You are on page 1of 2

Ma. Theresse B.

Balmorida XII-Resilience
Masidhing emosyon ang kalaban ng kabataan ngayon. Ang mga emosyong di-
maiwasang pa iba-iba at mga desisyong padalos-dalos na kalaunan ay
pinagsisisihan. Ang pagiging pagkamausisa sa mga bago at kakaibang
karanasan na naririnig sa ibang kabarkada o tao, napapanood sa telebisyon, sa
internet at iba pa na maaring mapunta sa isang pangyayaring di kaaya-aya.
Ang maagang pagbubuntis o ‘teenage preganancy’ ay isang napakalaking isyu di
lang sa ating bansa ngunit sa iba’t-ibang panig ng mundo din. Sa datos ng
Philippine Statistical Authority (PSA) noong 2014 ay dalawampu’t-apat na
sanggol ang isinisilang na ang mga ina ay ‘teenager’ pa. Naging mas
kanpanipaniwala ito ng sumuporta dito ang datos na inilabas ng Young Adult
Fertility and Sexuality (YAFS) noong 2014 na nagsasaad na 14% ng mga
Pilipinang may edad na 15-19 ay buntis o di kaya ay ina na.
Ano ba ang naging dahilan kung bakit ganito katulin ang pagtaas ng bilang ng
mga kabataang nasasangkot sa ‘teenage pregnancy’? Base sa sulating
nailimbag ng ABS-CBN Lifestyle sa taong 2016, nakasaad na ang pangunahing
dahilan nito ay ang impluwensiya ng teknolohiya na naging bahagi na ng pang
araw-araw, bata man o matanda. Ang sumunod na sanhi ay ang ‘peer pressure’
o ang pagkadala ng dalaga dahil sa sutsot o impluwesiya ng mga kaibigan. Maari
ding ito ay dahil sa pagiging mahilig sa pag-inom ng alak na sa tuwing nalalasing
ay hindi na napipigilang maging mapusok at gumawa ng mga bagay na hindi
dapat. Pwede ding dahil sa kakulangan sa kaalaman sa larangan ng pagtatalik at
di makapaghinatay na subukan ito lalo na’t walang ‘sex education’ ang Pilipinas.
Ngunit maari din na ang dalaga ay may personal na problema sa pamilya na
naghahanap ng kalinga at atensiyon sa iba.
Sa bawat sanhi ay may kaakibat na epekto talaga ito. Ang mga kabataang
maagang nabubuntis ay maaring magkaroon ng suliranin sa pisikal, emosyonal,
at pangkaisipang aspeto. Ang katawan ay hindi pa handa at kulang pa ang
kaalaman ng batang ina ay posibleng ang bata ay magiging ‘premature’ o lalabas
ng mas maaga sa inaasahan. Ikalawa ay hindi imposibleng may potensyal na
makakakuha ang dalaga ng ‘sex-related’ na sakit gaya ng AIDS. Ang kanilang
inabukasan ay masisira o maantala dahil silaay titigil talaga sa pag-aaral ng
halos isang taon at may iba pang mga babae na hindi na bumabalik sa pag-aaral
dahil sa kahihiyan, wala ng gana at iba pa. Mas malala nito ay kung ang babae
ay mapapasyahan na gawin ang aborsyon. Ang aborsyon ay ang pagpapalaglag
ng bata galing sa sinapupunan ng ina habang hindi pa masyadong malaki ang
sanggol sa loob at ito ay napakalaking kasalanan sa Dyos. Tandaan na ang
kamalian ay di dapat sinusulosyonan sa pamamagitan ng isa pang kamalian
dahil mas doble ang magiging kasalanan mo sa Diyos kung baka sakali.
Ang pagbubuntis ng maaga ay maaring maiwasan sa iba’t-ibang paraan. Una,
ang sapat na kaalaman sa family planning at contraceptives gaya ng mga birth
control pills at iba pang mga gamot na pwedeng kokontra sa maagang
pagbubuntis. Ikalawa ay ang maayos at matatag na relasyon ng mga kabataan
sa kanilang pamilya at sa Diyos upang merong mga taong gagabay sa kanila
tungo sa paggawa ng tamang mga desisyon. Pangatlo, kung maari ay alamin
dapat ng mga maglang kung sino ang kasama ng kanilang mga anak araw-araw
at mas hikayatin pa ang anak na huwag matakot sa kanila na magsabi ng mga
sikreto. Sa halip na magulang at anak na relasyon dapat iparamdam ng mga
magulang na sila ay parang ‘best friend’ ng kanilang mga anak. Panghuli ay ang
‘sex education’ o ang pagtuturo sa mga kabataan tungkol sa seksuwalidad.
Meron talagang mga bagay na panandalian ngunit magiiwan ng pangmatagalan
paghihirap sa bawat tao kaya mag-isip at maging wais sa mga desisyon na
gagawin. Huwag marupok at padalos-dalos sa mga pasyang gagawin dahil isang
mali mo lang ay maaring maging dahilan ng pagkawala ng lahat ng kung anong
meron ka ngayon. Ika nga nila, ‘’think, think and think again before you make
actions

You might also like