You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
TAPINAC SENIOR HIGH SCHOOL
Donor St., East Tapinac, Olongapo City, Zambales
Learning Activity Sheet
Pagbasa at Pananaliksik ng iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Kasanayang pampagkatuto na matatagpuan s


Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36).
Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa (F11PS-IIb-91)

Tuklasin
Sagutan ang ilang katanungan sa ibaba kaugnay ng mga akdang nabasa mo.

1. Ano ang paborito mong maikling kuwento?


_______________________________________________________________________
2. Ano ang paborito mong pabula?
_______________________________________________________________________
3. Ano ang paborito mong Alamat?
_______________________________________________________________________
Ang maikling kuwento, pabula,Alamat at Nobela ay ilan sa mga halimbawa ng tekstong naratibo. Batay sa
nalaman mo tungkol sa mga akdang ito anong pagpapakahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong
naratibo?______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
_________________________________________
Suriin

Tekstong Naratibo
Ito ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at
panahono sa isang tagpuannang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan
Pangunahingn layunin ng ganitong teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyyayaring nakapanlilibang o
nakapagbibigay - aliw o saya sa mga mambabasa.
Mga katangian ng tekstong naratibo
1. May iba’t ibang pananaw o Punto de vista (Point of view) sa Terkstong naratibo. Sa pagsasalaysay o
pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang ginagamit ng manunulat na
paningin o pananaw pagsasalaysay. Ang karaniwang ginagamit sa pangsasalaysay ang ang Una at ikatlong
panauhan bihirang bihira gamitin ang ikalawang panauhan.

Unang tauhan
Sa pananaw na ito isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang naranasan, kaya gumagamit
ng panghalip na Ako.

Pangalawang panauhan
Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng
panghalip na Ka o ikaw.
Pangatlong panauhan
Ang pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip
na ginagamit at siya.Ang tagapagsalaysay ay taga pagobserba lang at6 nasa labas siya ng pangyayari.
Kombinasyong pananaw
Dito ay hindi lang isa ang nagsasalaysay kayat iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa paslaysay.
2. May paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdsamin sa Tekstong Naratibo
May dalawang paraan kung paano inilalahad o ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang diyalogo,saloobin, at damdamin.
Direkta o tuwirang pagpapahayag
Sa ganitong uri ng pagpapahayag ang tauhan ang direktang o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang
diyalog, saloobin o damdamin.
Halimbawa: Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo. Wika ni Pilandok.
Talaga mas malakas pa sa akin tugon naman ni baboy ramo.

Di direktang o Di tuwirang pagpapahayag


Ang taga pagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng
pagpapahayag hindi na ito ginagamitan ng panipi.

Halimbawa: Takot na takot si Pilandok dahil alam niya na sa isang sagpang lang sa kanya ay magkakalasog lasog
ang kanyang katawan.

3. May mga elemento ang tekstong naratibo

Ang isang katangian taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwentuhan kaya naman taglay ng mga ito ang
mahahalagang elementong lalong magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay aral na pagsasalaysay.
Sa mga elementong ito rin makikita kung paano naihahabi o pumapasok ang mga tekstong deskripto.
1. Tauhan
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dani at bilang ng tauhan ay dapat umayon
sa pangangailangan.

a. Pangunahing tauhan
Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula sa simula
hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan.
b. Katunggaling tauhan
Ito ay ang kontrabidang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.

Dalawang uri ng tauhan

A. Tauhang bilog
Isang tauhang nagbabago ang paguugali o tinatawag na multidimentional. Tulad ng isang tunay na
katauhan nagbabago ang kanya pananaw, katanguan at paguugali.

B. Tauhang lapad
Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dalawang katangian madaling matukoy.

2.Tagpuan at panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar o kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayun din
sa panahon (oras, Petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran.

3.Banghay
Ito ang tawag sa maayos na daloy ng pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.Ito ay
nahahati sa tatlong bahagi ( simula,gitna at wakas)

4.Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo.

Pagyamanin

Gawain 1. Batay sa iyong sariling pang-unawa, ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod: Gumamit ka ng hiwalay na
sagutang papel.

Salita Kahulugan

Tauhang bilog
Tauhang lapad
Banghay
Paksa
Unang panauhan

Gawain 2
1. Ang ang tekstong naratibo?
2. Ano ang Banghay at mga bahagi nito?
3. Ano ang pagkakaiba ng tuwirang pagpapahayag at di tuwirang pagpapahayag?
4. Ano ang pagkakaiba ng unang panauhan sa ikalawang panauhan?
5. Ano angnkahalagahan ng tagpuan at panahon sa isang teksto?
Isaisip

1. Ano ang ibigsabihin ng pahayag na ito. Lahat ng piksyon ay naratibo ngunit di lahat ng naratibo ay piksyon.
2. Ano ang nararamdaman mo kung nakakabasa ka ng isang tekstong naratibo? Halimbawa ay ang Talambuhay.

Isagawa
Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong sa talahanayan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

Ang kwento ni Saki


(Isinulat ni Charlie M. Mendigorin)

Sa isang maliit na barangay ng tapinac bayan ng Olongapo nakatira ang dalagang si Saki. Siya’y isang junior high
school student sa kalalaki national high school. Isang masipag at responsableng estudyante si Saki, ngunit dahil sa
pagiging mapag-isa hindi sya nagkaroon ng kahit isang kaibigan. Isang weirdo ang tingin ng kanyang mga kamag-aral sa
kanya sapagkat siya ay hindi marunong manamit ng maayos at hindi marunong mag ayos ng sarili. Nagpatuloy ang
ganitong tingin ng kanyang mga kamag-aaral, hanggang sila ay makapag tapos ng junior highschool. Dahil sa trato ng
kanyang mga kamag-aaral sa kanya, naisipang lumipat ng eskwelahan ni Saki matapos ang kanilang graduation upang
makapagsimulang muli. Nangako siya sa kanyang sarili na hindi na mauulit ang mapapait na naranasan nya noong sya ay
junior highschool pa lamang “Mag-uumpisa na ako mag-ayos ng aking sarili upang hindi ko na maranasan ulit ang mga
masasamang karanasan na iyon.” wika ni Saki sa kanyang sarili. Simula noon ay natututo na siyang mag-ayos ng kanyang
sarili,maglagay ng make up at manamit ng maayos.
Setembre, 7, 2022 unang araw ng pasukan, ito ang unang araw niya bilang isang senior high school student sa
Tapinac Senior High School. Habang siya ay papasok sa paaralan ay tila kulog na dumadagundong ang kanyang dibdib sa
lakas ng kaba na baka maranasan niyang muli ang mabully, mapagtawana at matukso.Ngunit kabaliktaran ng kanyang
iniisip ang nangyari.Sa pagpasok niya sa silid aralan at bilang tumahimik ang maingay na klase at nagtinginan ang mga
studyante at sila’y nagbulangan sa kadahilanang siya ang pinakamagandang babae sa kanilang silid aralan; napakaganda
naman ng babaeng ito sana katabi ko siya mahinang wika ng isang mag-aaral.
Nangmatapos ang klase, marami ang nagsilapitan kay Saki upang makipag kaibigan, at ito naman ay ikanyang
ikinagalak. Ito ang unang beses nyang maranasan na may makikipag kaibigan sa kanya. Habang naglalakad si Saki pauwi
ay may lumapit na isang makisig na lalaki na nag ngangalang Tims. “Maari ko bang samahan kung saan patungo ang isang
napakagandang dilag sa aking harapan?” wika ni Tims kay Saki. Napuno naman ng galak at tuwa si Saki sa kadahilanang
ito ang unang beses na nakatanggap sya ng mga magagandang papuri. Agad namang pumayag si Saki kay Tims.
Kinalaunan ay nagkaroon sila ng relasyon at dito nagsimulang magbago ang lahat. Tutol ang mga magulang ni Saki sa
relasyon nila ni Tims, dahil napapansin ng magulang niya na walang maidudulot na maganda sa kanya si Tims.Ngunit
nabulag na sa pag-ibig si Saki, at napabayaan nya ang kanyang pag aaral. Isa nga talagang masamang impluwensya si
Tims kay Saki, sapagkat hinahayaan lang nito na mag cutting classes siya upang magkita lamang sila.Nag patuloy ang
ganitong gawain nila at kinalaunan ay napariwara na si Saki. Natuto siyang magsugal, mag inom ng alak, at manigarilyo at
naging arugante at pasaway na studyante.Ang lahat ng ito ay hindi alam ng kanyang mga magulang. Ang mga gawaing ito
ay ipinagpatuloy lang ni Saki, at dumating ang araw na nalaman ito ng kanyang mga magulang.Anak layuan mo yang
lalaking iyan ,walang maidudulot na maganda sayo si Tims tingnan mo nasisira ang buhay mo nang dahil sa kanya; wika ng
ama niya sa kanya. Tila walang pinakikinggan na si Saki at ito ay lumayas sa kanilang tahanan, walang ibang maisip na
tutuluyan kundi kay Tims. Ngunit hindi niya makontak si Tims dahil nagpalit na ito ng phone number.Nagpalaboy-laboy siya
sa lansangan at dito napagtanto niya na mali ang kanyang pinaggagawa.
Bumalik si Saki sa kanyang mga magulang at humingi ng tawad sa lahat ng kanyang mga ginawang kamalian at
pagsuway sa kanila.Nakaluhod habang umiiyak na nangako sa kanyang mga magulang na sya ay magbabago at makikinig
na sa kanilang mga payo at tutuparin ang pangakong makapagtapos ng pagaaral.At buong puso namang tinanggap siya ng
kanyang mga magulang.
At simula noon ay nagpatuloy ang magagandang nangyari sa buhay ni Saki, katuwang ang kanyang mga magulang
siya ay nakapagtapos sa Senior high school at pinagpatuloy ang kanyang pagaaral sa kolehiyo sa mataas na paaral ng
Gordon College at nakatapos ng kursong Psychologiest.

Para kay Saki, ang pinakamahalagang aral na kanyang natutunan ay alam ng mga magulang kung anong makabubuti para
sa atin kaya kailangan nating irespeto ang kanilang mga payo at mga desisyon. Natutunan din ni niya na huwag basta
bastang magtiwala sa taong di mo pa lubos na nakikilala sapagkat ito ay maaaring makasira ng sariling buhay at huwag
sumuko sa mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Kung tayo ay nadapa,muli tayong bumangon na taas nuo.

Pagtataya
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Saan nakatira si Saki?
A. Brgy Tapinac C. Lungsod ng Olongapoi
B. Brgy Kalalaki D. Gordon College
2. Saan paarala nakatapos si saki ng Junior High school?
A. Kalalaki national high school C. Gordon college
B. Tapinac Senior High school D. longsod ng olonggapo
3. Ano ang tingin kay Saki ng kanyang mga kamag-aaral noong siya ay nasa junior high school pa lamang?
A. Masipag na mag-aaral C. Magandang Babae
B. Weirdo D. Matalino
4. Sino ang dahilan bakit napariwara si Saki?
A. Ang kanyang mga kaklase C. Dahil kay Tims.
B. Mahigpit ang kanyang mga magulang D. Dahil bumagsak siya sa klase.
5. Naging magandang impluwensiya ba si Tims Kay Saki?
A. Hindi dahil natutuo siyang magbisyo
B. Oo, dahil maraming bagay siyang naranasan D. Oo, Oo, dahil Nakita niya ang kasiyana
C. Oo. Dahil dumami ang kanyang mga kaibigan pagkasama niya ito
6. Bakit nagsilapitan ang mga kamagaaral ni saki sa kanya?
A. Dahil sa kanyang taglay na kagandahan C. Siya mabait at tahimik na magaaral
B. Siya ay weirdo D. Sa kanyang bisyo
7. Anong kurso ang tinapos ni Saki sa Kolehiyo?
A. Guro
B. Psychologist
C. Engineering
D. Doktor

8. Anung katangiang ng mga magulang ni Saki ang ipinakita sa kuwento?


A. Makasarili
B. Pabaya
C. Palasumbat
D. Mapagmahal

9. Ano ang ipinangako ni Saki a kanyang sarili bago siya pumasok sa Senior High School?
A. Hindi na siya makakaranas ng panglalait
B. Matututo na siyang lumaban
C. Mag-aaral ng Mabuti
D. Makakapagtapos ng pag-aaral

10. Ano ang napagtanto ni Saki sa kanyang buhay habang siya nagpalaboy laboy sa lansangan?
A. Mali ang kanyang mga ginawa C. Hindi siya mahalk ni Tims
B. Tama ang kanyang ginawa D. Pinabayaan siya ng kanyang mga magulang

Mga Katanungan Mga Kasagutan

1. Tungkol saan ang nilalaman ng teksto?

2. Anong katangian ang mayroon kay Saki na hindi karapat-


dapat?

3. Anong aral ang nais iparating ng teksto sa mambabasa?

4. Paghambingin ang mahalagang pangyayari na naganap


teksto sa kasalukuyan?
Karagdagang Gawain
Panuto: Suriin ang katangian at kalikasan ng binasang tekstong naratibo, Ang kuwento ni Saki.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Siya ba ay tauhang bilog o lapad? Patunayan ang sagot.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

2. May kasamang tauhan din ba sa akda? Kung mayroon sino siya, Bilog ba o lapad ang kanyang pagkatao.
Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Inihandi ni:

Charlie Mendigorin
Teacher I

Binasang Nilalaman:

Anna Rose C. Ramos


Subject Head, HUMSS Language

You might also like