You are on page 1of 13

1 |D e l f i n a t L u d i v e s e

SENIOR HIGH SCHOOL

University of Bohol
Tagbilaran City

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO Pebrero 01-12,

SUBJECT DATES COVERED 2021
SA PANANALIKSIK
GRADE LEVEL 11 QUARTER First

PRELIMINARY – MODYUL 3

ARALIN 3 Tekstong Naratibo

PAMANTAYANG Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa
PANGNILALAMAN sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
PAMANTAYAN SA Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural
PAGGANAP at panlipunan sa bansa
PAKSA 1. Ang Tekstong Naratibo
2. Elemento ng Tekstong Naratibo
3. Iba’t Ibang Pananaw o Punto de Vista sa Tekstong Naratibo
4. Paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong Naratibo
KASANAYANG 1. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
PAMPAGKATUTO 2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa.
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto.

ANO ANG AKING ALAM?

SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA KATANUNGAN:
Pumili ng isa sa mga larawan na maiuugnay sa iyong karanasan. Isulat ang naging karanasan sa
mga patlang na makikita sa ibaba.

https://bit.ly/36Zx2dZ
https://bit.ly/3da3Dys

https://bit.ly/3ddOnkj

____________________________________________________________________

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020
2 |D e l f i n a t L u d i v e s e

STUDENT READINGS and CONCEPT BUILDING

Maituturing na isa sa mga libangan ng maraming Pilipino ang pagbabasa o pakikinig sa

kuwento. Likas din sa mga Pilipino ang pagiging makuwento. Bunga ito ng
napakayamang karanasan ng tao sa araw-araw na kaniyang pinapaksa sa mga
kuwento o istorya.

TEKSTONG NARATIBO

Ang Tekstong Naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa

isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang
may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.

Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na

pangyayari, totoo man o hindi. Maaaring ang salaysay ay personal na naranasan ng
nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang. Layuning din nitong
makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya.
Nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang
pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay
hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot
ng tagumpay.

Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya

lamang. Gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, o
kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo upang maging
malikhain ang katha.

▪ maikling kuwento

▪ nobela

▪ kuwentong-bayan

Halimbawa ng ▪ mitolohiya
Tekstong ▪ alamat
Naratibo
▪ pabula
▪ tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga
kuwento ng kababalaghan, anekdota, parabula
at iba pa. Iba’t ibang uri subalit may iisang
pagkakapareho: ang bawat isa’y nagkukuwento

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021

IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020
3 |D e l f i n a t L u d i v e s e

Iba’t Ibang Pananaw o Punto de Vista sa Tekstong Naratibo

Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga

pangyayari. Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay.
Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang UNA at IKATLONG panauhan.
Bihira lamang magamit ang IKALAWANG panauhan.

1. Unang Panauhan. Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga
bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit na panghalip
na AKO.

2. Ikalawang Panauhan. Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang

pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na KA o IKAW
subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang pagsasalaysay.

3. Ikatlong Panauhan. Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang

taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay SIYA. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa labas
siya ng mga pangyayari.

May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:

Maladiyos na panauhan
Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang
isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala
ng mga ito sa mga mambabasa.

Limitadong panauhan
Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba
pang tauhan.

Tagapag-obserbang panauhan
Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga
tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o
sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay.

4. Kombinasyong Pananaw o Paningin. Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay

kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan
itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa
mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat
kabanata.

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021

IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020
4 |D e l f i n a t L u d i v e s e

Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo

Mayroon itong dalawang paraan:

1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag

Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin,

o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang
taglay ng mga tauhan.

Halimbawa:

“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa
ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. “Aba’y
kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha?”

Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina.

Mula sa “Ang Kariton ni Donato”

2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag

Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa

ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi rin ginagamitan ng panipi.

Halimbawa:

Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at
hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda
ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak niya.

Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa kanilang kusina.

Mula sa “Ang Kariton ni Donato”

ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO

1. Tauhan

Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan
ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng tauhang magpapagalaw
sa tekstong naratibo.

DALAWANG PARAAN SA PAGPAPAKILALA NG TAUHAN:

a. Expository - kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa

pagkatao ng tauhan.

b. Dramatiko - naman kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o
pagpapahayag.

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021

IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020
5 |D e l f i n a t L u d i v e s e

ANG KARANIWANG TAUHAN SA MGA AKDANG NARATIBO AY ANG MGA SUMUSUNOD:

a. Pangunahing Tauhan
Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula
simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan.
Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang
gagampanan sa kabuoan ng akda.

b. Katunggaling Tauhan
Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga
tunggaliang nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa
kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan.

c. Kasamang Tauhan
Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang
kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin
niya ay sumuporta, magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing
tauhan.

d. Ang May-akda
Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang
magkasama sa kabuoan ng akda. Bagama’t ang namamayani lamang ay ang
kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.

Ayon kay E. M. Forster

May dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang tekstong naratibo tulad ng:

 Tauhang Bilog (Round Character)

Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.
Isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at
damdamin ayon sa pangangailangan. Ang isang tahimik at mapagtimping
tauhan, halimbawa, ay maaaring magalit at sumambulat kapag hinihingi ng
sitwasyon o pangyayari sa kuwento at pangangailangang magbago ang taglay
niyang katangian at lumutang ang nararapat na emosyon o damdamin.

 Tauhang Lapad (Flat Character)

Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling
matukoy o predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang
katauhan ang kanyang mga ikinikilos at maituturing na stereotype tulad ng
mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina, tin-edyer na hindi
sumusunod sa magulang, at iba pa. Karaniwang hindi nagbabago o nag-
iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng kuwento.

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021

IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020
6 |D e l f i n a t L u d i v e s e

2. Tagpuan at Panahon

Ang tagpuan ay hindi lamang tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang mga
pangyayari sa akda gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa
damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.

Halimbawa:

➢ kasayahang dala ng pagdiriwang sa isang kaarawan

➢ takot na umiiral dahil sa malakas na hampas ng hangin at ulang dala ng bagyo
➢ romantikong paligid sanhi ng maliwanag na buwang nakatunghay sa
magkasintahang naghahapunan sa isang hardin
➢ matinding pagod ng magsasakang nag-aararo sa ilalim ng tirik na tirik na araw
➢ kalungkutan ng pamilyang nakatunghay habang ibinababa sa kanyang huling
hantungan ang isang minamahal at iba pa

3. Banghay

Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga

tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.

Karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:

Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan

maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema
(orientation or introduction)

Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng

mga tauhan partikular ang pangunahing tauhan
(problem)

Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa

pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo
sa paglutas sa suliranin (rising action)

Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong

sa isang kasukdulan (climax)

Pababang pangyayri na humahantong sa isang

resolusyon o kakalasan (falling action)

Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas

(ending)

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021

IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020
7 |D e l f i n a t L u d i v e s e

Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas. May mga

akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachrony o mga pagsasalaysay
na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod.

Mauuri ito sa tatlo:

Analepsis (Flashback). Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa

nakalipas

Prolepsis (Flash-forward). Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring

magaganap pa lang sa hinaharap.

Ellipsis. May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.

4. Paksa o Tema

Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayri sa tekstong naratibo.
Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda
ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mambabasa. Dito rin
mahuhugot ang mga pagpapahalaga, mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang
pangkatauhang nagagamit sa mabuting pamumuhay at pakikisalamuha sa kapwa.

PAGHAHANDA PARA SA PAGSULAT NG TEKSTONG NARATIBO

Sa pagpaplano ng isusulat na tekstong naratibo, unang isipin kung ano ang

magiging paksa at layunin ng isusulat. Malinaw dapat kung paano magagamit ang
tekstong naratibo upang mapalutang ang layunin ng isusulat. Sunod ay piliin ang
itatampok na pangyayari sa pagsasalaysay. Hanapan ito ng kahalagahan o mga
bahaging kapupulutan ng bagong kaalaman o perspektiba. Kapag natukoy na ang
itatampok na pangyayari, isa-isahin ang mga detalye na bubuo rito kapag isinalaysay na.
Piliin kung alin sa mga pangyayari ang dapat bigyang-pansin sa pamamagitan ng
detalyadong pagsasalaysay at paglalarawan o paglalahad bilang isang tagpo, at kung
alin ang maaaring iwan na lang bilang buod.
Kung susulat ng kuwentong pampanitikan, kailangang sundin ang mga
kombensiyon at elemento sa pagsulat nito. Kung hindi naman, dapat pa rin itong
magkaroon ng tauhan, tagpuan, at banghay. Pinakamahalagang dapat isaalang-alang
ang banghay ng mga pangyayari. Maaaring gumamit ng iba-ibang teknik sa paglalahad
ng mga pangyayari (tulad ng pagbabalik-tanaw, pagsisimula sa gitna ng mga
pangyayari), basta madali pa ring matutukoy at malinaw ang mga sanhi at bunga ng mga
pangyayari na bubuo ng banghay. Maging organisado. Gamitin ang pagsasalaysay
bilang gabay na rin sa mambabasa tungo sa layunin ng isusulat na teksto.
Palaging isaisip ang mahusay na paggamit ng wika. Gumamit ng wasto at angkop
na mga salita. Isaalang-alang pa rin ang ugnayan ng mga ideya, ang diin, at kalinawan
ng mga pahayag o pangungusap.

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021

IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020
8 |D e l f i n a t L u d i v e s e

ASSESSING CONTENT

Topical Summative Test

I. PANUTO: Basahin ang kuwentong “Kami man ay anak din ng Diyos”

KAMI MAN AY ANAK DIN NG DIYOS

.

Ako nga pala si Klos Ap, oo, tama ka, yung panlinis ng ngipin na may iba’t ibang kulay.
Namangha kasi si nanay sa produktong ito nang minsang makita niya ang isang lalaking
nagmula sa Maynila na gamit ito, kaya hiningi niya. Nang matikman niya "masarap” daw, eh,
kasalukuyan akong ipinagbubuntis nang panahon yaon kaya ang sabi ni nanay ipapangalan
daw niya ito sa akin. Kaya eto ako ngayon. Lumipas ang maraming taon, dumating ang mga
kapatid kong si "Ginebra", "555", "Mongol”, “Laki Mi” at ang aming bunsong kapatid na si
"Argentina”. Idagdag mo na rin ang magkapatid na sina" Hokkaido" at Seiko, mga kalaro ko
silang tulad namin ay gayundin ang kuwento.
Naging palasak ang paggamit ng ganitong mga pangalan, lalo na noong panahong
pumutok ang Bulkang Pinatubo. Dumagsa ang mga rasyon ng pagkain na nuon pa lamang
namin nakita at natikman. Kaya naman tulad ni nanay na namangha sa unang pagtikim ay
naimpluwensiyahan na rin ang iba sa aming kaanib na gamitin ang mga pangalan na ito. Bago
pa man, naaalala ko pa, siguro mga walong taon pa lang ako noon, halos araw-araw ay
yumayanig ang lupa sa aming kinatatayuan, pero... noong araw na iyon ay, unti-unti...dahan-
dahan ...gumuho ang lupa at tuluyan pang nilamon ang dampa ni Ka Sentyuri ... sumunod ang
kay Ka Maling ... di nagtagal bigla na lamang may napakalaki at napakakapal na maitim na
usok ang pumailanlang sa kalangitan. Maya-maya pa'y sinakluban na ng dilim ang kalangitan
na wari gabi gayong kay aga pa noon. Palakas nang palakas ang lindol ...umaalingawngaw
ang mga hikbi at pagtangis...di magkamayaw ang paruo't parito ng mga tao tapos na ko ang
mga matatandang kalalakihan, una na si tatay, "Hindi tayo bababa, kahit na ano mangyari!”.
Subalit tila nagalit ang bulkan sa tinuran ni tatay...kalat na kalat na ang kadiliman. . .makapal na
ang mga puting pulbos na tumatabon sa aming kabahayan at sa abon sa aming kabahayan at
sa lansangan … nakatatakot na pag-ungol… nakabibinging pagputok at ang pag-ulan ng
buhangin napalitan ng nakapapasong bato. Nagkakagulo na ang lahat, pero wala pa ring
humpay ang paggalaw ng lupa, kung hindi pa ay patindi nang patindi ito ... lalong nagkagulo
ang aking mga kaanib. Ang kaninang pagmamatigas nilang huwag bumaba ay nilusaw ng
takot ... makikita sila nakikipag-unahan kay kamatayan sa pagbaba ng bulkan dahil sa
paparating na nag-aapoy likidong nagmula sa bunganga ng bulkan... narinig ko si itay ... kunin
ko raw ang aking kapatid na si Laki Mi at isama ang iba ko pang mga kapatid at si inay. Dagli-
dagli kong tinugon ang panawagan na iyon, habang pababa kami nilingon ko si itay kitang-kita
ko kung paano ito nilusaw kasama sina Hokkaido at Seiko at iba pa naming kaanib.

Sa ibaba ng bulkan, makikita ang dagsa-dagsang tao na noon ko lamang nakita. . .

Ibang-iba sila sa amin. Noon ko lang din nalaman na hindi lang kami ang mga taong nabubuhay.
Ayaw kasi ni tatay na bumaba kami, baka raw kunin kami at ibenta sa mga puti. Nagkaisip akong
tanim ang paalaala yaon. Malalaki ang mga katawan ng mga lalaking nakadamit na batik-batik
at may sukbit na baril. Takot na takot ako ... naisip ko ang paalaala ni itay...baka ibenta kami.
Inabot ng isang lalaki ang kamay ni inay at pilit isinakay sa isang sasakyan ... trak yata iyon.
Isinunod kami. Tulala pa rin si inay, pero makikita sa gilid ng kanyang mga mata ang luhang
nangingiming pumatak. Yakap-yakap ko si Laki Mi habang nasa tagiliran ko naman sina Ginebra,
555, at Mongol, nasa di kalayuan si inay. Naglulumikot ang aking mga mata sa pagtingin sa mga
tao at bagay na nilalampasan ng aming sinasakyan.

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021

IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020
9 |D e l f i n a t L u d i v e s e

Tumigil ang sasakyan sa isang lugar na may mataas na bubong at sementadong sahig.
Ang daming tao...ibinaba kami mula sa sasakyan at dinala sa isang bahagi ng lugar. Binigyan
kami ng kumot at damit na maisusuot. Dinamitan ko ang aking mga kapatid... pagkatapos ay
ako naman ang nagbihis... si nanay tahimik pa rin. Nilingon ko ang paligid at nagbakasakaling
makita ang aking mga kalaro at iba pang kaanib subalit iba ang tumambad sa akin. Hindi kulot
ang kanilang mga buhok at lalo namang di sunog ang kulay ng kanilang balat. Halu-halo kami
sa lugar na iyon. Maingay...magulo....
Maya-maya pa'y narinig ko ang isang malakas na tunog ng sirena ... nagtayuan...
nagtakbuhan ang mga tao... lumakas na ang sigawan. May sumisigaw “Nariyan na ang rasyon!"
ibig sabihin pala ay may pagkain. Hindi ako nakadama ng gutom ng mga sandaling yaon dahil
abala ang mga mata ko sa mga nangyayari ngunit nakita ko ang kalagayan ng aking mga
kapatid kaya nakipagsabayan na rin ako. Sumunod ako sa pila ng mga tao. Dama ko ang
matatalim na tingin nila sa akin ... ang ilan ay umiiwas para bang ayaw nila makalapit sa akin.
Nang malapit na ako sa unahan ay may biglang sumingit sa akin, itinulak akong palayo sa pila.
Wala akong magawa kaya umalis na lang ako at naghintay na mabigyan silang lahat. Lumapit
ako sa nag-aabot ng rasyon baka sakaling may natira pa. Iniabot sa akin ang isang biskwit at
isang lata na ang laman ay di ko alam. Nagpasalamat na lang ako at bumalik sa aming lugar.
Agad kong pinaghati-hati ang biskwit para sa aking mga kapatid at kay inay. Itinago ko yung
isang lata. Iginala ko ang aking mata sa katabi naming pamilya ... nakita kong inilalabas mula sa
plastik ng rasyon ang mga bagay na pamilyar sa akin tulad ng 555, Sentyuri, Hokkaido, Laki Mi at
ilang kilong bigas. Napalunok na lamang ako sa aking nakita.
Sabi ng malaking lalaking may sukbit na baril ay pansamantala lamang kami doon kasi
ililipat daw kami sa kabilang bayan kung saan naroon daw ang iba naming kaanib. Nabuhayan
ako ng pag-asa sa tinuran yaon ng lalaki. Ilang gabi ang lumipas at patuloy ko pa rin hinihintay
ang araw na pagdadala sa amin. Wala pa rin sa katinuan si inay ngunit tila lumalaki ang kanyang
tiyan. Tatayo ako at tatakbo sa tuwing maririnig ko ang ugong ng trak na dapat magdadala sa
amin. Isang araw, dumating ang aking hinihintay... nag-ayos kami ng aming mga sarili, isinilid ko
na rin ang ilang latang naipon ko.
Gayon na lamang ang aking tuwa nang marating namin ang lugar. Sa wakas naramdaman ko
ang tunay kong mundo. Nakita ko roon ang aking mga kalaro tulad nina Ligo, Pepsi at kapatid
nitong si Mirinda. Ang lahat ng naroroon ay kapwa kulot ang buhok at may sunog na balat. Dito
na isinilang ni inay si Argentina. Dito ko na rin nakilala ang aking matalik na kaibigan na si Kolgeyt
na sa kalaunan ay naging kabiyak ko.
Hindi na kami inilipat pa...wala ng trak na magdadala pa sa amin. Wala na rin ang tunog
ng sirena na naghuhudyat na parating na rasyon. Wala ng ingay. Wala ng gulo. Wala na rin ang
mga maharlikang taong noon ay kasama naming nagpapapiktyur at buong galak na bumibitbit
sa mga batang katutubo. Tahimik na ang bulkan ngunit narito pa rin kami. Ginamit kami at
nagpaggamit. Oo, marumi man kaming tignan...subalit malinis naman ang aming kalooban, sa
mata ng Diyos kami ay tao pa rin. Isa lang ang tinitiyak ko, ang mga anak kong sina "Amihan at
Daluyong" ay hindi matutulad sa amin.

II. PANUTO: Sagutin at ipaliwanag sa pamamagitan ng dalawang (2) pangungusap lamang

ang sumusunod na mga tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan ang taglay niyang

katangian.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021

IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020
10 |D e l f i n a t L u d i v e s e

2. Bakit kinakailangang lisanin ng pangunahing tauhan at kanyang mga kasamahan

ang lugar?
________________________________________________________________________________

3. Ano ang hindi magandang pangyayari ang dinanas ng pangunahing tauhan sa

lugar na pinagdadalhan sa kanila?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga isyung panlipunan ang tinalakay sa kuwento?

_________________________________________________________________________

III. PANUTO: Pun an ang mga bahagi ng balangkas ng maikling kwento.

KASUKDULAN:

KAKALASAN:

WAKAS:
TAUHAN:

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021

IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020
11 |D e l f i n a t L u d i v e s e

GENERALIZING CONCEPTS

ANO ANG AKING NATUTUNAN:

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang tekstong naratibo? Ano ang layunin nito?

2. Ano-ano ang mga elemento ng tekstong naratibo? Bigyang paliwanag
ang bawat elemento.
3. Ano ang kaibahan ng analepsis at prolepsis?
4. Magbigay ng ilang halimbawa ng tekstong nagsasalaysay.
5. Paghambingin ang tauhang bilog at tauhang lapad gamit ang Venn
diagram.

MGA NATUTUNAN KO!

Isulat dito ang mga bagong kaalaman na napulot mo mula sa aralin.

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021

IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020
12 |D e l f i n a t L u d i v e s e

SELF LEARNING CHECKLIST

ACHIEVED – NOT ACHIEVED
✓ CHECK TEACHER’s REMARKS
TARGETS MARK
MARK X

1. Naipaliliwanag ang mga kaisipang

nakapaloob sa tekstong binasa.
2. Natutukoy ang kahulugan at
katangian ng mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t ibang uri
ng tekstong binasa.
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng
iba’t ibang uri ng teksto.

TEACHER’s REMARKS
FORMATIVE-SUMMATIVE ASSESSMENTS ACHIEVED – NOT ACHIEVED

Natapos ko ba ang lahat ng mga

gawain?

(Did I accomplish all activities in the class

work?)
Nakuha ko ba ang 75-100% na
puntos sa summative assessment?

(Did I get 75-100% score in the summative

assessment?)
Nagawa ko ba ang lahat ng
performance tasks na ibinigay?

(Did I accomplish all performance tasks?)

BILANG ISANG UBIAN, PAANO MO MAGAGAMIT ANG KATANGIAN NG

TEKSTONG NARATIBO SA PAGPAPARATING NG MAHAHALAGANG MENSAHE SA
MAMBABASA??

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021

IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020
13 |D e l f i n a t L u d i v e s e

Listahan ng mga Sanggunian

Alma, D. at del Rosario, M. G. (2017). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Phoenix Publishing House, Inc.

Asuncion, A. at Mendoza, E. (2017). Tan-aw: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. ABIVA Publishing House, Inc.

Atanacio, H., Lingat, Y., at Morales, R. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. C & E Publishing, Inc.

Aurelio, R., Dungo, C., Geronimo, D., Lucas, N., Pesigan, N., Ravina, E., Salvador, M. A.,
Tiongson, R.M., at Zafra, R. B. (2017). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik at Sulating Akademiko. MaxCor Publishing House, Inc.

Bandril, L., Villanueva, V., Bautista, A., at Palmes, D. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. VIBAL Group, Inc.

De Laza, C. at Batnag A. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik. Rex Book Store, Inc.

Black & White Illustrated NYC Wallpaper Mural. (n.d.). [Image]. https://bit.ly/3da3Dys

Drawing with friends at Painting Valley. (2013). [Image]. https://bit.ly/3ddOnkj

Family Night. (n.d.). [Image]. https://bit.ly/36Zx2dZ

UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2020-2021

IGH SCHOOL: A vibrant University High School nurturing lives for a great future. Fulfilling pre-university experiences. SY 2019-2020

You might also like