You are on page 1of 13

TEKSTONG NARATIBO

TEKSTONG NARATIBO

 Ang tekstong naratibo o pasalaysay ay tumutukoy sa


tekstong naglalahad ng katotohanan o impormasyon
tungkol sa mga pangyayaring naganap, nagaganap o
magaganap pa lamang. Bagamat karaniwa’y katotohonan at
impormasyon ang nilalaman ng tekstong naratibo, maari rin
naman sumulat ng tekstong naratibo nagsasalaysay ng mga
pangyayaring pawing kathang-isip lamang
IBA’T IBANG PANANAW SA
TEKSTONG NARATIBO

 Unang Panauhan – sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang


nagsasalaysay ng mga bagay na kayang nararanasan, na aalala o
naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.

 Ikalawang Panauhan – dito mistulang kinakausap ng manunulat


ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng
mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito
gananong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pasalaysay.
 Ikatlong Panauhan- ang mga pangyayari sa pananaw a na ito ay
isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang
panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya.
TATLO URI NG IKATLONG
PANANAW

 Maladiyos na panauhan – nababatid niya ang galaw at iniisip ng


lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at
naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa
mambabasa.

 Limitadong Panauhan – nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng


isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
 Tagapag obserbang panauhan – hindi niya napapasok o nababatid
ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga
nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang
kanyang isinasalaysay.

 Kombinasyong Pananaw – Dito ay hindi lang iisa ang


tagapaypasalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang
nagagamit sa pag papasalaysay.
PARAAN NG
PAGPAPAHAYAG

 Direkta- sa gantong pagpapahayag ang tauhan ay direkta o


tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o
damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi.

 Di direkta – ang tagapagpasalaysay ang naglalahad sa sinasabi ,


iniisip, onararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag.
Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
ELEMENTO NG TEKSTONG
NARATIBO

 Tauhan
 Pangunahing Tauhan – sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga
pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan.
 Katunggaling Tauhan – ay siyang sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan.
 Kasamang Tauhan – Karaniwang kasama ng pangunahing tauhan.
 Ang may-akda – sinasabi ang bida at ang may akda ay lagi nang
magkasama sa kabuoan ng akda.
 Tauhang Bilog – isang tauhang may multidimensiyonal o maraming
saklaw ang personalidad.

 Tauhang Lapad – ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang


katangiang madaling matukoy o predictable.
 Tagpuan at panahon – ay tumutukoy indiu lang sa lugar kung saan
anaganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundiin sa panahon at
maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga
pangyayari tuladng kasayang dala ng pagdiriwng sa isang kaarawan,
takot na umiiral dahil sa malakas na hampas ng hangin at ulang dala
ng bagyo, romantikong paligid.
 Banghay – Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkasunod sunod ng mga
pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang linaw ang temang taglay ng
akda.
 (Orientation o introduction)
 (Problem)
 (Rising Action)
 (climax)
 (falling action)
 (ending)
 Analepsis ( Flashback ) – dito ipinapasok ang mga pangyayaring
naganap sa nakalipas.
 Prolepsis ( Flash – forward ) dito nama’y ipinapasok ang mga
pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
 Ellipsis – May mg apuwang o patlang sa pagkasunod sunod ng
mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na
tinanggal o hindi isinama.
PAKSA O TEMA

 Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa
tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuoan ng
akda upang mapalutang ng may akda ang pinakamahalagang
mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mambabasa.

You might also like