang bagay na ito, ang oras at panahon na handa kana lalong lalo na ang magkaroon ng anak.

You might also like