You are on page 1of 25

Elemento ng

Tekstong
Impormatibo
1.Layunin ng may-akda
• Maaring layunin niyang mapalawak
pa ang kaalaman tungkol sa isang
paksa; maunawaan ang mga
pangyayaring mahirap
ipalliwanag;matuto ng maraming
bagay ukol sa ating
mundo;magsaliksik;at mailahad ang
mga yugto sa buhay ng iba't ibang
uri ng insekto,hayop,at iba pang
2.Pangunahing Ideya
• Di tulad ng tekstong naratibo na
hindi agad inihahayag ng manunulat
ang mga mangyayari upang mapaabot ang
interes ng mambabasa sa kasukdulan na
akda,sa tekstong impormatibo ay
dagliang inialahad ang mga
pangunahing ideya sa mambabasa.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng pamagat sa bawat
bahagi.
Cyberbullying
Paano naiiba ang Cyberbullying
sa Harapang Pambu-bully?
Ano-ano ang Epekto ng
Cyberbullying?
Ano na ba ang Sitwasyon ng
Cyberbullying sa Pilipinas?
Ano ang maaring Gawin ng Isang
taong Nabiktima ng
Cyberbullying?
3.Pantulong na Kaisipan
• Mahalaga rin ang paglalagay
ng angkop na mga pantulong na
kaisipan o mga detalye upang
makatulong mabuo sa isipan ng
mambabasa ang pangunahing
ideyang nais iparating ng
teksto.
Cyberbullying
Ito ay pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya.Ang ilang halimbawa nito ay ang
pagdadala ng mensahe ng pananakot,pagbabanta,o
pagtataglay ng masamang salita maging sa text o e-
mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-
usapan,larawan o video,at iba pa sa social
media;pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira at
walang basehang komento;paggawa ng mga pekeng
account na may layuning mapasama ang isang tao;pag-
hack sa account ng iba upang magamit ang personal
account ng isang tao nang walang pagsang-ayon;at iba
pang uri ng harassment sa pamamagitan ng
teknolohiya.
Paano naiiba ang Cyberbullying
sa Harapang Pambu-bully?
Para sa isang biktima,mas mahirap at mas
matindi ang cyberbullying kaysa sa harapang
pambubully. Ang harapang pambu-bully ay
nangyayari sa isang lugar at isang panahon.
Kapag hindi magkaharap ang bully at biktima
ay walang pambu-bully na nagaganap. Samantala
ang cyberbullying ay maaring mangyari nang
24/7. Ibig sabihin,kahit hindi magkaharap
bully at biktima,o kahit natutulog o nasa
loob ng tahanan,ang cyberbullying ay patuloy
na nangyayari.
Ano-ano ang epekto ng
Cyberbullying?
Sa cyberbullying ay walang pisikal
na pananakit sa nangyayari di tulad
ng harapang pambu-bully na kung
minsa'y humahantong sa pananakit
subalit mas matindi ang sakit at
pagkasugat ng emosyon o emotional at
psychological trauma na maaring
maranasan ng isang biktima ng
cyberbullying.
Narito ang ilan sa mga epekto ng
cyber bullying:
1. Mga senyales ng depresyon
2. Pag-inom ng alak
3. Pagliban o Pag-iwas sa pagpasok sa paaralan
4. Pagkakaroon ng mabababang marka sa
paaralan
5. Pagkawala ng ng tiwala sa sarili o mababang
self-esteem
6. Pagkakaroon ng problema sa kalusugan
7. Pagiging biktima ng harapang bullying
Ano na ba ang kalagayan ng
Cyberbullying sa Pilipinas?
Ayon sa ulat ng Google
Trends,ang ikaapat sa mga
bansa sa buong mundo kung
saan may pinakamaraming
naghanap ng impormasyon ukol
sa cyberbulying noong 2013
ay ang Pilipinas.
Sa sarbey na isinagawa ng
www.stopcyberbullying.org,ang sumusunod ang
isinasagawa ng mga nagiging biktima ng cyberbullying:

 36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-


bully niya
 34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangan ang
komunikasyon sa bully
 34% ang nagsabi sa mga kaibigan ukol sa pambu-
bully
 29% ang walang ginawang anuman ukol pambu-
bully
 28% ang nag-sign-offline
 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa
nangyayaring cyberbullying.
Ano ang Maaring Gawin ng Isang
Taong Nabiktima ng Cyberbullying?
Ipinayo ni Sonnie Santos,isang Eksperto sa
Cyberbulying ang pagsasagawa ng alinman sa
sumusunod depende sa sitwasyon o pangangailangan.
• Laging kunan ng screenshot ang mga nakasisirang mensahe
at i-save ito para magamit bilanhg ebidensiya o katibayan sa
ginawang pambu-bully.
• Ipaalam sa mga kapamilya ang mga pangyayari o pag-atake.
• I-report sa awtoridad tulad ng guro o guidance counselor
kung ang pambubu-bully ay nangyayari sa trabaho.
• I-report sa pamunuan ng social media ( tulad ng facebook o
twitter) ang nangyayari upang magawan nila ng karampatang
hakbang.
• Magpalit ng numero ng telepono
kung cell phone ang ginagamit
sa pa-atake o pambu-bully.
• I-deactivate ang lahat ng
social media account at huwag
munang mag-online
pansamantala.
• Sumangguni sa propesyonal na
tagapayo kung kinakailangan.
• Suportahan ang mga grupong nagla-lobby
para sa isang batas patungkol sa
cyberbullying o harassment para sa
lahat at hindi lang para sa kabataang
wala pa sa tamang gulang.
• Huwag basta manahimik at sa halip ay
magsuplong sa kinauukulan. Maaring
makipag-ugnayan sa National Bureau of
Investigation sa ccd@nbi.gov.ph o
tumawag sa telepono bilang 521-9208
local 3429 ( para sa hepe) 3497 ( para
sa mga kawani).
4. Mga Estilo sa
pagsulat,kagamitan/sangguniang
magtatampok sa mga bagay na
binibigyang-diin.
Makakatulong ito sa mas malawak na
pag-unawa sa binabasang tekstong
impormatibo ang paggamit ng ng mga
estilo o kagamitan/ sangguniang
magbibigay-diin sa mahahalagang
bahagi tulad ng sumusunod:
 Paggamit ng nakalarawang
representasyon
makakatulong ang paggamit ng
mga
larawan,guhit,dayagram,tsart,talah
ayan,time line, at iba pa upang
higit na mapalalim ang apg-unawa
ng mga mambabasa sa mga
tekstong impormatibo.
 Pagsulat ng mga
talasanggunian
karaniwang inilalagay ng mga
manunulat ng tekstong impormatibo
ang mga aklat,kagamitan,at iba pang
pang sangguniang ginamit upang
higit na mabigyang-diin ang
katotohanang naging basehan sa
mga impormasyong taglay nito.
 Pagbibigay-diin sa
mahahalagang salita sa teksto
nagagamit dito ang mga estilong
tulad ng pagsulat nang
nakadiin,nakahilis,nakasalungguhit,o
nalagyan ng panipi upang higit na
madaling makita o mapansin ang
mga salitang binibigyang-diin sa
babasahin.
MGA URI NG
TEKSTONG
IMPORMATIB
O
1. Paglalahad ng Totoong
Pangyayari/ Kasaysayan
 Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong
pangyayaring naganap sa isang panahon o
pagkakataon.
 ito ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa
isang mabisang panimula o introduksiyon.
 Kung ito ay isang balita,mababasa sa bahaging ito
ang pinakamahahalagang impormasyon tulad ng
kung sino,saan,kailan,at paano nangyari ang
inilalahad. Sinusundan ito ng iba pang detalyeng
nasa bahagi ng naman ng katawan,at karaniwang
nagtatapos sa isang konklusiyon.
2. Pag-uulat Impormasyon
 Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang
kaalaman o impormasyon patungkol sa
tao,hayop,iba pang bagay na nabubuhay at di
nabubuhay,gayundin sa mga pangyayari sa
paligid.
 Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay
ng teknolohiya,global warming,cyberbulyying,
mga hayop na malapit nang
maubos,impormasyong kaugnay ng mga
halaman,at iba pa.
3. Pagpapaliwanag
 Ito ang uri ng tekstong impormatibong
nagbibigay paliwanag kung paano o bakit
naganap ang isang bagay o pangyayari.
 Layunin nitong makita ng mambabasa mula
sa mga impormasyong nagsasaad kung
paano humantong ang paksa sa ganitong
kalagayan.
 Karaniwan itong ginagamitan ng mga
larawan,dayagram,o flowchart na may
kasamang mga paliwanag.

You might also like