Professional Documents
Culture Documents
Impormatibo
Ang Tekstong naratibo ay may mga elementong
kinabibilangan ng tauhan, tagpuan, suliranin, at
mahahalagang pangyayaring tulad ng simula,
kasukdulan, kakalasan, at wakas, ang Tekstong
impormatibo ay mayroon din mga element.
Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo
Layunin ng may-akda – maaring magkakaiba-iba ang layunin ng may-akda
sa pagsulat niya ng tekstong impormatibo. Maaring layunin niyang mapalawak
pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga pangyayaring
mahirap ipaliwanag; mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng
insekto; at iba pa. gayunpaman, anuman ang layunin ay mapapansing
kaugnay ito lagi ng pagbibigayo paglalahad ng impormasyon.
Cyberbullying
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng
teknolohiya, isang uri ng pambu-bully ang nabigyang-daan nito: ang
cyberbullying o pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe
ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging
sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan,
larawan, video, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpo-
post ng mga nakasisira at walang basehang komento; paggawa ng mga
pekeng account na maylayuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa
account ng iba upang magamit ang sariling account ng tao; at iba pang
uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya, ang mga ito’y
karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng
kapayapaan sa nagiging biktima nito.
Paano naiiba ang cyberbullying sa harapang
pambu-bully?
Napakalaking tulong ang naibibigay ng cellphone, tablet, computer, at
internet sa tao. Ang social media ay isa ring malaking biyaya lalo na kung
pakikipag-ugnayan sa napapalayong kapamilya o kaibigan ang pag-uusapan.
Ang internet ay isa sa pinakamahalagang kagamitansa ikadalawampu’t isang
siglo sapagkat sa pamamagitan nito’y “lumiliit” ang mundo. Napaglalapit nito
ang magkakalayong magkakapamilya, napupunan nito ang kasabikang
Makita at makausap ang isang minamahal, at nakatutulong ito upang
magawa ang maraming bagay tulad ng pagbili ng mga bagay-bagay, pag-a-
apply sa trabaho, paggawa ng transaksiyon sa bangko, at iba pa kahit ika’y
nasa bahay lamang at hindi na kailangang lumabas. Nakakatulong din ito
nang Malaki na paghahanap ng anumang impormasyong mahalaga sa tao.
Subalit sa kabilang banda, napadadali rin ng internet ang paggawa ng iba’t
ibang krimen, panloloko sa kapwa, at paggawa ng maraming hindi mabubuting
bagay tulad ng cyberbullying. Para sa isang biktima mas mahirap at mas matindi
ang cyber bullying kaysa sa harapang pambu-bully. Ang harapang pambu-bully
ay nangyayari sa isang lugar at isang panahon. Kapag hindi magkaharap ang
bully at ang biktima ay walang pambubully na nagaganap. Samantala, ang
cyberbullying ay maaaring mangyari nang 24/7. Ibig sabihin, kahit hindi
magkaharap ang biktima at ang bully, o kahit natutulog ang biktima, o nasa loob
ng kanilang tahanan, ang cyberbullying ay patuloy na nangyayari. Minsa’y
mahirap malaman o matrace kung sino ang nagpasimula ng pagpapakalt nito.
Kapag nai-post o naipadala na sa iba ang mga bagay na ito, napakahirap nang
mawala o mahinto ang pagkalat ng mga nakakasirang bagay sapagkat wala ng
control ang pag-post sa puwedeng gawin ng bawat makatanggap o makakita
ng kanyang post.
Epekto ng Cyberbullying.
Depresyon – ang sugat sa emosyon ay mas matindi pa kaysa pisikal na sugat, kapag
matindi ang emosyon na trauma dahil sa mga nakakasirang post sa internet, ang
biktima ay makararanas ng mga sintomas ng depresyon, tulad ng kawalan ng
ganang kumain pananakit sa sarili at pag-iisip na wakasan na ang sariling buhay.