You are on page 1of 10

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG

TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK-YUNIT I


Tekstong Naratibo
Linggo 4 at 5
Barobo District I
Division of Surigao del Sur
Learning Resource Management Section

PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


3rd Quarter – Week 4 hanggang 5
Competency:
1. Nakakakuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat. (F11EP –
IIId-36)
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig.(F11PB-IIId-99)
3. Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. .(F11PS-IIIf-92)

Layunin: Pagkatapos ng isang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


1. Nakikilala ang kahulugan ng tekstong naratibo at kaligiran nito.
2. Natutukoy ang katangian at elemento ng tekstong naratibo sa pamamagitan ng graphic
organizer.
3. Nakabubuo ng isang sulat pagpapahalaga sariling pananaw gamit angmga bahagi ng Tekstong
Argumentatibo.

Iskedyul Mga Gawain Sanggunian/


Mapagkukunan
Araw 1 GAWAIN 1. Sagutin ang mga katanungan ukol sa paksa :
TEKSTONG NARATIBO Sumangguni sa
enclosure 1
1. Ano ang Tekstong naratibo ? Sa paanong paraan
ito naiba sa isang tekstong impormatibo?
2. Bakit maituturing na naratibo maging ang mga
akdang di-piksyon katulad ng talambuhay?
3. Bakit sinasabing bahagi ng pang-araw -araw na
buhay ang naratibong pagsasalaysay? Sa anong
pangyayari ito nagaganap?

Araw 2 GAWAIN 2.
Buuin ang graphic organizer at tukuyin kung
anong katangian at elemento ng tekstong naratibo ang
ginamit sa tekstong binasa na ALAMAT NG LITSON.

Araw 3 GAWAIN 3.
Paksa: Tekstong Argumento

Panuto: Pagbibigay kahalagahan sa ang iyong sariling pananaw


sa pamamagitan ng pagsulat ng iyong posisyon sa tanong na:
Sumasang-ayon ka ba sa pagpapasara sa himpilang ABS-CBN?
Araw 4 Sariling Pagmamarka sa lahat ng gawain (guided by parents or
learning facilitators)
Susi ng Pagwawasto

Gawain 1 – Nasa guro na ang Pagbibigay ng Marka


Gawain 2 - Nasa guro na ang Pagbibigay ng Marka
Gawain 3- Nasa guro na ang Pagbibigay ng Marka

MGA AKLAT

Atanacio, Heide C., Yolanda S. Lingat, and Rita D. Morales. 2016. Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C & E Publishing Inc.
.
Bandril, Lolita T., Voltaire M. Villanueva, Alma T. Bautista, and Diana F. Palmes. 2016.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon
City: Vibal Group Inc.
Alma M. Dayag , Mary Grace G. Del Rosario , Pinagyamang Pluma ,Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, Quezon City, Phoenix Publishing
House,Inc.2016, pages 49-68
Santos, Angelina et al, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.105
Engineering Road, Aranita University Village, Potrero, Malabon City: Mutya Publishing
House,Inc.2016
Dayag,Alma M.at Mary Grace G. del Rosario Pinagyamang Pluma11.Quezon City: Phoenix Publishing
House, 2016
MGA WEBSITE

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2 Fpin
%2F216806169534475762%2F&psig=AOvVaw1gKP2AYkCe0fQ_O0Z5JUop&us
t=1590571124801000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLCtpamZ0ek
CFQAAAAAdAAAAABAO
http://wikangtagalog.blogspot.com/2018/05/ALAMAT-NG-LITSON.html#
"TEKSTONG ARGUMENTATIB.Pptx - TEKSTONG ARGUMENTATIB Ang Tekstong
Argumentativ Ay Isang Uri Ng Teksto Na Naglalahad Ng Mga Kaisipan,Ng Pangangatwiran
O". Coursehero.Com, 2020. Nakuha noong Hunyo 1, 2020. Mula sa:https://bit.ly/2XQeLcx

"Tekstong Argumentatibo". Scribd,nakuha noong Hunyo 1,2020, mula sa


https://www.scribd.com/document/331398709/Tekstong-Argumentatibo.
"EDITORYAL - Martial Law". Philstar.Com, 2020. https://bit.ly/2XNwgud
Kapitolyohs.Files.Wordpress.Com, 2020. https://bit.ly/36WJMQs
Filipino, Guro, Guro Filipino, and View profile. "ARALIN 4: Gamit Ng Panandang
Diskurso". Gurosafilipino.Blogspot.Com, 2020. https://bit.ly/2TYaz9v
"TEKSTONG ARGUMENTATIBO". Prezi.Com, 2020.https://bit.ly/2XOOzPx
TEKSTONG NARATIBO

Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari


sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan na
may maayos na pagkasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan.
MGA LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO:
1. Magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari.
2. Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakalilibang o nakapagbibigay-aliw at
saya.
3. Makapagturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral.
MGA HALIMBAWA:
1. Maikling kuwento
2. Nobela
3. Kuwentong-bayan
4. Mitolohiya
5. Alamat
6. Tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan,
anekdota, parabula, science fiction

PANGKALAHATANG KATANGIANG TAGLAY NG BAWAT


URI NG TEKSTONG NARATIBO

A.May Iba’t Ibang Pananaw O Punto De


Vista (Point Of View) sa Tekstong
Naratibo

1.Unang Panauhan- sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay


ng mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit
ng panghalip na ako.

2.Ikalawang Panauhan- dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang


pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o
ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga
manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
3.Ikatlong Panauhan- ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay
ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit
niya sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay taga-
obserba lang at nasa labas siya sa mga pangyayari. May tatlong uri
ang ganitong uri ng pananaw:
A. Maladiyos na panauhan- nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat
ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at
naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga
mambabasa.
`B. Limitadong panauhan- nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa
sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
C. Tagapag-obserbang panauhan- hindi niya napapasok o nababatid
ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita
o naririnig niyang pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kaniyang
isinalaysay.
4. Kombinasyong Pananaw o Paningin- dito ay hindi lang iisa ang
tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga
pangyayari ay sumasakop ng mas mahabang panahon at mas maraming tauhan
ang naipakikilala sa bawat kabanata.
B.May Paraan ng Pagpapahayag o Paglalahad ng mga Tauhan sa Kanilang Diyalogo,
Saloobin, at Damdamin sa Tekstong Naratibo

1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag - ang tauhan ay direkta o tuwirang


nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito
ay ginagamitan ng panipi.
Hal: “Donato, kakain na ,Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y
abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina
sa kanyang kinalalagyan, “Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak!
Ay ano ba talaga ang balak mo, ha? ”

2. Di-Direkta o Di-Tuwirang Pagpapahayag – ang tagapagsalaysay ang


naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri
ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
Hal: Tinatawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain habang ito’y abalang-abala
sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang
kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya
kung ano ba talaga ang balak niya.

C.May Mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo

1. Tauhan - ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang


pangangailangan lamang ang maaaring magtakda nito.
 Paraan Sa Pagpapakilala Ng Tauhan
o Expository - ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o
maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at
o Dramatiko - kusang mabubunyag ang karakter dahil sa
kaniyang pagkilos o pagpapahayag
 Karaniwang Tauhan
o Pangunahing Tauhan – bida; umiikot ang mga pangayayari
sa kuwento simula hanggang sa katapusan
o Kasamang Tauhan - karaniwang kasama o kasangga ng
pangunahing tauhan
o Katunggaling Tauhan – kontrabida; siyang sumasalungat o
kalaban ng pangunahing tauhan
o Ang May-akda - sa likod ay laging nakasubaybay ang
kamalayan ng makapangyarihang awtor.
 Dalawang Uri ng Tauhan ayon kay E. M., Froster
o Tauhang Bilog (Round Character)- Isang tauhang may multi-
dimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.
o Tauhang Lapad (Flat Character) - tauhang nagtataglay ng
iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable.
2. Tagpuan at Panahon - tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ng
mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at
maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga
pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang, takot, romantikong
paligid, matinding pagod, kalungkutan at iba pa.
3. Banghay - maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga
tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
 Karaniwang Banghay o Balangkas ng isang Naratibo
o Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakilala
ang mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation or introduction)
o Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan
partikular na ang pangunahing tauhan (problem)
o Pagkakaroon ng saglit ng kasiglahang hahantong sa pagpapakita
ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin
(rising action)
o Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humantong sa isang
kasukdulan (climax)
o Pababang pangyayari na humantong sa isang resolusyon o
kakalasan (falling action)
o Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)
 Anachrony O Mga Pagsasalaysay Na Hindi Nakaayos Sa Tamang
Pagkakasunod-Sunod
o Analepsis (Flashback) - dito ipinapasok ang mga pangyayaring
naganap sa nakalipas.
o Prolepsis (Flash-forward) - dito nama’y ipinapasok ang mga
pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
o Ellipsis- may mga nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay
na tinanggal o hindi isinama.
4. Paksa o Tema - sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa
tekstong naratibo

TEKSTONG BASEHAN PARA SA GAWAIN 2.


Basahin ang halimbawa ng tekstong naratibo at sagutin ang tanong sa ukol sa paksa.

ALAMAT NG LITSON
Noong panahon na bata pa ang sibilisasyon, ang magkauring tao ay
namumuhay ng sama-sama sa isang tribu. May isang pamayanan ng mga Intsik na
namumuhay ng masaya at mapayapa.

Ang bawat isa sa kanila ay nagtutulungan at nagbibigayan. Makikita mo sa


kanila ang kasipagan. Ang pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop ang pangunahing
hanapbuhay ng mga intsik sa pamayanang iyon.
Bawat pamilya ay nagtatanim ng iba't ibang uri ng gulay, gayundin ang pag-
aalaga ng iba't-ibang uri ng hayop tulad ng baka, manok at baboy. Ang mga intsik ay
mahilig sa baboy kaya minabuti nilang mag-alaga ng maraming baboy.
Hanggang sa dumating ang araw na ang tribu ay napuno ng maraming baboy.
Napagkaisahan ng kanilang pinuno na gumawa ng malaking kulungan at pagsama-
samahin ang mqa alagang baboy.
Isang araw, nasira ang kulungan. Maraming baboy ang nakatakas at tumakbo
palayo. Nagkagulo ang mga tao sa nakawalang mga alaga.
Sa pagmamadaling iyon, isang ginang ang nakaiwan ng kanyang lutuin na
lumikha ng sunog sa buong tribu. Kasama sa naabo ay ang mga naiwan pang baboy.
Nanlumo ang mga tao ng magbalik sa kanilang tribu.
Naging abo ang kanilang mga tahanan. Wala kahit ano man, liban sa mga
nahuli nilang baboy.
Maya-maya'y may naamoy sila, isang napakasarap na amoy. Sinundan nila ang
pinagmulan ng amoy at namangha ang lahat nang malaman nila na sa nasunog na
baboy pala galing ang katakam-takam na amoy.
May isang matabang babae ang hindi nakapagpigil. Kumurot ito ng kapirasong
balat at laman ng nasunog na baboy. Ganoon na lang ang kanyang katuwaan ng
matikman niya ang napakalinamnam na lasa nito. Nahikayat din ang iba at tumikim,
hanggang ang bawat isa ay kumakain na. Ang mga tao sa tribung iyon ay naging
masayang muli.Ipinagbili nila sa ibang tribu ang mga baboy na nasunog. Simula noon,
ang pagbebenta na ng lutong baboy ang malakas na pinagkakakitaan ng pera para sa
mga Intsik.
Di nagtagal, lalo pang umasenso ang tribu. Salamat sa nasunog na baboy.
Hanggang ngayon ayon sa marami, hindi raw kumpleto ang handaan kapag
walang nakahain na LITSON.

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Pinahahalagahan ng tekstong argumentatibo ang paglalahad ng katotohanan


mula sa balidong datos na nakuha o nabasa. May mga isyu na minsan kulang ang
ating kaalaman ngunit isang paraan upang makakuha ng sapat na impormasyon
hinggil dito ay ang pagpili ng mga babasahin na may kaugnayan sa paksa. Huwag din
kalimutang isaalang-alang ang kredibilidad ng awtor kung malinaw bang nailahad ang
kanyang mga pananaw at maaaring mapagkakatiwalaan ang kanyang isinulat. Ang
tekstong argumentatibo ay naglalayong kumbinsihin ang mambabasa ngunit hindi
lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat kundi pati na rin sa mga
datos o mga impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng
pangungumbinsi-ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang
logos. Upang makumbinsi ang mga mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga
argumento, katwiran, at ebidensiya na nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto.
Ang empirikal na pananaliksik naman ay tumutukoy sa pangongolekta ng mga datos
sa pamamagitan ng pakikipagpanayam, sarbey at eksperimento.

MGA BAHAGI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Mayroong mahahalagang bahagi ang tesktong argumentatibo tulad din ng ibang


pormal na sulatin. Bawat bahagi nito ay magkakaugnay upang higit na maging matibay
ang pangangatwiran. Ito ay kinapapalooban ng panimula, gitna o katawan at
konklusyon.
Panimula Ang panimula ay kinakailangang mapanghikayat, nilalahad dito ang
thesis statement kung saan binabanggit ng manunulat ang pangunahing paksang
tatalakayin.
Gitna o Katawan Inilalahad sa bahaging ito ang mga opinyon o pananaw ng
manunulat kaugnay sa paksang tinatalakay at inihahanay batay sa mga datos na
ilalahad. Mahalagang malawak ang kaalaman ng manunulat sa paksang tinatalakay.
Konklusyon Inilalatag ng sumulat ang kanyang kabuuang pananaw ukol sa
pinag-uusapang paksa. Kinakailangang maging matibay ang konklusyong binuo ng
manunulat na nakabatay sa mga nabanggit na datos sa katawan ng teksto.
III- PERFORMANCE TASK
(Authentic)
Directions: Magsaliksik at gamitin ang paraang tekstong Naratibo kung paano
gumawa ng “HOMEMADE CHANDELIER O KAKAIBANG CHANDELIER NA
DECORASYON PWEDE NATIVE MATERIALS O MALIKHAING PAGKAGAWA ”.
 Magtanong, manood sa telebisyon, sa radio, dyaryo, magazine at sa internet
(youtube, facebook at iba pa. kung paano makagawa ngkakaibang
indigenous “HOMEMADE CHANDELIER O KAKAIBANG CHANDELIER NA
DECORASYON PWEDE NATIVE MATERIALS O MALIKHAING PAGKAGAWA
”.
 BUMUO NG PANGKAT SA NASABING PERFORMANCE TASK. DAPAT AY
TATLONG MEMBRO SA BAWAT PANGKAT.
 Pagkatapos makakuha ng impormatibo at naratibo ay gawin o gumawa na
ng kakaibang “HOMEMADE CHANDELIER O KAKAIBANG CHANDELIER NA
DECORASYON PWEDE NATIVE MATERIALS O MALIKHAING PAGKAGAWA
”. Dapat ay kakaiba sa lahat na may pagkamalikhain gawa.
 Pagkatapos ay videohan ito at ipapaliwanag kung saan mo natutunan o
nakukuha ang ganitong impormasyon gamit ang tekstong naratibo sa
ginawang kakaibang “HOMEMADE CHANDELIER O KAKAIBANG
CHANDELIER NA DECORASYON PWEDE NATIVE MATERIALS O
MALIKHAING PAGKAGAWA ”. Pagkatapos ipasa ito sa facebook messenger
ng guro.

Pamaraan ng Pagmamarka sa pagsusumite ng video

4-natugunan ng higit sa inaasahan/mahusay/natatangi


3-kompleto/malinaw/natugunan ang inaasahan/pangkaraniwan
2-may ilang kakulangan/hindi gaanong malinaw/hindi gaanong napaghandaan
1-maraming kakulangan/hindi malinaw/hindi napaghandaan

Kategorya Pamantayan 4 3 2 1

Organisasyon • Lohikal na inilahad ang mga kaisipan at


naratibo ayon sa pagkakasunod-sunod.

• Mabisang inilahad ang mga kaisipan:


simula, katawan, at pagwawakas ng ulat.

Mansahe/ • persuweysi, makabuluhan sa paksa at


Kabuuang mailalapat sa tunay na buhay.
naibahagi

Kasanayan • May kahandaan at lubos ang kaalaman sa


paksa.
• Mabisang paggamit ng wika.

Presentasyon • Nailahad ang pinakamahalagang saligan,


layunin, kahalagahan, at suliranin ng pag-
aaral.
• Nailarawan ang angkop na metodolohiya sa
pangangalap ng datos.

Kabuuan:
PAGKATAPOS:

 Ipasama at ipagsumite ang ginawang kakaibang “HOMEMADE


CHANDELIER O KAKAIBANG CHANDELIER NA DECORASYON
PWEDE NATIVE MATERIALS O MALIKHAING PAGKAGAWA ”.sa guro.
 DAPAT IPASA ANG GINAGAWANG “HOMEMADE CHANDELIER O
KAKAIBANG CHANDELIER NA DECORASYON PWEDE NATIVE
MATERIALS O MALIKHAING PAGKAGAWA ” sa guro UPANG
MABIGYAN NG KAUKULANG PUNTOS.
 DAPAT MAGANDA AT KAAYA AYANG PAGGAWA NG “HOMEMADE
CHANDELIER O KAKAIBANG CHANDELIER NA DECORASYON
PWEDE NATIVE MATERIALS O MALIKHAING PAGKAGAWA ”.

Pamaraan ng Pagmamarka sa ginawang kakaibang “TREE HOUSE


MINIATURE MAKE OF INDIGENOUS MATERIALS”.

Mga Batayan Katampatang Nakuha


Marka

Pagkamalikhain o kakaiba ang pagkagawa 25%


“HOMEMADE CHANDELIER O KAKAIBANG
CHANDELIER NA DECORASYON PWEDE NATIVE
MATERIALS O MALIKHAING PAGKAGAWA ”.

Pagiging Orihinal o sariling ideya 0 gawa ng 10%


“HOMEMADE CHANDELIER O KAKAIBANG
CHANDELIER NA DECORASYON PWEDE NATIVE
MATERIALS O MALIKHAING PAGKAGAWA ”.

Kalinisan ng paggawa ng “HOMEMADE 10%


CHANDELIER O KAKAIBANG CHANDELIER NA
DECORASYON PWEDE NATIVE MATERIALS O
MALIKHAING PAGKAGAWA ”.

Naisumite sa takdang oras ang “HOMEMADE 5%


CHANDELIER O KAKAIBANG CHANDELIER NA
DECORASYON PWEDE NATIVE MATERIALS O
MALIKHAING PAGKAGAWA ”.

Total 50%

“Laging Alalahanin magtiwala sa ating sariling kakayahan, do your best and GOD
will do the rest”
-Sir SAZ-

You might also like